webnovel

Musmos [BL]

Si Jeremy Alvarez ay may kaibigang matalik na tinuring siyang nakababatang kapatid na lalake na nagngangalang Dexter Chua ngunit kahit minsan ay hindi pa niya ito nakikita. Matagal niyang inasam ang pagkakataong sila'y magkita ngunit nanatiling hanggang sa pagiging textmates lang ang kanilang pagkakaibigan at kapatirang turingan. Sa kanyang pagnanasang makilalang personal ang kanyang misteryosong kaibigan ay kinailangan niya rin pagdaanan ang lahat ng hirap ng buhay at ang katotohanan sa kanyang sarili na hindi niya unang akalain. Tunghayan kung ano ang pagdaraanan ng isang adik sa paglalaro ng computer at kung paano niya tatanggapin ang mga bagay sa kanyang buhay.

wizlovezchiz · LGBT+
分數不夠
23 Chs

Musmos - Chapter 01

Hindi ako palalabas ng bahay. Madalas akong nasa loob ng kwarto ko naglalaro ng computer. Lahat ng klase ng posisyon sa pagupo habang naglalaro ng computer for more than 12 hours a day if not less than that nagawa ko na. Gustong gusto kong gumalaw sa mundong nilikha sa kabila ng telebisyon kung saan marami aong kaibigan at ako ang bida. Mapabakasyon or may pasok sa school mas madalas akong nasa bahay at computer lang ang kaharap ko kung hindi naman assignment or project and inaatupag ko.

May mga kaibigan naman ako pero sa computer lang kami nagkakasundo. Puro rin sila mga lalaki pero may mga bagay lang talaga na hindi talagang sadyang naging patok sa akin at sa mga kaibigan ko maliban doon. Hindi sila pala gala tulad ko at yung ibang hilig nila ay wala akong gusto.

Noong fourth year highschool na ako. Nauso na mga cellphone tulad ng Nokia 5110 at 3210. Akalain mo sa panahon ngayon baka ibato pa sa iyo pabalik ng snatcher pag nakuha nila ito sa iyo. Ako naman sa hindi papahuli dahil bukod sa computer, gadgets naman ang isa ko pang kinahihiligan. Panganay sa magkakapatid na tatlo at nagiisang lalaki at minsan lang ako humiling sa mga magulang ko kaya napagpasyahan nilang bigyan din ako ng sarili kong telepono.

Isang araw, may nagpadala sa akin ng text habang kami ay naglulunch ng mga kaklase ko. Isang inspirational quote na hindi tumatak sa isip ko dahil sadyang hindi ako mahilig sa mga ganon.

Nakalimang padala yata siya ng quotes sa akin na puro inspirational at hindi ko alam kung sino ang nagsend sa akin noon. Sa pagtataka ko, naisip kong baka ipinamahagi ng mama ko ang number ko sa mga kakilala niya. Ayaw ko naman maging bastos kaya tinanong ko siya. "hu u? sori wa k s fonbuk ko. pwede k b mgpakilala?", bilang pagtanggap ng maayos.

Nagreply lang siya ng "Si Dex to bro!".

Wala pa akong nakikilala sa buong buhay ko na ang pangalan ay Dex kaya nireplyan ko na lang siya ng "Sori,wrong number po,wa po me kilalang Dex."

Agad naman siyang nagpaumanhin sa akin at bilang paggalang sinagot niya ako ng "Sorry, wrong number nga. Baligtad ng dulo ng number mo ng number ng kaibigan ko ng si Randy. Ako nga pala si Dexter, ano po ang pangalan mo?" ang bitaw niyang reply na nagpapaliwanag at gusto sanang kahit papano ay malaman lang ang pangalan ng kausap niya.

"Ako nga pla si Jeremy. Ok lang un.bye" tinapos ko na agad ang aming paguusap na di na inaasahan pa ang kanyang reply.

Kinabukasan, habang ako'y naghahapunan. Nakatanggap nanaman ako ng text mula kay Dexter at inspirational quote ulit.

Nireplyan ko ng "Sori Dex,wrong send ka ulit.Sayang lang load mo". Wala kasi ako interest sa mga textmate. Jologs kaya isa pa nagaaral pa lang ako at umaasa pa sa magulang ko pagdating sa mgs bagay na kailangan ng pera.

"Ay oo nga.Sori ulit ha" ang sagot niya.

