webnovel

Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino)

Girls-Gays Inlove Series Series #1 Mikael (Mimi) Edwards & Chloe Mendoza In a relationship at 15, Engaged at 16, And broke up before turning 17. After 2 years, Chloe came back after realizing it will always be Mikael. But what if pagbalik niya nag-iba na ito. Hindi lang sa pag-uugali kungdi kasama na 'yong sexual orientation nito. Oh, no! **Namali ako ng unang post sa story na to. mygash, first time kasi ajejeje**

Aybeeming · 现代言情
分數不夠
62 Chs

Chapter 38

"I saw you wearing our engagement ring one time. Nasaan na iyon?" Tanong nito sa kanya. "Buti naman at nahanap mo pa? I remember I threw it sa garden niyo." Nakakandong pa din siya dito at yakapyakap pa din siya nito sa passenger's seat.

"Nasa kwarto ko. Ginawa ko siyang pendant noong pagpunta ko sa Italy, then noong ilang buwan na ko doon, sinuot ko na siya sa daliri ko. Tinanggal ko lang ulit at ginawang pendant ilang araw pagkatapos nating magkita, para sana ikaw na ulit ang magsuot nun if magkabalikan tayo. But when I decided na iwasan ka, I completely took it off." Napangiti siya ng tipid. "Masakit eh."

"I'm sorry, babe. Isusuot ko ulit sa'yo once makausap ko na ang mga parents natin." Saad nito sa kanya pagkatapos nitong gawaran ng halik ang leeg niya. "I want to talk to your mom." Sabi nito pagkatapos siya nitong ipaharap dito.

Tiningnan niya ito sa mga mata nito. She misses looking at his blue eyes. Napangiti siya. "Ngayon na?"

"Yeah. Kung pwede or kung gusto mo?" Sabi naman nito.

Napangiti siya ng malapad. She feels so happy, right now. "Ofcourse, pwedeng pwede at gustong gusto ko." Natatawang sang-ayon niya dito.

They were about to open the door of his car, nang nag ring ang cellphone nito sa dashboard. Tiningnan niya ito. It was Mother Hen calling. Mother Hen talaga?

"Damn! Nakalimutan ko!" Palatak nito.

Pinakuha ito ni Mikael sa kanya at inabot naman niya dito. "Sagutin ko lang." Tumango siya dito at agad nitong sinagot ang tawag, nanatili siyang nakakandong dito habang ang isang kamay nito ay nakapirmi sa baywang niya. "Mother, hey!"

"Don't hey me! Saan na you? We've been waiting na so matagal sa'yo! Kaimbyerna!!" Maarte at galit na sagot ni Henry sa kabila ng maingay na background music. Niloudspeaker pala ni Mikael ang tawag.

"Papunta na." Matipid na sagot nito.

"Mimi, sabihin mo nga sa'kin....Nagkabalikan na ba kayo ng babaitang iyon?" Narinig niyang maarteng sinabi ni Henry sa kabilang linya. "Please say no, please say no, please say no!!!" Naghysterical na ito sa kabilang linya.

Tumawa si Mikael sa likod niya at naramdaman niyang hinalikan siya nito sa buhok. Sarap tadyakan ang baklang iyon sa loob ng cellphone.

"Kaya pala nakalimutan mo na kami! Pareho kayo ni Ms. Z! Ginayuma lang kayo ng mga bruhildang mga babaeng iyon eh iniwan niyo na kami! Naging lalaki na kayo!!!!" Sigaw nito sa kabilang linya. Mayamaya lang ay rinig nilang maarteng humihikbi na ito.

"Mother. Hindi kami titiwalag sa pagkakaibigan natin. Sinabi ko na sa inyo kanina, we're still the same Mimi and Ms.Z na naging kaibigan niyo." Sagot nito kay Henry.

"Paano magiging same pa din!!! Tell me! Paano, Mimi!!! Eh may mga chikadiding na kayo!!" Hysteria nito. "Tapos si Ms. Z! OH MY GHAD! Parang hindi ko kayang sabihin! Nasusuka akooo!" Rinig niyang naduduwal ito sa kabilang linya.

Gustong gusto niya ng sumagot pero pinigilan niya ang sarili niya. Ang OA! Tengeners lang.

"Bakit? Anong problema kay Z?" Sabi ni Mikael sa natatawang tono.

"Huhuhu! Hindi na siya berhin Maria! Hindi naaaaaa!" Sigaw nito tapos biglang napaubo. Nabilaukan yata ng sariling laway.

Tawang tawa naman si Mikael. Tinampal niya ito sa braso. Nilapit nito ang bibig nito sa labi niya at ginawaran siya ng mabilis na halik doon at tumawa ulit.

