webnovel

Minsan Pa

Calista Rodriguez hated at despised Drake Lustre the most. Para sa kanya, isang malaking pagkakamali sa kanyang buhay ang nakilala ito. Drake was her first in everything. Her first love, first kiss... and her ex-husband. She gave her heart to him without any reservation - minahal niya ito ng higit sa ano pa man sa mundo but he had hurt her and broke her heart into a million pieces. Their marriage ended after a year and Cali went away to mend her broken heart and start all over. 5 years later, Cali found herself trapped into working for the very bastard who broke her heart, and as if that wasn’t enough, Drake seemed to be making every effort to make her life a living hell, na para bang siya pa ang may atraso dito! Cali's certain she couldn't forgive him for what he did, ngunit paano kung ang estupidang puso niya ay tila muling nag o-overdrive sa tuwing magkakalapit sila ng dating asawa?

aprilgraciawriter · 现代言情
分數不夠
47 Chs

Chapter Three

"Oh my Gosh! Wasn't that Drake Lustre?" dinig ni Calista ang malakas na bulong-bulungan ng mga mag aaral na nakapaligid sa kanya, lalo na ang mga kababaihan.

"What's he doing? Why did he abandon the competition like that?" anang isa pa "he could've won!"

"Do you think he likes her?" kumento pa ng isa. Malinaw sa paniding ni Cali ang maingay na usapan ng mga estudyanteng naroroon habang lulan siya ng stretcher patungong klinika.

She closed her eyes. Who is this Drake Lustre at bakit parang lahat ng mga kababaihan doon ay kilala ito? At ang pinaka malaking katanungan sa kanyang isip ay kung bakit nito iniwan ang kumpetisyon upang saklolohan siya? Hindi ba dapat ay sinamantala nito ang pagkakataon na maiuwi ang medalya lalo na at isa siya sa mga mahigpit na kalaban nito?

"OMG Cali! Are you okay?" humahangos na ani Lilet sa kanya, ang isa sa pinakamalapit niyang kaibigan. Her friend frantically looked at her from head to toe, trying to see if she was hurt.

"I'm okay" her voice came out as a croak. Sumakit yata ang lalamunan niya sa nainom na tubig kanina.

"Ano ba ang nangyari Cali?" Segunda ni Isabel, ang isa nilang kaklase sa kursong Interior Designing sa SBU.

"Pulikat" maikling tugon niya na hindi naitago ang kalungkutan. Her scholarship largely depended on this competition, at ngayon ngang hindi siya nanalo ay maaring mawala sa kanya ang pagiging iskolar. Mahigit isang taon na lamang sana at matatapos na niya ang kurso.

"Cheer up" ani Lilet na tila nahulaan ang iniisip niya "Sigurado akong magbibigay ng pagkakataon ang kolehiyo dahil sa wala naman may gustong pulikatin ka noh!"

She smiled at Lilet. She and Lilet had been friends for as long as she's been in the university, ito ang una niyang naging kaibigan ng bagong salta siya sa paaralan. Over the years, they have grown closer at malaki ang pasasalamat niyang buong puso siyang tinanggap nito bilang kaibigan kahit pa galing din ito sa isang pamilyang nakaaalwas sa buhay. Marami kasi sa mga kaklase nila, lalo ang mga babae, ay minamata pa rin siya dahil isa lamang daw siyang 'promdi' na nagpipilit makisalamuha sa eskuwelahang hindi naman siya nababagay.

"K-kilala mo ba yung...yung lalaki kanina?" she asked Lilet.

Namilog ang mga mata ng kaibigan sa kanyang tanong. Hinila nito ang stool sa di kalayuan patungo sa tabi ng kanyang kama "My God Cali! Unless you've lived in a bunker for the past years, you would know Drake Lustre!"

"Well, maybe I did indeed live in a bunker...."