"Ok lng yun. Sorry din". ang sagot ko na tinatapos ko na ang aming usapan.

Habang ako ay pabalik na sa hapagkainan agad siyang nagreply. "Pwede ba kitang maging kaibigan?".

Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin at sa sarili ko na ako'y biglang natuwa. Dahil na rin siguro na ako ay naghahanap ng kalinga ng isang kapatid na lalake na mas nakakatanda sa akin. Ako na kuya at ako lang ang lalake sa magkakapatid. Yun din ang unang pagkakataon na may isang kapwa lalake na nakipagkaibigan sa akin dahil lahat ng kaibigan ko ay nakikilala ko lang sa school.

Hindi ako nagalinlangan na sagutin ang kanyang alok ng "Oo ba. pro sori ha kc medyo ndi ako sanay s kung ppno ang isng kaibigan dhl s 22o lng wla akng kptid llaki o kaibgng nssbhn ng kng ano man ang akng saloobin kng msya man o ndi kya tntnggap q ang alok mo.nga pla pnganay aq s kptid kng 2 girls." bilang paunang intro sa kanya sa buhay ko.

Sumagot naman siya ng "Nko prehas pla tyo.Aq lng din ang anak n llaki at my kptid me n babae c Debbie.Nga pla, Dexter ang name q.Ano nmn ang sau?"

"Jeremy.ilng taon k n pla?aq 19 tga cavite aq."

"21,tga las pinas me."

"Gud.cge tol kkain mna q mdyo naudlot kc hpunan q pra sgutin ang txt m." sinundan q nmn ng "pasencya kng d man me mgreply mdlas kc s baon q lng knukuha pngload q pr smsobra me s monthly allowance q k mama." to set his expectations at sana makakain na rin ako dahil sobrang nabitin talaga ako sa hapunan gawa ng mabagal pa ako magtype. Nagreply naman siya ng smiley at pinadalan nanaman ako ng inspirational quote but this time about brotherhood.

Kinabukasan ulit habang ako ay nasa kasagsagan ng pagkain ng hapunan sa school during our lunch. Nagtext nanaman siya ng quote. Hindi na ako nagreply dahil ayaw kong maistorbo sa pagkain ko nanaman at isa pa hindi ko masyadong binigyang pansin ang pakikipagusap namin kagabi kaya nagtext ulit siya ng "Ngppslmt me s Dyos at nkla2 kta bro.Kng kailngn m lng ng kausp and2 lng me."

Deadma lang ako at sige lang sa pagubos ng aking tanghalian sa canteen ng school.

Araw araw, padating ng hapon since ayaw ko pa umuwi sa bahay. Tumatambay muna ako sa school para lang magpahangin kasi maraming puno sa school namin at sobrang lalaki pa nila. Sa sobrang laki nila yung buong compound halos ng school malilim. Ninanamnam ko ang tahimik na ihip ng hangin habang ako ay nakaupo sa entablado ng school namin na ang kaharap ay maluwang na basketball court kung saan din kami nagfflag ceremony tuwing umaga bago magsimula ang classes. Maaliwalas ang lugar dahil catholic school siya at pinamamahalaan ng mga madre at pari ng parokyang katapat mismo ng aking paaralan.

Dahil sa madalas akong magisa at tahimik lang. Bihira kong kasama ang aking mga kaklase na umambay. Hindi naman ako introvert. Iba lang talaga hilig ko pero hindi ako kakaiba.

Sa aking pagtambay doon. Iisang bagay lang ang naging bago sa akin. Madalas ko nang kinakausap si Dexter. Naging mabuti kaming magkaibigan kahit di namin naririnig ang boses ng bawat isa man lang. Dahil dito, lalong naging magaang ang damdamin ko sa kanya. Nagbibiruan kami, naguusap sa mga bagay bagay na nangyayari sa amin, mga lihim ng bawat isa, mga crush na babae sa school, and girlfriend niyang si Cindy, at since ahead siya sa akin dahil college na siya at graduating pa lang ako sa highschool mas madalas akong nagtatanong sa kanya pag nahihirapan ako sa mga aralin ko.

Sa pagdaan ng panahon naging malalim ang aming pagiging magkaibigan kahit hindi pa rin namin nakikita or naririnig man lang ang boses ng bawat isa. Pag hindi na ako nakapagreply pinapadalan niya ako ng pin code para iload iyon.

