webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · 青春言情
分數不夠
463 Chs

Kabanata 322

Sa bahay naman ng mga Dela Cruz hindi makali itong si Keith kaya pabalik pablik ito sa may sala nila at nakatingin naman sa kaniya sila Faith at si Rica habang busy naman na nanood si Jacob na nakain pa ng mais na nilaga.

"Ano ba?! Maupo ka nga! Nahihilo ako sayo!" Ang naiinis ng sambit ni Faith kaya hinila nya ang asawa sa tabi nya.

"Oo nga kumalma ka nga lang magiging okay rin naman doon sila Kian." Ang sabi naman ni Rica.

"Pero kasi hindi nyo kilala si kuya Kim kapag galit yon."

Nagkatinginan naman sila Faith at Rica at na sulyap-sulyap naman itong si Jacob "kung mas lion kung magalit si kuya Kian mas malala si kuya Kim nagiging demon talaga yun hindi kasi gumagana ang utak nya kapag galit sya."

"Ah…parang ikaw." Ang kalmadong sambit ni Faith.

"Babe?"

"Bakit mo naman nasabing parang si Keith?"

"Eh kasi ate kahit naman hindi galit yang si Keith eh hindi nagana ang utak nya."

"Pfft…" ang natatawang reaksyon ni Jacob.

"Babe naman eh…" at napatingin siya kay Jacob "hoy! Siopao!!!"

"Po?"

"Tsss…manang mana ka talaga sa tita Kelly mo."

"Tito, wala naman po akong ginagawang masama pero opo mana nga po ako kay tita Kelly sa katunayan miss na miss ko na po sya kailan po ba kasi sila uuwi?"

"Tignan mo yang anak mo ate mas na miss nya yung tita nya kaysa sa daddy nya."

Bineltukan naman ni Faith si Kevin "eh ano naman? Malamang mas matagal naman na wala dine si Kelly kaysa kay kuya Kian. Kahit kailan talaga bungol ka eh."

"Babe sumosobra ka na!!!"

"Aba't!!!"

"Tigilan nyo na nga yan hindi ba at bukas natin susunduin si Mama? Nakapag handa na ba kayo?"

"Talaga po Mommy dadating na si Mamsie?"

"Oo anak surprise yon kaya wag kang maingay sa daddy mo ha? Kahit kay tita Kelly mo okay?"

"Um. Sige po."

"Nakaluto na ko ate ng dadalhin natin para bukas naayos na rin naman ni Keith ang sasakyan natin."

"Okay, tapos ako naman ang bahala dito sa bahay at sa mga anak nyo."

"Eh? Hindi ka sasama ate?"

"Hindi na Keith kayo nalang ni Faith at ako ng bahala sa mga anak niyo mahihirapan pa kasi kayo kapag dadalhin nyo pa sila."

"Pero ate…"

"Ayo slang Faith para naman maka bonding ko din ang mag bagets right baby?"

"Pero mommy gusto ko po sumama."

"Ha? Pero baby nandito ako bukas kasama nyo ko nila Tumtum ayaw mo ba nun?"

"Gusto naman po pero gusto ko po rin na sumama sa pag sundo kay Mamsie eh."

"Eh baby kasi..."

"Ganre nalang ate sumama nalang kayo ni Siopao tapos isasama na rin namin ni Faith ang dalawang bata."

"Ahm…ano kasi…ang totoo nyan wala ako sa mood."

"Hmm?" Reaction nung tatlo.

"Hindi naman sa ayaw kong sumama pero kasi hindi ako mapalagay."

"Bakit ate? May problema ba?" Ang tanong nung mag asawa.

"Wala naman pero kasi…"

"Wait mommy, don't tell me hindi pa po dumadating yung visitor mo?"

"Visitor?" Ang patanong na sambit ni Keith.

At nagkatinginan sila Faith at Rica "oh my..ate ano ka? Yung ano?"

"Ahm…hindi ko pa naman talaga alam pero kasi dapat nung sang araw pa dumating yung visitor ko eh pero gang ngayon kasi wala pa."

"Eh? Sino bang visitor ang pinag uusapan nyo?"

