webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · 青春言情
分數不夠
463 Chs

Kabanata 346

Kinabukasan ng bandang tanghali naka uwi na rin galing hospital si Kelly pero hindi pa nya kasabay na lumabas si Jules dahil may kailangan pang gawing lab test para maka siguradong ayos na ito.

"Oh, honey kailangan ko lang muna pumunta ng office may meeting lang akong kailangan na tapusin kaya iiwan na muna kita kila Mama. Wag kang gagawa ng kung ano-anong ikabebenat mo jusko wifey kalalabas mo lang ng hospital kaya umayos ka." Ang sabi ni Patrick kay Kelly na inihatid nya sa kanilang kwarto at pinahiga sa kama.

"Wag ka ngang OA alam ko na ang bawal sakin kaya sige na lumayas ka na."

"Tsss…tu naman maka pag layas sakin parang ibang tao eh. Nag bibigay lang ako ng paalala sayo."

"Oo na nga sige na baka malate ka pa sa meeting mo. Uwian mo ko ng icecream ha?"

"Hindi pwede."

"Ano? Icecream lang yon wag kang oa."

"Hindi nga pwede ang malalamig sayo honey."

"Ahh…bawal ba yon?"

"Tsss… kala ko ba alam mo na ang mga bawal sayo? Hindi ka nakinig kay Doc no? Aminin mo."

"Haysss…ewan nalimutan ko lang napaka nire."

"Sus… palusot ka pa babantayan kita kay Mama para hindi ka maka kain o makagawa ng bawal sayo."

"Tsss…Bahala ka sige na umalis ka na tutulog ako."

"Okay sige uuwian nalang kita ng vegetable salad."

"Ayoko."

"Kailangan mong kumain ng masusustansya."

"Alam mo namang hindi ako mahilig sa ganun eh. Umalis ka na nga si Mama na bahala sakin."

"Sya sige basta uuwian kita ng mag healthy na pagkain pag uwi ko." then he kissed Kelly's forehead.

"Okay, bahala ka pakisara ng pinto ha?"

"Wala man lang goodbye kiss? O honey ingat ka?"

"Haysss…ang demanding mo ha?"

"Humph! Oo na OA na kung OA sige na aalis na ko."

At nung papalis na sana si Patrick hinila siya ni Kelly at hinalikan nya ito sa lips "oh? happy?"

Ngiting ngiti naman si Patrick sa kilig "wag na kaya akong umalis dine nalang ako sa kwarto kasama mo."

"PATRICK!!!"

"O—Oo na ere aalis na nga." at gumanti rin naman sya ng kiss sa lips kay Kelly. "Mamaya ka sakin pag uwi ko." dagdag pa nya.

Binato naman sya ni Kelly ng unan pero naka ilag sya "manyak!"

"Bye honey…" Ang nambubuyo na sambit ni Patrick bago nya isara ng pinto.

"Layas!!!"

"Love you too."

Pag kaalis ni Patrick natawa nalang si Kelly sa sinabi sa kaniya nito "sabi ko layas ano yung sagot nya? Love you too? Hahaha…sira ulo talaga yang daddy mo baby."

Tumayo naman si Kelly at pumunta sa kanilang closet at nag hanap ng pwede nyang isuot pero napansin nyang ang dati nyang mga sinusuot ay masikip na sa kaniya dahil medyo nadadagdagan na sya ng timbang "WAHHHHHHHHH…" ang sigaw nya ng may halong pag hihinagpis kaya naman napatakbo ang ate Faith at ang Mama Keilla nya sa takot.

"Anong nangyayare?" Anila at nakita nilang ang daming nag kalat na damit kung san-san.

"Ma, ninakawan ba tayo?" Ang tanong ni Faith kay Keilla.

"Hi—Hindi naman siguro?"

"Eh… anong nangyare dito? Parang binagyo."

At nakita nilang naka upo at dismayang dismaya si Kelly kaya nilapitan nila ito "ayos ka lang nak?"

"Maa….."

"Ba—Bakit may masakit ba? Anong nangyare?"

"Oo nga babysis gusto mo ba tumawag na kami ng ambulance?"

"Hindi po ayos lang ako."

Nagkatinginan naman yung mag biyenan at sinabing "eh anong bang nangyayare sayo?"

"Ang sisikip na po kasi ng mga damit ko."

"Ha?" reaction nung dalawa.

"Opo, hindi na kasya sakin."

"Ahhh…Ha…Ha…Ha… babysis kasi nga buntis ka kaya normal lang naman na madagdagan ka ng timbang di ba Ma?"