Araw araw sinasabihan namin ang bawat isa kung ano ginagawa namin, saan kami pupunta, kung nakauwi na ba ng bahay pag lumuluwas, ang problema niya sa pamilya niya, sa girlfriend niya na madalas siyang awayin, at sa barkada niyang si Randy na best friend niya. Na hiwalay ang mga magulang niya at ang kanyang ama ay may ibang pamilya na. Half chinese daw siya at sila lang ng ina niya at kanyang kapatid na si Debbie ang magkasama sa bahay nila sa Las Pinas, ang pagsakit ng ulo niya sa gabi at ang paghiling niya na kausapin ko siya paa mawala sakit ng ulo niya. Ang sa akin naman ay kung anu anong libangan ang pinagkakaabalahan ko,pinupuntahan ko,pagpinapagalitan ako ni mama, kung anu ano lang since hindi nga ako pala labas ng bahay.

Isang araw, nagduda ako kung sino nga ba siya. Hindi ko naman kasi alam kung bakit kami naging ganito kaclose kahit sa sarili ko hindi ko alam maliban sa nangungulila ako sa isang kuya. Ang sa akin lang ay naging magaang ang loob ko sa kanya at sa hiya na rin na madalas niya akog bigyan ng load makausap lang siya. Napamahal na siya sa akin ngunit ako'y nagsimula nang magduda. Kasi naman, hindi ko pa rin siya kilala.

Sa aking pagdududa, hinamon ko siya. "Kuya, sori pro sna mptwd mo aq at sna maintndhn m q s ssbhn q. Nagin mlpit tyo s ist isa pro ndi p tyo ngkkta man lng o nrrng man lng ang boses.Mdlas pgkausp kta ndi q maiwsn n mgicp kng ano itsura ng kuya ko."

Sa aking pagtataka minsan sinusubukan kong tawagan siya. Ngunit hindi niya ito sinasagot.

Hindi pa uso ang internet noon kya hiningi niya address ko at sinabing "khwig ko daw si Rico Yan sbi nla pro mas mpti ako sa kny.ispn m n lng n c Rico Yan ang kausp m.hehehe :-D ".

Ako naman ay nagpaubaya sa dahilan sa lahat ng ginastos niya sa akin sa loob ng dalawang taon ngayong nasa ikawalang taon ko sa sa college sa Lyceum of the Philippines sa Intramuros at kumukuha ng kurson Mass Communication at siya naman daw ay sa De La Salle University Manila.

Isang araw sa hindi inaasahang pagkakataon biglang may dumating na LBC padala sa aming bahay at ako'y kanyang tinanong kung natanggap ko na daw ba. Sa aking pagbukas ng padala ay nakita kong ang pinadala niya sa akin ay mga sulat, tula, isang Php 500 prepaid card, at isang greeting card na may 1x1 na ID picture ng isang batang limang taon pa lang na may istura. Ang pinagtaka ko lang ay hindi siya singkitin na parang may dugong instik dahil sa kwento ni kuya na purong chinese ng kanyan ama. Ang batang nasa litrato ay mukhang may dugong kastila, mapungay ang mata at matangos ang ilon.

Hindi ko pinansin masyado ang litratong nakadikit sa greeting card. Inuna kong basahin ang mga laman ng nakasamang sulat.

Ako'y lubos na natuwa ng lubos sa kanyang mga isinulat kahit parang sulat kamay ng babae ang mga ito. Inspiring ang laman ng kanyang sulat at maraming pasasalamat dahil nakilala ko siya at binigyan ko ng pagkakataon siya na aking maging kaibigan. Sweet din para sa isang kuya ang kanyang mga isinulat. Tipong nanliligaw kumbaga.

Matapos kong basahin ang mga ito, ako'y nakaramdam ng kakaibang ligaya at saya na hindi ko maipaliwanag ngunit ako ay naasar sa kanyang ginawa. Agad ko siyang tinext ng "Kuya, natnggp q n po ung pLBC mo. lubos akng ngppslmat s load n bngy m kht ndi n dpt.pnglwa ay s mga sulat n ipinrting m s akn. Sobrng ndma q ang mga isinulat mo kht sulat babae k.Ang saya q n sna pro ung pngako mo n ppdlan mo ko ng pictre mo dinaya mo p.kuya nmn eh!baby pic daw b ang ilgay don.hay nku ngttmpo n q sau".

