webnovel

Moonville Series 1: Secret Lovers

Alex's first day as a college student was great so far. Nag-enjoy naman siya sa mga bago niyang klase at kaklase, lalo na iyong lalaking nakatabi niya sa first subject niya. The guy's name is Richard. He's handsome and nice, and Alex cannot help but be mesmerized with him. And then she met him again on her last subject. Tadhana nga sigurong magkita silang muli, at mukhang the feeling is mutual between the two of them. May isa nga lang problema. Richard is a Quinto, at ang mga Quinto ay mortal na kaaway ng mga Martinez, ang pamilya naman nina Alex. Buti na lang at nandiyan ang ate niyang si Angel. Kahit na masunurin ito sa mga rules ng kanilang mga magulang ay kinampihan pa rin siya nito at tinulungan sa relasyon nila ni Richard. At sa panig naman ni Richard, nandoon ang pinsan nitong si Bryan na parang kapatid na rin ang turing sa binata. Mukhang nakikiayon ang lahat kina Alex at Richard. Nagawa nilang ilihim sa mga magulang nila ang kanilang relasyon. Hanggang sa mapagkamalang girlfriend ni Bryan si Angel. And then things started to become complicated. Gaano nga ba katibay ang pagmamahalan nina Richard at Alex? Kaya ba nitong buwagin ang alitang nag-ugat pa 20 years ago? At ano naman kayang kapalaran ang naghihintay kina Angel at Bryan, na dahil sa pagtulong sa dalawa ay siyang laging napapahamak?

joanfrias · 青春言情
分數不夠
85 Chs

The Reason

Nasa may balkonahe sa second floor sina Alex at Alice. Nakaupo sa pang-isahang sofa si Alice habang sa may mahabang sofa naman sa tapat nito si Alex. Nakayuko ang huli at tahimik na lumuluha. Poker faced namang nakatingin dito si Alice.

Lampas isang oras na sila doon nang dumating sina Angel at Bryan. Kaagad na tinabihan ni Angel ang kapatid.

"Mabuti naman at nandito na kayo."

Napatingin si Angel kay Alice. The latter looked at her coldly. Maging si Bryan ay hindi nakapagsalita sa aura ni Alice.

"What is this all about, Mom?"

"Let's wait for your Dad," sa halip ay sagot ni Alice.

Wala nang nagawa pa si Angel. Si Alex na lamang ang kinausap nito.

"Alex..."

Luhaang tinignan siya ni Alex. "Ate..." Saka ito napayakap sa kanya.

Niyakap naman niya ang kapatid. Parang may ideya na siya kung ano ang nangyayari.

Ilang sandali pa ay dumating na si Benjie. Nagulat siya nang makita ang umiiyak na si Alex.

"W-What is happening?" Napatingin siya sa asawa.

"Mabuti at nandito ka na. We could start, then." Saka ito tumingin kay Bryan. "You stay, Bryan. May itatanong din ako sa'yo."

"O-Opo..." ang tanging nasabi ng binata.

"Hon, ano bang meron?" tanong ni Benjie sa asawa.

"Why don't we ask Alex kung ano ang meron?"

Napatingin si Benjie sa anak. Luhaan itong napatingin sa kanya.

"Dad..."

"What's wrong, Alex?"

Hindi nakasagot si Alex. Tuluyan na lamang itong napaiyak.

"She's having a relationship with Richard Quinto."

Napatingin si Benjie sa asawa. "What?"

"You heard me right. Richard Quinto is Alex's boyfriend." Kay Bryan naman tumingin si Alice. "You know anything about this, Bryan? I'm pretty sure your cousin might have told you some details about this."

Nagulat si Bryan sa tanong ni Alice. "Tita..."

"Wala siyang alam, Mom."

Napatingin si Alice kay Alex. "Oh, really?"

"Wala silang alam. Sila ni Ate..."

"Alex..." Naaawang napatingin si Angel sa kapatid.

Malungkot na nginitian ni Alex ang kapatid. "Hindi alam ni Ate ang tungkol kay Richard. Wala akong sinasabi sa kanya. Sarili kong sekreto ito. Si Richard din, walang pinagsabihan ng tungkol sa aming dalawa. Sa aming dalawa lang ito."

Gusto sanang kontrahin ni Angel ang sinabi ni Alex. Gusto niyang sabihin sa mga magulang na may alam siya. Pero sa tinging ibinigay sa kanya ng kapatid, naramdaman niyang ayaw na nitong madamay pa siya. Hindi niya mapigilang mapaluha na rin dahil doon.

"Alex..."

"Ako lang po ang may kasalanan dito, Mom. Labas po sina Ate at Bry-"

"Why did you do it?"

Punong-puno ng galit ang tanong na iyon ni Alice. Napayuko na lamang si Alex.

"Nakalimutan mo na ba iyong sinabi ko sa'yo, Alex? Kabilin-bilinan ko sa inyo na layuan ninyo ang mga Quinto. So why the hell did you do it!?"

"Hon..." Pinuntahan ni Benjie ang asawa at pilit kinalma.

Pero hindi na yata kakalma pa si Alice. "Ano ba naman ang mahirap intindihin doon, Alex? Hindi ka naman bobo, eh. Matalino ka naman. Salutatorian ka nga, hindi ba? Pero bakit hindi mo maintindihan? Ha? Mahirap bang intindihin iyon? Tell me!"

Umiling ang umiiyak na si Alex. "I'm sorry, Mom..."

"Why the hell did you allow yourself to have a relationship with that Richard Quinto!?"

"Alice!" Napasigaw na si Benjie sa asawa.

Napatayo na si Alice. Tumanaw siya sa may bakuran nila. "I just don't understand why that simple request is very hard for you to do. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi ninyo magawa iyon."

