Ngayon pinagsisihan ni Ella na hindi muna nagisip ng sampong beses bago sinundana ang lalaki. Wala nga pala siyang kasama at walang dalang kahit anong armas o pang self defense man lang maliban sa cup noddles at ilang cookies/cupcakes na binili niya.
Paano kung may masasamang loob na naman tulad noong nangyari sa Bar oong isang buwan lamang. Kanina she feels safe kase nasa unahan niya lang yung hinihinala niyang hero niya pero ngayon na magisa na lang siya sa gitna ng madilim na lugar nag triple ang takot niya. Takot siya sa dilim in a first place.
Nanigas siya sa takot at halos hindi maniwala na nasa ganun sitwasyun si Ella.Ngayon lang niya matatanggap na sabihan siyang tanga.Nangpalinga linga ang dalaga na tila nanghahanap kung saan puwedeng tumakbo kung saka sakali pero dead end ata ang luga kaya lalong nanginig sa takot ang dalaga.
Then a black motorcycle suddenly appears from her back. Sakay nito ang tatlong pangit na nilalang. Pangit sila para kay Ella dahil mga mukha ito mga sanggano at kontrabida sa pelikula ni FpJ. Hindi na pinansin ng dalaga ang detalye ng mga mukha nito dahil sa kaba at biglang silakbo ng takot.
Pero nahintakutan ang dalaga ng huminto ang mga nakamotor sa mismong harap niya.Bumaba ang dalawang naka angkas sa motor and come closer to her.
"Miss mukhang naliligaw ka" sabi ng lalaking garalgal ang boses. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.
"Sh*t! anak ng pating" Nawala sa isip ni Ella na naka short nga lang pala siya ng maiksi at naka hanging blouse pa. Hindi naman sa pagmamalaki pero she looks sexy and alluring sa suot niya pero sa pagkakataong iyon ay halos murahin niya ang sarili at isinusumpa niyang hindi na magsusuot ng ganun. Nabigla si Ella at hindi makapagsalita.
"Baka kailangan mo ng ride miss pwede kitang iangkas at ihatid sa pupuntahan mo" sabi nman ng isa na nakakahilo ang amoy. Amoy alak kase ang hininga nito. Ang kapal pa ng mukha nitong ilapit sa mukha niya. Nabuwisit si Ella takot siya pero buwisit din siya at the same time.
"Hindi ko kailangan ng tulong nyo. My boyfriend is coming here to fetch me" Matatag na sabi ni Ella.Takutan lang yan eh sa isip isip ng dalaga.
"Woah! Englisera pala to tol.Bukod pala sa mukhang masarap to pare sosyal pa tiba ako dito" nakakakilabot na sabi ng unang kumausap sa kanya.
"Miss wanna ride.Ihahatid kita sa langit" dagdag pa ng lalaking nakasampa sa motorsiklo.Biglang naginit ang dugo ni Ella kahit takot na ito.
"Mga bastos kayo ah.Kapag dumating na ang boyfriend ko lagot kayo sa kanya" pagpapalakas ng loob ni Ella sa sarili pero sa totoo lang nanginginig na ang tuhod niya.
"Ows, talaga lang miss? tingan lang nating kung matutuwa siya kapag nakita niyang tinitikman ko ang syota niya" Sabi ng lalaki sabay ngumising tila si satanas. Kinilabutan na si Ella. Eto na yung moment na hindi na niya kaya. Sumimple ng linga si Ella, nananalangin na sana may maligaw na tao o kahit sasakyan para ma distract ang mga lalaki at mamgkaroon siya ng pagkakatoang tumaskbo pabalik. Nanalangin ang dalada na maisian sanang bumalik din ng lalaking sinunsundan niya o kaya sana nasa paligid ito at matulungan ulit siya.
Nanginig sa takot si Ellan ng umikot sa likuran niya ang isa pang lalaki at hinawakan siya kaya napasigaw si Ella sa takot takot habang nagpipilig na makawala sa pagkakahawak ng lalaking amoy alak.
Samantala.......
