webnovel

Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino)

Girls-Gays Inlove Series Series #1 Mikael (Mimi) Edwards & Chloe Mendoza In a relationship at 15, Engaged at 16, And broke up before turning 17. After 2 years, Chloe came back after realizing it will always be Mikael. But what if pagbalik niya nag-iba na ito. Hindi lang sa pag-uugali kungdi kasama na 'yong sexual orientation nito. Oh, no! **Namali ako ng unang post sa story na to. mygash, first time kasi ajejeje**

Aybeeming · 现代言情
分數不夠
62 Chs

Chapter 20

Friday came and Georgette went to Busuanga. Grabe pamimilit nito sa kanya pero tumanggi siya. Ayaw niya talagang makasalamuha ang mga sidekicks nito. Wala na din itong nagawa kaya sinabihan na lang siya nito na dadalhan siya ng pasalubong pagkabalik nito.

Hindi niya sinabi sa mom niya ang nangyari. Hindi niya kasi alam kung ano magiging reaksyon nito kung sakali. Para makaiwas na din siya sa maraming tanong nito. Kahit hindi siya nagtatago ng sekreto sa mom niya ay ginawa na lang niya. Good thing, she have Georgette na mapagsabihan niya about doon.

Nanonood siya ng tv sa sala with her mom and tito Rey, nang nakatanggap siya ng text galing kay Kristel.

Kristel: Chloe! Gimik tayo bukas! Its my birthday! Pakilala kita sa mga close friends ko and kasama naman si Terence and si Marie kaya hindi ka ma-OP. Sama ka na ha? I won't accept a no as your reply. Sama ka!

Napangiti siya. Agad niyang sinabihan ang mom niya at si tito Rey, pumayag naman ang mga ito agad. Kailangan niya 'yon ngayon. Ang maglibang. Kaysa dito lang siya sa bahay nila. Naiisip niya lang si Mikael.

She replied with a yes.

Kristel: Thanks!!! No gift, no entry, ha!

Napatawa siya. Namimiss niya ang kalokohan talaga nito. She misses her highschool days. Nothing beats highschool life. Ibang-iba 'yon sa college na halos lahat ay mga seryoso na.

Saturday night came and papunta na siya sa venue ng party ni Kristel. Her mom and tito Rey is with her. Ihahatid lang siya ng mga ito. And itetext na lang din niya ang mga ito kapag uuwi na siya. Sa isang high class na bar iheheld ang party ni Kristel. She's wearing a silver metallic dress na above the knee and 3 inches silver high heels. May silver purse din siyang dala for her cellphone and wallet.

Hawak-hawak niya ang regalo niya ditong red MK bag na nakalagay sa paper bag. She hopes wala pang ganito si Kristel. Mahilig kasi ito sa mga bag kaya nahirapan siyang pumili ng ireregalo niya dito kaninang umaga. Thinking na baka meron na ito ng ganoon. Kaya pinili na lang niya ang hindi masyadong common na style.

Papasok na siya sa club ng bigla itong tumawag sa kanya.

"Are you here na? Nandito kmi sa private room!" Panimula nito.

"Yeah! Nandito ako sa labas ng pinto. Kararating ko lang." Sagot niya.

"Wait for me diyan. Puntahan kita!" Sabi nito and inend call nito ang tawag.

After ilang minuto ay lumabas na ito kasama si Terence, magkahawak kamay ang mga ito.

Grabe ang ingay sa loob ng club. Dinig niya pagkalabas ng mga ito. Ang dami ding tao. Jam packed ang club. Amoy usok pa ng sigarilyo. Good thing kumuha si Kristel ng private room. Hindi na siya baguhan sa mga club, kapag may okasyon or gusto lang nilang mag hang-out ng mga kaibigan niya sa Italy ay gumigimik sila.

"Chloe!" Agad itong bumeso sa kanya. Kumaway naman si Terence sa kanya.

"Hi, you two!" Bati niya sa mga ito. Inabot niya ang regalo niya dito, "Happy birthday, Kristel! Here's my gift! May party pass na ako, ah." Biro niya dito.