"Oo, ganyan talaga anak hindi lang naman ikaw ang nakararanas ng ganyan naranasan ko na rin yan at ng ate Faith mo."

"Oo babysis, kaya wag ka ng malungkot babalik rin yang katawan mo kapag na nganak ka na."

"Pero wala na kong isusuot."

"Ahhh…hayaan mo may mga maternity dress ako dun sayo nalang."

"Dress? Pero ate naman hindi po ako nag susuot ng ganun."

"Ay, oo nga pala pero yun talaga ang sinusuot ng mga buntis hindi ka na pwedeng mag suot ng mga style mo."

"Oo nak, kailangan maluluwag na lalo na kapag lumaki pa yang tyan mo mahihirapan ka kung hindi ka mag susuot ng maternity dress."

"Pero Ma hindi po ako sanay na mag dress eh."

"Kaya nga sanayin mo na ngayon."

"Oo babysis, para hindi mahirapan ang baby mo na lumaki minsan kasi halimbawa kapag na ka short o pants ka baka mamaya maipit ang tyan mo."

"Haysss… sige na nga po pahiram muna ko ng sayo ate."

"Pero hindi ba may mga dress ako binili sayo bakit hindi yun ang isuot mo."

"Ma, sa bahay lang naman ako kaya ayokong suot yun."

"Anak, hindi ka naman pwedeng lumabas ng lumabas ngayon kasi nga maselan yang pag bubuntis mo kaya sige na isuot mo ang mga binili ko sayong mag dress. Hindi naman yun revealing."

Kelly sighed "sige na nga po."

"Tsaka kung lumabas ka man hindi ako papaya na hindi mo kasama ang mag kuya mo baka mamaya ma kidnap ka na naman."

"Ma, hindi ko naman bodyguard sila kuya tsaka hindi na mauulit na may ki-kidnap sakin subukan lang nila makakatikim talaga sila sakin."

"Hep, hindi pwede bawala ang mga malalaking movement kaya hindi ka pwedeng gumamit ng nalalaman mo sa martial arts. Right mom?"

"Tama ang ate Faith mo mahirap na baka duguin ka na naman delikado na. Baka pag nangyare yon hindi na kumapit yang baby mo gusto mo ba yon?"

"Ayoko po."

"Kaya nga ang mga dati mong ginagawa ay kalimutan mo na muna kahit yang mga dati mong sinusuot mabuti ng nag iingat kesa hindi."

"Opo Ma."

Samantala sa Hospital nandun si Julian para bisitahin ang kakambal na si Jules…

"Nasa baba si mommy inaayos ang discharge papers ko. Baka raw kasi makauwi na rin ako ngayong araw." Ang sabi ni Jules na naka higa sa kaniyang kama habang nakain ng mansanas na tinalupan ni Julian.

"Oo nga raw sabi sakin ni kuya Kevin. Ahm… san ka nga pala tutuloy?"

"Sa bahay san pa ba?"

"Hindi ka ba man lang bibisita kay Kelly?"

"Ahh… Syempre pupunta ako dun pero sa bahay muna na miss ko na ang kama ko."

"Ohhh…"

"Ahm… nga pala na banggit sakin ni Mommy ang nangyare kay Kelly ayos na ba sya? Ang baby? Okay ba?"

"Um. Ayos naman yung mag ina nakauwi na sila kanina hindi ka na nga lang ginising raw kasi tulog ka at kinukuhanan ka ng dugo."

"Ahhh…kaya pala."

"Ahm… dun nga pala ako sa kanila ngayon nanunuluyan."

"Alam ko at kahit di mo naman sabihin sakin alam ko dahil naririnig ko naman kayo nung mga panahong wala akong malay pero gising ang diwa ko."

"Eh? So, narinig mo kami ni…"

"Wendy?"

"A… Ano kasi…"

"Wag kang mag alala hindi ko pa naman sya gusto."

"Ha? Pa naman gusto? You mean may chance din na mag ka gusto ka sa kaniya?"

Bineltukan naman sya ni Jules "malamang lalaki rin naman ako na single at di na masama para sakin si Wendy."

"So… So may… may gusto ka…"

"Wala pa nga kaya bro, mukhang may the best man win nalang."

"Ha? Pero bro…"

"Ano? Don't tell me aatras ka."

"Ha? NO WAY!"

"Okay, chill baka mamaya dumating na yung babaeng yun lumaki pa ulo nya kasi dalawa tayong manliligaw sa kaniya."

"Ligaw? Tayo?"

"Sira! Sundalo ka pa man din tapos weak ka? Alangan naman tayo pa ang mag papaligaw sa babaeng yon."

