webnovel

My Air to breathe

Pareho lang kayo Yra! Kung ikaw ay nagising sa kama ng iba, siya naman ay nagising na may kasamang iba!

Anne_ter17 · 现代言情
分數不夠
101 Chs

Chapter 9 His anger

"Wag mo syang titigan" nakakunot ang noo ni Jion "Seloso ako."

Hahaha, biglang nagtawanan ang tatlong lalaki sa paligid nila.

"huh?" napamaang siya dito.

"Wag mo daw titigan si Vince kase ayaw ni boss na may tumititig sa kanya." Si Minjy iyon.

"Ganon ba!" baling niya dito "bat di mo sinabi kaagad. Doon muna tayo sa table na yon at ng makapagpahinga muna kayo." Iginiya ni Yra ang mga ito sa bakanteng table malapit sa mini stage ng celebrant.

"Ibigay muna natin ang regalo namin sa kapatid mo." Wika ni Juno.

Nagsilapit ang mga ito kay Sabrina at isa isang nagsibati ng maligayang kaarawan sa dalaga, hindi naman makapaniwala ang kapatid niya sa nakikita, lalo na ang pagtitig nito kay Vince.

"Para kang prinsipe!" habang napakalawak ng ngiti sa labi nito.

"Talaga! Then, you are my Princess!." At muli ay pinalabas nito ang trade mark nitong Box smile.

"Okey! Tama na yang pambobolang yan! magsiupo muna kayo at ng maituloy ko ang program!" awat ni Heshi kay Vince.

"Honey, I miss you!" niyakap muna ito bago hinalikan ni Juno.

Nagpatiuna si Yra sa kalapit na table at sumunod naman sa kanya ang apat na binata. Like a true gentleman ipinaghila siya ni Jion ng upuan at sa tabi rin niya ito naupo.

Nagserve naman kaagad ng pikapika ang waiter sa table nila. Maya maya pa ay lumapit sa kanila ang kanyang ina.

"Excuse me sa inyo," bigla naman nagsitayu ang apat na binata at binati ang kanyang ina. "tawag ka ng tatay mo, gusto ka daw niyang makausap sandali." Saad ng kanyang ina Makahulugan ang tingin nito sa kanya. "Mga hijo, hihiramin ko muna si Yra sa inyo sandali ha. Enjoy lang kayo dyan." Iniwan na sila nito.

Nagpaaalam siya sa mga ito at nagtungo sa direksyon ng kanyang ama, maski paano ay may hinala na siya kung bakit siya ipinatawag nito.

"Sinong mga bisita mo anak?" kaagad ay tanong ni mang Hener sa kanya.

"Mga kaibigan po namin tay, Yun pong isa ay boyfriend ni Heshi." Paliwanag naman niya sa ama.

"Aba! ay naririto si Winston bakit hindi mo siya isama sa grupo ninyo?" sabi pa nito.

"Ho?" napadilat ang kanyang mga mata, di maintindihan ni Yra ang isasagot sa kanyang ama.

"Oo nga naman hija, dapat ay isama mo si Winston sa table ninyo ng makilala naman niya ang mga bisita mo." Segunda naman ng tiyuhin niyang katabi ni Winston.

Napakamot si Yra sa kanyang batok, "Halika, lipat tayo don sa table nila." Wala na syang magawa kundi ang isama ito sa pwesto nila. Kaagad naman itong tumayo at sumama sa kanya.

"Upo ka," isinenyas ni Yra ang katabing upuan habang nakamasid lang ang apat na binata.

"Guys, I want you to meet Winston," pakilala niya dito.

"So you must be the Ex boyfriend." Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Yra ng ilahad ni Jeon ang kamay nito kay Winston. "I am Jion, I'm Yra's-"

"Juno's younger brother." Agaw niya sa sasabihin nito.

Napatingin sa kanya si Jion " He is my Frie-"

"His new boy bestfriend." Ito naman ang tumapos sa sasabihin niya, sya naman ang napitingin dito.

"JM here! Im Yra's Friend" ani naman ni Minjy

"Vince, pare!" itinaas nman nito ang isang kamay, hudyat para

bitiwan ng dalawang lalaki ang kamay ng bawat isa.

Uupo na sana si Yra ng hawakan sya ni Winston sa siko. "we need to talk." At iginiya siya nito palabas, hindi na siya nakapagmaalam sa mga lalaking kasama nila sa table, sumama

nalang si Yra kay Winston bago palumala ang sitwasyon.

"He is the reason why you broke up with me isn't he?" matalim ang tinging ibinibigay sa kanya ni Winston. "answer me?" at lalo pa nitong hinigpitan ang hawak sa braso niya ng makalayo sila

sa bahay nila, dinala siya nito sa may likurang bahagi ng sasakyan nito.

"Hindi sya Winston, ikaw!" habang pilit siyang kumakawala sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanya. "ang mga bagay na ginagawa mo sa tuwing hindi tayo magkasama. Napakadami mong girlfriend, sabay sabay kami! Anong akala mo hindi pa ako magigising sa katotohanang niloloko mo lang ako?."

"baby hindi yan totoo, ung mga babaeng sinasabi mo wala lang yon, pampalipas oras ko lang ang mga iyon. Alam mo namang mahal na mahal kita Yra, ikaw lang mahal ko baby."

"Kung talagang mahal mo ako Winston, hindi mo ako sasaktan." Nagpupumiglas na sya sa pagkakahawak nito "sana hindi mo pinaramdam sa akin kung paano patayin ng paulit ulit." Tuluyan ng lumaglag ang kanyang mga luha na kanina pa niya pinipigilan. "sa t'wing malalaman ko na may bago ka na namang babae, sa t'wing mahuhuli kitang may kasamang iba sa loob ng bahay mo, Winston napakasakit. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko mas gugustuhin ko pang magpasagasa na lang sa tren, Kesa ganito ang nararamdaman kong sakit ng dahil sayo." Tuluyan na siyang napahaguhol ng iyak, wala na siyang pakialam kahit marinig pa siya ng mga kapitbahay nila., ang importante ay masabi niya rito ang nararamdaman niya.

"Baby im so sorry," unti unting bumubitiw ang mga kamay nito sa braso niya, "I promise, hindi ko na un uulitin. Hindi ko na uulitin lahat ng mga nagawa ko baby, basta bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon, I'll make it up to you! I will do every thing para lang makabawi ako sa lahat ng mga kasalanan ko. Just give me one more chance please, baby papatunayan ko sayo, ikaw lang talaga ang mahal ko." pagmamakaawa nito sa kanya.

"No! Winston, stop it! Itigil mo na yan. Wala ng magagawa ang lahat ng pagmamakaawa mo dahil tapos na tayo. Hindi ma na maibabalik pa ang nararamdaman ko para sayo dahil nawala na lahat ng pagmamahal ko sa iyo.!" pagmamatigas ni Yra, gusto niyang makita ni Winston na buo na kanyang desisyon.

"Bakit? Dahil ba sa lalaking kasama mo doon sa loob?" nanumbalik ang galit sa mukha nito. "kaya hindi mo ako mabigyan ng isa pang pagkakataon ay dahil sa lalaking iyon? Siguro ginagawa mo lang dahilan ang mga kasalanan ko para mapagtakpan ang panlalaki mo ano? Ako lang ba talaga ang manloloko dito ha Yra? Ako lang ba talaga?" bigla siyang itinulak nito habang nagaapoy sa galit ang mata nito.