webnovel

Ginagawa Mo Ito Dahil sa Kanya?

編輯: LiberReverieGroup

Nabigla ang lahat kaya hindi nila alam ang gagawin. Tila sila mga manok na nawalan ng ulo!

Inisip din nila na baka nagkamali sila ng narinig.

Ano nga ba ang kasasabi lang ni Mubai?

Tinatapos na niya ang kasunduan ng pagpapakasal kay Tianxin?

Sinabi talaga niya… na nakikipagkalas na siya kay Chu Tianxin?!

"Hindi, namali yata ako ng rinig sa kung ano…" bulong ni Tianxin sa sarili sa sobrang kabiglaanan. Putlang-putla ang kanyang mukha at bakanteng tinitigan niya si Mubai, "Mubai, ano nga ba ang sinabi mo ngayon lang? Bakit hindi ko ito maintindihan…"

Napabulalas ang nagulat na si Ginang Xi, "Mubai, hindi ito magandang biro! Nagkamali ka lang ng pagkakasabi, tama?"

Akala ng lahat na sa ganoong paraan, magiging ayos na ang lahat. Bakit bigla niyang tinatapos ang kasunduan?

Ang tingin ni Mubai ay hindi nagbago kaya naman lalong hindi napakali ang nasa loob ng silid.

Inulit niya ang sarili, mabagal na binibigkas ang bawat salita, "Hindi ako nagkamali ng sinabi. Ngayon, opisyal ko na inaanunsyo na tinatapos ko na ang kasunduan ng pagpapakasal ko kay Chu Tianxin!"

Sa pagkakataong ito, lahat ay narinig siya ng malakas at maliwanag.

Walang ngiti na makikita ngayon.

Ang pinakamalala ay syempre si Tianxin. Sa ilang segundo lamang, ang mukha niya ay naging kasing puti ng isang patay na tao, na tila ba nakikita niyang magunaw ang mundo sa kanyang harapan.

Taliwas naman dito ay si Xinghe, napanatili niya ang kanyang kalmadong hitsura sa oras na pumasok siya sa silid.

Kahit na sa malaking anunsyo na iyon, wala kang makikitang kislot man lamang ng emosyon sa kanyang mukha.

Tila ba nakikita na niyang mangyayari ito…

"Bakit pinuputol mo na ang kasunduan?!" Napatayo si Tianxin ng marahas at tinanong niya ng nanginginig ang buong katawan, "Mubai, bakit ipapatigil mo ang kasunduan ng pagpapakasal kung maayos naman ang lahat sa ating dalawa? Ano ang ibig sabihin nito, may ginawa ba akong mali?!"

"Tama iyon!" Galit na napatayo din si Ginang Chu. "Ano ba ang nagawa ng aming si Tianxin sa iyo para tratuhin mo siya ng ganito? Ang tapusin ang kasunduan ng pagpapakasal ngayong nalalapit na ang petsa ng kasal, ipaliwanag mo ang sarili mo!"

"Mubai, ano ang iyong ginagawa? Dali, ipaliwanag mo ang lahat, sa tingin mo ang pagpapatigil ng kasunduan ay madedesisyunan ng ganoon kadali?" Sigaw ni Ginang Xi habang tumatayo din ito.

Si Ginoong Chu na mas kalmado sa mga kababaihan sa silid na may seryosong mukha ay tinanong si Mubai, "Bakit mo pinuputol ang kasunduan? Mayroon naman itong rason, hindi ba? Huwag mong sabihin sa akin na dahil ito sa babaeng iyon!"

Tumaas ang daliri ni Ginoong Chu at derechong tumuro kay Xinghe—

Kaagad na naging sentro ng atensiyon si Xinghe.

Galit na dumuro din si Tianxin kay Xinghe. "Nakikipaghiwalay ka sa akin dahil sa kanya? Mubai, niloloko mo ba ako, sinasabi mo sa akin na pinuputol mo ang kasunduan ng ating kasal dahil sa kanya?! Hindi ako papayag na gawin mo ito sa akin dahil lamang sa babaeng tulad niya!"

Biglang may seryosong kislap ang makikita sa mata ni Mubai. "Isang babaeng tulad niya? Well, sabihin mo sa akin kung anong klaseng babae ang tingin mo sa kanya!"

Natigilan si Tianxin.

Hindi niya inaasahan na aatakihin siya ni Mubai para kay Xinghe…

Ang galit at pagkapahiya sa kanyang puso ay lumantad na sa lahat.

Sumigaw ito ng galit na galit, "Isa siyang babae na kinamumuhian ng lahat! Wala namang maganda sa kanya, at hindi siya nababagay sa iyo. Ako lang ang mainam na nababagay sa iyo. Kung hindi siya lumitaw maraming taon na ang nakakaraan, tayo ang dapat na naikasal. Siya ang nagpahiwalay sa ating dalawa!"

"Hindi tayo pinaghiwalay ni Xinghe!" Tinitigan siya ng isang pares ng walang emosyong mga mata ni Mubai. "Dahil wala sa aking intensiyon na pakasalan ka noong una pa lamang!"

"Ikaw… ano…" naramdaman ni Tianxin na nanginig ang kanyang buong katawan, ang dugo sa kanyang katawan ay tila nagyelo.

Inulit ni Mubai, "Kahit wala si Xinghe, hindi ako papayag sa kasal natin maraming taon na ang nakakaraan. Ang pagpayag na makasal ka ngayon ang pinakamalaking pagkakamali na ginawa ko sa buhay ko."

"…" parang gusto na ni Tianxin na mawalan ng malay.

Ano ba ang sinasabi ni Mubai?