Kahit na gaano pa kalakas ang ipinapakita niya, nag-aalala pa din siya para dito.
Ang sitwasyon ay patuloy na bumabagsak. Makalipas ng sumunod na dalawang araw, ang ilan ay namatay na mula sa sakit!
Ang dalawa sa kanila ay mga dayuhan, ang isa ay mula sa Country W at isa pa mula sa Country C. Tulad ng Hwa Xia, ang dalawa sa mga bansang ito ay major world powers. Ang ilan sa mga kalahok at manonood ay nagmula din mula sa dalawang bansang ito. Kaya naman, kung istatistiks ang pag-uusapan, ang pinakamaraming bilang ng mga dayuhan na naimpeksiyon ay mula sa dalawang bansang ito.
Ang biglang pagkamatay ng kanilang dalawang mamamayan ay nagpagalit sa mga embahada ng Country W at Country C. Humihiling sila ng paliwanag mula sa Hwa Xia at unahing gamutin ng mga doktor ang kanilang mga mamamayan, kung hindi ay magtatalaga sila ng internasyonal na krisis.
Sa madaling salita, ang dalawang bansang ito ay pinagsasamantalahan ang katotohanan na ang presidente ng Hwa Xia ay may sakit para kumontra. Bigla, ang Hwa Xia ay nasangkot sa isang internasyonal na krisis diplomatiko. Ang bawat mataas na opisyal mula sa Hwa Xia ay abala na kaharapin ito.
Ang United Nations ay tinatrato ito bilang pinaka prioridad. Dahil nandoon si Tong Liang at nagmula ito sa Hwa Xia, natural na ito ang maging pinuno na tumitingin sa kaso. Ang unang ginawa niya ay ipatawag si Xinghe ng maibalita ang mga kamatayan.
Nakipagtulungan si Xinghe. Sa malaking silid ng pagpupulong, pitong pinuno ang naupo kaharap si Xinghe na pinamumunuan ni Tong Liang; ito ay may hitsura ng isang tribunal na hinahatulan si Xinghe imbes na isang kaswal na panayam.
Gayunpaman, hinarap sila ni Xinghe ng buong kumpiyansa at poise.
Sinulyapan ni Tong Liang ang buong hitsura nito at mahinang nagtanong, "Xia Xinghe, alam mo ba kung bakit ka ipinatawag?"
"Hindi," sagot ni Xinghe sa kapareha na walang emosyong tono.
Direkta siyang sinabihan ni Tong Liang. "Ito ay dahil may duda kaming may kinalaman ka sa virus outbreak na ito at ito ang dahilan kung bakit ikaw na nasa ilalim ng aming imbestigasyon sa ngayon."
"May kinalaman sa akin?" Taas kilay ni Xinghe na may interes, pero ang tono niya ay kasing lamig pa din tulad ng dati. Kahit na hindi siya nagkaroon ng magandang tulog ng mahabang panahon, hindi ito nakaapekto sa kanyang hitsura; seryoso at hindi pa din siya mabasa tulad ng ibabaw ng isang malalim na lawa.
"Tama iyon," masungit na sagot ni Tong Liang, "Ang trahedya ay nangyari dahil bigla kang nagdesisyon na magsagawa ng kakaibang kumpetisyon sa akademiya. Ang timing ng outbreak ay masyadong nakakapagtaka, at wala namang naunang sintomas, kaya ang duda namin ay isa ito sa masama mong balak!"
Biglang tumawa si Xinghe. "Nasaan ang katibayan?"
Hindi ito natinag sa biglaang akusasyon, dahil hindi ito ang unang beses na pinaratangan siya.
Patuloy pa din si Tong Liang sa pag-aakusa. "Hindi totoo na napakaraming pagkakataon lamang. Ang paraan ng pangyayari ng bagay na ito ay higit pa sa sapat para mapatunayan ang aming suspetsa. Aminin mo na ang iyong krimen. Ito ba ay dahil sa galit at gusto mong paghigantihan ang lipunan ng mga tao?"
"Maghiganti sa lipunan ng mga tao?" Lalo pang tumaas ang kilay ni Xinghe.
"Tama iyon." Mayabang na ngisi ni Tong Liang. "Ikaw at ang mga kaibigan mo ay ang pinakamatatalik na kaibigan ng mga kriminal na mula sa buwan, kaya hindi naman ilohikal na makita na naimpluwensiyahan ka na din nila. Kaya naman, ang grupo mo ay nagplano na gayahin ang kanilang plano na maghiganti sa lipunan ng mga tao. Ito ay dahil sa galit na galit ka nang ang mga kaibigan mo ay dinakip palayo. Sinabi mo pa nga na gagawin mo ang lahat para iligtas sila. Pinakawalan mo ang virus na ito para sirain ang mundo kung kaya magkakaroon ka ng opening na kinakailangan mo para iligtas sila. Alas, ang plano mo ay nabunyag na dahil sa akin!"
Gusto talagang tumawa ni Xinghe. May makulay na imahinasyon talaga ang Tong Liang na ito. Nagawa pa nitong pagtagni-tagniin ang mga magkakahiwalay na insidente at magbigay ng ilang katotohanan dito. Gayunpaman, hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng pagkakataong makaharap si Xinghe ng mayayabang na p*ta na masyadong mataas ang tingin sa kanilang mga sarili.
"Miss Tong, nakakalungkot na hindi ka isang manunulat dahil sigurado akong bebenta ang drama mo ng husto."
"Xia Xinghe!" Isyu ni Tong Liang sa isang masungit na tinig. "Huwag mo nang subukan pang magpalusot dito, nangangahas ka bang sabihin na hindi mo nais na iligtas ang mga kriminal na iyon? Nangangahas ka bang aminin na hindi ka nagkaroon ng magandang relasyon sa kanila?"