"Tawa ka pa diyan, Mimi!!! Pumunta ka na dito! You go here! Now! Galit na din sina Joanne at Christy!" Sabi ni Henry.

"Okay, okay." Tipid na sabi ni Mikael at nagpaalam na kay Henry.

Napabaling siya dito. "Punta ka na doon, Mikael. Marami pa namang araw para makapag-usap kayo ni Mommy."

"Are you sure? Pero pwede namang kahit saglit lang, babe. Hmmm?" Sabi nito.

"Next time na lang, babe. You think papayag si Mommy na aalis ka agad? You know my mom, marami pang itatanong sa'yo iyon." Kumbinsi niya dito.

Nakita niyang nag-isip ito, humarap siya dito at kahit hirap ang pwesto nila ay nagawa niyang umupo sa hita nito na nakaharap dito. Inikot niya ang braso niya sa leeg nito at hinalikan ito ng matagal sa labi.

"I love you." Anas ni Mikael pagkatapos nilang maghalikan. Napangiti siya.

"I love you more." Sagot naman niya. "Sige na. Baka mas lalong mag hysterical si Mother Hen niyo." Ngumiti ito sa kanya.

"I'll text you later? Pakisave ang number mo sa cellphone ko, please." Masuyong sabi nito sa kanya.

Agad niyang kinuha ang cellphone nito at sinave ang cellphone number niya. Ginawaran siya nito ulit ng isa pang halik bago siya umayos ng upo at tuluyan ng lumabas sa kotse nito. Sumunod din ito.

"Ingat sa pagdrive at sa bar ha? Huwag masiyadong uminom." Sabi niya dito. "At huwag mambabae..."

Tumawa ito, "Opo, Nay. I love you, I love you."

Ngumiti siya at hinalikan ito ulit sa labi bago siya tuluyang nagpaalam dito at naglakad papunta sa bahay ng tito Rey niya. Paglingon niya ay nandoon pa din si Mikael at nakatingin sa kanya. Nagflying kiss siya dito at kumaway. Kumaway din ito pabalik. Pagkapasok niya sa gate ng bahay ni Tito Rey ay narinig niyang umandar na din ang makina ng kotse nito.

7:05 na ng umaga ng nagising siya sa katok galing sa labas ng pinto ng kwarto niya.

Nagrarattle siyang bumangon sa kama, dapat 6:30 ay gising na siya at sa mga oras na ito dapat ay patapos na siya mag agahan. Agad niyang binuksan ang pinto. Kailangan niyang magmadali, 8am ang exam nila. At malelate siya lalo kung hindi pa siya gagalaw.

"Anak! Nandito na si Mikael! Hindi ka pa nakaligo?" Bungad ng mom niya pagkabukas niya ng pinto niya.

"Kakagising ko lang, Mommy." Sabi niya at agad hinalikan ito sa pisngi. Kasalanan naman kasi ito ni Mikael. Tumawag ito sa kanya pagkadating na pagkadating nito sa bar. Magtitext daw, ha? At hanggang pag-uwi nito ay hindi nito binaba ang tawag kahit hindi naman sila makapag-usap ng maayos sa ingay sa bar. Ayaw niya din namang matapos ang pag-uusap nila pero nasa party kasi ito at kailangan niya din mag-aral, pero hinayaan na lang niya ito.

Marami din itong ibang mga kasama sa bar na sigurado siyang mga binabae rin base sa mga boses ng mga ito na naririnig niya at paminsan-minsan ay kinakausap ng mga ito si Mikael. Rinig niya din ang inis na inis na si Henry sa kabilang linya at ang isa nitong kaibigan either si Johann or si Christopher, hindi niya alam kung sino sa dalawa. Magmamadaling araw na ito umuwi at kahit nagdadrive ito ay nag-uusap pa din sila. Binaba lang nito ang tawag noong maliligo na ito at noong narining nitong humihikab na siya sa kabilang linya.

Napatalon siya nang pagtingin niya sa sala ay nandoon pala si Mikael nakaupo sa sofa nila at nakangisi sa kanya. Ni hindi pa siya naka hilamos at nakatoothbrush. Naghand gesture lang siya dito na parang sinasabing 5minutes lang. Mabilis siyang pumasok sa banyo at mabilis ding naligo.

It usually took her 30 minutes para maligo but this time 9minutes pa lang yata ay tapos na siya. Paglabas niya na nakatapis lang ng tuwalya ay wala na doon si Mikael sa inuupuan nito. Mabilis siyang pumasok sa kwarto niya para makapagbihis na agad nang isusuot niya papuntang school. Pero nagulat siya ng nakitang nasa loob pala ng kwarto niya si Mikael. Tumitingin ito sa mga pictures na dinikit niya malapit sa study table niya.