"Bunso,yan n lng muna ang sa iyo ang mhlga ay nkta m ang dmdmin q at kng gno aq ngppslmat s Dyos n tindhna tyong mging mgkptid." ang sgot nya.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili sa pagdududa at ako naman talaga ay may pagkamakulit at pikunin pa. "Kuya nmn eh.ang lalim m nmn mgslita nnmn eh.du2go n ilong q.isa p ngpromise k s akn n ppdlan m q ng pic pro baby picture nmn.kkaasar k".

"Di nmn mbiro ang akng baby bro.blang arw ippdla q nmn sau ang recent pic q.ok b un?" ang kanyang sinagot sa akin.

"Cge, ittpon q n lng ung baby pic m.bk kng kanino p ito.ang daya m tlga." ang patuloy kong pagpapaalam sa kanya na nagtatampo ako at naiinis. Naspoiled na niya yata ako pero hindi ko maintindihan ang aking nadarama sa oras na iyon. Sobrang iiyak na yata talaga ako at hindi ko alam.

"Kuya,di q n tlga mtiis n d kta mkta.ng mkta q sulat kmay m n pmbabae ngduda n q.lalake k b o babae?" ang sunod kong ipinadala sa kanya.

Mangilang minuto bilga niya akong tinawagan…

"Hello?.." Ang unang salitang narinig ko sa isang napakalamig na boses niya na parang binatang binata ang lalim ng boses.

Ako naman na totoy pa ay sumagot lang din ng isang "Hello?…. " hindi makapaniwala sa boses na narinig at nakakaramdam ng malakas na kilig. "kuya Dex?… ikaw na ba iyan?"….

"Sino to?… Jeremy ikaw ba yan?… Si Dexter to... O ano?… narinig mo na ako ha?… " sabay baba niya ng tawag.

Ako ay natulala lang. HIndi mapigilang magimahinasyon kung ano talaga itsura ni kuya sa kabila ng magandang boses na iyon. Hindi ko talaga mawari ang lahat.

Maya maya nagtext siya. "O hayan ha? pinagbigyan na kita. Uunti untiin lang natin.hehehe" ang pilyong sinabi niya sa akin.

Natulala lang ako. Naexcite. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Naalimpungatan na lang ako ng mapindot ko ang send button para maipadala ang text message na hindi ko naintindihan o napansin na sinabi ko na pala. "Kuya, mahal na kita.I love you."

Siyempre mababawi ko na ba iyon? nasend na nga eh. Tang ina hindi ko na alam ang gagawin ko at di ko alam kung ano sasabihin ko sa kanya para maipaliwanag kung ano yung text na iyon.Sa totoo lang, siya ang unang taong sinabihan ko noon maliban sa aking magulang. Kahit ang dalawa kong kapatid hindi ko sinasabihan non ngunit madalas ko pa silang awayin dahil hindi kami nagkakasundo sa lahat ng bagay,"huh? Bakla ka ba?" yun lang ang nireply niya sa akin.

Nagalit ako sa kanya at sa aking sarili dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin kong palusot sa isang bagay na hindi ko dapat sinasabi sa kapwa lalake na hindi ko naman kaano ano lalo na't hindi ko pa nakikita.

Sa takot ko, "Kuya, sori.hindi ko alam kng bkt q un nasabi.Sana maunawaan mo ko.Hindi ko rin maintindihan itong nararamdaman ko.Mas lalo kita ngayon gustong makita". at yun lang ang aking nasabi.

Hindi na siya sumagot. Ilang araw ang nakalipas. Pag tinatawagan ko siya hindi niya sinasagot. Naiinis ako sa kanya. Tinetext ko siya na "kung lalake ka talaga sasagutin mo tawag ko kahit kelan ako tumawag.sinusubukan lng kta kya ko nsbi n mhl kta." ang dugtong ko pa para mabawi ang aking sarili sa kanya at sa takot na hindi na niya ako kausapin.

Minsan, sinasagot niya tawag ko matapos ko siyang itext na. "Kuya nalulungkot ako.wa na akong makausap n tulad mo.dami ko sna sau kkwento pro di mo n ko pinapansin."

Pinakikinggan lang niya ako magsalita pag tinatawagan ko siya matapos non. Nakakarinig na lang ako ng singhot na parang may umiiyak sa kabilang linya pag nagsosori ako. Siguro may sipon lang siya noon.

Ilang araw pa ang lumipas at hindi na ako makatiis. Hindi ko na rin siya kinausap. Hindi ako nagpalit ng numero pero nakalimutan ko na siya.

