webnovel

Kamalasan, Paparating Na Muli

編輯: LiberReverieGroup

Mas higit sa pagkakagulo, ang plano ay lubusan nang nasira. Kung naipanalo ni Saohuang ang dalawang laban, agad na magkakaroon ang Lin family na gawin siyang pinuno ng Flying Dragon Unit. Ang dapat na kalahating taong palugit ay makakansela at agad nila itong mapapangalanang pinuno sa pinakamadaling panahon. Mas madali sana nilang matatalo ang Xi family…

Pero natalo ito!

Ngayong natalo na siya, wala nang rason para sa kanila na patuloy pang suportahan si Saohuang. Pinagalitan ni Lin Yun ang sarili sa hindi tamang pagpusta kay Saohuang. Hindi mahusay ang lalaki tulad ng sinasabi nito.

Mukhang hindi natinag si Saohuang, at sumagot ito, "Ang pagkatalo na ito ay hindi ko inaasahan pero maniwala ka, hindi ito ang intensiyon ko."

"Ang katotohanan ay, natalo ka! Hinayaan mong mawala ang magandang pagkakataon na ito, ngayon ay nagdadalawang-isip na ako na ipagpatuloy pa ang pagtutulungan natin kung magiging tapat ako sa iyo. Kaya naman, Feng Saohuang, bibigyan kita ng huling pagkakataon. Kung hindi mo maisasalba ang sitwasyong ito, ang pagtutulungan natin ay tapos na."

Isang kislap ng kalamigan ang lumitaw sa mga mata ni Saohuang ngunit hindi ito mababanaag sa kanyang mga salita. "Miss Lin, huwag kang mag-alala, siguradong mareresolbahan ko ang problemang ito sa lalong madaling panahon. Hintayin mo ang magandang balita mula sa akin."

"Siguraduhin mo. Huwag mo kaming biguin kung hindi ay malalaman mo ang mangyayari sa iyo!" Matapos noon, ibinaba na ni Lin Yun ang telepono. Mabagal na ibinaba ni Saohuang ang kanyang telepono, ang mga mata niya ay nag-aalab dahil sa pagkasuklam.

Walang pwedeng magbanta sa kanya ng ganoon, kahit na ang Lin family…

Kahit na ano ang mangyari, isang araw, mapupunta din ang mga taong iyon sa ilalim ng kanyang mga paa! Sa ngayon, gagamitin niya ang mga ito para unahing mawala ang Xi family. Pero bago ang mga ito, kailangan niyang alisin muna ang Xia Xinghe na iyon!

Habang nabubuo ang plano sa kanyang isip, ang mga labi ni Saohuang ay kumurba para maipakita ang isang nakakahindik na ngiti, ang hangin sa paligid niya ay napupuno ng masamang pangitain…

Matapos ang gabi ng pagdiriwang, ang lupon ni Munan ay bumalik na sa pagsasanay. Kahit na katatapos lamang ng tagumpay, hindi sila nagpabaya sa kanilang pagsasanay. Kung anupaman, mas maayos at mabisa na ang kanilang mga pagsasanay kaysa dati.

Patuloy pa ding pinamumunuan ni Xinghe ang tech team, walang humpay na nakikipaglaban. Kung kailan inisip ni Munan na ang lahat ay patungo na sa positibong pag-unlad, bigla silang tinamaan ng kamalasan!

May nakuha na namang isa pang kaso ng ninakaw na mga armas militar ang pulisya ng City T. Isa dapat itong pagdiriwang pero nakita ng mga pulis ang pangalan ng isang tao sa pinakapinuno ng mga nagpupuslit sa isang sikretong file…

Sa kampo ni Munan, muli ay tinulungan ni Xinghe ang mga sundalo na gumawa ng mga bagong software. Ang buong grupo ay maganda ang mood. Ang kanilang paghanga kay Xinghe ay patuloy ang pagtaas at paglago.

"Miss Xia, bakit hindi ka na lamang sumali sa militar? Malulungkot kami kapag umalis ka," suhestiyon ng isa, isang mungkahi na sinang-ayunan ng lahat.

"Tama iyon. Miss Xia, bakit hindi ka na lamang manatili dito? Makakatrabaho ka na namin sa hinaharap!"

"Miss Xia, gusto namin na magtrabaho sa ilalim mo! Pakiusap dito ka na lang, nangangako kaming magiging tapat sa iyo sa habambuhay!"

Hindi inisip ni Xinghe na atubili ang mga ito na umalis siya. Ngumiti siya, "Gusto ko din na makatrabaho kayo pero hindi ako nabibilang dito. Gayunpaman, nagpapasalamat ako sa lahat sa mainit ninyong pagtanggap sa akin."

"Bakit mo naman sinasabi iyan? Wala nang mas nabibilang pa dito maliban sa iyo!"

"Tama iyan, Miss Xia, manatili ka na lang dito…"