Buong maghapong nanatili sa bahay nila si Richard. Nasa kwarto lang siya at iniisip iyong naging usapan nila ni Bryan kahapon. Ewan niya pero parang blangko ang utak niya at tanging ang convo lang na iyon ang pumapasok doon.
Kaninang tanghali ay dumating ang mga magulang niya mula sa ilang araw na conference sa Manila. Mabuti na lang at pagod sa biyahe ang dalawa kaya hindi siya masyadong kinausap ng mga ito. Pagkatapos ng maikling kumustahan ay nagpahinga na ang mag-asawa.
Madilim na sa labas pero katulad ng maghapon niyang ginawa ay nakahiga lamang sa kama niya si Richard. Ang usapan pa rin nila ni Bryan ang naiisip niya, kasabay ng parang pagpa-flashback ng mga eksena nilang dalawa ni Alex.
Theirs was a blissful relationship. Iyong temang 'You and Me Against the World' na kahit alam nilang tutol ang lahat, hindi nila iyon alintana. Basta masaya lang silang dalawa. Tapos, isang araw, bigla na lang nagbago ang lahat. Dahil lang sa gusto niyang magkaroon ng mga bagong kaibigan lalo na't bago pa lang siya dito sa Tarlac.
Maybe he was really inconsiderate. Maybe he became a little insensitive. Or baka insensitive lang, hindi little.
Isang katok sa pintuan ang nagpatigil sa kanyang pagbabalik-ala-ala. Isang katulong nila ang napagbuksan niya ng pintuan.
"Pinapatawag ka ng mommy mo," ang sabi ng fifty-three year-old nilang katulong.
Nadatnan niya sa may sala ang mga magulang, kasama ang Tito Raul at Tita Helen niya. Humalik siya sa mga ito.
"Sit down, Richard," utos ng mommy niya.
Ang mga magulang niya ay nakaupo sa magkatabing pang-isahang sofa at ang mag-asawang Raul at Helen naman ay nasa may mahabang sofa sa tapat ng kanyang mga magulang. Sa may backless sofa sa dulo ng sala naupo si Richard. Nasa kanan niya ang mga magulang, at sa kaliwa naman niya ang mag-asawang de Vera.
Si Ricky ang nagsalita. "Richard, merong sinabi itong sina Tito Raul mo. Tungkol sa iyo at kay Alexandra Martinez."
Napatingin si Richard sa mag-asawang de Vera. Paano nilang nalaman ang tungkol doon? Sinabi ba ni Bryan ang lahat sa kanila?
"Totoo ba iyong sinabi nila?" tanong ni Ricky sa anak.
Tahimik na tumango si Richard.
"Since when?" Si Ricky ulit.
Saglit siyang nag-isip. "July... August... Actually, hindi pa naman kami, Dad. Hindi pa naman kasi nya ako sinasagot."
"Pero may unawaan na kayo." Ricky seems certain.
Tumango na lamang ulit si Richard.
Saglit na natahimik ang lahat. Ramdam niya ang malalim na pag-iisip ng kanyang ama.
"Did Bryan tell this to you?" tanong ni Richard kina Raul at Helen.
"He has to," sagot ni Raul. "Alex was rushed to TGH this morning."
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Richard. Bigla siyang nanigas sa kinauupuan.
"Benjie and Alice want to talk to you," ani Raul kay Richard. "Gusto ka nilang kausapin tungkol sa mga nangyari. Hindi ka naman nila pipilitin na makipagbalikan kay Alex. Gusto lang nilang maayos ang sa inyong dalawa, at kung hindi man kayo magkakabalikan, at least may closure naman."
Hindi ulit siya nakasagot.
"Kuya, siguro bago si Richard kami muna ang kakausap kina Alice at Benjie," ani Ricky. "Bago ang sa mga bata, kami muna ang makikipag-ayos sa kanila."
"Iyan nga rin ang gusto nilang dalawa," ani Raul. "Sige, kakausapin ko sina Benjie. Sasabihin ko sa kanila ang plano ninyo."
Tumango lamang si Ricky. Si Glory naman ay nanatiling nakatingin sa sahig.
"Is she okay?" Hindi na nakatiis pa si Richard. Kaya siguro hindi mawaglit sa isipan niya buong maghapon si Alex ay dahil may masamang nangyari dito.
Si Helen ang sumagot sa kanya. "She's fine now. Ilang araw na daw siyang hindi kumakain kaya nanghina at nawalan ng malay. But aside from that, wala naman siyang ibang sakit. Her tests are all clean. Kailangan lang talaga niyang magpalakas and she's on IV now. Isa pa, mukhang maaayos na ang gulo sa kanilang pamilya kaya magiging okay na rin siya."
Medyo gumaan ang pakiramdam niya sa narinig. Heck, he really have to see her!
"Do you love her?"
Napatingin si Richard sa ina.
"I hope you love her that's why you're courting her."
"I do, Mom. I really do love her." Pakiramdam ni Richard ay ang puso niya ang nagsalita at hindi ang bibig niya.
Napangiti si Gloria. "Then, I guess kailangan naming ipaglaban ang pagmamahal mo na iyan."
"Mom, please tell me. What happened between you and the Martinez?"