Matapos noon nakilala ko si Camille at naging mabuting magkasintahan kami. Pero hindi ko na ikukuwento ang detalye baka may masuka pa sa inyo.

Sa Lyceum, nakilala ko ang classmate ng pinsan kong si Alex na nasa 3rd year na na kumukuha ng Tourism. May itsura, malinis manamit, matangkad, at makisig ang pangangatawan. Alam kong hindi siya straight dahil classmate ko ang boyfriend niya at best friend ko pa na si Chris. Madalas ko siyang makita na hinahatid at sinusundo niya si Chris sa aming klase at madalas sa canteen sila nakapambay kung hindi sa bakod ng Intramuros sa bandang Puerta Parian o tapat ng rebulto mismo ni Jose P. Laurel malapit sa tindera ng yosi at kendi na kilala naming mga taga Letran, Lyceum, at Mapua sa tawag na nanay.

Si Chris naman ay maputi na parang hindi naaarawan ang kanyang kutis dahil na rin siguro sa siya ay di purong pinoy ang dugo di tulad ng kanyang si Alex.Payat at 5,10 ang taas. Mahaba ang kanyang buhok na may kulay at dala ng pagpapastraight halata mo na hindi natural

Madalas kami magkasama ni Chris dahil sa magkaklase kami. Sabay nga kami nagenrol eh para masiguradong magkakasabay kami sa mga class schedules namin. Nakwento niya ang kanilang parlor, ang kanilang masayang pagsasama ni Alex, at lahat ng tungkol kay Alex nakwento na yata niya. Na si Alex daw ay mabait, mapagkawang gawa, matulungin sa nangangailangan, humble, at sobrang sweet. HIndi rin maiiwasan minsan ay ikinukwento niya sa akin ang kanilang tampuhan. Ako naman ay si tenga at trying hard na taga payo laman din sa kanya.

Isang araw, nagkaron ng college party ang BS Accountancy na kung saan kahit sinong estudyante pwedeng sumali. Sinama ako ng aking girlfriend na si Camille at sinama ko si Alex at si Chris. Lumalim ang gabi at patapos na ang party sa compound ng Lyceum kaya naisipan ko nang ihatid si Camille sa taxi pauwi.

Gusto ko man sumama at dun na makitulog pero malaki ang respeto ko sa kanya at pagtingin sa akin ng kanyang mga magulang. Bumalik ako sa Lawton para makasakay ng bus papuntang Alabang ngunit madaling araw na at wala nang dumadaan.

Sa aking paghihintay ng bus sa malapit sa park sa tapat lang ng Manila Post Office. Nakita ko si Alex.

"Tol, san na si Camille? Nahatid mo na?" pambungad niya na sinaot ko naman ng pagtango.

"San ka nauwi bakit andito ka naghihintay?" Sunod pa niyang tanong siguro para may mapagusapan lang dahil mukhang maghihintay din siya ng sasakyan at hindi naman kami naguusap dahil mas madalas kong kausap si Chris.

"Sa cavite pa eh. naghihintay ako ng papuntang Alabang." ang maayos ko namang pagsagot ngunit halata na ang pagkainip.

"Sa Bacoor?" ang tuloy pa rin niyang pagtanong.

"Hindi, sa bandang Lagunang parte pa ako ng Cavite nakatira. Boundary na kumbaga". Ang siya namang sagot ko para malampasan na ang paliwanagan.

"Ang layo naman non! Bakit di ka sumama kay Camille?" ang tanong pa niya.

"Bawal eh. Strict ang parents niya". Ang pabuntong hininga ko namang sagot".

"Eh kay Pau bakit di ka na lang nagpasama at dun umuwi muna?" ang pahabol pa niyang tanong para maiparamdam ang concern.

"Nauna na si kuya eh. Maaga umuwi yun kasi yung girlfriend niya pupuntahan pa niya." Hopeless ko nang sagot sa kagustuhang makapagpahinga na rin dahil sa ako'y pagod na.

"Malapit lang ako dito sa Don Galo lang ako sa Paranaque. Gusto mo dun ka muna magpalipas ng gabi?". Ang kanyang alok.

Mukha naman siyang mabait pero hindi ko maiwasang mapaisip. Desperado na ako kesa naman maholdap ako at least kilala ko sino hahanapin ko at ipabubugbog ko sa pinsan ko kahit di kami close ni kuya Pau pumayag naman ako sa kanyang alok.