Natatawang tinanggap nito iyon at inabot iyon kay Terence. Ang tagal na ng mga ito. Hanggang kasalan na, for sure, ang tuloy. Agad siya nitong niyayang pumasok, hinawakan nito ang kamay niya para hindi raw siya mawala, na posible, sa dami ng taong nasa loob ng club.

Habang naglalakad sila ay napapatingin siya sa mga taong nandoon. Nagsasayawan na ang iba, iyong iba naman ay nakaupo lang habang nag-iinuman. May mga lasing na. Napabaling din siya sa taas na bahagi ng club. Pang VIP yata doon. Open siya pero may mga mesa sa taas na pwedeng dumungaw ang mga tao doon sa railing para tingnan ang nasa baba. Sa gilid noon ay merong private room, pero tinted ang bintana noon. Nakatingin pa din siya doon ng nahagip ng tingin niya ang tatlong lalaking nakatukod sa railing sa taas.

Napasinghap siya. Kilala niya ang dalawa doon, si Z.. at si Mikael. May hawak ang mga ito na scotch glass. Hindi niya hiniwalay ang tingin niya kay Mikael hanggang sa tumama ang mga mata nila. Hindi siya sure, ha? Pero feeling niya nakita siya nito kasi dumiretso ito ng tayo at nanatiling nakatingin sa direksyon niya.

Nahiwalay lang ang tingin niya dito nang pumasok na sila nina Kristel at Terence sa inarkilahan nitong kwarto. Siguro higit sa sampung katao ang nasa loob, tatlo ang lalaki. Malaki ang room, may tatlong malaking couch ang nandoon na paikot sa isang mesa na punong-puno ng pagkain at inumin. May karaoke din doon pero wala pang kumakanta.

"Chloe!" Bati sa kanya ni Marie at agad siyang nilapitan at bineso. "I miss you! Buti naman at nakapunta ka!" Sabi nito sa kanya.

Ngumiti siya sa mga ibang taong nandoon na ngumiti din sa kanya. Bumaling ulit siya kay Marie, "I miss you, too. Oo. Baka magalit si birthday girl, eh." Sagot niya dito.

"Guys, this is Chloe pala. She's my highschool friend." Pakilala sa kanya ni Kristel, sinabi din nito lahat ng pangalan ng mga bisita nito.

They all smiled and greeted her. "Nice to meet you all!" Sabi niya sa mga ito.

Then, pinaupo siya ni Kristel katabi ng isang lalaking chinito, nakalimutan niya ang name. Dito lang kasi may bakante. Sa kanan niya ay si Marie.

Tapos na silang kumain nang nag-umpisa ng pumili ng kanta ang mga babaeng kaibigan ni Kristel.

Panaka-naka ding nakikipag-usap si Marie sa kanya pero naging busy ito sa cellphone nito kaya sumimsim na lang siya sa binigay sa kanyang alcoholic drink ni Kristel.

Hindi siya mahilig uminom pero umiinom naman siya kapag may mga okasyon or gigimik. Pero never pa siyang nalasing kasi moderate drinker lang siya.

Pagkaubos niya ng basong iniinom niya ay sinalinan ulit iyon ng chinito na katabi niya. Napatingin siya dito.

"Thanks." Sabi niya pero hindi agad ininom iyon.

"You're welcome. So, you're Chloe, right? Saan ka nag-aaral?" Tanong nito sa kanya.

"Huh?" Tanong niya pabalik, hindi niya masyadong narinig ang sinabi nito. Kumakanta na kasi ang mga babaeng bisita.

Nagsmirk ito, naalala niya ang ngisi ni Mikael. Katulad na katulad iyon sa chinitong katabi niya.

Nilapit nito ang bibig nito sa tenga niya, "Sabi ko, saan ka nag-aaral?" Ulit nito.

"Ahh.. Sorry! Hindi ko narinig, eh! Kakaenroll ko lang sa ASU." Sagot niya dito.

Ito naman ang hindi nakarinig sa kanya, kaya napatawa sila. Nilapit niya ang bibig niya sa tenga nito at ulit niya ang sinabi niya dito.

"Anong course mo? Saan ka nag-aaral dati?" Tanong nito ulit. Nakiliti siya kasi parang sinasadya nitong bugahan ang tenga niya.

