webnovel

Pangkat ng mga Tao

編輯: LiberReverieGroup

Ang sandaling ito ay naging makasaysayan, at ang pangalan ni Xinghe ay naitala sa mga aklat ng kasaysayan. Hindi malilimutan ng sangkatauhan ang araw na ito, hindi nila makakalimutan kung paano niya iniligtas ang mundo!

Ang pinakamalaking banta sa mundo ay nawala na. Kahit na nawala sa kanila ang lahat ng mga satellite, ang mundo ay nagdiriwang.

Kanina ay nais ng buong mundo na mamatay si Xinghe, pero pagkatapos ng ilang sandali, ay nagpapasalamat sila ng husto dito.

Hayagang umiiyak ang mga tao. Ang mga luha ay mula sa ginhawa at pagsisisi. Ang lahat ay nagsisisi at gusto nilang humingi ng tawad ng personal, pero walang nakakaalam kung nasaan siya. Para ipakita ang kanilang pagpapasalamat at paghingi ng tawad, inilunsad sa buong mundo ang mga parada para kay Xinghe. Hawak ng mga tao ang larawan ni Xinghe at ang kanyang mga larawan ay nakasabit sa bawat panig ng mga gusali.

Halos kahit saan na tumingin ang isa, ang mukha ni Xinghe ay makikita at maririnig ang patuloy na pagbigkas ng pangalan nito. Ang internet ay bumagsak dahil nasira ang lahat ng mga satellite, pero wala itong nagawa para mawala ang masidhing damdamin ng publiko. Ginawa nila ang lahat ng posibleng paraan para maipadala ang pagmamahal nila dito. Marami pa ang hayagang nagdeklara na magbabago dahil nabigyan sila ng panibagong pagkakataon na mabuhay.

Ang grupo ng mga tao na nasa labas ng mga mansiyon ng Xi family ay napakarami. Noong una, nandoon ang mga ito para hulihin si Xinghe, pero ngayon ay naroon ang mga ito para magbigay-pugay sa kanya. Wala sa mga miyembro ng Xi family ang nangahas na lumabas noong una, at hanggang ngayon ay hindi pa din sila nangangahas na buksan man lamang ang kanilang mga pintuan.

Dinumog din ng mga tao ang mansiyon ng Xia family at ang entrada ng kumpanya ni Xinghe. Maraming artista at kilalang mga tao ang ipinapakita ang kanilang interes kay Xinghe, ang ilan pa ay direktang nagpo-propose sa kanya sa screen. Siyempre, hindi lamang ang mga kalalakihang ito ang may nais na pakasalan si Xinghe; ang bilang ng mga ito ay napakarami para bilangin.

Ang ilang istasyon sa telebisyon na gumagana pa ay patuloy na nagpapalabas ng mga balitang ganito sa araw-araw. Ang lahat ng mga ito ay may kaugnayan kay Xinghe. Tanging ang hayagang deklarasyon ng pag-ibig ay nakagawang makakuha ng sagot mula sa SamWolf.

Iniluwa ni Sam ang buto ng ubas mula sa kanyang bibig at nanunuyang nagkomento, "Sino ba ang mga taong ito na iniisip na kwalipikado silang pakasalan si Xinghe? Masyado na silang huli para sumali."

"Oo, alam kong alam mo kung ano ang pakiramdam na iyan," sopla ni Ali sa kanya ng may diretsong mukha. Sa ibang kadahilanan, wala siyang masabi para madepensahan ang kanyang sarili.

Tumitipa si Cairn sa calculator at seryoso nitong sinabi, "Napakaraming lalaki ang gustong gamitin ang bawat singko na mayroon sila para pakasalan si Xinghe. Gumawa ako ng ilang kalkulasyon, sa pagtanggap pa lamang ng dowry, siya na ang magiging pinakamayamang tao sa buong mundo."

"Hindi ba ayos sa kanila ang isang polygamous na relasyon?" Inosenteng tanong ni Wolf.

Tumango si Cairn matapos ang pag-iisip ng ilang sandali. "Sa tingin ko ay ayos lang. Marami sa kanila ay hayagang sinabi na ayos lamang na maging lover sila nito ng kahit na walang status."

Napadiretso ng upo sa kanyang kinauupuan si Sam at sinabi, "Ang totoo, hindi naman na ito masama. Ang iniisip ko ay kung papayag si Xinghe doon o hindi."

Napaubo si Ali at ipinagdiinan, "Hindi ba't dapat si Mr. Xi ang magdedesisyon niyan, tama?"

Si Sam at ang iba pang mga lalaki ay napagtanto na din sa wakas ang pagbabago ng ere sa silid. Mabagal silang lumingon at rumehistro ang takot sa kanilang mga mukha nang makita nilang nakatayo sa may pinto si Mubai.

Pagkakita sa hitsura nitong wala man lamang ngiti, agad na nagsalita si Sam, "Wala kaming intensiyon kay Xinghe, nagbibiro lamang kami, isinusumpa ko, biro lang!"

"Tama siya, nagbibiro lamang kami." Tumango din si Cairn.

Ngumiti si Mubai at sinabi, "Alam kong nagbibiro lamang kayo. Huwag kayong mag-alala, hindi ko naman ito dinidibdib."