"Tsk! ito na nga ba ang sinasabi ko sa'yo kung bakit mas dapat dalas dalasan mo ang paglabas at pakikipag socialize eh! 3rd year na tayo pero ni isa sa mga suitors mo wala ka man lang pinansin!" umikot pataas ang mga mata ng kaibigan sa kanya bago nagpatuloy, "Drake Lustre is one of the star athletes of Saint Vincent, and not only that...he is the most popular guy in the campus! Galing sa maimpluwensyang pamilya, mayaman at...uber gwapo kaya!" may kilig sa tinig ni Lilet.

"Magkakilala ba kayo?" usisa ni Isabel sa kanya. Nakatayo ito pasandig sa dingding sa kanyang ulunan. May pakiramdam siyang sumama lamang ito kay Lilet sa klinika, hindi upang tignan kung ano ang kanyang lagay kundi para sumagap ng chismis.

Mahinang iling ang kanyang naging tugon "iyon ang unang pagkakataong nakita ko siya".

"Talk about lucky" Isabel mumbled na umabot naman sa kanyang pandinig. "Mauna na ako sa labas, mukhang maayos naman si Calista eh". Hindi na nito hinantay ang tugon ni Lilet at dumeretso na ito sa pintuan upang lumabas ng silid.

"Diyos ko Cali! maraming mga babae ang maiinggit at magagalit sa iyo niyan!" malapad ang ngiti ni Lilet sa kanya, nasa tinig pa rin ang pinipigilang kilig.

She closed her eyes "he helped me, Lilet. That's all".

"Oh I don't think so...."

She flung her eyes open "ano ba ang ibig mong sabihin?".

"Malagkit kaya ang tingin sa iyo ni Drake kahit pa bago magsimula ang kumpetisyon kanina".

Natawa si Cali sa sinabi ni Lilet "ayan na naman yang imahinasyon mo! Mag switch ka kaya ng course sa Journalism or something!" muli siyang pumikit.

"Walang biro Cali! Sa tingin mo ba basta basta na lang pababayaan ni Drake na makuha pa ng iba ang tropeyo na halos abot kamay na niya?!"

Hindi siya kumibo. Whatever his reason is, hindi na niya nais pang malaman. Magpapasalamat na lamang siya dito kapag nagkita silang muli.

"Pero aminin mo, guwapo di ba? Kinilig ka rin umamin ka na!"

She smiled, ang mga mata ay nanatiling nakapinid. His face flashed in her mind, lalong lumaki ang ngiti niya sa mga labi. Yes, he is indeed handsome! Plastik na lamang siya kapag sinabi niyang hindi siya kinilig sa presensya nito kanina lalo na at kaylapit nito sa kanya.

"I admit Drake Lustre is a sinfully attractive guy, okay? You win! Kinilig nga rin ako" nakapikit na sagot niya kay Lilet.

"Well, glad to hear I made your heart skip a beat, sweetheart..."

Bigla ang pagsakmal ng tila kamay sa puso ni Cali pagkarinig sa tinig ng isang lalaki sa di kalayuan. Awtomatiko niyang naimulat ang mga mata, kasabay ng paghayon ng paningin sa pinag mulan ng tinig. Tila yata siya binuhusan ng malamig na tubig sa nakita!

Standing right by the door was the very man she so boldly complimented earlier!

Nakasandig ang kanang balikat nito sa hamba at magka krus ang mga braso sa dibdib. Basa pa rin ang buhok nito bagaman nakapag palit na ng damit. A towel was hanging on his shoulder.

Hindik siyang napatingin sa kaibigan kasabay ng pandidilat ng mga mata.

Lilet innocently smiled and shrugged her shoulders at her.

"I think I better leave you two alone then" si Lilet. Tumayo na ito mula sa kinauupuan.

"No! Stay here!" protesta niya, tangkang hahawakan sa kamay ang babae.

Narinig niya ang mahinang pagkawala ng isang tawa mula kay Drake "I don't bite, Cali" anito.