Sumimsim muna siya sa inumin niya, then ginaya niya iyong ginawa nitong pagbuga sa tenga nito. Napatawa ito ng malakas kaya napatingin sina Kristel, Terence, Marie at ang ibang mga bisita sa kanila. Pero bumalik din ang mga ito sa ginagawa ng huminto na si chinito tumawa. Napa-iling lang siya habang nakangisi. Nagkwentuhan pa ulit sila.

"What's your name, again?" Tanong niya dito ng maalala niyang hindi niya pala nakuha ang name nito.

"Hi, I'm Mike Sy." Sagot nitong nakangiti sa kanya.

Napatingin siya dito. MIKE. Malapit lang sa name ni Mikael. Naalala niya ulit na nakita niya pala ito sa taas ng club. Same lugar lang sila. Napabuntong hininga siya nang naisip niyang baka umalis na ito doon pagkakita sa kanya.

"Hey? Are you, okay? May problema ba?" Tanong sa kanya ni Mike.

"Ahh.. wala... May naalala lang." Sagot niya and nagsmile agad.

"Care to tell me? If not, okay lang." Bulong nito sa kanya.

"Wala iyon. May naalala lang talaga ako." Sabi niya sa pinasiglang boses nagkibit balikat lang ito at patuloy silang nag-uusap habang umiinom at kumakain ng mga finger foods.

Hindi niya namalayang nakaapat na baso na pala siya. Bigla niya lang naramdam ang hilo. Natatamaan na yata siya kaya nagstop na siya sa pag-inom.

"Guys, labas tayo! Sayawan naman!" Sabi ng isa sa mga babaeng bisita ni Kristel.

Tumango ang lahat at ganoon din siya. Kailangan muna niyang magpapawis. Baka sakaling mawala ang tama niya. Tumayo na silang lahat and sabay sabay lumabas sa pinto. Paglabas nila ay umalalay si Mike sa kanya at tumabi sa kanya pagdating sa dancefloor. Wild na wild sumayaw ang lahat. Humarap sa kanya si Mike at hinawakan siya nito sa bewang. Sumayaw din siya dito and agad pinatong ang isa niyang braso sa leeg nito. Sobrang saya niya nang pinagpawisan na siya. Hula niya'y nawawala na nga talaga ang tama niya. Nakadalawang kanta na sila sa pagsasayaw ni Mike and lumalapit na ang mukha nito sa kanya na hindi niya namamalayan, kasi nakayuko siya, nang biglang may malakas na humigit sa kamay niyang hindi nakahawak sa leeg ni Mike.

Nabigla siya doon kaya hindi niya nabalance ang paa niya at napasubsob siya sa dibdib ng humugot sa kanya. Napaangat siya ng tingin at nakita niya si Mikael na nakatingin sa kanya ng galit.

Napanganga siya.

"Who the fck are you?!" Sigaw ni Mike dito.

"Mikael?" Dinig niyang sabi ni Kristel.

Hindi pinansin ni Mikael ang mga ito. Then, Mikael pulled her hard, away from the dancefloor. Nasasaktan na siya sa higpit ng paghawak nito sa kamay niya, pero hindi niya mabawi ang kamay niya. Nagulat pa din siya sa ginawa nitong paghigit sa kanya.

What the hell is happening? Sign na ba 'to? Na babalik pa sa dati si Mikael?

Nakarating sila sa sasakyan nitong nakapark, na nakita niya dati sa ASU. Bitiwan siya nito at agad nitong sinipa ang isang gulong niyon.

She heard him cursed.

"Mikael?" Tawag niya dito.

Galit na tumingin ito sa kanya. "Bakit ka pa bumalik, Chloe?!! You're ruining my life! Again! Bakla na ako, eh! Accept na ako ng family ko! Then, you came back! Ginulo mo na naman ang mga plano ko!! Ang isip ko!!" Sumbat nito sa kanya.

Nagulat siya sa sinabi nito, napaluha siya. Agad niyang hinawakan ang kamay nito. "I still love you, Mikael!! Kahit bakla ka pa!! I still love you!!"

"Damn you!! Iniwan mo ako!! You told me you don't love me! Then, babalik ka para sabihing mahal mo ako? Are you fcking kidding me?!" Sigaw nito sa kanya and agad pumiglas sa hawak niya. May napapatingin na sa kanila.