"Tito Keith dapat po kasi maging aware kayo hindi po porket boys tayo eh din a tayo makikialam sa nararamdaman nila mommy ng mga girls po."

"Ha? Hindi ko maintindihan kabata bata mo pa ang lalalim na ng sinasabi mo. Pero may naalala ako sa mga sinabi mo ganyang ganyan si Kevin nung bata sya kaya nagulat nalang kami nursing ang kinuhang nyang kurso sa college."

"So, baby gusto mo rin bang maging nurse pag laki mo?"

"Ayoko po tita Faith."

"Hmmm?"

"Ahh…kasi ang gusto nya ay ang maging OB."

"ANO?!" Ang pagulat na sambit nung mag asawa.

"Di ba baby? Yun ang gusto mong kuning course pag laki mo?"

"Mommy malaki na po ako kaya wag nyo na akong tawaging baby sige kayo baka mamaya may baby na pala talaga sa tyan nyo."

"A—Ano? Bu—Buntis ka ate?"

"Ah…eh…hindi pa naman ako sure doon bayaw kaya wag ka munang maingay sa kuya Kian mo ha?"

Bumalik naman sa pinapanonood nya itong si Jacob dahil intense na yung scene dun sa anime na kinahihiligan nyang panoorin ang Haikyu "O—Okay, pe—pero alam ba ni kuya Kian na gusto ni Jacob na maging OB? Hi—Hindi ba parang…"

"Oo alam naman ng daddy nya tsaka bata pa naman sya mababago pa yun pero bilang magulang nya susuportahan namin sya sa gusto nya."

"Pero ate hindi ba parang mali? Paano kung disidido na si Jacob sa ganun? Pambabae yung ganung trabaho at kahit ako bilang babae awkward yun sakin kung magiging OB ko ay lalaki."

"Nung una oo awkward talaga pero nag pasya na kami ng kuya Kian nyo ayos lang kung ano ang kuning kurso ni Jacob as long as hindi sya mag bubulakbol. Tsaka ngayon naman open minded na ang mga tao pag dating sa ganyan tsaka isa pa may pinsan rin akong OB at lalaki rin naman sya."

Nagkatinginan naman yung mag asawa "ahm…straight ba yung pinsan mo?"savya sambit nung dalawa.

"Oo naman! Teka nga, iniisip nyo bang gay si Jacob?"

"Ah…eh…hi—hindi naman sa ganun ate." Tugon nung mag asawa.

"Naiitindihan ko naman kayo pero eto lang ang sinisigurado ko straight si Jacob at walang masama kung ano man ang piliin nya sa hinaharap after all it's a free country you can do what you want."

"O—Oo naman ate…So—Sorry…" Ang ninenerbyos na tugon nung dalawa.

***

Sa hospital kung nasasaan ang nanay Wilma ni Julian…

"Kuya ayos ka lang ba talaga?" Ang tanong ni Kelly habang naka upo sila ng kuya Julian nya sa labas ng kwarto ni Wilma.

"Um. Ayos lang ako ikaw nga ang inaalala ko bakit ka nandito? Kamusta na ang pakiramdam mo?"

"No need to worry wala naman talagang masakit sakin ginawa ko lang ang ganung bagay para magka bati-bati na kayo nila kuya Kian pero mukhang lalo pa atang lumala dahil pati kayo ni kuya Julio ay nag aaway na."

"Hindi, matagal na naman na talaga yung alitan naming iyon mga bata pa kami madalas na kaming nag aaway. Pero wag mo nalang pansinin ayos ka lang ba talaga?"

"Oo nga kuya pero bakit naman umabot sa pag ayaw mo ng makita sa kay kuya Julio? Gusto kong mabuo tayong mag kakapatid."

Inakbayan at inilagay ni Julian ang ulo ni Kelly sa balikat nya na para bang gusto nitong i-comfort ang bunso nyang kapatid "sorry babysis hindi kami nag kakaintindihan ng mga kuya mo gaya mo gusto ko rin naman mabuo tayong magkakapatid pagod na kong maging mag isa."

"Wag kang mag alala kuya sumama ka na sakin sa Manila."

"Gusto ko man babysis pero hindi pwede walang makakasama dito sa Cebu si nanay."