"See? he doesn't bite" tuksong bulong ni Lilet sa kanya bago lumabas ng silid.

"Lil!!!" tawag niya ngunit isang ngiti at kindat lamang ang naging tugon ng babae.

Drake smiled charmingly at her bago humakbang papalapit sa kanyang kinahihigaan. She shifted uncomfortably in her bed, hindi malaman kung ano ang gagawin.

Gosh!!! nakakahiya! Narinig nito kanina ang sinabi niya! How could she possibly face him?!

Kalmadong naupo ang binata sa upuang binakante kanina ni Lilet.

Cali closed her eyes and refused to look at him. Alam niyang para siyang tanga sa ginagawa ngunit hindi niya alam kung paanong pakikiharapan ito matapos nitong marinig ang mga pinagsasabi niya kanina!

Damn you Lilet! Hind mo man lang ako kinurot kanina upang balaan!

"Are you okay?" tanong ni Drake. Her stupid heart literally skipped a beat just hearing his voice again!

She bit her lip but did not respond. Mariin pa rin niyang ipinikit ang mga mata.

He chuckled "There's nothing to be embarrassed about Cali. If it helps, I find you utterly beautiful, and I won't be ashamed saying that to anyone".

Oh God! Damn you, dear heart! Stop beating so crazily! For all you know binobola ka lang niyan para hindi ka mapahiya!"

She slowly opened her eyes, only to find his face inches away from hers, direkta itong nakatunghay sa kanyang mukha. Some strands of his hair fell on his face dahil sa pagkakayuko nito sa kanya.

She sucked in a breath, hindi malaman kung ano ang gagawin. This is again, the second time that a man was this close to her. Ang una ay kanina ng iligtas siya nito, when their bodies were directly touching, and when he massaged her leg without even asking.

She stared at him with eyes wide with amusement. Ilang ulit siyang kumurap ngunit walang maaupuhap na sasabihin.

"You really are quite the beauty, Calista Rodriguez..." his voice was like butter, at pakiramdam ni Cali ay nais na yata niyang matunaw.

She gulped. Hindi niya magawang bawiin ang paningin mula sa mga mata nitong tila hinihigop siya.

He smiled at her, showcasing those cute dimples on both cheeks "I'd love to take you out sometime, if you'd let me"

"H-huh?"

He inched his face even closer to her, bago nito dinala ang mga labi sa tapat ng kanyang tenga "will you go out on a date with me, sweetheart?"

Milyong milyong kilabot ang sumalakay sa katawan ni Cali dahil sa hininga nitong dumampi sa kanyang tenga. She instantly pushed him away from her, kasabay ng pag upo sa kamang kinahihigaan.

"Excuse me Mr. Lustre?!"

Narinig niya ang muling pagkawala ng mahinang tawa mula sa binata bago ito muling naupo "Wala namang masama sa sinabi ko, Cali. I am just asking you out"

"Mr. Lustre, you must have gotten the wrong idea! Yes, I admit, gwapo ka nga but don't even think that I am easy to get dahil lang sa sinabi kong guwapo ka!" may galit sa tinig niya.

"Woah!" itinaas ni Drake ang mga kamay pataas to signal defeat "I'm sorry if I have offended you. Wala akong masamang ibig sabihin". Hinila nito ang silya upang mas lalong mapalapit sa kama niya "I meant what I said, Cali... will you got out with me?"

Muli niya itong tinapunan ng masamang tingin "Mr. Lustre-"

"Drake. Call me Drake. I bet matanda lang ako ng kaunti sa iyo. And please, don't get me wrong. I want us to be friends, okay?" Inilahad nito ang kamay sa kanya, sinabayan iyon ng isang malapad na ngiti.

She hesitated for a bit bago tinanggap ang palad ng binata "Okay. Friends" she agreed.

Lalong lumapad ang ngiti sa mukha ni Drake "you won't regret it, Cali..."