"I do, Mikael! I never stop loving you! Kahit magkalayo tayo! Kahit iniwan kita! Kailangan ko lang talagang umalis! Kasi natakot ako!" Sigaw niya din pabalik dito.

Tumawa ito. "Don't you ever fool me again, Chloe! What's done is done! Stop with your lies! Kahit ano pa ang sabihin mo hindi ako maniniwala sa'yo!" Mariin nitong sinabi.

"Maniwala ka! Please!" Nilagay niya ang isang kamay niya sa dibdib nito, "I know... I know you still love me, Mikael... I can feel it. Hindi mo ako ilalayo sa dancefloor kanina, if you don't love me. Hindi ka magseselos kung..."

"Selos? Hindi ako nagseselos, damn it!! Nahihiya lang ako para sa sarili ko, na makita ang dati kong minahal ay sumasayaw na parang pokpok kasama ang lalaking 'yon! Nakita ka ni Z and I was embarassed as fck. You look like a whore na parang handa ng makipagjugjugan sa gitna ng dancefloor!" Maanghang na sinabi nito sa kanya.

Hindi niya napigilan ang sarili niya at nasampal niya ito. Umiyak din siya agad habang napahawak sa dibdib niya.

Ang sakit.

Ang sakit marinig iyon sa taong mahal mo.

Tumalikod siya dito at magsisimula na sanang lumakad ng hinigit siya ulit nito. "Masakit ba?! You slapped me because its true, right?! Its true kaya nasasaktan ka!?!"

Napahikbi siya, hindi siya makapaniwalang nasasabi iyon ni Mikael sa kanya, "I know what you're doing, Mikael! You're making me hate you! But let me tell you this! Nasasaktan ako kaya gusto kong umalis ngayon, but I won't give up! Gagawin ko ang lahat para mahalin mo ulit ako! Babalik ulit ang dating Mikael na mahal ko!" Sagot niya dito.

"No, Chloe!! Diyan ka nagkakamali! Huwag ka ng umasa! I will never be the same guy you fooled before! Bakla na ako! Bakla! Bakla! Bakla!!" Sigaw nito sa kanya.

Hinawakan niya ang leeg nito at bigla niya itong hinalikan. Namiss niya ang mga labi nito. Ginawa niyang torrid 'yon, 1st time nila 'to. Pinasok niya ang dila niya sa loob ng bibig nitong nakaawang. Ginaya niya ang nakikita niya sa mga movies. Naramdaman niyang hindi ito nagrerespond sa kanya, kaya minulat niya ang mga mata niya at nakitang nagulat ito sa ginawa niya. Ang laki ng mga mata nito. Bigla siya nitong tinulak ng malakas kaya napasandal siya sa katabing sasakyan nito. Napaigik siya sa sakit.

Tumingin siya dito at nakita niyang nabahala ito. Pero agad din iyon nawala at pinunasan nito ng kamay ang bibig nitong hinalikan niya.

"Kadiri, fck!" Sabi nito sa kanya at pumasok na ito sa loob ng kotse nito. Nakita niyang kumuha ito ng wet wipes at pinunasan ulit ang bibig nito gamit noon. Then, kinuha nito ang bottled water nito at nagmumog.

Ang arte! Grabe!

"Don't kiss me again! Kadiri ka! Ano na lang sasabihin ng mga friends ko! SHET!" Sabi nito sa kanya, sinarhan nito ang pinto ng kotse nito and agad humarurot paalis.

Naiwan siyang nakatayo pa din doon at napahawak sa bibig niya. Naiiyak siya. Dati.. gustong-gusto ni Mikael na halikan siya. Hindi niya ineexpect ang ganoong reaksyon galing dito.

Yes, nasaktan siya, pero sabi nga niya hindi siya gigive-up. May pag-asa pang babalik sa dati si Mikael. Nararamdaman niya. Kasi hindi naman ito magrereact ng ganoon noong may kasayaw siya, kung hindi na siya nito mahal. Kahit ilang beses pa nitong i-deny iyon hindi siya maniniwala.. Kaya kailangan niyang maging pasensiyosa. Kaya niya 'to! Kayang kaya niya 'to!