webnovel

Midnight Latte (Tagalog/English)

A coffee lover girl bound her life with her self made rules to weasel out from repeating same mistakes from the past-- falling in love so easily. But found her heart being caged by these rules, in such, brought herself in a turmoil.

Xapkiel · 现代言情
分數不夠
89 Chs

The Florist Brewer

"Bianca. Gising na!"

15 minutes pa. Bulong ko nang marinig ko ang boses ni kuya.

"6:45 na. Wag kang magalit sakin ha. Ginising na kita."

15 minutes pa. 6:45 palang naman eh. Pinatong ko ang pula kong unan sa mukha ko habang inunat ko mga paa ko.

Meron pa naman akong 15 minutes. 15 min. 15 MINUTES NALANG!!! Napalundag ako sa kama sabay takbo.

"Ahhh!!!...Aray!"

Well, eto, clumsy pa rin. Napatid ako ng kumot na nakapulipot sa paa ko, kaya yun nag stumble ako sa sahig.

***

Ako nga pala si Biatrice Hyacinth Cruz. Bianca for short. Yan kasi ang tinatawag sakin ng family pati mga classmates ko sa college. Meron ring tinatawag ako na Bea nung high school pati elementary, Cinthia, Trix, pero ang pinakaayaw ko sa lahat yung Betty. I don't know but I can't stop thinking of myself as an ugly person when they call me that name. Yes, THAT name.

Nung elementary ako panay ang kantyaw sakin ng mga classmates kong lalaki ng Betty. Hindi ko naman alam kung bakit naiinis ako.

Dali-dali kong dadamputin yung tsinelas ko sabay habol sa kanila. Imbis na ibato ko sa kanila'y hahabulin ko muna hanggang maabot ko sila. Kaso, almost never ko silang nahahabol, lalo na yung crush ko, isa rin sa kanila.

Ayoko ko namang magmukha akong palahabol sa crush ko kaso ewan ko ba. Tapos siya naman tong panay takbo't layo sakin.

Although in his perception hinahabol ko siya dahil sa naiinis ako sa kanya, ibahin niyo ko, hinahabol ko siya kasi crush ko siya sabay naiinis kong tawag sa pangalan niya.

Steve!!!

Buti nalang walang nakakahalata sa mga lalaki na pangalan niya lang tinatawag ko.

Yaks! Ang landi! Sabi ko nung nag high school ako. Nasasapak ko nalang ang sarili ko at napapatili nang maaalala ko mga ginawa kong kalokohan nung elementary palang ako. Kaya nagpromise ako na hindi ko na yun gagawin.

Nainspire ako sa mga koreanovela na pinanood namin ng mga bestfriends ko. Sina Cody, Alicia, Justin, Karlo and Solis lagi ang kasama-sama ko nung high school years. Tuwing hapon, end of the month, sama-sama kami nyang pupunta sa sentro para maghanap ng mga bagong release na mga kdrama. Yung pirated ba. Minos gastos na rin kasi kesa idownload sa internet. Tyaka wala pa kami nung mga laptop at internet connection.

Ang dami naming naubos na kdrama bago maggraduation. Sayang nga, wala na akong contact sa kanila ngayon. Especially kay Cody. Nagkaaway kasi kami bago magrecollection, or should I say, misunderstanding. Ang daming nagkakandarapa kay Cody na mga babae. Gwapo kasi, maputi, matangkad, hindi naman katangusan ang ilong pero mas mataas kumpara sakin, hindi naman siya mayaman pero pang prinsipe ang ityura niya, palangiti at palakaibigan. Ang kaso ako yung lagi niyang kasama. Syempre bestfriends kami eh. Magkasama kami lagi papuntang school, dadaanan kasi ni Cody bahay naman namin bago makapunta sa school. Sa canteen, tuwing snack at lunch magkakasama kami ng circle of friends. Pati pag uwi kasama ko siya. Ikinaiinggit ito nung mga maldita na may gusto kay Cody. Mas lalo pang nagalit sila ng makita nila na seatmate kami ni Cody. And before mag recollection, unconsciously lumalayo na ako sa kanya at naging awkward kami. Kala tuloy naisip nila Solis and the rest, nag-away kami.

