webnovel

HINDI KWALIPIKADO KAHIT NA HAWAKAN ANG KANYANG SAPATOS

編輯: LiberReverieGroup

Naging mabangis ang hitsura ni XInghe at ang maliliksi niyang daliri ay agad na tumipa sa keyboard.

Ang kanyang mga daliri ay sobrang bilis kahit si Xia Zhi ay nahirapan sundan ang mga ito.

Alam niya noong una pa man na ang ate niya ay may pagka-psycho pagdating sa programming skills nito, pero napasinghap pa din siya basta nakikita niya itong nagtatrabaho.

"Ate, anong ginagawa mo?" pasulong na sumandal si Xia Zhi at nagtanong.

Base sa konsentrasyon ng kanyang ate, mayroon itong ginagawang importante.

"Magpahinga ka diyan," utos ni Xinghe ng hindi inaalis ang mga mata sa laptop.

Mabait na humiga si Xia Zhi at hindi na ginambala pa ang ate niya.

Ang totoo, kinakalap ni Xinghe ang lahat ng impormasyon na makukuha niya kay Chui Ming.

Ang personal na detalye nito ay patuloy na dumadaloy sa laptop ni Xinghe…

Ang kanyang bilis at work ethics ay maihahalintulad sa isang aktwal na FBI agent's!

Habang nag-iisip si Xinghe ng mga paraan kung paano gaganti kina Wu Rong at Wushuang, ang dalawa ay nagpaplano din ng pagganti sa kanya.

Ang mag-ina ay masaya dahil tinulungan sila ni Chui Ming na parusahan si Xinghe sa pakiusap ni Wushuang.

"Sayang, ang target sana ay ang punyetang babae na iyon," may panghahamak na sabi ni Wu Rong. Nakangisi ang kanyang mga labi ng may pang-uuyam at galit pagkasabi ng pangalan ni Xinghe.

Pagkamatay ni Chengwu, hindi lamang niya minana ang kayamanan nito pati na rin ang katayuan nito sa sociedad, lahat ay naging magalang sa kanya.

At ang punyetang babae, ay may lakas ng loob na ipahiya siya sa sarili niyang pamamahay!

Hindi niya masisikmura ang pagkakapahiyang ito hangga't hindi nakikita ng kanyang mga mata ang malamig na bangkay ng babaeng iyon.

Kinonsola siya ni Wushuang ng nakangiti, "Mom, bakit ka ba nagmamadali? Nalalapit na din ang katapusan niya. Saka kailangan muna nating siguraduhin na buhay siya para makita niya ang kamatayan ng kanyang tiyo at pinsan."

Humalakhak sa galak si Wu Rong. "Ang magaling kong anak, tama ka. Ang punyetang iyon ay nagdurusa malamang ngayon. Tama lang sa kanya sa pagsalungat niya sa atin. Masyado pa siyang bata para kalabanin tayo."

"Mom, mali ka diyan, tingnan mo ang hitsura niya, ang problema ay hindi ang edad niya," panghahamak ni Wushuang, "Matagal na siyang walang silbi. Ngayong wala na siyang katiting na kayamanan, kayang-kaya ko na siyang durugin ng isang daliri ko lang!"

"Of course, wala siyang panama sa aking pinakamamahal na anak," sabi ni Wu Rong habang maingat na ginagap ang kamay ng anak sa kanyang palad. Mapagmahal na minasahe niya ito habang nagpapatuloy na, "Kahit na ang matandang Xinghe na iyan ay walang kwalipikasyon na hawakan kahit ang sapatos mo ngayon. Hindi ko maintindihan bakit ang patay na tatay niya ay patuloy na itinuturing siyang kayamanan kahit sa huli nitong hininga, gusto pa din nitong bigyan ito ng maganda at maayos na mapapakasalan. Alas, hahaha…"

Tumawa ng tumawa si Wu Rong habang iniisip ang mga paghihirap na dinanas ni Xinghe noong mga nakalipas na taon.

Itinuloy ni Wushuang ang sinasabi ng ina, "Alas, nakita ng Diyos na hindi siya karapat-dapat bigyan ng magandang buhay kaya nagtapos iyon sa diborsyo. Hindi lamang iyon, mula sa diborsyo nasadlak na siya sa sobrang kahirapan. Ano ngayon kung nakuha na niyang muli ang alaala niya, matagal ng tapos ang buhay niya."

Sa mata ng nakararami, ang buhay ni Xinghe ay matagal ng natapos.

Ang car accident noong taon na iyon ay naging dahilan upang magdrop out ito sa Academy S at nawala ang karapatan niya na magmana.

Ngayon ay diborsyada na siya, isang nagamit at walang kwentang produkto.

Sinong matinong lalaki ang gugustuhin pa ang isang babae na tulad niya?

Kahit pa mayroong isa, iyon ay para gawin lamang siyang kerida na hindi kailanman masisikatan ng araw.

Kahit na gaano pa siya kagaling, imposible na para sa kanya na muling mamayagpak papunta sa tagumpay.

Ang buhay ng karangyaan ay hindi ganoon kadali makuha, lalo na sa isang walang kwenta na tulad ni Xinghe.

Kaya wala na itong magagawa kundi lumaban sa buong buhay niya. Isa sa mga paa niya ay nasa hukay na, at hindi gusto ni Wushuang na tulungan ito dahil gusto niya na makita ang desperasyon at kawalan ng pag-asa kay Xinghe.

Nagsusumigaw sa kagalakan ang puso ni Wushuang tuwing iniisip niya ang kawalang ng pag-asa at kahirapan na tatamasahin ni Xinghe sa buong buhay niya.

Pero para sa kanya, hindi pa din sapat ang mga paghihirap ng babaeng ito.