"Hey, gorgeous." Bati nito sa kanya pagkatapos niyang ilock ang pinto niya.

"Baka mahuli tayo ni Mommy!!" Sabi niya dito pero hinalikan naman niya ito sa labi bilang pagbati.

"Maingat ako, babe." Sagot naman nito pagkatapos nilang maghalikan. Tinukso-tukso pa nito ang labi niya bago nito hinawakan ang tuwalya niya para tanggalin.

"Mikael!!" Mahinang saway niya dito.

Tumawa ito ng mahina, "Tutulungan lang kitang magbihis, promise!" Tinaas pa nito ang kanang palad. "Ang bango.."

"Yeah, right!" Anas niya dito at agad tumalikod dito at dumiretso sa cabinet niya.

Naramdaman niya ang init nito sa likod niya at niyakap siya nito sa baywang at inamoy ang buhok niya. "Pakasal na kaya tayo?"

Napabaling siya dito, "Huh?"

"I want to experience waking up every morning na nasa tabi lang kita. I can't sleep last night, thinking about you.. about us.. I really love you, babe." Hinawakan nito ang baba niya at masuyo siyang hinalikan. Tumugon siya kaya mas lalong lumalim ang halikan nila. Hindi niya din namalayan na natanggal na pala nito ang tuwalya niya at dinadama na nito ang isang dibdib niya.

"Anak?" Mahihinang katok sa labas ng pinto niya ang narinig niya. It was her mom.

Mabilis siyang kumawala kay Mikael at pinulot ang tuwalya niyang nasa sahig at inayus ang pagkapulupot niyon sa katawan niya.

"Yeah, mom?" Tanong niya dito.

"Tapos ka na ba magbihis? Nasaan si Mikael? Wala na siya sa sala." Sagot ng mom niya.

Tumingin siya kay Mikael at pinandilatan ito ng mga mata. "Huh? Si Mikael? Baka nasa kotse niya na, Mommy."

"Oh, okay. Bilisan mo na diyan. Baka malate kayo. Gagawan ko kayo ng egg and bacon sandwich para makain niyo papunta sa school. Baka hindi rin nakakain ng almusal si Mikael." Sabi ng mom niya.

"Ok po, Mommy. Thank you!" Sabi niya dito pagkatapos ay rinig niya ang tunog ng yapak nito paalis sa pinto ng kwarto niya.

Binalingan niya si Mikael para sana'y pagalitan. Pero nakita niya itong nakatingin sa loob ng cabinet niya. May hawak na itong isang black na halter dress at kinuha din nito ang isang kimono cardigan. "You wear this at school, babe. Pero magsuot ka ng cycling ha. Yoko makitaan ka. Akin lang iyan." Sabi nito sabay abot ng hawak nito sa kanya. Namula siya. Loko lang.

Yumuko ulit ito, binuksan ang mga drawers at tumingin sa mga underwear niya. Inangat nito ang isang lacey underwear na may ternong see-through na bra. "This is hot. Wear this, as well." Sabi nito sabay bigay ulit sa kanya.

"Wow. May personal stylists na pala ako?" Tukso niya dito.

"Gusto mo hair and make-up pa eh." Mayabang na sinabi nito at napatawa ng nakitang napamulagat siya dito.

"Sira ka talaga. Pero hindi nga? Marunong ka mag make-up?" Sabi niya dito at nakasunod ang tingin niya dito ng umupo ito sa kama niya.

"No. Si Henry lang ang nagmemake-up sa min magkabarkada. Well, yeah. Naging bakla ako. But I don't feel doing something beyond acting like one. Gay lang ako sa galaw at salita. Iyon lang." Sabi nito sa kanya.

Napatango lang siya dito, "Magbibihis na ako. Tumalikod ka na, babe."

"Nakita ko na iyan, remember. Magpapakasal din naman tayo kaya walang problema kahit maghubad ka sa harap ko, babe." Nakangisi nitong sinabi sa kanya.

Tinapon niya dito ang bra niya at tawa-tawang hinuli nito iyon. "Bilis na, Mikael! Malelate na tayo!" Nilapitan niya ito at binawi ang bra niya dito.

Binigay naman nito iyon at natatawang tumalikod na humiga sa kama niya. "Sus! Nahiya pa si future Mrs. Edwards."

Namula siya sa sinabi nito. Hay, Mikael.. she won't deny the fact na excited siya sa future nila ni Mikael. Sobra.