But well, past is past. Tutal hindi naman kami talaga nag-away, kaya minsan nagkakausap naman kami nung college kami. Malimit na nga lang.

***

Tinanggal ko na ang kandado sa bisekleta ko at nilagay ko yung handbag ko sa basket sa unahan.

"Hmmmm. Hay!" Buntong hinanga ko.

Bagong araw na naman. Ipinadyak ko na ang mga paa at nagsimulang gumulong na ang bisekleta. In fairness, ang ganda ng panahon ngayon.

"Good morning, Aling Rosing!" Sigaw kay Aling Rosing, may katabaan at kulot na buhok na nakabrush up.

"Magandang umaga sayo, iha." Inihahanda niya yung mga gulay sa tindahan niya.

Masikip lang ang daanan pero ayos na rin para makadaan ang isang tricycle. Medyo bako-bako na ang kongkretong daanan tapos matataas ang bahay sa gilid ng kalsada. Hindi naman masyadong mahirap ang lugar, pero baka na rin dahil sa magkakadikit ang mga bahay tapos ang iba'y gawa sa mga tagping yero, kaya nagmumukha na ring parang squatter. Buti nalang araw-araw naglilinis ang mga tao, meron ding mga paso sa gilid ng kalsada at dun nagtatanim.

"Good Morning!!!"

"Ah!!! Bastos! Ano ka ba?!" Nakatawa kong sinabi habang prinino ko ang bisekleta.

"Uy! Ano ba, mababasa ako!" Sigaw ko kay Jay na nakashorts lang. His not that bad. Yan ang sabi ng mga bago kong kaibigan na parang nag aalinlangan pa sinabi nila. But for me, gwapo sya. Moreno ang kulay niya, medyo bilugin ang mukha tapos Pilipinung-pilipino ang mata niya dagdag pa ang maamo nyang kilay, he's really handsome. And feeling ko, nag wowork-out siya since his a bit of masculine. Yung abs ang nagdala.. I don't know why girls don't find him attractive, he's nice naman.

"Uy, ano ba?!" Itinaas ko na ang kamay ko para maiwasan ko ang tubig. Dinidilig kasi ni Jay yung mga plants along the way.

"Hahaha. Don't worry hindi ka naman mababasa." Sinabi niya habang tinututok sakin ang hose.

"Anong hindi mababasa? Anong kala mo sakin plastic?!" Sumbat ko naman.

"Ikaw ang nagsabi niyan ha."

"Eh, yun naman talaga ang gusto mong sabihin, di ba? Yun din naman ang patutunguhan nun."

"Di ba pwedeng papel?"

"Papel? Ano nakain mo? Hoy, lahat ng papel nababasa!"

"Sure ka?"

"Oo. Bakit? Anong papel ang hindi nababasa. Oh ano. Ano."

"Waterproof paper."

"Ano ka ba, papel nga. Mababasa y-"

"Waterproof paper." Inulit niya ang sinabi niya.

"What? Jay, papel... nababasa ang papel..." Inunat ko ang kamay ko sa pagdedefense ng side ko sabay bunot ng bag at kuha ng papel sa loob ng bag.

"Oh, eto papel, basain mo. Sige bas-"

"Waterproof - ." Uulitin niya ulit yung sinabi niya kaya sinumbatan ko ulit.

"Oo, alam ko... waterproof paper ang sabi mo. Paper. Paper. Eto paper." Sabay pakita sa kanya ng papel.

"Waterproof." Sa ngayon sinabayan niya 'to ng tango.

"Oo nga, waterpr - "

Napanganga ako bigla nang marealize ko ang sinabi niya.

