webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · 青春言情
分數不夠
463 Chs

Kabanata 231

Nakaupo sa may waiting shed sila Kelly at Patrick at masinsinang nag uusap "Salamat nga pala sa pag tulong sakin kanina dun sa may cr. Bayadan nalang kita mamaya pagdating nila Vince nasa kaniya kasi ang bag ko."

"No need na nga sayo na ang lahat ng yan aanhin ko naman kasi yan. Kung gusto mo sabihin mo sakin ang brand na ginagamit mo para naman mapadalhan kita every month."

"Enough! Ayoko ng pag usapan ang ganitong bagay."

"So— Sorry..."

At natahimik bigla ang kapaligiran na para bang may dumaang anghel sa kanilang harapan "Lets break up." Ang seryosong sambit nung dalawa at nagkatinginan sila sa gulat.@

"Silly me! Hahaha..." Ang pakunwaring tawa ni Kelly.

"No need to explain I know hindi pa tayo ready sa ganitong commitment kaya naiintindihan kita." Ang sambit ni Patrick habang nakatulala sa kawalan.

At bigla nalang bumagsak ang malakas na ulan kasabay ng pagluha ni Kelly (sniff...snifff) "Ha... Ha... hanggang dito abot yung patak ng ulan."

Niyakap naman siya ni Patrick "Mahal na mahal kita." At pumatak na rin ang luha niya kasabay ng kaniya sinabi kay Kelly.

"Sorry..." Ang tugon lang ni Kelly sa kaniya.

Pinunasan ni Kelly ng luha si Patrick "I'm sorry kasi hindi ko kayang ibalik ang pag mamahal na ibinibigay mo sa akin."

(Sniff... Sniff) "No, wag mong sabihin yan kasalan ko din dahil hindi ako sapat sayo."

"Hmmm?"

"I know nasasakal ka na sakin kaya lately hindi tayo magka sundo."

"No! Ako ang may kasalanan dahil hindi ko matanggap ang mga pagkakamali ko. Alam ko namang ako talaga ang may mali sa relasyong ito kaya hindi ko deserve na mahalin ng gaya mo."

Napatayo at medyo nagalit si Patrick "Wag mo sabing sabihin na hindi mo ko deserve dahil ang totoo ikaw ang hindi ko deserve dahil naging pabaya akong boyfriend sayo."

"Siguro nga mas makakabuti sa ating dalawa na tapusin ang kung anong meron tayo. Malay mo makahanap ka pa ng ibang mas mamahalin ka ng higit pa sa akin."

"Yan! Yan ang ayaw ko sayo mabilis kang mag let go hindi ka nga mabilis mag give up pero kapag hindi importante sayo mabilis mo lang nilelet go."

Napatayo na rin sa inis si Kelly "Huh! So ngayon parang lumalabas na ako talaga ang may kasalan dito? Let go at give up parang isa lang naman yon ah dahil sa huli ikaw lang ang makakaintindi sa sarili mo kaya nga sabi sa kanya "love yourself" baka nga tama si Justin Bieber."

"Ganyan ka naman! Yan pa ang isang ayaw ko sayo eh ang madalas kasi ang akala mo alam mo na ang lahat pero hindi naman!"

"Ohhh... so ngayon mag susumbatan na tayo? Ganun ba? Anong susunod mag sasaulian na tayo ng mga gifts na binigay natin sa isa't isa?"

"Gifts? Bakit ni minsan ba may ibinigay ka na sakin?"

"Huh! Okay sige hayaan mo pag yaman ko ibibili kita ng bahay at lupa hindi kasi ako mayaman na isang anak ng milyonaryo ay hindi pala sobrang yaman niyo nga pala baka nga billionaire pa eh kasi ang YAMAN NIYO!"

At umalis na si Kelly kahit na naulan "Kelly!!!" Hinabol siya ni Patrick at nung naabutan sya nito niyakap niya si Kelly mula sa likod.

"Bitawan mo ko!"

"Sorry hindi ko naman sinasadya ang mga sinabi ko. Mahal parin kita kahit ano pa yang ugali mo."

"Kapag hindi mo ako binitawan sisigaw ako rito at sasabihin kong hinaharass mo ako."

"Kelly!!! Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka."

"I said let me go!" Dinaan na niya sa pwersahan ang pagtanggal ng mga kamay ni Patrick sa kanya.

"Wag na wag mo na akong kakausapin pa! Kung pwede rin wag ka ng magpapakita sakin dun ka na kay Jena tutal bagay naman kayo dahil parehas kayong mga MAYAYAMAN."

"Hindi totoo yan!"

"Hindi ko kailangan ng opinyon mo!"

Hinawakan ni Patrick si Kelly at sinabing "Kelly, mag usap tayo kapag malamig na ang ulo mo"

"Bitawan mo ko! At wala na tayong dapat pang pagusapan dahil simula ngayon tapos na tayo! Stranger ka na para sakin! Kaya kalimutan mo na ako at ganoon rin ako sayo."

***

Matapos nga ang maulang hapong iyon hindi na nagka usap pang muli sila Kelly at Patrick madalas ring hindi napasok ng klase nila si Kelly para lang makaiwas kay Patrick.

"Grabe dalawang linggo nalang at gagraduate na tayo!!!" Ang sambit ni Dave na nag iinat inat pa.

"Oo nga parang kailan lang may pa introduce yourself pa tayo ngayon tayo na ang palaging tinatawag sa stage." Ang sabi ni Harvey.

"Ha? Anong palaging tinatawag?"

