webnovel

Hagurin ang Ulo Nito

編輯: LiberReverieGroup

Muli, nagsimulang makaramdam ng selos si Mubai sa sarili niyang anak. Ang batang iyon na lamang siguro ang nag-iisang nakakapagpatibok ng puso ni Xinghe.

Gayunman, ang kalahati ni Lin Lin ay nagmula naman sa kanya.

Ganoon pa man, hindi pa siya hambog o makasarili para isipin na minahal siya ni Xinghe sa pamamagitan ni Lin Lin.

Napahagikgik si Mubai sa kalokohang bigla niyang naisip.

Narinig siya ni Xinghe na tumatawa habang palabas ito ng kotse kaya bumalik ito para magtanong, "Ano'ng nangyari?"

Matiim siyang tinitigan ni Mubai at gumanti ng tanong, "Mula sa anong sirkumstansya sa tingin mo nagsisimulang magkaroon ng makasariling kaisipan ang isang tao?"

"…" nagtatanong ang tinging itinapon sa kanya ni Xinghe na tila pinanonood nito ang isang tanga.

Saan nagmula ang tanong na ito?

"Sa tingin ko ay mayroon na akong naisip ngayon dahil makasarili na ako at gusto ko ay akin ka lang," sabi ni Mubai habang inilabas nito ang kamay para hagurin ang ulo niya.

"At sa tingin ko ay oras na para sa gamot mo," nanalim ang tingin ni Xinghe. Ang ulo niya ay hindi dapat hawakan ng kahit sino pa man.

Galit na lumabas ito sa kotse niya at mabilis na umalis ng hindi lumilingon. Halata ang inis nito.

Gayunpaman, hindi nag-aalala si Mubai pero mas mukhang nasiyahan pa siya sa pang-aasar dito.

Pinagkuskos niya ang mga daliri habang ninanamnam ang pakiramdam ng buhok ni Xinghe sa kanyang balat. Lalong lumawak ang ngiti niya.

Sino ang makakapagsabing ang hawakan ang ulo nito ay makakapagpasaya sa kanya…

Pagkatapos, ang yakapin o halikan siya… ang maranasan ba iyon ay maihahalintulad sa paghithit ng heroin?

Sigurado akong nakakatuwa iyon!

Gusto ni Mubai na maranasan ang mga sensasyong iyon agad-agad pero nauunawaan niyang kailangan niyang maging matiyaga.

Sa buong buhay ni Mubai, hindi siya nawawalan ng babaeng makakasama. Kung nanaisin niya, sa isang tawag lamang niya ay may lalapit na babae.

Kaya naman, hindi siya nagnanasa sa isang babae.

Ngunit, sa panahong ito napagtanto niya na nahuhulog na siya sa isang babae, at nahulog na siya ng tuluyan…

Ang pagnanasang ito ay mas malakas pa para sa pagkahumaling niya sa computer technology.

Habang nasisiyahan pa siya sa kanyang pagnanasa, agad na narating ni Mubai ang kaniyang tahanan. Ngunit, sa oras na pumasok siya sa pintuan, naroroon si Chu Tianxin.

"Mubai…" apila ni Tianxin sa kanya na mugto ang mapupula nitong mata.

Ang ina rin niya ay masuyong nagsalita, "Anak, sa wakas ay nakauwi ka na. Kanina ka pang umaga hinihintay ni Tianxin. Wala kang ideya, pero umiiyak siya ng buong araw."

"Mubai, seryoso ka ba sa pagtapos ng kasunduan nating magpakasal?" Nagsimula na namang umiyak si Tianxin. "Pakiusap huwag ka namang maging malupit sa akin! Alam kong may ginawa akong masasamang bagay at pinagsisisihan ko na ang lahat ng iyon. Kaya, kahit ano pa ang gusto mong gawin ko, payag akong gawin ang lahat ng iyon para makabawi."

"Mubai, ang bagay na nagyari maraming taon na ay wala talagang kinalaman kay Tianxin. Huwag mo siyang sisihin, kung may gusto kang sisihin, ako na lamang ang sisihin mo," humihingi ng patawad na sambit ni Ginang Xi.

Normal na kay Mubai na madaling pakisamahan, at mapagbigay sa mga taong nasa paligid niya.

Normal na sa kanya ang pumayag sa mga kahilingan ng mga ito ng walang pasubali.

Kaya naman, akala nila Tianxin at Ginang Xi na kapag ipinakita nila ang nagsisisising mukha nila, lalambutan ni Mubai ang puso nito at patatawarin sila.

Ngunit, hindi nila alam na ang ugaling ito ni Mubai ay dahil sa wala itong pakialam. Sa sandaling magpasya naman ito, wala ng makakatinag pa dito.

"So, naririto ka para bumawi sa kasalanan mo?" Tinitigan ni Mubai si Tianxin ng may madilim na mukha.

Tumango ng tulad ng isang tuta na nakatanggap ng regalo si Tianxin. "Oo! Kahit ano pa ang gusto mong gawin ko, gagawin ko ito ng may galak basta ba pumapayag ka na mapatawad ako."

"Tanggapin mo na ang engagement ay tapos na ng wala ng drama, at handa akong limutin ang kahit ano pang kasalanang ginawa mo."

Nanlaki ang mga mata ni Tianxin. "Gusto mo pa din tapusin ang engagement? Pero hindi, ayokong iwanan ka Mubai…"

"Wala kang karapatan para humindi." Sabat ni Mubai sa pakiusap nito at namutla ang mukha ni Tianxin.

"Isa pa, hindi ka na malugod na tinatanggap pa rito." Ibinagsak pa ni Mubai ang isang bomba bago ito umakyat ng hindi na nagtapon ng isa pang tingin sa kanya.

Tuluyan ng nawalan ng pag-asa si Tianxin.

Pinatay na ni Mubai ang lahat ng pag-asa sa puso niya. Tapos na ang lahat. Wala na talagang balikan ngayon…