Handa si Matt na sumira pa ng kahit ilang rules pa yan para sa dalaga. Handa niyang suwayin ang bawat panuntunan nila para lang maprotektahan ang babaeng sinisigaw ng bawat himaymay niya. Sa puntong ito ng kanyang buhay. Nagiging totoo na si Matt. Siya ay nasa kanyang mahalagang sandali. Isang sandali kung saan hindi na magiging mahalaga ang kanyang desisyon. Pero still, gusto niya itong gawin. Huminga ng malalim si Matt at pinigil ang galit na gustong umalpas saka parang kidlat na lumabasula sa kinukublihan.
"Take your hand off her" utos ni Matt. Nakatayo siya malapit sa bike. Kontra siya sa liwanag na ngmumula sa malayong poste kaya at least naitatago niya sandali ang kanyang mukha niya.
"Oh,dumating na ang knight in shining armor ni miss. Hoy wag mo wag ka ngang mag english pa dyan.Kursunada ko tong syota mo eh kaya pasensiyahan tayo parekoy"sabi ng maangas na lalaking may hawak kay Ella na lalong hinigpitan ang pagkakayapos sa dalaga. Nanlaki ang mata ni Ella ng higpitan pa lalo ng lalaki ang yakap nito at halos amoy amoyin ang leeg niya. Naramdaman ni Matt na mas tumindi ang takot ng dalaga.
"Just relax babe, I'm going to get you out from this I promise you" malalim ang boses na sabi ni Matt.Pero alam niyang hindi magiging ganoon kasimple ang lahat dahil sa freak ang mga lalaking ito.
"I'm giving you 20 seconds para umalis. Or else you'll regret you ever existed" matatag na sabi ni Matt. Nakatingin siya sa babaeng nasa harapan na nanginginig na naman sa takot. Naaalala niya ang mukha nito mula nang gabing iyon ng kanilang unang encounter.At para kay Matt hindi ito magandang tanawin.
Sobrang frustration yun para sa kanya lalo na at muli silang mapunta sa parehong sitwasyon na hindi siya maaaring magpasya nang mabilis. Gusto niyang agawin ang babae sa lalaking may hawak dito o kaya ay bigla itong hablutinabg lalaki mula sa likod at gamit ng kanyang mahahabang kuku ay Laslasin ang dibdib at dukutin ang puso nito. Pero hindi niya magawa hindi niya gustong mllaging halimaw sa harap ng babae. Hanggat maaari hindi niya iyon hahayaan mangyari sa harap nito. Lalong hindi sa pagkakataong ito.
"Huwaw! bilib din ako sa tapang ng syota mo miss, at nabubuwisit ako sa pakikialam niya" sabi ng isang nasa tabi ni Ella.
"Ang mabuti pa panuorin mo ang gagawin namin in 20 second as bebot mo at magenjoy ka ha" Pagkasabi niyon ay niyapos ng lalaki si Ella at pinaghahalikan sa leeg hanggang pababa sa dibdib. Nagtititili si Ella at halos magwala sa kakapalag. Ginamit ng dalaga ang lahat ng lakas makawala lamang sa malahalimaw na lalaking may hawak sa kanya.
"No! saklolo, saklolo tulungan mo ako para mo ng awa. No! lumayo ka mga hay*p kayo.....mga hay*p kayo" Umiiyak na hiyaw ni Ella. Halos panawan ng ulirat si Ella sa takot pero nilabann nila. Hindi siya puwedeng mawalan ng malay.Hindi sa pagkakataong ito. Hindi niya hahayaang magtagumpay ang masamang balak ng mga hay*p na lalaking may hawak sa kanya.
At ang lalaking tumawag sa kanya ng babe, nasan na ito natakot na ba ito sa mga kalaban. Kung sabagay tatlo sila at magisa lang ito. Pero kung ito yung nagligtas sa kanya sa bar kaya kaya nito ang tatlo. Pero dahil umabot sa pontong nakadagan na sa kanya ang lalaki ay nawalan na ng pagasa si Ella baka hindi ito yung lalaki sa bar. Baka nagkamali lang siya. Humagolhol na ng iyak si Ella.
"Ito na ba and katapusan niya? nauubusan na siya ng lakas kakapalag. Malakas and lalaking may hawak sa kanya. Diyos ko po tulungan niyo po ako. Oras ko na po ba? katapusan ko na po ba? please iligtas nyo po ako. Gusto ko pang yumaman Lord"
Inipon ni Ella ang lahat ng lakas para sana tadyakan ang lalaking nasa ibabaw niya pero bago niya ito naisagawa. Isang lalaki in his black jackets grab the man and again smashed him into the ground.
Nagulat and ang mga kasamahan nito.Naging alerto na hindi biro ang kalaban. Ang isa ay bumunot ng patalim. Habang ang isa ay alertong nakasampa sa motor. Sumugod ang lalaking may hawak na icepick at sinugod ang lalaking kanyang tagapagtangol. Pero mas mabilis ang kanyang si Superman ,nasangga agad nito ang nakaunday na kamay at pinilipit iyon.
At muli inihambalos sa semento ang lalaki na akala mo ay naghahambalos lamang ng unan sa semento. Bagamat halos panawan ng ulirat at nanghihina. Pinilit sipatin ni Ella ang lalaking tagapagligtas. Natakot na ang nakamotor at pinaandar ang makina magtatangka sana itong sumibat pero alerto ang kanyang Superman at agad na pinigilan ito.
Malakas nga ang kanyang Superman dahil inangat nito ang motor at magkasamang ibinalibag sa pader. Duwag na tumakbo palayo ang lalaki at iniwan ang dalawang kasama. Malakas nga ang Superman nila siguro madalas ito sa gym. Naramdaman ni Ella ang labis na bilis ng pintig ng kanyan puso kasabay ng matinding panginginig ng katawan ng makitang palapit sa kanya ang matipunong lalaki.
"Are you okay Babe? I mean miss?" Nagmamadali naman si Matt at agad nilapitan ang babae. Alam niyang nanginginig ito sa takot. Nang makita ni Matt na nanginginig ito sa takot. Halos gusto na niyang yakapin at halikan at sabihing magiging maayos ito. Gusto niyang sabihin sa kanya na hindi niya hahayaan na may masamang mangyari sa kanya mula ngayon. Ngunit pinipigilan ni Matt ang kanyang sarili na gawin ito. Kailangan niya ng napakaraming kontrol sa oras na ito.
"Akala ko talaga, akala ko talaga katapusan na ng puri ko" sabi ni Ella and she begun to break down.
Hindi niya napigilang umiyak. Akala talaga niya mapapahamak siya akala talaga niya ay katapusan na ng virginity niya at sa mga pangit pa. Umangat ang paningin ni Ella sa lalaking lumapit bagamat halos isang dipa ang layo nito. Amoy niya ang partikular na pabango nito at tiyak ni Ella ito nga ang lalaking nagligtas sa kanya sa bar.
Pero tulad ng nakaraang pangyayari nasa kadiliman sila, may malamlam man na ilaw mula sa malayong post kaso dahil nakatalikod sa liwanag ang lalaki hindi niya makita ang mukha nito.Bulto lang ang nakikita niya. Hindi na napigilan ni Ella ang damdamin. Kasabay ng pagbuhos ng kanyang mga luha, takot at pangamba.
Naghina si Ella na nagdilim ang paningin. Hindi na kase siya makahinga sa sobrang tensiyon at takot. Hanggang sa tuluyang hinimatay ang dalaga saktong naglakas naman ng loob si Matt na lapitan naman ang dalaga.