Sumakay kami ng taxing Tamaraw FX at bumyahe na sa kanila. Pag dating pa nga namin sa mismong bahay nila napansin niyang nalaglag niya ang kanyang cellphone sa sinakyan naming FX.

Hindi na niya iyon inisip pa. Agad na niya akong sinamahan papasok sa kanilang bahay derecho sa kwarto niya.

Madiliim noon dahil sa patay na ang mga ilaw at di gaanong kalakihan ang kanilang bahay kaya medyo nabubunggo kami sa mga lamesa, upuan, at kung ano ano pang nadaanan namin patungo sa kwarto niya.

Pag dating sa kwarto, doon ko lan nasilayan ang kanyang silid ng buksan niya ang ilaw. Kulay puti na kupas na ang kulay ng pader at ang sahig ay may hindi na nabarnisang wood tiles ngunit malaki ang kwarto niyang iyon.

Agad niya akong inabutan ng kanyang tuwalya at inalok na maghilamos muna at gamitin na lang ang kanyang shorts at t-shirt para makatulog ako ng maayos.

Matapos kong maghilamos ay sumunod na rin siya sa paghilamos at ng makatapos ay nagpalit na ng pambahay mismong sa aking harapan habang ako ay nakaupo sa gilid ng kanyang kama.

Wala namang malisya dahil parehas naman kaming lalake at isa pa kahit alam kong hindi siya straight ay okay lang sa akin dahil may tiwala ako sa kanya dahil na rin siguro kay Chris. Takot na lang niya na isumbong ko siya don. hehehe..

Since iisa lang ang kama niyang queen size, nahiga kami ng nakatihaya at magkatabi. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako. Naalimpungatan na lang ako ng nakadantay na ang kanyang kaliwang braso sa aking ulunan na halos iangat na niya ito para aking gawing unan.

Hindi ako makali at kinabahan na lang ng sobra sa nangyari. Tinignan ko mukha niya na aninag sa liwanag ng poste na nakakapasok sa bintana ng kwarto niya.

Nakapikit naman at malalim na ang kanyang paghinga kaya nawala ang aking kaba at hindi na pinansin pa ang mga biglang pumasok sa aking kokote ng masabi ko sa sarili na mahimbing na tulad niya.

Sa himbing ng aking tulog ako'y nakaramdam ng mabigat sa dibdib at nakakakiliting bugso ng malalalim na paghinga sa aking leeg. May nararamdaman akong pagkirot na nakakakiliti sa aking utong. Naalimpungatan ako at nakita ko na lang na nakapatong sa akin si Alex at nilalaro ng kanyang dila na may pakagat kagat pa sa aking kanang utong. Nakataas na pala ang aking suot na t-shirt. Hindi ako nakagalaw at makasigaw sa gulat ko sa aking nasaksihan. Hingal lang ang aking nagawa sa kanyang ikinolos.

Bigla siyang tumingin sa akin nang hindi ko mapigilan ang biglang pagungol sa kakaibang karanasan na iyon. Nalaman niyang gising na ako at saka siya dumeretso sa aking leeg at hinalik halikan ito na may sabay na hagod pa rin gn pag dila at pagsipsip.

Pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa habang ako naman ay hindi mawari kung ano ang gagawin. Kung ako ba ay manlalaban o lalasapin ang bawat sandali na noon ko lang naranasan.

Hindi namin pa ginagawa iyon ni Camille. Old fashioned kami pareho dahil sa pareho kaming catholic school galing at nagsumpaang magtatalik laman pagkatapos ng kasal.

Nang mapalakas na ang aking paghingal nang dahil sa aking paghabol sa aking hininga sa magkahalong pagtawa sa kiliti na kanyang ginagawa at sa sarap na kasabay niyo. Umakyat ang kanyang mga labi ng dahan dahan habang humahalik halik pa patungo sa akin mga labi.

Hindi ko siya napigilan. Nagiinit na ako. Napakasarap niyang humalik. Dahil nagbrownout pa kami ay nagpapawis. Lasang lasa ko sa kanyang mga labi ang alat ng pawis na galing sa aking leeg at amoy ng Issey Miyake na parehas naming gamit. Sa kabila ng ito ay nalalasahan ko ang ibang klaseng tamis ng halik. Siya ang aking first kiss. Torrid kissing.