"Pero kuya may hospital sila Patrick dun sa Manila kaya dun nalang mag papagamot si nanay Wilma."

"Salamat babysis pero hindi na siguro kakayanin pa ni nanay Wilma na mag biyahe pa tsaka hindi nya gugustuhin na mag punta sa Manila."

"Hmm? Bakit?"

"Hindi ko rin alam pero sa tingin ko gusto nya lang na burahin sa alaala nya ang masamang nangyare sa kaniya nung na punta sya sa Manila."

"Gaya ng ano po?"

Sasagutin na sana ni Julian si Kelly ng biglang may nakaka kabang tunog ang nag mula sa kwarto ng nanay Wilma nila kaya dali-dali nag punta roon ang mga doctor at ang mga nurse.

"Ano po ang nangyayare?" Ang nag aalalang sambit ni Julian.

"Mag hintay na lamang po kayo dito." Ang sagot nung nurse na lalaki at nag madaling pumasok sa room ni nanay Wilma.

Nag simula naman ng mag panic si Julian kaya si Kelly naman ang nag comfort sa kanya "kuya… mag pray nalang tayo magiging ayos rin si nanay Wilma wag kang mag alala."

Nakita naman silang dalawa nila Kian na kararating lang kaya lumapit agad yung tatlo kila Kelly "bunso, anong nangyayare? Bakit ka nandito? Kamusta ang pakiramdam mo?" Ang nag aalalang tanong ni Kian.

"Oo nga bakit andito ka? Hindi ba dapat nag papahinga ka nasa ang swero mo?" Ang sabi naman ni Kim.

Napatingin naman si Kevin dun sa may pinto ng kwarto ni nanay Wilma at nakita nito na nirerevived na ito kaya naintindihan na nya ang nangyayare "bro…kalamayin mo ang loob mo." Aniya kay Julian.

Iyak naman ng iyak si Julian ng niyakap nya si Kevin "kuya…"

"It's okay andito kami para sayo."

Nakatulala lang naman yung tatlo nila Kelly dun sa dalawa na para bigla nalang naging kumportable sa isa't isa kaya naman sinuportahan nalang din nila si Julian.

***

Extra,

Nag lalaro si Jacob sa cellphone ng mommy nya ng biglang lumapit sa kaniya ang tito Keith nya.

"Siopao tara labas?"

"Hmm? Saan naman po tayo pupunta?"

"Mag bebenta tayo."

"Po? Ano naman po ang ibebenta natin?"

"Ikaw! Nakita ko yun kanina tinawanan mo ko."

Napaatras naman si Jacob sa takot sa tito nya "ah…eh…hindi po promise hindi po ako tumawa."

Lumapit naman si Keith sa nalayong si Jacob "parang ang sarap ng siopao tapos yang mga taba-taba mo ang gagamitin." Pinisil pisil nya ang braso ng pamangkin kaya nag tatakbo si Jacob papalayo sa kaniya.

"AHHHHHHH…"

Tawa naman ng tawa si Keith pero ang hindi nya alam narinig sya ni Faith kaya pinalo nito ang binti ng asawa nya "aray!!!"

"Tukmol ka, pati bata tinatakot mo! Sumbong kaya kita kay kuya Kian?"

"Babe? Kanina ka pa ba diyan?"

"Baliw ka na naman nasan si Tumtum?"

"Ha? Na—Nasa…"

"Nasan?"

"A—Andon sa terrace iniwan ko muna."

"Aba't iniwan mo lang na mag isa don? Anong tingin mo sa anak natin marunong na mag kape tapos mag e-emote kasi iniwan sya ng gf nya?"

"Pwede naman yun babe hayaan mo tuturuan ko na syang uminom ng kape."

"KEITHANIEL!!!!"

Magkabati bati na nga kaya ang mag kakaptid? Ano sa tingin n’yo? Comment na and let me know your opinion.

• Surprise update po ako ngayon ng chapter medyo busy lang po ako kaya baka di po ako maka pag daily update at susubukan ko rin po na irelease yung iba ko pang novel na nagawa ko noon. Hehe...try ko po ah di ko mapromise(ˆ‿ˆԅ)

lyniarcreators' thoughts