webnovel

Moonville Series 2: Maybe This Time

Two years after her mother died, Darlene received a letter telling her to help her dad, Kenneth Oliveros, to fall in love again. Ang instruction ng kanyang mommy, find Samantha de Vera, ang high school best friend ni Kenneth at first love nito. Sa tulong ng mga kaibigan ng kanyang mga magulang at pati na rin ng 'divine intervension' ay nagawang matagpuan ni Darlene si Samantha de Vera. Nagawa rin niyang magkalapit ulit si Sam at Kenneth sa isa't isa. Pero, paano ba niya magagawang maibalik ang dating nararamdaman ni Kenneth kay Sam gayong hindi naman alam ng daddy niya na ang best friend ang first love nito? At ang isa pang problema, may boyfriend na si Samantha at hindi ito basta-basta papayag lang na pakawalan ito at ibigay ng ganun-ganun na lang kay Kenneth. Kahit pa nga mapatunayan nito na si Kenneth din ang mahal ni Sam. Magawa pa kaya ni Darlene ang misyong itinalaga sa kanya ng kanyang ina?

joanfrias · 现代言情
分數不夠
52 Chs

Epilogue

Pagkatapos mag-usap sa may swing sa may dulo ng garden ay hinarap nina Samantha at Kenneth ang mga kapatid ni Samantha. Ipinaliwanag nila ang kanilang pagmamahalan sa isa't isa na tumagal ng labinlimang taon.

"Ang sa akin lang, kayo naman iyan," ani Raul na siyang naging head ng pamilya de Vera. "Kayo naman ang nakakaramdam niyan so kayo ang makakapagsabi at makakapagdesisyon. Ang gusto ko lang na masiguro ay kung sigurado ba kayo sa nararamdaman ninyo."

Nagkatinginan sina Samantha at Kenneth.

"Ayaw ko lang na baka maulit itong nangyari ngayong gabi."

Naintindihan naman iyon ng dalawa, pero sigurado na rin naman sila sa kanilang nararamdaman.

"Kuya, hindi naman siguro tatagal ito ng fifteen years kung hindi kami sigurado," ani Samantha sa kapatid.

"Nandoon na ako, Sam. But you see, paano kung bugso lang pala iyan ng damdamin? Na dahil na-miss ninyo ang isa't isa, tapos nagkita ulit kayo pagkatapos ng matagal na panahon."

"So what do you suggest we do, Kuya?" Samantha asked, fully understanding Raul's point.

"I think you should give it some time. Palipasin ninyo muna ang panahon bago kayo magdesisyon ng mabigat. And besides, you still need to go back to Chicago, di ba?"

Tumango si Samantha. "I need to take care of some things there, though nag-tender na naman ako ng resignation kasi nga, ang balak ko ay lilipat ako kay Allan. But since this happened, instead of moving to LA, I will go back here for good."

"Hindi naman kami magpapakasal kaagad," ang sabi naman ni Kenneth. "Alam naman namin na kailangan muna naming tiyakin na kami talaga ang para sa isa't isa. Mabuti na rin siguro na babalik muna si Sam sa America. Siguro paraan na rin iyon para malaman namin kung gaano talaga katibay ang pagmamahalan naming dalawa."

"I agree with that," ani Raul. "Mabuti na lang at maayos kausap itong napili mong mahalin."

Samantha smiled at her brother. Somehow, she feels glad na tanggap ng mga ito si Kenneth. Hindi naman sa minamaliit nila ito o may pagka-arogante ang mga ito. Arrogance is the last thing that her siblings would display dahil kabilin-bilinan ng mga magulang nila na ang pagpapakumbaba ang magiging daan sa pagtatagumpay nila sa buhay.

It's just that, everything happened so suddenly. Though kilala rin naman nila ito, matagal na nila itong hindi nakikita. Hindi nga sila aware na ito ang isa sa mga may-ari ng Furniture.com, kahit na supplier nila ito nang matagal na sa Tarlac General Hospital.

Speaking of, bigla na lamang dumating si Ryan sa bahay nila. Napatayo si Kenneth nang makita ito.

"Ry!"

Halatang gulat din si Ryan. Napatingin ito sa ibang naroon. "Ano'ng nangyayari?"

Si Samantha ang sumagot sa kanya. "Well... supposedly it was an engagement party... for me ang Allan."

"Ha?" Napatingin si Ryan kay Kenneth.

"It didn't happen," Kenneth said.

Mukhang natuwa si Ryan sa narinig. Niyakap niya si Kenneth sabay bati ng 'congratulations.' Pagkatapos ay si Samantha naman ang niyakap nito. "I'm so happy for you, Sam."

"Thanks, Ry." She smiled at him.

Ryan looked at Raul and the others, at mukhang nahiya ito bigla.

"Sorry... na-carried away lang."

"Okay lang. Tapos na rin naman kaming mag-usap," ang sabi naman ni Raul.

Tumayo na ang Kuya Raul niya pati na si Ate Helen. Ganoon din ang Ate Glory niya at Kuya Ricky. Nagpasya nang umuwi ang dalawa, habang sina Raul at Helen ay umakyat na sa itaas.

"Anong meron?" tanong ni Ryan.

"Kinausap nila kami," ani Kenneth. Napatingin ito kay Samantha.

"They asked us kung sigurado na ba talaga kami sa nararamdaman namin," ani Samantha.

"And?"

Nagtinginan naman sina Samantha at Kenneth.

"It couldn't have lasted for fifteen years if we're not sure," Samantha answered.

Ryan looked at them, gladness evident in his face. Nang bigla nitong maalala ang inaanak.

"Where's Darlene?"

"Kasama nina Bryan at Richard doon sa may swing," sagot ni Samantha.

Ryan looked at Kenneth. "Hinayaan mo ang unica hija mo na samahan ng dalawang lalaki?"

Hindi malaman ni Kenneth kung matatawa o mabubwisit sa biro ni Ryan na napabungisngis sa sinabi nito.

"Teka, ano nga palang ginagawa mo dito, Ry?" tanong naman ni Samantha.

Napatingin si Ryan sa kanya.

"I didn't invite any of you kasi nga... alam n'yo na." Nag-aalala siyang baka magbago ang isip niya the moment na may makita siyang makakapagpaalala ng nararamdaman niya para kay Kenneth. Pero hindi naman pala kailangan. Mangyayari at mangyayari naman pala ang kinatatakutan niya.

"Well... Pumunta ako kina Kenneth tapos sinabi ng nanay niya na nandito nga daw siya at manliligaw," ani Ryan.

"Teka... 'di ba ngayon din iyong birthday party ng tatay mo?" Kenneth asked.

Ryan looked at him, seemingly anxious and bewildered. Naramdaman kaagad ni Kenneth na may problema ito. At mukhang alam na niya kung ano ang dahilan ng pagiging problematic nito.

"It's about Jenneth."

𝘚𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘢 𝘯𝘨𝘢 𝘣𝘢.

Kenneth looked at Samantha, and together they sat down on the sofa and listened as Ryan told them his problem concerning the best love he ever had.

And that's the story of Kenneth and Samantha.

Upon writing this one, hindi ko inasahan na may isang istorya pang mabubuo, para naman kina Ryan at Jenneth. And so, please watch out for the next story on this series, The Best I Ever Had.

This time, malalaman naman natin ang kwento nina Ryan at Jenneth, kung paano sila nagkakilala, paano sila nagkaibigan, at paanong naging isang bangungot ang pag-iibigang dati ay nasa mga panaginip lamang ni Jenneth.

Moonville Sidequel: The Best I Ever Had is next. Hope you support it as well.

joanfriascreators' thoughts