Nagtatago pa rin si Matt pero pinagmamasdan pa rin niya ang babae sa di kalayuan . Kitang kita niya ang pagkabalisa nito at dinig niya ang lakas ng kabog ng dibdib.
Nag aalab ang mga mata nin Matt sa dilim. Nagng mas lalong alerto sa kung anumang uri ng panganib ang naamoy niya kanina.Hanggang sa maamoy niya ang malakas na amoy ng alak at pawis ng mga masasamang loob. Lalong nanlisik ang mga mata ni Matt at biglang umayos ng tinding.
Umalis si Matt sa kinukublihan at umikot sa bahaging likuran ng sasakyan doon mas kitang kita niya ang dalaga kaso ay nakatalikod ito sa kanya.Nang muling mapagmasdan ang hirsura ng dalaga ay napasuntok ng mahina si Matt sa hood ng sasakyan mabuti na lang at nakontrol niya kaya hindi lumikha ng ingay.
"For god's sake! bakit ba kase kailangan magsuot ng babaeng ito ng sexy top sa ganito ng panahon. Pero hindi nakaligtas sa paningin ni Matt na kahit takot at mukhang pagod ang dalaga kakalakad ay seksi pa rin ito at kaakit akit.
Pero ng maramdaman niya ang paglapit ng panganib. Napaangil ng pigil si Matt at biglang humaba ang mga kuku. Nagbago ang kulay ng kayang mga mata magmula sa tila matang asong gubat na kulay ay naging pula ang kulay ng mga mata ni Matt.Nakita niya ang panganib na nakaamba. Amoy na amoy niya at nanginginig ang bawat himaymay ng lamang ni Matt.
Isang motorsiklo na humihinto sa harap ng dalaga. Sakay ang tatlong lalaki. Amoy niya ang alak sa dugo ng mga ito. At hindi lamang alak ang amoy niya, may ibang kemikal pa siyang naamoy. Naging madilim at malabo ang lahat ng bagay sa paligid ni Matt. Tnaging ang larawan ng bababe at ng tatlong lalaki lamang ang malinaw. Hindi niya gusto ang karakas ng tatlo. Nasa panganib ang dalaga at amoy na amoy ni Matt iyon.
Hindi ito maaaring mangyari, inihahanda ni Matt ang kanyang sarili, pumuwesto at naghintay para sa perpektong tiyempo.Narinig niya sinagot ng babae ang mga bastos na lalaking iyon, narinig pa niya itong nagbabala ng pagdating ng boyfriend niya para kunin siya.Malayo ang mga ito pero malakas ang pandinig ni Matt at maging ang nerbiyos at takot sa tono ng salita ng babae ay naririnig niya.
Hinangaan niya ang mabilis na pagiisip ng babae at ang pagpapakita ng tapang nito anuman ang sitwasyon kahit pa nga dinig niya sa boses nito ang takot at amoy niya ang kaba at panginginig nito sa pawis ng dalaga. Alam ni Matt na hindi tatalab sa ang sabi ng dalaga sa mga taong halang ang kaluluwa pero alam niyang hindi titigil sang mga lalaking ito. Naaamoy niya ang kasamaan sa dugo ng mga ito at nararamdaman niya ang mabilis na tibok ng puso ng lalaki lalo na ang libidong rumaragasa sa katawan ng mga ito. masama ang balak nila sa babae.
Nang makita niyang sinaklot ng lalaki mula likod ang dalaga at narinig ang pagsigaw nito. Doon hindi na nakontol ni Matt ang Galit at umiral ang kanyang malahalimaw ng dugo. Totally nakakalimutan niya kung sino siya at ano ang rules para sa kanyang sarilig at pagkatao.
Pero wala siyang pakialam, hinding hindi niya hahayaan na may masamang mangyari sa dalaga. Siya ang nagdala sa dalaga sa panganib, siya ang dahilan kung bakit nandito ang babae sa sandaling ito. Sa isang iglap isang malaking halimaw ang umigpaw mula sa sa likuran ng lumang sasakyan na nakatambak sa gilid ng isang madilim na bahagi ng kalyeng iyon.
Isang kakila kilabot na tunog ang narining sa katahimikan ng lugar na iyon.