webnovel

Tumugon sa Aking Adiksyon

編輯: LiberReverieGroup

Kumurap si Xinghe at pagkatapos ay napagtanto niya kung ano ang tinutukoy nito. Tumawa siya. "Pero sabi ni Sam ay kahit na sinong lalaki ang mahuhumaling dito, sinabi niya na kahit ikaw ay hindi magiging iba."

May bahid ng galit sa mga mata nito. "Sinusubukan niyang paglayuin tayong dalawa?"

"Siguro nga ay sinusubukan niya, pero katangahan naman iyon."

"Oo nga," obserba ni Mubai ng nakangisi. "Hindi ako tulad niya; maaaring na-adik na siya pero hindi ako dahil tanging ikaw lang ang makakatugon sa aking adiksyon."

Ang matamis nitong pagsasalita ay lalong humuhusay; mas gumaganda ito sa pandinig ni Xinghe. Nakakaramdam siya ng kasiyahan sa bawat oras na ginagawa nito iyon. Hindi na nakapagtataka na sinasabi nila na ang matatamis na salita ang pinaka kahinaan ng mga babae. Pagkatapos ay inisip niya, Siguro ay hindi na masama na magkagusto sa lalaking ito.

Habang iniisip ito, hindi mapigilan ni Xinghe na mapangiti.

Pagkakita sa nakakaakit nitong ngiti, lalong lumawak ang ngiti ni Mubai. "Ano ang iningi-ngiti mo diyan?"

"Walang dahilan, bigla ko na lamang nahiling na umalis sa lugar na ito at umuwi na."

Noong nasa Earth pa sila, pakiramdam nila ay wala namang espesyal doon. Tanging pagkatapos nilang umalis ay saka lamang nila napagtanto kung gaano kaganda ang Earth. Nandoon pa lamang sila ng ilang araw at hindi na agad siya makapaghintay na makauwi. Gusto na niyang bumalik sa City T kasama si Mubai para makita ang kanilang anak at pamilya.

Dumilim ang mga mata ni Mubai. "Gusto ko na ding umuwi ng mas maaga, pero wala pa ding balita tungkol sa iyong ina."

Ginugol na nila ang ilang nakalipas na araw na nagtatanung-tanong, pero tila wala sa mga ito ang nakakaalam kung saan napunta ang mga magulang nina Xinghe at Ee Chen. Ang ilan na nakakakilala sa kanila ay sinasabing nawala ang mga ito maraming taon na ang nakakalipas at hindi na nila ipinakita pa ang kanilang mga sarili.

Ang ilan ay nagsasabi na pasikreto silang ipinapatay ni He Lan Yuan sa pagtatraydor sa kanya, habang ang ilan ay nagsasabing tumakas sila sa lugar na iyon dahil hindi na nila matagalan ang buhay doon. Maliban kay He Lan Yuan, wala ni isa sa kanila ang aktwal na nakakaalam kung ano ang nangyari, pero alas, nabaliw na si He Lan Yuan. Kaya naman, ang kanilang mga bakas ay nawala na naman.

Ang ngiti sa mukha ni Xinghe ay nawala at sinabi niya, "Kahit pa, dahil wala naman na sila dito, siguro ay nasa ibang lugar na sila. Hanggang buhay pa sila, isang araw ay magpapakita din sila."

"Oo, naniniwala din ako doon," buong tiwala na sinabi ni Mubai. "Huwag ka nang masyadong mag-alala pa tungkol dito. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para hanapin siya pagbalik natin sa Earth. Kung nasa Earth na siya, mahahanap natin siya."

"Okay." Tumango si Xinghe at inilagay na ito sa likuran ng kanyang isip. Dahil, wala naman ng saysay pa na isipin pa iyon, hindi siya ang isang tao na nag-aalala tungkol sa isang bagay na hindi niya makokontrol. Ang kanyang layunin ngayon ay ang lutasin ang sistema at tulungan ang lahat ng naririto na makabalik.

"Susubukan ko ang lahat ng makakaya ko na lutasin ang sistema ngayon, magpakaabala ka muna sa trabaho mo, kailangan ko nang magsimulang magpokus sa ginagawa ko," direktang sinabi ni Xinghe kay Mubai.

"Wala naman akong ibang importanteng pagkakaabalahan ngayon, mananatili ako para samahan ka."

Sa sandaling sinabi ito ni Mubai, isang lalaki ang biglang pumasok para sabihan sila na, "Mr. Xi, Miss Xia, paumanhin sa istorbo. Hiniling sa akin ni Mr. Shi Jian na sunduin kayong dalawa para makita siya, ang sabi niya ay may importante siyang sasabihin sa inyo, kaya pakiusap ay sumunod po kayo sa akin."

Nag-alangan sina Mubai at Xinghe. Nagtanogn si Xinghe, "Sinabi ba niya kung tungkol saan ito?"

"Tila tungkol ito sa mga spaceship ng base."

Sa nakalipas na dalawang araw, si Shi Jian at ang iba pa ay nagsusuri at naghahanda sa mga spaceship. Sa sandaling napabagsak ang defense system, aalis sila sakay ng mga spaceship. Tila may hindi magandang nangyari sa mga spaceship, isa itong malaking problema.