webnovel

Tulungan Ka Gamit ang Lahat ng Mayroon Ako

編輯: LiberReverieGroup

"Ang Project Galaxy, ayon sa kanya, ay isang plano para makahanap ng isa pang planetang pwedeng tirahan at ang proyektong ito ay sinimulan ng henerasyon ng aming mga magulang."

Hindi makapagsalita si Mubai! Walang normal na tao ang maniniwala na may ganoong bagay na talagang nabubuhay!

"Iyon ang sinabi ni Ye Shen?" Sinubukang kumpirmahin ni Mubai.

Tumango si Xinghe. "Oo, pero malaki ang duda ko sa paniniwala niyang ito."

Sumang-ayon si Mubai, "Ako din. Pero, ang ikunsidera ang katotohanan na nadamay si Feng Saohuang, ang Project Galaxy na ito ay maaaring importante."

"Ang mga ama nila Ye Shen, Xia Meng, Ruobing at ang ina ko ay may mga pagkakapareho. Lahat sila ay lumitaw sa City T tatlumpung taon na ang nakakaraan at nawala labindalawang taon na ang nakakalipas. Ginamit siguro ni Ye Shen ang koneksyon na ito para hanapin si Xia Meng tulad ng kung paano hinanap ni Ee Chen si Ruobing. Gayunpaman ang tanging alam ni Saohuang ay hawak ni Ye Shen ang enerhiyang kristal na ito pero hindi ang kay Xia Meng. Wala siyang ideya tungkol sa pagkakaparehas kaya walang kinalaman ang magulang nito sa proyektong ito. Pero, ang ibig sabihin nito ay galing sa ibang pinagmulang ang kaalaman niya tungkol sa proyektong ito at naniniwala ng lubusan sa mga implikasyon."

Naintindihan ni Mubai ang ibig niyang sabihin. "Ang ibig mo bang sabihin ay may katotohanan itong mga bagay ng Project Galaxy dahil nakumpirma ito ng pagkakadawit ni Saohuang?"

"Tama iyon."

"Kung totoo man ang pagkagunaw ng mundo ay kailangan din nating makisali."

Tumango si Xinghe. "Tama ka. Kaya naman, kailangan nating mahanap ang dalawang enerhiyang kristal na itinago ni Ye Shen at subukang makakuha pa ng maraming impormasyon mula kay Saohuang."

"Alam ba niya na may enerhiyang kristal ka din?" Ito ang tanong na inaalala ni Mubai.

Umiling si Xinghe. "Hindi pa. Inisip siguro ito ng aking ina na mangyayari kaya inilayo niya ako sa City T para mangibang-bansa. Wala maliban sa akin ang nakakaalam ng oras ng kanyang paglalaho. Isa pa, wala kang makikita na kahit ano sa kanya, binura niya ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya."

"Pero ang iyong pangalan ay isang malaking palatandaan."

"Isang karaniwang pangalan ang Xinghe. Ang tangi nilang magagawa ay pagdudahan ako, walang paraan na masisigurado nila ito. Tingnan mong halimbawa sina Ee Chen at Xia Meng, pinagdududahan lamang nila na may kinalaman ako doon pero hindi nila ito makumpirma."

Nagduda si Ee Chen na may kinalaman siya sa proyekto matapos nitong makatrabaho si Xinghe, habang sa dako naman ni Xia Meng ay inamin niya ang katotohanan.

Nag-aalala pa din si Mubai. "Kahit ano pa, kailangan nating mag-ingat. Kahit ang pagdududa ay maaaring magdala ng maraming panganib."

"Naiintindihan ko."

"Mula ngayon, uutusan ko ang mga tauhan ko na protektahan ka sa lahat ng oras. Magpagaling ka lang ng maigi at iwanan mo ang lahat sa akin."

May determinasyong umiling si Xinghe. "Hindi ko magagawa iyan. Mararamdaman kong ligtas ako kung ako mismo ay may personal na pagtulong doon."

Inaasahan na ito ni Mubai. Alam niya na hindi siya ang klase ng babae na magtatago sa anino ng isang lalaki. Isa pa, napatunayan na niya ang sarili na mas matalino at mas matapang kaysa sa ilang kalalakihan. Hindi niya kailangan ng lalaki para ipagtanggol siya mula sa mundo dahil higit ang kakayahan nito na harapin ang mundo gamit ang sarili nitong kakayahan.

Tumingin si Mubai sa kanya at walang magawa na sinabi, "Hindi ko alam na may ugali ka palang makipagkumpetensiya."

"Hindi ako nakikipagkumpetensiya. Mas gusto ko lamang na hawak ko ang sarili kong kapalaran."

Dahil sino nga naman ang makakagawa ng pinakamainam na desisyon para sa kanya maliban na lamang sa kanyang sarili?

Ito ang kalidad na pinahahalagahan ni Mubai kay Xinghe. Kung hindi ito nananatiling totoo sa sarili nito, hindi na ito magiging si Xia Xinghe.

"Kung ganoon, susuportahan kita sa lahat ng paraang makakaya ko," alok ni Mubai, "Sabihin mo sa akin kung kailangan mo ang kahit anong tulong at gagawin ko ang lahat para tulungan ka."