"No, I mean hindi ko pa naman sya ganoon ka kilala kaya hindi pa ako nakakapag pasya na ligawan sya. Ikaw ba?"

"Hmmm… at first I really don't like her masyado kasing syang active sinasabi nya kung ano ang gusto nyang sabihin then she'll do what she want. Bigla ka nalang nyang yayakapin kahit di mo pa naman sya kilala."

"Eh? Niyakap ka rin nya nung una ka nyang nakita?"

"Well, oo… teka ikaw rin?"

"Silly, kakaiba talaga syang babae pero gusto kong ganon sya."

Habang naka ngiti si Julian naka tingin lang naman sa kaniya si Jules at sa isip-isip nito "ngayon ko nalang ulit nakitang naka ngiti si Jules sa harapan ko. Mukhang tinamaan nga sya kay Wendy. Sigh…"

"Huy! Ayos ka lang? May masakit ba? Gusto mo bang tawagin ko ang doctor mo?"

"No, I'm doing good may na isip lang akong bigla."

"Hmm? Ano naman yon?"

"What if sabay nating i-date si Wendy? G ka?"

"Ha?"

"G as in Go!"

"Hindi yun ang ibig kong sabihin."

"Eh ano ba?"

"Ang akin lang bakit kailangan sabay pa natin syang i-date?"

"Ayaw mo nun malalaman natin agad kung sino ba ang gusto nya sating dalawa."

"Pero…"

"Pffft…hahahaha… just kidding. Hahahaha…"

"Eh?"

"Hi there…hmm? Anong nangyayare?" Ang bungad na sambit ni Wendy pag pasok nya ng room ni Jules at may dala pa syang mga blue na rosas.

"We—Wendy?" Anila.

"Hi?"

"Ka---Kanina ka pa ba dyan?" Ang kinakabahan namang sambit ni Julian.

"Nope, actually kararating ko lang dito and are you really okay Jules? You laugh out loud baka mamaya bumuka yung tahi sayo."

"I'm fine really… ikaw kamusta ka?"

"M—Me? Ah…Ahm… I'm okay very okay lalo na at you're okay na din."

Hindi naman makapag salita si Julian dahil ramdam nyang masaya talaga si Wendy na makitang ayos na si Jules at gaya ni Jules iniisip rin ni Julian na masaya ang kapatid nya kay Wendy.

***

Kinagabihan nakarating na sa bahay ang mga kuya ni Kelly at hinahanap agad nila ito. Pero mas napansin nila si Julian na tahimik lang at para bang may pinoproblema.

"Anong nangyare dyan?" Ang sabi ni Keith na kauupo lang sa sofa sa kanilang sala.

"Hindi ko alam pag dating nyan kanina wala yan sa mood kaya hindi ko na muna kinausap." Ang sagot naman ni Kian.

"Kuya naman bakit hindi mo naman kinausap baka mamaya may problema." Ang sabi naman ni Kevin na kababa lang ng kanyang bag.

"Sira! Ikaw itong nasa hospital kanina edi sana tinanong mo."

"Oo andun nga ako pero syempre hindi naman ako palaging nandoon sa room ni Jules may ibang pasyente rin sakin naka assign."

"Hmmm… I think okay naman yan sundalo yan kaya wala lang yan." Ang sabi naman ni Kim na may hawak na baso ng tubig.

"Eh bakit kasi hindi nyo tanungin." Ang bungad naman ng Mama Keilla nila na kababa lang ng hagdan dahil nag hatid ng pagkain kay Kelly sa kwarto.

"Ma." Anila.

"Maghain na kayo at kakain na doon nyo na lang yan kausapin."

"Opo." Anila.

"Hindi po ba bababa si babysis?" Ang sabi ni Kevin.

"Ah, ayaw nahihiya kasi."

Nagkagtinginan sila Kian at sabay sinabing "nahihiya? Bakit po?"

"Ahhh…kasi naka dress alam nyo naman yung kapatid nyong yon hindi girly girly kaya ayun ayaw lumabas."

"Si Kelly naka dress." Anila.

"Oo kasi hindi na kasya sa kaniya mga damit nya syempre tumataba sya kasi nga buntis."

"Ahhhh…" reaction nila Kian.

"Kaya wag nyong tuksuhin lalong hindi yun bababa dine."

"Pffft…. Tara nga at silipin natin." Ang sabi ni Keith.

"Mabuti pa nga." Anila.

At tinawag naman ni Kevin si Julian na nakatulala at sinama sa kwarto ni Kelly.

"Mamsie saan po pupunta sila daddy? Kakain na daw po ah." Ang tanong ni Jacob sa lola Keilla nya.

