webnovel

Napahanga sa Kanyang Katatagan

編輯: LiberReverieGroup

Napako din ang surveillance footage sa ilang piling lokasyon. Habang pinapagana niya ang mga computer, nalaman ni Xinghe na hindi marunong ang surveillance crew; hindi nila alam kung paano gamitin ang mga videos at ang mga blind spot dito. Kahit ngayon, inabandona nila ang kanilang pwesto, kaya naman nawalan ng silbi ang katuturan ng pagkakaroon ng surveillance room. Gayunpaman, isa itong hulog ng langit para kay Xinghe. Salamat na lamang at ang mga surveillance camera ay nakakalat sa buong kuta, kaya naman nahanap ni Xinghe ang bagay na gusto niyang makita.

"Ito ang… ang taguan ng mga armas!" Bulalas ni Ali ng makita ang screen.

Tumango si Xinghe. "Tama iyon, inaakala ko na magiging kapaki-pakinabang ito para sa mga kaibigan mo."

Pinigilan ni Ali ang tuwa sa kanyang boses. "Oo. Maaaring may mga pasabog pa doon. Pupunta na ako at titingnan ngayon!"

"Hindi, ako na ang pupunta, tulungan mong gabayan si Cairn at ang iba pa." Narinig sila ni Wolf, ibinato kay Ali ang kanyang ear-mic at tumakbo palabas ng silid. Agad na tumalima si Ali sa bago niyang pwesto. Pinagana ni Xinghe ang parehong computer ng sabay, tinulungan niya si Ali na hanapin ang mga nagtatagong kalaban sa isa at tulungan si Wolf na mag-ingat sa mga patibong at ambush mula sa kabila.

Si Ali ay parte ng grupo at gumugol ng maraming oras na kasamang lumalaban ng mga lalaki kaya maayos ang kanilang pagtutulungan, ang nagpagulat sa kanya ay kung gaano kaayos ang pakikipagtulungan niya sa estrangherong ito. Kapag kumikilos na ang mga kalaban, agad nitong babaguhin ang mga footage, na tila ba ang video ay nasa motion control. Ang mga utos ni Ali ay nahihirapan pa ngang humabol dito. Sinubukan niyang gawin ang lahat para makahabol; hindi niya hinahayaang maiwan siya.

Sa kabilang banda naman, sa tulong ni Xinghe, matagumpay na narating ni Wolf ang taguan ng mga armas matapos mapatumba ang ilang kaaway. Napakaming armas sa loob pero hindi naman talaga ito bago. Gayunpaman, tama si Ali, may mga pasabog din doon!

Ito na marahil ang pinakamahalagang bagay sa kuta, nakakandado ito sa loob ng isang malaking baul na gawa sa bakal. Binaril ni Wolf ang kandado at agad na inilipat ang maraming pasabog sa kanyang backpack.

Nakita ito ni Ali at napabulalas, "Mahusay, nasa atin na ang mga pasabog!"

Sa kanyang pagkagulat, sa sandaling iyon, inihagis sa kanya ni Xinghe ang isang baril. "May paparating dito!"

Ipinakita ng screen ang isang lalaking papalapit sa surveillance room, maaaring naramdaman nito na may kakaiba kaya naman bumalik ito para magsiyasat. Mahigpit na hinawakan ni Ali ang baril sa kanyang mga kamay at ngumisi, "Tamang-tama, gusto ko ring makatikim ng aksyon!"

Inihagis ni Ali kay Xinghe ang ear-mic at nagpunta para maghanda ng isang ambush. Natural na isinuot ni Xinghe ang mic at ginampanan ang pagbibigay ng utos. Salamat na lamang at narinig na nina Wolf at ng grupo niya ang boses ni Xinghe sa background noong nagsasalita si Ali kaya naman hindi na sila nagtaka sa pagbabago.

Hindi na pinansin pa ni Xinghe ang paparating na lalaki, itinuon na lamang niya ang pansin sa pagbibigay ng utos at pagpapagana ng mga computer.

Ang lalaki sa labas ay narinig ang boses ni Xinghe at pumasok ng iwinawasiwas ang baril. Sinigawan niya si Xinghe at tinutukan ito ng baril pero nasipa ito sa tiyan ni Ali na nagtatago. Napahiga ito sa sahig at bago pa man ito nakabangon ay nabaril na ito ng tatlong beses ni Ali. Tumigil ito sa pagbaril nang makitang hindi na ito gumagalaw.

"Ayos ka lang ba?"

Bumaling si Ali para tingnan si Xinghe pero nagulat siya sa nakita. Kalmado si Xinghe na tila isang matayog na kabundukan, mukhang hindi man lamang ito natinag. Tila ba ang kaguluhang nangyari sa likod niya ay walang kaso sa kanya.

Napahanga si Ali sa kanyang katatagan. Napagtanto niya na mas mahusay magbigay ng utos sa kanya si Xinghe. Hindi lamang niya sinabi kay Wolf at sa iba pa kung saan at ilan ang kalabang malapit sa kanila kundi pati na rin mga bagay at paraan kung paano mapapatumba ang mga ito.