Isang mapait na ngiti ang bumalatay sa mga labi ni Gloria. "Inagaw ko ang daddy mo kay Alice."
"Glory..." pigil ni Ricky sa asawa.
"Totoo naman. Unintentionally and unconsciously, I took you away from her. Maybe I really am the one to blame."
"Iyon ang gustong mangyari ng kapalaran," ani Ricky. "I didn't fell out of love with Alice because I fell for you. I fell for you because I fell out of love with Alice."
Napatingin ang lahat kay Ricky.
"I started falling in love with you noong wala nang laman ang puso ko dahil wala na doon si Alice. Mas mabuti pa ngang sabihin na ako ang may kasalanan. Ako ang nanakit kay Alice."
"Huwag na nating sisihin ang mga sarili natin," ani Raul. "Hindi ginusto ninuman ang mga nangyari noon. Tao lang tayo na nagkakamali. What's important now is we fix whatever wrong we have done. At kahit twenty years too late na ang lahat, at least maaayos na rin. Para sa mga bata."
Tumango si Ricky sabay hinga ng malalim. At ganoon natapos ang usapan nila nang gabing iyon. Bukas ng umaga, kakausapin ng mag-asawang Quinto ang mag-asawang Martinez sa opisina mismo ni Raul sa TGH.
꧁꧂꧁꧂꧁꧂
Gabi na nang magising si Alex. Si Alice lang noon ang nagbabantay at nakauwi na sina Angel at Benjie sa kanilang bahay sa Moonville. Si Alice ang magdamag na magbabantay sa anak.
Nanonood noon ng pelikula sa HBO si Alice nang tawagin siya ni Alex.
"Mom..."
Kaagad na napatingin si Alice sa anak. "Alex, baby... Ano'ng nararamdaman mo? Do you want anything? May masakit ba sa'yo?"
"Where am I, Mom?" nanghihina pa ring tanong ni Alex.
"You're in TGH. Dinala ka namin dito kasi wala kang malay kanina. Natakot kami kaya isinugod ka namin kaagad sa ospital." Parang maiiyak na naman ulit si Alice. "Are you okay na ba? May masakit ba sa iyo, Baby?"
Umiling si Alex. "Mom, I'm sorry."
Tuluyan nang napaiyak si Alice. "I'm sorry, Baby. I've been a bad mother to you."
"That's not true, Mom. Mahal na mahal ka namin ni Ate. Sorry at sinuway ka namin."
Umiling si Alice. "No, it's okay. I understand. Ako naman ang may kasalanan. Huwag kang mag-alala. Aayusin namin iyong problema namin with the Quintos. Kakausapin nga namin sila bukas. Tapos iyong sa inyo ni Richard ang aayusin natin."
Lumungkot bigla si Alex. "He doesn't want me anymore."
"No, Anak! Huwag mo munang isipin iyan. Hanggang hindi pa kayo nakakapag-usap na dalawa, huwag ka munang mag-assume. Malay mo, maayos n'yo pa iyan."
"Sana nga po..."
Pinilit ngumiti ni Alice. "Do you want anything?"
"Parang gusto kong uminom, Mom."
Pumunta sa may ref si Alice at kumuha ng maiinom. "Ang sabi ng doktor mo, kailangan mo daw kumain ng marami para lumakas ka. Uminom ka rin daw ng maraming tubig at fruit juices dahil dehydrated ka. Kapag malakas ka na daw pwede ka nang umuwi ng bahay."
Nginitian ni Alex ang ina nang iabot nito sa kanya ang baso ng tubig. "I love you, Mom."
Ngumiti si Alice. "I love you, too."
Pagkatapos uminom ni Alex ay muling ibinalik ni Alice sa may mesa ang baso.
"Mom, tabi tayong matulog."
"Sige, bah."
Nakitabi nga si Alice sa kama ni Alex. Medyo malaki naman ang hospital bed ni Alex at kasya na silang mag-ina kung simpleng paghiga lang ang gagawin nila. Mahigpit na nagyakap ang dalawa na parang sabik na sabik sa bawat isa.
𝚈𝚘𝚞 𝚌𝚊𝚗𝚗𝚘𝚝 𝚝𝚛𝚊𝚟𝚎𝚕 𝚋𝚊𝚌𝚔 𝚒𝚗 𝚝𝚒𝚖𝚎 𝚝𝚘 𝚏𝚒𝚡 𝚢𝚘𝚞𝚛 𝚖𝚒𝚜𝚝𝚊𝚔𝚎𝚜, 𝚋𝚞𝚝 𝚢𝚘𝚞 𝚌𝚊𝚗 𝚕𝚎𝚊𝚛𝚗 𝚏𝚛𝚘𝚖 𝚝𝚑𝚎𝚖 𝚊𝚗𝚍 𝚏𝚘𝚛𝚐𝚒𝚟𝚎 𝚢𝚘𝚞𝚛𝚜𝚎𝚕𝚏 𝚏𝚘𝚛 𝚗𝚘𝚝 𝚔𝚗𝚘𝚠𝚒𝚗𝚐 𝚋𝚎𝚝𝚝𝚎𝚛. ~ Rᴏsᴇ Mɪᴄʜɪᴋᴏ