webnovel

My Amazing Girl

Dale17 · 现实
分數不夠
23 Chs

CHAPTER 9 - THE PROMISE

Lhianne POV

Kinakabahan si Lhianne at hindi mapalagay sa kanyang kinauupuan habang nakatitig sa umiinom na ginang na nasa harapan nya.

Iba ang pakiramdam nya sa tahanan na iyon. Parang familiar sa kanya ang lugar na ito at hindi nya maalala kung kailan sya nakapunta rito.

"So Keira, your name is beautiful as much as your face. Mas maganda ka pa kay Bea. Model ka rin ba? Hindi kasi kita nakikita sa mga pinapalabas nila Dale." Medyo may pagkamadaldal pala ito. Umiling naman sya sa sagot nito.

"Hindi po. Actually Im his personal Bo-" ooooppss! Napatigil sya sa kanyang sasabihin.

Pakilala nga pala sa kanya ni Dale is girlfriend kaya hindi nya dapat sabihin na personal bodyguard sya.

"Nevermind, I met him with my cousin. Pinsan ko po ang model sa company ni Dale." Napa-Oh naman ang bibig nito.

"Sino?" Interesado nitong tanung.

"His name is Lloyd" napatango-tango ito at muling uminom.

"Oh really! Lloyd you mean? That beautiful man? OMG! I'm his fan. Thats why." Kinikilig nitong banggit.

Lihim naman na napaikot ang kanyang mata sa tinuran nito.

"Ahm.. what do you mean po?" Tanung nya rito nang may halong pagtataka.

"That's why you're beautiful." Napatango tango ito.

Bigla naman syang tinawag ng kalikasan. Hindi na sya mapakali.

"Thank you tita Pamela. If you'll excuse me. May I go to the restroom?" Saad nya rito.

Napaayos ito ng upo at tinuro ang direction kung saan ang restroom.

"No problem. There you go straight on that way then turn left. I'll be waiting for you."

Madali syang tumayo at sinundan ang tinuro nitong direction. Madali rin nya itong natunton.

Nang makapasok sya sa restroom ay nakahinga sya ng malalim at umupo sa bowl.

Nakakakaba pa rin ang makipag-usap at baka madulas lang sya sa kanyang sasabihin pero hindi naman sya nagsinungaling dito dahil pinsan naman talaga nya si Lloyd na nagwowork sa company ni Dale. No need to tell her the other details.

Lalabas na sana sya pero may familiar syang boses na narinig. Tinapos na nya ang ginagawa nya at unting binuksan ang pinto ng restroom.

Nanlaki ang mata nya ng malinaw na makita nya ang itsura ng kanyang ama. Anung ginagawa nito dito? Dahan-dahan nyang sinara ang pinto at hinintay na umalis ang mga ito.

"Honey sa labas na lang tayo mag-cr mukhang matagal pa yung tao jan." Rinig nyang saad ng kanyang ina?? Pati ang kanyang ina nandito? Anung ginagawa ng mga ito dito? Bumilis ang tibok ng puso nya.

"Okey honey! Sige alis na tayo, kailangan na nating makita ang anak natin." Rinig nyang Sagot ng kanyang ama. Whaaat??? Hinahanap na nila ako. Hindi na kami dapat magtagal pa dito. Anu kayang sadya ng mga ito dito?

May isang bumbilya na umilaw sa kanyang isipan at bigla syang nainis sa isip.

Pati ba naman si Mr. Drake binebentahan pa nila ng real estate? May nabiktima na naman sila sa pagiging competitive nila. Napailing na lang sya.

Sigurado hinahanap nila ako para mabentahan ko ang daddy ni Dale ng insurance. Ay nako wala na talaga sa isip nila ang kahalagahan ng anak nila puro na lang sila pera. Napaikot na lang ang mata nya.

Napansin nyang wala ng nagsasalita at mukhang wala na ang mga ito pero kailangan nyang maniguro dahil baka paglabas nya nandito pa rin ang mga ito.

Wala syang ibang naiisip kundi gamitin ang huli nyang alas. Kinumpas nya ang kanyang kamay at huminto ang oras.

Lumabas sya ng restroom at nakita nyang wala na nga ang mga magulang nya at nakita nyang nakatigil ang ginang na nagbabasa ng magazine, napansin din nya ang patakbong katulong sa labas hawak ang plastik ng basura.

Natawa sya sa naisip. Tiningnan nya ang itaas. Umakyat sya ng dahan dahan.

Napatigil sya sa isang nakaawang na pinto at nakarinig sya ng parang umiiyak.

Nakita nyang nakahandusay ang isang matandang lalake. Nanlaki ang mata nya at tumakbo papunta sa lalakeng halos magwala sa galit.

Hindi nya nakita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanya. Niyakap nya ito mula sa likod nito.

Napansin nya ang gulat nito. Napaluhod ito at binitawan ang lalake.

"Tama na Dale! Halika na! Uwe na tayo!" Mahina nyang sabi dito.

Kumalma ito at humarap sa kanya para yumakap sa kanya ng mahigpit. May unting bigla sa kanyang katawan pero kumalma rin sya ng maramdaman ang paghagulhol nito.

Anu kayang nangyare dito? Bakit sila nagkaganito? Bakit ganito na lang ang galit nito. Nagawa nitong saktan ang ama nito.

"Don't leave me." Para itong bata na humahagulhol sa kanya.