"AHAHAHAHAHA"

Napatawa nalang nang malakas si Jay. His smiles were glistening. Lalo na kapag tumawa siya, ang cute ng mga mata niya.

Para di ako magmukhang tanga, dumugtong ako.

"Meron ba nun?" Nagkibitbalikat ako. Sabay dahan dahang ibinalik sa bag ang papel.

I know. I'm dumb. But hindi naman masyado. Sadyang impatient lang talaga ako pagminsan. In times like this, hindi naman ako nahihiya kay Jay. Sadyang naiinis lang ako kasi pinagtatawanan niya ako. But mawawala rin lang naman agad ang inis ko.

"Nya, nya, nya. Bahala ka nga jan. Pag nalate ako, ikaw isusumbong ko kay Mam Rose." Wala na kasi akong masabi. Tuloy, talo na naman ako sa bangayan naming.

Ipinadyak ko na ulit ang mga paa ko sabay andar na ng bisekleta

"Maya. Merong concert dun sa south bon plaza. Punta tayo." Sigaw niya.

"Oh sige sige. Chat nalang." And I smiled at ibinaling ko ulit ang tingin ko sa daan since malapit na ako sa highway.

Nasa Makati na kasi ako. Kasama si kuya. You know, that night na napagalitan ako ni Mama. My gosh! Totohanan pala yung sabi niya.

~

Kinaumagahan ng gabing yun. @part1

KRINGGGG!!!!!!!!

Iniunat ko ang mga kamay ko para maabot yung cellphone na nakalagay sa mini table near my bed. Sabay tingin sa oras.

7:30

15 minutes pa.

Sabi ko sa sarali ko. At sinulyapan ko yung cabinet ko. Sinasabit ko kasi dun yung personalized t-shirt ko na printed with Jongsuk and me na magkatabi nakaupo. Edited for sure.

Natulala ako.

Huh? Asan si Jongsuk?

Ilang sigundo pa'y nanlaki ang mga mata ko, as in nanlaki pa siya sa lagay nayun, sabay lundag paalis sa kama at bukas ng cabinet.

Where's my clothes?!

Kumunot ang noo ko. Hindi naman ako maarte, sadyang ginagawa ko lang madrama lahat ng sinasabi ko para magmukhang koreanovela ang buhay ko and you know, napapa-ingles na rin pag minsan.

Dali-dali kong hinila ang drawer.

My diary! My wallet!

Saka ko lang nahalata na almost all of my gamit, wala na sa kwarto.

"Hala! Bukas na bukas mag empake ka."

Naalala ko bigla ang sinabi ni Mama kaninang madaling araw. Tumakbo ako palabas ng kwarto sabay dungaw sa baba. Nasa taas kasi kwarto ko. Hindi naman siya masasabing second floor kasi kalahati lang ng bahay ang may taas.

"Ma!" Sigaw ko. Nakita ko si Kuya Henry na nakaupo sa sala, nagkakape.

"Kuya, asan si Mama?"

Napalingon sakin si Kuya. Kumakain siya ng tinapay.

"Nasa likod kausap si Manong Dado." Sagot niya sabay dip ng pandesal sa kanyang kape.

Tumakbo ako sa loob ng kwarto sabay bukas ng bintana. Malaki kasi bintana namin sa taas, yung sliding pa na kahoy kaya't kayang kaya ko na tumakas lang kong gusto kong maglaskwatya lalo na kung grounded.

"Ma!" Sigaw ko at dungaw sa bintana. Una kong natanaw yung kalamansi katabi nung kubo. Inikot ko paningin ko. Aha! Si Manong Dado!

"Manong!" Kinawayan ko si Manong Dado sinabayan ko to ng malaking ngiti. "Goooo Mooowwwning!!"

"Oh! Ganda ng gising natin jan ano, Bianca." Binato rin ako ni Manong ng kaway at ngiti.

"Ganda? Sus! Badtrip nga po eh." Kinamot ko ulo at nagsimangot bigla.

