webnovel

Ang Lahat ay Mamamatay Kapag Hindi Ako Naiwan

編輯: LiberReverieGroup

Si Sam at ang iba pa ay natigilan. Ano ang sinabi niya? Paghihintayin niya kami sa mga spaceship habang maiiwan siya dito para harapin ang system?

Si Mubai ang unang humablot sa kanya sa braso at galit siyang tinitigan habang nagtatanong, "Nababaliw ka na ba?!"

Iniiwas ni Xinghe ang kanyang tingin at mariing inulit, "Maiiwan ako dito para i-crack ang defense system; ang lahat sa inyo ay umalis na para isagawa ang kinakailangang paghahanda at magtipon sa mga spaceship. Umalis na kayo ngayon!"

"Xinge, baliw ka naba?" Nag-aalalang hiyaw ni Sam. "Aalis tayo ng magkakasama o mamamatay ng magkakasama, paano ka namin hahayang maiwan dito?"

"Kapag hindi ako naiwan, mamamatay tayong lahat," kalmadong sagot ni Xinghe na nagpatahimik kina Sam at sa iba pa. Ang mga sirena sa base ay umuugong pa din pero hindi na ito nagbigay ng takot sa puso ng mga tao habang napapatanga sila kay Xinghe. Hindi nila inaasahan na magdedesisyon ito ng ganito; isasakripisyo niya ang kanyang sarili para tulungan sila…

Wala siyang dahilan para magpunta sa buwan para harapin ang panganib, pero ginawa niya, at ngayon ay hindi ito nagdalawang-isip na isakripisyo ang sarili para lamang bigyan sila ng pagkakataong makaligtas. Wala naman itong kaugnayan sa kanila sa anumang paraan, isa lamang itong normal na babae, kaya bakit wala man lamang itong bahid ng pagiging makasarili?

Ang mga lalaking lumaki sa base ay namanhid na sa lahat, hinaharap nila ang buhay ng walang pakiramdam, gayunpaman, sa sandaling ito, natimo sila ng babaeng ito na may pangalang Xia Xinghe. Sa ibang kadahilanan, mayroong mainit na lumalandas sa kanilang mga mata…

Sinulyapan silang lahat ni Xinghe at malinaw na inanunsiyo, "Ano pa ba ang itinatayo-tayo ninyo dito? Wala nang masyadong oras, maghanda na kayo kung hindi ay mamamatay tayong lahat!"

"Hindi ako aalis!" Nanatili si Sam ng may seryosong ekspresyon. "Nagpunta ako dito para protektahan ka, kaya mamamatay ako ng ginagawa ang misyong iyon!"

"Hindi rin ako aalis!" Humakbang paabante si Shi Jian para sabihin, "Miss Xia, pumunta ka dito sa kahilingan ko, kaya dapat ay akuin ko ang responsibilidad. Mananatili ako para protektahan ka hanggang sa huling minuto."

"Mananatili din ako. Isa pa, matanda na ako, hindi na ako kailangan pa ng mundo. Hayaan ninyong ang mga mas bata ang umalis, ang ilan sa aming matatanda na ay maiiwan para protektahan ka," isang matandang siyentipiko ang nagdeklara. Ang ilang tao ay nagboluntaryo ding manatili hanggang sa halos lahat ng naroon ay maiiwan.

Hindi na sila nagbigay pa ng halaga sa mga buhay nila bago dumating ang grupo ni Xinghe. Aalis sila para hanapin ang higit na kaligayahan, pero ang hayaan ang isang babae na mamatay kapalit ng kanilang kinabukasan, ay isang bagay na hindi nila matatanggap. Isa pa, hindi naman sila mga taong duwag, hindi nila gugustuhin na makonsensiya sila sa kamatayan nito. Dahil handa siyang isakripisyo ang kaniyang sarili para sa kanila, dapat ay handa din silang gawin ito para dito.

Nagulat si Xinghe na marami sa kanila ang nais na manatili para sa kapakanan niya, pero nagpatuloy pa din siya ng walang emosyon, "Kung wala sa inyong aalis ay mamamatay tayong lahat para sa wala. Kung gayon ang kaso, ano pa ang punto na nagpunta ako dito? Kaya naman, pumunta na kayo; wala na tayong masyadong maraming oras."

"Hindi namin maaaring gawin iyan."

"Miss Xia, hindi kami nararapat sa iyong sakripisyo, pakiusap ay huwag mong gawin ito."

"Tama iyon, mauna na kayong lahat; hahanap kami ng paraan para harapin ang defense system na ito. Hayaan ninyong maiwan kami para makabili pa ng kaunting oras para sa inyo."

"Tama iyon, Miss Xia, magmadali na kayo at umalis," payo din sa kanila ni Shi Jian.