webnovel

Biktima

Nakangiti ng buong tamis ang grupo ni Miles pero makikita sa mata na may nakatagong ibang meaning ang sinabi ni Pam.

Na gets agad ito ng mga kausap kaya ngumisi ang mga ito.

"Kawawang Eunice!"

Sarkastikong sabi ng isa.

"Hmp! deserve nya yun ang bad bad nya! Nagpapanggap lang syang mabait sa harapan ni Jeremy Pero evil witch sya!".

"Buti pa si Ms. Miles mabait saka hindi doble kara katulad ng tabachoy na yun! Hindi lang face ang makapal pati balat!"

"Huwag kang magaalala Ms. Miles, alam namin na ikaw ang true love ni Jeremy at kahit ano pa yang evil spell na ilagay ng tabatchoy na yan kay Jeremy, maalis ito ng true love nya sayo!"

"Kaya huwag kang susuko Ms. Miles kakampi mo kami!"

Kunwari naiiyak si Miles at malungkot.

"Huwag kayong magaalala, okey lang ako!"

Nakangiti nitong sabi pero maluha luha ang mata.

Awang awa sila kay Miles.

"Kasalanan ito ng tabachoy na yun! Nakakagigil sya!"

"Naku huwag kayong magisip ng ganyan kay Eunice, baka may makarinig sa inyo isipin nila binubully nyo sya!"

Sabi ni Brenda na puno ng pag aalala ang mukha.

"Hmp! Sya nga po ang bully! Pilit nyang inaagaw si Jeremy kay Ms. Miles! Sino ba sya!"

"Masyado kasing mabait at gentleman si Jeremy kaya siguro hindi nya nakikita ang masamang ugali ng Eunice na yun!"

"Huwag kayong magalala Ms. Miles, tutulungan ka namin maipakita ang totoong ugali ng bruhang Eunice na yan!"

At umaalis na ang mga ito.

Nang malayo na.

Nangisi ang apat.

"Mga uto uto!"

"Hahaha!"

Nang dumating sila Jeremy at Eunice sa lobby ng school, napatigil si Eunice.

Magkahiwalay kasi ang direksyon ng classroom nila. Pakaliwa si Jeremy at pakanan naman si Eunice.

Huminto ito para kunin na ang bag nya na dala ni Jeremy.

Nagtaka si Jeremy sa biglang paghinto nito.

"Bakit?"

Tanong nito kay Eunice.

"Yung bag ko!"

Sagot nya.

Napansin nyang hindi binibitiwan ni Jeremy ang kamay nya.

'Paano ko ba sasabihin sa kanya na kailangan ko na ang kamay ko?'

Mukhang natunugan ni Jeremy ang iniisip nya.

Nginitian sya nito at saka lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ni Eunice.

"Tara na!"

"A..anong ..."

Sabay hatak nito kay Eunice.

'Ibig bang sabihin nito ihahatid nya ko sa classroom ko?'

Napakagat labi si Eunice sabay kawit ng buhok nya sa likod ng tenga.

Napansin ito ni Jeremy

'She's so adorable!'

Sa classroom nila Eunice.

Kanina pa natataranta sa paghahanda ng trap ang mga classmates nyang girls para sa kanya at ang mga boys naman ay masayang nanood sa pinag gagawa nila.

Kanina pa nila ginagawa ito. Isang dosenang itlog minix nila with 1bottle ng patis.

Ibubuhos nila sa ulo ni Eunice pagpasok nito ng pinto ng classroom.

Nakapwesto na ang tabo na tinali nila. Mayroon hook doon sa tapat ng pinto dahil ginagamit nila iyon sa dekorasyon pag pasko.

Doon nila pinadaan ang tali at ang dulo nito ay nasa isang girl na nasa likod nagaabang sa signal ng isa pa nyang classmate. Hindi sya nito pwedeng makita para hindi makahalata si Eunice.

Ang plano ay pag pasok ni Eunice sa pinto, pipigilan sya ng isang kaklase nya tapos sisigaw ito ng si Jeremy, Si Jeremy!

Yun ang go signal na pwede na nyang bitawan ang tali na hawak nya para mahulog ito sa mismong ulo ni Eunice.

Naka ready na ang lahat. Naka plan na rin ang mop at water na may soap at conditioner para hindi maamoy ng teacher.

Inaantay na lang nila si Eunice.

Sa mga oras na ito ay magka holding hands na naglalakad si Jeremy at Eunice.

"Uyy! Si Jeremy may girlfriend na!"

Panunukso ng isang ka team nya sa basketball na nakasalubong nila.

Ngumiti lang ito.

Pero si Eunice ay hindi malaman ang gagawin. Nalilito sya kung bakit hindi nito kino correct ang nanunukso.

Pagdating sa tapat ng pinto. Nagulat sya sa reaksyon ng mga tao doon.

Parang nakangiti sila pero mapang inis ang mga ngiti.

Binuksan nya ang pinto.

"Eunice!"

Biglang sigaw ng kaklase nya na ikinagulat nya.

Nagdadalawang isip tuloy sya kung papasok ba o hindi. May naamoy syang hindi maganda na naka paskil sa mukha nila.

Saka andito pa sa labas si Jeremy. Aantayin muna nya itong makaalis bago sya pumasok.

"Yung bag ko!"

Sabay turo ni Eunice sa bag nyang kanina pa nakasukbit sa balikat ni Jeremy.

Binaba nito ang bag nya ngunit nagulat na lang ito ng biglang pumasok sa pinto.

"Si Jeremy!"

"Si Jeremy!"

Nang madinig ito ng may hawak ng lubid agad nitong binitiwan iyon at nahulog ang tabo sa ulo ni Jeremy.

Lahat sila na shock ng makitang si Jeremy ang naging biktima ng ginawa nila imbis na si Eunice.

Pati si Eunice ay na shock din at hindi nakakibo sa labas ng pinto.

Ang tanging tuwang tuwa at humahagalpak ng tawa ay ang may hawak ng lubid kanina ngunit namutla ito ng makitang si Jeremy ang maging biktima nya.

"Anong nangyayari dito?!"

Tanong ni Teacher Erica.