Bago pa man makasagot si Manong Dadoy tinanong ko na siya kung nasan si Mama.

"Ano? Si Mama mo?" Tanong niya.

Ay hindi po. Ikaw po. Asan po ikaw. Sumbat ko sa isip ko habang tumango-tango ako kay Manong.

"BIANCA!!!" Nagkatinginan kami ni Manong. Boses yun ni Mama sa baba ng bahay. Tumakbo ako pababa at inayos ko buhok ko.

"Ma!"

"Maligo ka na." Lumabas si Mama galing sa bathroom, nakapulipot pa ang tiwalya sa ulo niya at nakabihis siya. May lakad?

"Ma, pe-"

"Nandun sa labas yung mga gamit mo. Pati yung diary mo."

"Diary ko?" Andun lahat ng mga kahihiyan na ginawa ko!!!

Tatakbo na sana ako papalabas nang sumigaw si Manong Dado.

"Andyan na ang sasakyan!!!"

Napatingin ako bigla kay Mama.

Huh?

"Bianca. Bilis! Maligo ka na!" Biglang nataranta si Mama pati si kuya nakisali na rin.

"Bianca, bilis!" Sabi sakin ni kuya na tumakbo papuntang kwarto niya at nagbihis. Si Bastie na man biglang tumakbo papasok ng bahay na naghuhubad nang damit.

"Yey! Andyan na ang van!!!"

Oh my gosh! Oh my gosh! Anong nagyayari?! Wait! Wait!

Napatakbo na rin ako papuntang kwarto ko at kinuha ko yung last pair of clothes ko.

Few minutes later.

"Waaahhhh!!!!" Sigaw ko sa loob ng van. Nagsitawa sina Mama, kuya, Bastie, and the company.

To think that napasakay nila ako sa van just making me taranta all the way. The heck.

~

Balik tayo sa present time.

"Hoy! May tao dito oh!" Sigaw ko.

"Manong pulis! Yun oh!" Sabay turo ng matandang babaeng kasabay ko sa pagtawid.

"Ano ba yan?! Kita nang may tatawid."

Nasa ilalim na kasi ako ng overpass papasok ng BGC. Magseseven na kaya't ang dami ng tao, pati mga sasakyan nagsisiksikan na rin papasok. Kahit nga ang organisado ng palakad sa loob, meron naman talagang mga mokong na driver. Anong akala samin, X-men? May powers para di masagasaan? Hays.

Binabadtrip agad araw ko. Muntik na kong matumba. Syempre hindi ako nakasakay, tinutulak ko lang para tumawid.

Bumisikleta pa ako hanggang sa South Bon., andun kasi tinatrabahuhan ko.

Lagot!!! Bigla akong napapreno.

Si Maam Rose kasi nakaabang sakin sa labas ng shop. Nalate ako ng 5 minutes. Ang dami kasing mga tao. Grabe na man kung papatabihin ko sila sa daan para mapabilis ako.

Nakataas na ang mga kilay niya, kitang kita na sa ibabaw ng kanyang salamin tyaka't pulang buhok. Alam ko kaagad na siya yun dahil ang puti't kinis ng balat niya. Nag pa derma ata. Joke lang. Natural daw sabi niya.

"As usual." Narinig kong sabi niya.

Hindi naman sa maldita sadyang ayaw niya lang talagang malate ako kasi ako lang talaga ang maasahan sa flower cutting.

Sa isang floral shop kasi ako nagtatrabaho. Natupad din nga ang pangarap ko sa tulong ng isa kong kaibigan. Bagong kaibigan.

"Galing. Ang aga mo ngayon ah." Ani ni Josh, katrabaho ko't yung tinutukoy ko na kaibigan na tumulong sakin na makapasok dito sa shop.

"Oo nga eh. Hahaha."

Well, totoo naman talaga ang sabi niya. Kumpara sa nakaraang mga araw mas napaaga ako ngayon.