"I just love him, Mom..."

"Bullsh*t!" Napaharap si Alice sa anak.

"Alice, please!" Tuloy pa rin si Benjie sa pagsuway sa asawa.

"Don't give me that crap, Alex. It worked for your sister but it will never work for you."

"Mom...?" Nagtatanong ang tinging ipinukol ni Angel sa ina.

Kay Alex pa rin nakatingin si Alice. "It was different for her. Bryan is a de Vera. But Richard... he is a Quinto."

"What difference does it make, Mom?" tanong ni Angel kay Alice. "Hindi pa pwedeng patawarin ninyo si Alex kagaya ng ginawa ninyo sa akin? Hindi ba pwedeng tanggapin n'yo rin ang relasyon nila ni Richard? It could be true! They just fell in love-"

"It's different and it will never be the same!"

"Bakit nga, Mom? We could not understand. Tell us how different it is!" Angel demanded.

But Alice will not give in. "I said it was different! That's all that you need to know. Alex, sinuway mo ang utos ko. Nagsinungaling ka sa amin. Naglihim ka. Do you know how painful that is to me? Hindi! You will never know because you're not the one who was betrayed! Kaya ngayon, humanda ka sa parusang ibibigay ko sa'yo."

"Bakit Mom? Papaluin mo rin ba ako kagaya ng ginawa mo kay Ate?" Alex asked bitterly.

Alice was taken aback by that statement. Hindi siya nakasagot sa tanong ng anak.

"Wait, what?" Pilit hinarap ni Benjie ang asawa. "Pinalo mo si Angel? Why?"

"Because she will not listen to me," sagot ni Alice sa asawa. "Sinabi ko sa kanya noon na hindi siya pwedeng makipaglaro kina Garee Gonzalez pero hindi niya iyon sinunod. Sinuway niya ang utos ko."

"You spank her because she wanted to be friends with our neighbor?" hindi makapaniwalang tanong ni Benjie. "And how young was she then?"

Si Angel ang sumagot noon. "Four years old."

Broken hearted na napaupo si Benjie sa upuan kanina ni Alice.

"Do you know, Mom, that Ate was afraid to make friends because of what you did? Takot siyang makipagkaibigan kasi akala niya, kapag nakipagkaibigan siya sa ibang bata, papaluin mo rin siya kagaya ng ginawa mo noon. Kaya hanggang ngayon, walang gaanong kaibigan si Ate. Lagi siyang mag-isa. Do you know that she even eats lunch alone at the cafeteria?"

Para namang nakaramdam ng guilt si Alice sa narinig. Naaawang napatingin siya kay Angel.

"You see, Mom, iyong pagdisiplinang ginawa ninyo kay Ate, naging mali ang epekto noon. Naging anti-social si Ate dahil sa inyo. And that's because you will not tell us why you despise the Quintos so much!"

"Huwag mong ibahin ang usapan!" saway ni Alice kay Alex. "Ikaw ang pinag-uusapan natin dito. Huwag mong idamay ang ate mo."

"Pero damay-damay na ito, Mom. You see, nasasaktan kaming mga anak mo because of that secret that you will not tell us. Nasasaktan na kami nang hindi namin alam ang dahilan. Bakit ba kasi hindi ninyo sabihin sa amin ang dahilan kung bakit kinamumuhian ninyo ang mga Quinto?"

"Enough!" sigaw ni Alice. "Enough of this nonsense talk. Wala akong sasabihin kasi wala naman kayong kailangang malaman. You betrayed me, you ruined my trust, so I have to punish you. Hindi ka makakalabas ng bahay na ito, Alex. If I have to home school you, I will. You'll stay here hanggang natuto ka nang pagsisihan ang mga nagawa mo."

"Wala akong kasalanang nagawa, Mom. Nagmahal lang ako."

"Kung hindi ka pa rin magtitino, I'll send you abroad."

Iyon lang at tinalikuran na silang lahat ni Alice.

Tahimik na tinignan na lamang ng lahat ang papaalis na si Alice. Si Angel naman ay muling cinomfort ang kapatid na si Alex. Tuluyan namang napaiyak ang huli.

"Is it true?"

Napatingin ang lahat kay Benjie.

Si Angel naman ang tinitigan ni Benjie. "Totoo ba iyong sinabi ni Alex kanina? Na naging anti-social ka dahil doon sa... sa ginawa sa iyo ng mommy mo?"

Malungkot na tumango si Angel. Nagdurugo naman ang pusong pinuntahan ni Benjie ang anak at saka niyakap ito.

"I'm sorry. I was so stupid for not knowing that something is wrong."

"No Dad," ang sabi naman ni Angel sa ama. "Wala kang kasalanan. You have been the best dad that I will ever have."

"But I could have been better," ani Benjie. "Sa inyo ni Alex."

Benjie held out his hand to Alex, and the latter went to embrace him, too. Ilang sandali ring niyakap ni Benjie ang mga anak.

It was Alex who first let go. "Dad, please tell us the truth. Bakit ba galit na galit si Mommy sa mga Quinto? She said earlier that it's different with Bryan because he's a de Vera and Richard is a Quinto. What did she mean by that?"

"Well I guess, you really have to know the truth," ani Benjie. Saka ito tumingin kay Bryan. "I guess your parents didn't tell you, too. Kung hindi ay malamang na nasabi mo na ang lahat kay Angel."

Tumango lamang si Bryan.

"Well, this is what happened twenty years ago... Let me start by saying that, Ricardo Quinto, Richard's dad, was your mom's ex boyfriend."

The two sisters were dumbfounded. Maging si Bryan ay hindi inasahan ang narinig.