"Ahhh… sa tita Kelly mo gusto kasi nilang kamustahin."

"Ohhh…sasama po ko."

Pinigilan naman sya ng mommy nya "no, you can't join them hayaan mo na muna sila. Bago ka na makisali."

"Pero mommy."

"Wala ng pero-pero hala sige maupo ka na kung ayaw mong hindi kita bigyan ng icecream."

"May icecream po?"

"Um. May uwi ang tito Julian mo."

"Wow!!!"

"Kaya maupo ka na dyan at wag ng sumunod pa sa kanila."

"Opo Mommy."

Napangiti naman si Keilla at bumulong kay Rica "basta pagkain mag be-behave talaga sya."

"Opo Ma. Hehe…"

Samantala sa kwarto ni Kelly…

"Ano bang ginagawa nyo dito?!" Ang nagagalit na sambit ni Kelly na naka talukbong ng kumot.

"Bakit masama bang bisitahin ka namin? Kagagaling mo lang ng hospital kanina kaya malamang gusto naming malaman ang kalagayan mo." Ang sabi ni Kian.

"Kuya, hindi ka pumasok sa trabaho at nakita mo kong dumating kanina."

"Ay, oo nga naman. Ehhh…bakit ba gusto kitang i-check may problema ha Kelly Ann Marie?"

"Wa—Wala naman ang akin lang kasi…"

"Hep, maupo ka nga at bakit ba nakatalukbong ka ng kumot? Hala sige tanggalin mo yan." Ang sabi ni Kim.

"Pero kasi…"

"Heh! Tanggalin mo yan." Anila maliban kay Julian kaya nag tago sa likuran nya si Kelly.

"Kuya tulungan mo nga ko." Ang pabulong nyang sambit kay Julian.

"Bunso sorry pero madami sila dalawa lang tayo." Hinila nya si Kelly sa unahan nya at para bang sinusurrender nya sa mga kuya nila ito.

"AHHHH… KUYA JULIAN!!!"

At pag tanggal ng kumot ni Kelly napa tulala ang mga kuya nya sa suot nyang white na hoodie na dress simple lang naman ang kasuotan nya pero sila Kian ay parang nakaramdam ng konting lungkot dahil ang dating babysister nila ay not so baby anymore na. Bakas na sa white hoodie dress ni Kelly ang kaniyang babybump kaya naman parang na te-teary eyed ang mga kuya nya.

"Eh? Anyare sa inyo? Hindi nyo ko ibu-bully?"

"Why? Bagay naman sayo at…" Kim sighed and he continued "ang bilis ng panahon yung dating inuuto pa naming bunsong kapatid na ayaw mag papatawag ng babysis ay matured enough na para magkaroon ng sarili nyang baby."

"Ahhhh…kuya naman eh." ang nahihiyang sambit ni Kelly at niyakap nya si Kim.

"Ba iyan, group hug nga." Ang sabi ni Keith.

"Um." Ang reaction naman ni Kelly at niyakap nga sya ng mga kuya nya maliban kay Julian.

"Oh? Ano pang ginagawa mo diyan? Halika na, masasanay ka rin dahil ganireng ka clingy ang Dela Cruz siblings."

Ngumiti naman si Julian at nakiyakap rin ng biglang may dumating "cough…pwede bang ako rin?"

"Kuya Jules?" Ang sambit ni Kelly.

"Yeah… It's me your another "kuya" so, pwede bang maki hug din ako?"

"Um." Masayang masaya na pag sang-ayon ni Kelly at ganoon rin naman sila Kian kaya naman nakiyakap na rin si Jules sa kanila habang nakamasid naman sila Keilla at Jenny sa kanila na para bang na ngingiyak ngiyak pa.

"Sa wakas nag ka sundo-sundo na rin sila." Ang sabi ni Keilla at niyakap sya ni Jenny at nag pa salamat sa pag tanggap sa kanila.

Naol may happy family char! Hahaha... anyways, geysh sorry kung isa lang po ang update ko at di po ako maka pag daily update sobrang busy lang po kaya sana maintindihan n’yo at salamat rin po sa palagiang pag bibigay niyo ng votes using your powerstones sa mga novels ko. Godbless po. (•ؔʶ̷ ˡ̲̮ ؔʶ̷)✧

.

.

.

Ps.

• Chasing Her Smile

• PRIDE of Friendship

.

.

.

Parehas po yang nay update wag n’yo po kalimutan na basahin at mag votes salamat po ulit and Godbless us. (✿◠‿◠)

lyniarcreators' thoughts