Lumapit agad sakin si Josh. Ambango!!! Bagay na bagay sa ityura na ang kanyang pabango. Manly kasi siya. Tamang tama ang hubog ng katawan, mahilig kasi magswimming. Malapad ang balikat, matangkad, at maputi. Literal na maputi. Although mahilig siya sa kpop, ayaw niya ng hairstyle ng mga korean. Simple lang kung manamit. Gwapo, seryosong gwapo to ah. I mean, gwapo siya. Gwapo sila. As in. Yun na yun. Sandali ang gulo.

Pero bagay siyang maging kpop artist. But he always says, he doesn't want to be one. Almost perfection na sana siya kaso waley masyado ang mga joke. Pero atleast dahil dyan hindi kami awkward even though na nag tapat siya sakin na may crush siya sakin. HAHAHAHA! In my dreams. Hoy. Joke lang, baka seryosohin niyo.

Please note, hindi po ako nanlalandi tulad nung elementary pa ako. Its just one of my rules.

Sabi kasi sa Coffe Rule #2: Think of all guys as potential handsome boyfriend.

Nagwhisper siya sakin.

"Hala, magmadali ka't tapusin mo agad yung flower cutting. Kelangan nating tapusin yung pag arrange ng mga bulaklak."

Bahagya akong napalayo sa kanya nang mabigla ako sa boses niya sa tenga ko.

"Oh. Ba't naman. Ang dami nun ah. Di ko ka agad yun matatapos." Ani ko.

"Eh. Beast mode si Madam. Nag-away ata sila ng bf niya. Tingnan mo. Nababanggaan dalawang kilay."

Sabay turo ng kanyang nguso kay Mam Rose na nakaupo sa tabi ng glass window habang nagkakape at nagsusulat ng plans.

"Pakarinig ko, nag-inuman daw sila dun sa may- aray!"

Bigla ko siyang kinurot.

"Oh, yan ka na naman. Tsismis. Oh siya, try ko tapusin agad. Tulungan mo ko ha!" Sumbat ko habang tinatali ko ang apron.

Bandang alas dyis na nang mag break muna kami. Nakarami-rami na rin kaming mga customer. Kadalasan window shopping costumers, mga babae na gusto lumandi kay Josh. Playing hard to get naman tong pabebe na to, kaya't panay ang iwas sa mga malagkit na mga tingin ng mga girls. Ewan ko ba, parang taken na siya kung makaiwas sa mga girls.

Biglang bumukas ang pinto't pumasok ang sunod na mga customers.

"Ahm. We're very sorry sir. Could you please wait for a minute. Were in a break muna pa kasi. You could wai-"

"Where's Roschelle?" Biglang sabi ng lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko na bf pala ito ni Mam Rose. He was wearing a very pricey suit, tyaka ang watch, ahhhhh! Ang ganda! Mamahalin. Ang yaman yaman kung tignan. Sumunod naman na pumasok ang mga kaibigan nito. Ang gagara ng mga suot. Hindi ko alam kung mga branded ba ang mga suot becuase I'm not very familiar with the fashion, but I have the guts that ang mamahal ng kanilang mga suot.

"Ah! W-wait, sir. I'll c-call her." My gad! Nag-iistutter ako.

Nagmadali akong pumasok sa personnels office. At pumalit muna sakin madali si Josh.

"Good morning sir. Upo muna kaya dun sa table habang tinatawag si Maam Rose." Ani ni Josh. He was so calm kahit so cold ang mga tingin ni Arvin, boyfriend ni Maam Rose. He is shaved bearded guy. Tapos ala David Archuleta ang hairstyle.

"This shop is nice." Sabi nung lalaki na nasa pinakagilid nila na may katabing maamong babae.

Apat na lalaki tapos dalawang babae ang kasama ni Arvin. Rich-looking and fashionistas ang ityura.

"You think so too?" Sabi nun isa ng may katabi rin babae. Napakunot-noo si Arvin

Mukhang educated sila. Hindi sila yung mayayaman na easy go lucky na kung may katabing babae, nakikipaglandian. They're more like businessmen.