Nararamdaman nya na basa na ang kanyang likuran pero wala syang pakialam. Inalo nya ito. Hinawakan nya ang likuran nito.

"I will never leave you! I'll be your forever safe haven." Bulong nya sa tenga nito.

Napaharap ito sa kanya at hinawakan nito ang magkabila niyang braso at nadurog ang puso nya ng makita ang lalakeng ito. Parang hindi nya kaya na makitang nasasaktan ito, at nahihirapan ito. Napipiga ang puso nya rito.

"Promise?" Tanung nito sa kanya.

Pinunasan nya ang mukha nito. Kumuha sya ng tissue at pinunasan ng dahan dahan ang mga pawis at luha nito sa mukha. Nawala man ang postura nito ay napakagwapo pa rin ng mukha nito. Tumango sya sa sinabi nito.

"Promise?" Ulit nitong tanung at inilahad sa kanya ang pinky finger nito.

Natawa sya ginawad nito. Para itong bata na nakapout face pa habang nakaharap sa kanya.

"Why are you laughing?" Kumunot ang noo nito. Ang cute talaga nito.

"Yes! I promise!" Sagot nito sa kanya and they do a Pinky Promise katulad sa korean nobela na napapanuod nya dati.

Nang makapag-pinky promise sila ay yumakap muli ito sa kanya. Nang aakma itong hahalik sa kanya ay pinitik nya ang noo nito.

"Ouch!" Sapo nito sa noo.

Hinalikan naman nya ang noo nito. Saglit na napatitig ito sa kanya at ngumiti ito.

Lumambot ang puso nya dito. Sana lagi na lang itong nakangiti.

"Lets go?" Tumayo sya at inilahad ang kamay niya dito.

Tumayo ito at inilagay nya ang braso nito sa balikat nya at ang kamay niya ay nasa bewang nito.

Nakahinto pa rin ang oras. Nang makalabas na sila at makasakay na sa sasakyan, dumeretso na sya sa driver seat at ito naman sa passenger seat.

Kinumpas nya ang kanyang kamay hudyat na bumalik na sa normal ang lahat.

"Thank you Keira! You save me from killing my own father" napalingon lang sya ng saglit ng marinig ang sinabi nito at tumuon na muli ang mga mata sa kalsada.

"Actually hindi ko alam na ginagawa mo na pala sa daddy mo yun. Ginamit ko lang yun dahil may some familiar face lang akong nakita." Di pa sya handang sabihin dito na nakita nya ang kanyang mga magulang sa bahay nito.

"You know what! He doesn't care about my life. About his son. Until now nakatuon pa rin ang mind nya sa fiancee ko raw na nawawala." Nakita nya sa rear view mirror na nakakalumbaba ito at nakatingin sa labas.

Hinayaan lang nilang nakabukas ang bintana ng sasakyan para maramdaman nila ang hanging humahalik sa kanilang mga mukha.

"I feel you, Dale. Just like my parents. They always want money and winning. Im just their tools. Kaya nga ayoko ng umuwe dito sa Batangas eh but still I'm here." Napatawa sya ng mapakla sa naisip.

"I'm sorry. May gusto lang kasi akong iclarify. And now malinaw na sakin ang lahat." Naramdaman nya ang malalim na hininga nito.

"Magiging okey din ang lahat. Don't say sorry for that. I should be with you wherever you are. Its my job." Nakangiti nyang sagot dito.

"Yeah! Its gonna be alright. And I know it will always be. Kapag kasama kita. Im feeling so safe and secured." Parang hinaplos ang puso nya sa mga sinabi nito.

Pinabilis na nya ang pagpapatakbo ng sasakyan para mas maramdaman ang sariwang hangin humahalik sa kanila at mawala pansamantala ang mga sakit at sugat na iniwan sa kanila ng kanilang mga magulang.

Isa lang ang nais nya sa araw na ito ang mapasaya ang lalakeng ito. Hindi na nya gusto pang makita ang paghihirap ng lalakeng ito. Hindi nya alam pero simula ng makita nya ang lalakeng umiiyak ay merong umusbong sa puso nya na hindi lamang protektahan ang buhay nito kundi protektahan din ang puso nito.

From the Author:

Maraming Salamat po sa mga patuloy na sumusubaybay sa Story ng MAG (My Amazing Girl).

Salamat po sa mga nag-aadd nito sa kanilang list. I didn't expect po na may magkakagusto magbasa ng aking novel nung una passion ko lang po talaga at masaya ako kapag nakakapagsulat ako pero mas masaya pala kapag may ibang nagbabasa ng gawa mo. Mas ginaganahan ako gumawa. Sapat na siguro ang iadd sa list. Masayang masaya na po ako dun. Bonus na lang siguro ang boto at comment. Hehe. 😁 At para makabawe, I promise na pagbubutihan ko pa po ang paggawa ko sa kwentong ito.

It only base on my thoughts and imaginations.

When I write I always put all my emotions here.

Hopefully matapos ko po na satisfying ang story na ito sa inyo.

Kayo po ang aking inspirasyon. Syempre kapag may naimagine ulit ako hindi ko pinatatagal at sinusulat ko ulit dito.

Hopefully magustuhan nyo po ang nangyayare na kina Keira and Dale. Marami pa pong kaabang-abang na kwento sa buhay nila.

Love you all guys. Keep safe and Godbless!😗