Nagulantang si Xinghe dahil talaga namang hindi maganda ang kanyang pakiramdam…
Hindi niya ipinapakita ang kanyang damdamin, pero nasasakal siya sa pandidiri at nakakalasong pakiramdam sa kanyang puso. Tinanggap ni Xinghe ang kopita ng wine at ininom ito ng isang lagukan.
Tinitigan siya ni Mubai at nagtanong, "Isa pa?"
"Salamat, pero sapat na iyon." Iniiling ni Xinghe ang kanyang ulo, natatakot siya na ang sobrang alak ay magpagulo ng kanyang utak. Isa pa, ang isang basong iyon ay malaki na ang nagawa.
Binawi ni Mubai ang baso mula sa kanyang mga kamay at sinabi sa mababang tinig, "Ano ang plano mong gawin?"
Hindi sumagot si Xinghe pero mahinang nagkomento, "Nakikita mo ba ang mga mata ng mga batang iyon? Walang laman at walang kaluluwa. Napakabata pa nila, pero ang mga kaluluwa nila ay nauubos na."
"Oo, napansin ko nga iyon." Tumango si Mubai. Nakita niya ang lahat mula sa natatagong camera. Ito ay bakit naintindihan niya na naapektuhan ang mood ni Xinghe. Maaaring hindi siya madaling lapitan at lumalayo sa paimbabaw, pero sa kaloob-looban niya ay isa siyang emosyonal at malungkutin na tao. Wala siyang awa laban sa kanyang mga kaaway pero nagpapakita ng kabutihan sa mga mahihina. Malinaw sa kanya kung ano ang minamahal at kinamumuhian niya. Naiintindihan siya ng husto ni Mubai.
"Pero hindi ito ang pinakamalupit nilang ginawa. Ang pinakamalupit ay walang pambawi sa mga pagkakamali, sa oras na nasabihang wala na silang silbi, tanging kamatayan ang naghihintay sa kanila," malamig na sabi ni Xinghe. "Ampunan, hindi ba't tahanan ito para sa mga ulila? Pero ang Angel Orphanage na ito ay isang impyerno na kumuha na nang napakaraming inosenteng buhay!"
"Maaari nating patayin silang lahat kung gusto mo," direktang sabi ni Mubai. "Sabihin mo lamang at aagos ang dugo."
"Hindi, gusto kong gawin ito ng sarili ko." Ipinilig ni Xinghe ang kanyang ulo ng may determinasyon. Sa oras na ito ay nagdesisyon siya na dumihan ang kanyang mga kamay. Hindi niya gustong magtago sa likod ni Mubai at maging isang babae na lubusang umaasa sa kanyang lalaki.
Tila ba nababasa ang kanyang isip, hinablot ni Mubai ang kanyang mga kamay at nakangising sinabi, "Magtutulungan ba tayong dalawa?"
Tumingin si Xinghe sa kanya at sumagot ng nakangiti, "Sure."
Tuwang-tuwa si Mubai. Kahit na patungo sila sa isang madilim na butas, hanggang kasama niya ito, masaya na siya.
…
Ang sitwasyon sa loob ng ampunan ay nagbigay ng sobrang pagkabigla sa partido ni Xinghe. Ang grupo ni Ali ay gusto nang sumugod sa mapunan para patayin ang mga hayop nang mapanood nila ang surveillance video.
"Tao pa ba sila? Paano nila nagawang tratuhin ang mga batang ito na tulad ng sa mga aso?" Tanong ni Ali na puno ng sakit at galit habang nakaturo sa mga bata na nasa gitna ng pagsasanay sa screen. Ang kuha na iyon ay nagdulot ng galit sa maraming tao na nasa silid din.
Sa video, ang mga bata ay nakaayos sa isang diretsong linya at sumasailalim sila sa pagsasanay na mailalarawang dog training. Ang guro-trainer ay may dalang latigo at sumisigaw ng utos tulad ng upo, luhod at talon. Ang mga bata ay gagawin ang mga utos ng naaayon sa pagsasaayos na tila mga aso. Ang guro ay biglang may kislap ng pagkabaliw sa kanyang mga mata, at inutusan niya ang mga ito na sampalin ang sarili ng sampung beses, at masunuring sumunod naman ang mga bata…
Ang mga bata ay tila mga robot na gawa sa kahoy at sumusunod sa mga utos na natatak sa kanilang utak. Kahit na ang utos ay walang saysay na tulad na lamang ng pagsampal sa kanilang mga mukha, sinusunod nila ang utos ng walang labis. Ang mga mata ng mga batang ito ay walang kinang at walang sigla; ang tanging bagay na nasa isip nila ay sumunod sa utos at wala nang iba pa.
Ang grupo ni Xinghe ay narinig na ang napakaraming pamamaraan ng pangbe-brainwash pero ito ang unang beses na nakita nila ang 'pagsasanay' ng personal. Ang mga batang ito ay dapat na inosente at cute, na nararapat na mahalin at kalingain.
Kaya naman, nakakagalit ang mapanood ang mga bagay na ginagawa sa kanila ng 'ampunang' ito. Gayunpaman, ito ay kakaunti pa lamang, habang tumatakbo ang video, ang tindi ng galit sa loob ng silid ay lalong tumataas.