Biglang lumabas si Maam Rose sa office at sumunod ako saka tumayo sa counter.

"Roschelle." Tumayo si Arvin pagkakitang-pagkakita niya palang kay Maam Rose and he smiled.

"How are you doing?"

"I'm okay." Pilit ang ngiti ni Maam.

"Mukhang nag-away nga sila." Bulong ko. Sabay kurot sakin ni Josh.

"Shhh. Nu ka ba? Ikaw na sakin nagsabi na iwasan ang mag barge in others business." Ani niya.

"Hehe. Sorry." Dinampot ko ang papel at lapis ko sabay lapit kina Maam.

"Ano po bang drinks gusto niyo?" Tanong ko.

It's not totally kasi a floral shop. May pagka coffee shop din kasi ito. Pero mas maganda lang kasi ang service pagdating sa mga bulaklak.

"Americano." Ani nung dalawang babae.

"I would like Americano too." Sabi nung isang lalaki na ay katabing babae.

"Same." Sabi rin nung isa with a girl.

"Espresso. And you darling?" Sabi ni Arvin.

"Magprepare ka na lang ng juice sakin." Maam Rose smiled at me. Dali-dali ko namang sinulat lahat ng order.

"Chris." Tikwil nung isa sa last na lalaki na nakaupo sa gilid ng sofa malapit sakin.

"Latte."

Napatigil ako bigla sa pagsulat at napatingin sa last na nag-order saka napangiti.

"Just a few minutes po then you're orders will be served." Sabay talikod ko sa kanilat nagprepare ng mga coffee.

Ipinatong ko yung papel sa may brewer machine saka nagsimula na akong magprepare ng mga ingredients. Tumulong naman sakin si Josh.

"Oy. Latte." Sambit niya sabay tingin sakin na nagtitimbang ng coffe beans.

"Oo nga eh." Ngiti kong sabi.

"Once in a blue moon lang may mag-order nito ah. Swerte ka ngayon." Tinapik ako ni Josh sa balikat habang nakangiti.

"That's all yours. Focus ka na dyan. Ako na lang sa Americano at iba pa." Dagdag niya.

Mas magaling kasi ako sa paggawa ng latte kumpara sa ibang mga coffee. Favorite ko kasi ito simula nung high school since si Cody ang unang ng introduce nito sakin. Favorite niya rin kasi raw to. Kinaadikan ko rin kung pano to gawin lalo na nung tinuruan niya kong magbrew. Tamang-tama nga ang shop na nakuha ko eh.

Floral and Coffee Shop. Angkop sa tinapusan ko't sa skill ko.

"Talaga? Thanks." Hindi ko talaga mapigilan ang mapangiti. Although isa lang ang nag-order but its enough para sakin. Almost never na kasing may mag-order ng latte. Ewan ko ba. Para daw kasing common na coffee na to. Pwede na ring makabili nung instant coffee.

So sa ngayon. Ibubuhos ko ang lahat kong efforts para magustuhan niya ang latte na gagawin ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin malimutan kong pano ako tinuruan ni Cody ng proportioning. Pati ang temperature ng pagbrew pati ang style nito. Meron daw kasi na latte na napapabitter, meron rin namang napapatamis masyado kahit konti lang ang nilalagay na cream.

After few minutes, inilagay ko na sa tray ang mga coffee kasabay ng pulp juice na prinepare ko. Medyo iba ang atmosphere sa table. Sobrang seryoso.

"Sorry for the wait. Here's your order." Ibinaba ko sa table isa-isa ang mga coffee and lastly yung latte. Aalis na sana ako.

"So, Roschelle, uulitin ko. Kelan mo ba ibebenta tong shop."

Bigla akong napatigil at napatingin sa kanila. Even Josh na naglilinis ng lababo napatingin din.

What? Ibebenta tong shop?

~