webnovel

Ibang Klase ang Iyong Ina

編輯: LiberReverieGroup

Magalang na tumango bilang ganti si Mubai na ikinabigla ni Chengwu. Ang inisip niya ay mahirap pakitunguhan si Mubai tulad ng halos karamihan ng mga Young Master, pero parang hindi ito ganoon…

Matapos nilang pumasok sa bahay, sa wakas ay nagmaneho na paalis si Mubai. Maraming katanungan ang naghihintay kay Xinghe. Matagal na panahong hindi niya nakita ang tiyuhin kaya nami-miss niya ito ng husto. Kaya naman, matiyaga niyang sinagot ang lahat ng tanong nito.

Matapos makasiguro na mabuti na talaga ang pakiramdam nito, masayang sinabi ni Chengwu, "Mabuti naman at nakabalik ka na. Hindi mo alam kung gaano kami nag-aalala. Paano ko pa haharapin ang ama mo kung may nangyari sa iyo? Ikaw lang ang nag-iisang anak niya."

Bigla, nagtanong si Xinghe, "Uncle, alam mo ba kung paano nagkakilala ang aking ama at ina?"

Ngumiti si Chengwu habang inaalala. "Sinabi na sa akin ito ng ama mo dati. Nang magkakilala sila, kami, ang Xia family, ay hindi pa nakakagawa ng pangalan namin. Ang ama mo ay ang manager ng isang maliit na kainan. Isang araw, ang iyong ina ay lumitaw sa harap ng kainan ng iyong ama at naupo doon ng isang buong araw. Nalaman ng iyong ama na siguro ay hindi pa ito kumakain dahil nakaupo lamang ito doon ng buong araw. Bilang pagmamalasakit, inimbitahan niya ito papasok at inalok ng trabaho kapalit ng pagkain at tutuluyan. Iyon ang paraan kung paano sila nagkakilala."

"Pero, hindi nagtagal matapos iyon, umalis ang iyong ina pero matapos ang dalawa o tatlong taon na nakalipas, bigla na naman itong nagpakita. Pumunta ito sa iyong ama na sinasabing gusto nitong makipagtulungan dito na magbukas ng isang hotel. Siya ang nagbigay ng halos lahat ng kapital at pumayag ang iyong ama matapos ang maikling pag-iisip."

"Hanggang sa nagkatuluyan sila at ikaw ay ipinanganak. Pero, sa hindi malamang dahilan, mukhang hindi gusto ng iyong ina ang iyong ama. Habang nagtatagumpay ang negosyo, ilang taon matapos kang ipanganak, humingi ito ng diborsyo. Nang magkabayaran, ang kayamanan ay hahatiin sa dalawa, at pumayag ang iyong ama matapos pag-isipan ito ng ilang araw."

"Sinabi niya sa akin, ang iyong ina ay hindi niya pag-aari kaya naman naghahanda na siya para dito. Alam niyang hindi maiiwasan ang diborsyo."

Nalilito si Xinghe. "Alam ng aking ama na magdidiborsyo sila? Pero bakit?"

"Wala akong ideya, hindi malinaw sa akin ang mga detalye sa kung ano ang nangyari sa pagitan nila. Hindi rin gusto pang pag-usapan ng iyong ama ang mga detalye pero alam ko na mula sa mga panahon na nakasama ko siya ay isang kahanga-hanga ang iyong ina. Tila ba na isa siyang nilalang na lubhang iba sa karamihan sa atin."

Alam na ni Xinghe ang halos lahat sa sinabi sa kanya ni Chengwu. Akala niya ay makakakuha pa siya ng iba pang impormasyon mula dito pero mukhang wala itong saysay. Patuloy siyang nakipagkwentuhan sa kanyang tiyo ng ilan pang minuto bago nagpahinga sa kanyang silid. Hindi siya nakatulog noong nakaraang gabi kaya naman agad siyang nahimbing sa sandaling nasandal ang kanyang ulo sa unan.

Sa kabilang parte ng siyudad, may isang taong nahihirapang makatulog. Naabisuhan si Saohuang na ang paratang sa Xi family ay tuluyan ng naliwanagan.

Hindi niya inaasahan na malalaman ni Mubai ang plano niya at nagawa pa nito na madakip si Zhou Jiaming.

Kahit na hindi siya inilaglag ni Jiaming, ang plano ay hindi maikakaila na isang malaking kapalpakan!

Ang plano niya ay durugin ang Xi family gamit ang isang galaw at hindi na bigyan ang mga ito ng anumang pagkakataon na makabawi. Ang plano ay pumalpak, nasiwalat ang kanyang plano sa Xi family na nangangahulugang mas mahihirapan siya na sagupain ang Xi family sa susunod!

Galit na galit si Saohuang. Nabigyan din siya ng kaparusahan ng mga nakakataas sa kanya dahil sa kanyang kabastusan sa Xi family.

Ang mukha ni Saohuang ay nanatiling walang emosyon pero kinimkim niya ang galit hanggang sa makauwi siya. Sa sandaling nakauwi siya, sumabog siya na parang isang nagmamarakulyong bulkan! Humahagis ang mga gamit sa paligid!