Bineltukan ni Vince si Dave "Bungol! Baka nakakalimutan mo nag papraktis na tayo mag martsa."

"Ay oo nga pala. Hehe..."

"Kahit kailan talaga gung-gong ka buti nga pinasa ka pa."

"Heh!"

Napansin naman ni Harvey na tulala na naman si Patrick "Pre, ayos lang ba si Patrick?"

"Hindi ko nga alam diyan parati nalang yang wala sa sarili nya." Ang sagot ni Dave.

"Dahil siguro kay Kelly."

"Oh, bakit naman na damay ang pinsan ko dyan?" Ang dumedepensang sagot naman ni Vince.

"Pero hindi rin naman natin maalis iyon sa isang dahilan pero sa tingin ko mas problemado si Dude dahil kailangan niyang manirahan sa America pagkatapos nating grumaduate."

"Bakit?" Ang sabay na sagot nila Vince at Harvey.

"Yung Daddy kasi nila kailangan uling sumailalim sa heart surgery."

"Eh? Hindi ba okay na si Mr. Ricardo?" Ang sambit ni Harvey.

"Oo nga bakit kailangan na namang mag pa surgery?" Ang sumasangayong sagot din naman ni Vince.

"Oo tama naman kayo diyan at yun rin ang buong akala ng pamilya ni dude pero may nakitang pamamaga sa may puso uli ni uncle kaya pinili ng mommy niya at ng ate at kuya niya na sa America nalang mag pa gamot habang hindi pa lumalala. Kasi syempre mas advance ang technology dun kesa dito mayaman naman sila kaya go lang."

"Well sabagay nga basta naman may pera kahit ano kayang gawin." Ang sambit ni Harvey.

"Pero paano ang negosyo nila dito?" Ang sabi ni Vince.

"Napagpasyahan na si ate May at ang asawa niya na muna ang mamahala at syempre si kuya Richmond din tapos sila auntie at dude ang sasama kay uncle sa America."

"Ohhhh..." Ang reaction nung dalawa.

"Kung ako rin naman si Patrick magiging tahimik at parating tulala rin ako dahil maiiwan ko ang lupang aking sinilangan eh." Ang sambit ni Harvey.

"Lupang sinilangan lang?" Ang sagot namang agad ni Dave.

"Alam niyo naawa na rin ako kay Kelly. Alam niyo ba simula nung nag break silang dalawa ni Patrick madalas ng nagkukulong si Kelly sa kwarto niya sabi ni kuya Kevin madalas ring nag vi-video games na naman si Kelly kaya madalas hindi sya nakakapasok dahil puyat at madalas nag kakasakit ayaw raw kasing magkakain pauwi nga ang nanay nila dahil kay Kelly galing Canada." Ang sambit ni Vince.

"Ano? Eh ayos lang ba si Master?"

"Pero ayos naman ang mga grades niya sya padin ang top1 pagdating sa major subjects natin bilib nga ako dun kahit di napasok madalas nakakakuha parin sya ng matataas na score sa exam."

"Yan si Master kaya nga Master ko yun eh."

"Sa totoo lang napasok naman si Kelly tuwing walang pasok ang klase natin napasok sya sa ibang section sorry kung ngayon ko lang ito nasabi sa inyo."

"Ano?" Ang sabay na tugon nung dalawa.

"Oo ayaw kasi pasabi sa inyo ni Kelly baka kasi abangan niyo sya. Bumalik na naman kasi ang dating Kelly na kilala ko. Takot na naman syang makipag usap at makihalubilo."

"Pero mas pinili nya na pumasok nalang sa ibang section para lang makaiwas satin?" Ang tugon ni Harvey.

"Um. Mas okay sa kaniya yon dahil hindi rin naman siya nakikipag usap sa mga hindi niya kilala kaya ayos lang sa kaniya na pumasok sa ibang section kasi di naman niya sila kilala."

"What the? Pwede pala yon?" Ang sabi ni Dave.

"Oo dahil section 1 tayo madalas nahuhuli yung ibang section satin kumbaga may morning session at afternoon session napansin niyo naman siguro na puros morning session ang klase natin ngayon." Ang sagot ni Harvey.

"Ohhh... oo nga no! So kapag pala na kate ako ng gising pwede rin akong pumasok sa afternoon session?"

"Oo pwede pero dapat valid yung reason mo para pasukan ang afternoon class."

"Pero hindi naman valid ang reason ni Master ah sabi ni Vince madalas puyat si Master kasi lagi nag lalaro kaya madalas late. Kaya paanong pwede syang makapasok sa afternoon class sa ibang section?"

"Madali lang matalino kasi sya."

"Ha?"

"Wag mo na nga lang tanungin di mo rin naman maiintindihan!"

"Magsi uwi na nga tayo may inuutos na naman kasi sakin si ate Alice eh naglilihi kasi sya." Ang sabi ni Vince.

"Oohhh... naalala ko na naman yung PT na binili n'yo ni Master sa Pharmacy."

"Oo at dahil din dun lumaki ang alitan nila Kelly at Patrick kaya nga pakiramdam ko kasalanan ko kaya sila nag break."

"Hindi ako talaga kasi na misinterpret ko kayo."

Binatukan naman sya ni Vince "Oo bungol ka kasi."

"What if gumawa tayo ng way para naman makapag usap silang dalawa bago man lang tayo grumaduate at bago lumipad si Patrick papuntang America." Ang sabi ni Harvey.

Hala! Ano na ang nangyari sa KelRick loveteam? Comment nyo po kung ano ang maaaring mangyari. @-@

lyniarcreators' thoughts