Ang mga kompetisyon ay mangyayari ng paulit-ulit hanggang sa dumating ang pinakatunay na labanan. Habang nalalapit sila sa huling laban, mas lalong humihirap at humihigpit ang mga kompetisyon. Naiintindihan ni Xinghe ang ibig niyang sabihin. "Kaya naman, kahit gaano kaliit ang kompetisyon, kung kailangan manalo, dapat ay manalo tayo."
"Tama iyon!" Tango ni Munan. Ito lamang ang tanging paraan para mapanatiling mataas ang morale ng mga sundalo. Ang pinakamaraming bilang ng tagumpay sa kompetisyon ay mangangahulugan ng isang pinakahuli at pinakamalaking tagumpay. Dahil ang mga nakakataas ay hindi nanaisin ang isang lupon na palaging natatalo.
"Kung gayon, ikaw ang dapat na manghamon sa pagkakataong ito," sinabi sa kanya ni Xinghe.
Nagulat si Munan. "Ibig mong sabihin ngayon?"
"Oo, ikaw ang magbigay ng hamon sa kanila bukas."
"Pero, hindi ba masyadong maaga ang paghamon? May oras pa ba kami para maghanda?"
Mahinang sinabi ni Xinghe na, "Dapat ay palagi kang nakahanda."
Naging seryoso si Munan. "Tama ka! Hahamunin ko sila bukas na bukas din!"
Kahit ano pa ang maging resulta, ang isang sundalo ay dapat na harapin ang anumang hamon gamit ang lahat ng mayroon siya ng buong tapang.
…
Kinabukasan, dumating si Saohuang sa kampo kasama ang kanyang mga tauhan. Naging alerto ang buong kampo, natatakot na magpakita ng anumang kahinaan sa grupo ni Saohuang. Ginugol ni Munan ang ilang sandali para batiin ng naaayon sa kailangan sina Saohuang bago pa sila dumating sa punto.
"Major Xi, narinig ko na nakakuha ka ng tauhan na kahanga-hanga. Para sa kapakanan ng ikauunlad ng ating mga grupo, dinala ko ang mga tauhan ko para magpalitan ng impormasyon sa mga tauhan mo, sigurado akong ayos lamang ang mga ito sa iyo, hindi ba?" Tanong ni Saohuang nang may pilit na ngiti. Ang dahilan na ibinigay niya ay opisyal pero hindi nito maitatago ang katotohanan na nandito siya para subukan ang bagong talento ni Munan.
Ngumisi si Munan, hindi natatakot sa kanila. "Siyempre hindi, pero paano inaasahan ni Major Feng na gawin iyon?"
Tumawa si Saohuang. "Simple, patakaran ng militar."
Ang patakaran sa militar ay ang magkaroon ng kompetisyon, dahil sa militar, mas matimbang pa din ang gawa kaysa sa salita.
Sinulyapan ni Munan ang mga tauhan ni Saohuang at nakangiting nagsabi na, "Siyempre, pero kailangan kong ipaalala kay Major Feng na ang aking tauhan ay hindi isang personnel ng militar, isa siyang civilian expert. Nandito siya sa sarili niyang kagustuhan at hindi siya sakop ng military chain of command. Kaya naman, depende ito sa kayang desisyon kung tatanggapin niya ang hamon mo o hindi."
"Kung gayon, tawagin na ninyo siya at tatanungin natin siya ng personal," pilit ni Saohuang. Tumango si Munan at may inutusan para sabihan si XInghe. Ang ibinigay na sagot ay hindi pupunta si Xinghe at hindi tatanggap ng anumang hamon.
Tumawa si Munan. "Mukhang hindi siya interesado sa kahit na anong uri ng palitan."
Hindi inaasahan ni Saohuang na magiging bastos si Xinghe. May kalamigan sa mga mata nito pero makikita na may ngiti pa sa kanyang mata.
"Mukhang kakaibang tao si Miss Xia," obserba nito ng may pilit na ngiti.
Nanghahamak na sinabi ni Sun Yu, "Mukhang natatakot siya na matalo sa akin."
Agad na nagpakilala si Saohuang, "Major Xi, nakalimutan kong banggitin, ito ang computer expert na nagtatrabaho para sa akin. Narinig niya na mahusay sa kanyang trabaho si Miss Xia kaya interesado siya na makita ito ng personal at umaasa na din na magkaroon ng friendly competition."
"Isang malaking lalaki na gustong apihin ang isang mahinang babae, nakakatawa naman," pang-aasar ni Yan Lu.
Hindi nainis si Sun Yu pero sumagot ito ng may malamig na ngiti. "Ano naman ang grupo ng mga lalaki na kailangan pang umasa sa tulong ng isang mahinang babae?"
"Insulto ba iyan?!" Tanong ni Yan Lu sa nakakatakot na tono.
Kalmadong sumagot si Sun Yu, "Well, depende iyon kung ang nauna mong komento ay isang insulto o hindi?"
"Ikaw…" handa ng sumabog si Yan Lu pero biglang binuksan ni Munan ang kanyang bibig para mag-utos, "Tigilan ninyo iyan pareho!"