webnovel

10 minutes and 5 seconds

Natapos ni Eunice ang exam sa loob ng 10.5 minutes. 12 minutes kasama na ang paglalakad nya bago makarating sa waiting room kaya nagulat ang lahat ng kaklase nya ng makita sya, lalo na si Patricia na sinundan ni Eunice.

Nagsisimula pa lang itong magbida sa ginawa nya sa loob.

"Wow Patricia, ang bilis mo naman! Ikaw na ang pinakamabilis sa lahat ng natapos dito!"

Malakas na sabi ng friend nyang si Eva.

Buong ngiti naman si Patricia at feeling proud ng madinig nyang sya ang pinakamabilis na lumabas.

"Haaay naku ang galing mo talaga Patricia!"

Pumapalakpak pang sabi ni Olga isa din sa kaibigan ni Patricia.

"Ako nga akala ko hindi ko sya matatapos, dami kong hindi nasagutan, ang hirap kaya! Siguro ikaw sisiw lang sa'yo ang mga question, ang bilis mo kasi!"

Sabi ng kasama nyang si Eva

"Wala yun Eva, hindi naman sya ganun kahirap! Hehe!"

Sabi ni Patricia

Hindi nya masabing nahirapan din sya at may mga hindi rin sya natapos na sagutan dahil nakakahiya.

Sa totoo lang hindi talaga sya nagaral. Hindi na nya kailangan dahil napagaralan na kasi nya at kabisado na nya ang buong lesson nila ng prelim kaya confident na sya na masasagutan nya lahat.

Ngunit hindi nya inaasahan na may mga tanong na nagmula sa new lesson, wala tuloy syang masagot dahil ang tanging nasa isip lang nya ay makalabas ng mas maaga para matalo nya si Eunice lalo na sa bilis nitong sumagot.

"As a matter of fact, natagalan pa nga ako sa time ko, dapat mas maaga pa ako kaso na confuse ako sa ibang mga tanong!"

Hindi pa sya tapos magsalita ng.....

"Eunice!"

Bulalas ni Freddie na napatayo at nakangiti pa.

Nagulat si Patricia ng makitang papalabas si Eunice at palapit sa kanila.

"Te-Teka, nag exam ka ba?"

Gulat na tanong ni Patricia sa padating na si Eunice.

"Hmm mm!"

Tanging sagot ni Eunice sa kanya at nilagpasan lang sya.

Nangiti ang lahat ng makita nila si Eunice.

"Haaay, akala ko sasakit ang tenga ko sa pakakapakinig sa litanya ni Ms. Valedictorian, buti lumabas ka agad, Eunice! Hehe!"

Napasibangot si Patricia.

'Sinira na naman nya ang moment ko. Hmp!'

Ang tinutukoy ni Patricia na moment nya na maipagyabang ang ginawa nyang pagsagot kanina sa naganap na oral at written exam.

'Totoo kayang nag exam sya? Sobrang bilis naman! Iba kasi feeling ko, parang hindi sya nag exam! Hmmm?'

At dahil sa may mga score na ang mga teacher palabas pa lang sila ng room, hindi na pinatagal ng mga ito ang pagaantay ng mga bata. Pinabalik na sila lahat sa loob ng examination room.

"Sasabihin namin sa inyo ngayon ang resulta ng examination na naganap!"

Sabi ni Prof. Alex

Kinakabahan man excited pa rin ang lahat.

"Pagkabigay namin sa inyo ng results sana naman tanggapin ninyo ito ng maayos dahil kayo din naman ang may gawa kaya ganyan ang resulta nyo!"

"Isa isa kong babanggitin ang name nyo according sa number na nabunot nyo!"

Isa isang tinawag ni Prof. Alex ang may ari ng papel.

Pinagmamasdan ni Patricia ang lahat at kita nya ang ngiti sa bawat nakakatanggap.

May mga hindi makapaniwala dahil tumaas ang score nila kesa sa naunang exam.

Meron ding naiyak dahil alam nilang bagsak ang nakuha nilang score nung una pero ngayon ay sobrang taas, sobra pa sa inaasahan nila.

Lahat sila masaya at puno ng pasasalamat na nakatingin kay Eunice.

Excited na si Patricia. Masaya ang lahat dahil mataas ang nakuha nila kaya sure nya na maganda rin ang kalalabasan ng score nya.

'Di hamak naman na mas magaling ako sa kanila kaya tyak mas maganda ang grades ko!'

Nakataas ang kilay nya.

"Number 24!"

Buong ngiting tinanggap ni Patricia ang test paper nya, pero agad itong nabura ng makitang mababa ang score nya, malaki ang ibinaba, sobrang laki!

'Huh! To-Totoo ba 'to?!'

Namumutla sya at nginginig ang mga kamay nya.

'A-Akin ba talaga ang test paper na 'to?!'

Nagsusumigaw ang damdamin nya, gusto nyang magprotesta pero hindi nya magawa dahil ayaw nyang malaman ng lahat ang score nya.

'Hindi.... Hindi maari ito!'

"....and lastly, Ms. Perdigoñez!"

Buong ngiting ibinigay ni Prof. Alex ang test paper nya.

"Congratulation Ms. Perdigoñez, ikaw pa rin ang nag number one!"

Pinag kumpulan ng lahat si Eunice, gusto nilang makita kung ano ang naging score nito.

Ni hindi nya pa halos nahahawakan ang test paper nya ng may humablot na.

"WOW! Perfect score!"

Mas lalong tumindi ang nararamdaman ni Patricia ng madinig na si Eunice ang number one at perfect score ang nakuha nya.

'Papano nangyari yun?'

Hindi matanggap ng isip nya ang nangyari. Kita naman kasi ng lahat na wala pang 30 minutes sa loob ng examination room si Eunice.

"Sir, teka po?"

"Yes, Ms. Roldan?"

"Kasi po Sir, halos magkasunod lang kami ni Eunice, nag exam po ba talaga sya?"

"Well yes Ms. Roldan, nag exam sya at natapos nya ang examination sa loob ng ...."

Nagtungo ito sa table nya para tingnan ang timer.

"... 10 minutes and 5 seconds!"