webnovel

Midnight Latte (Tagalog/English)

A coffee lover girl bound her life with her self made rules to weasel out from repeating same mistakes from the past-- falling in love so easily. But found her heart being caged by these rules, in such, brought herself in a turmoil.

Xapkiel · 现代言情
分數不夠
89 Chs

Exaggerated Coincidence

Earlier while making the coffee art.

"Ano kaya ang idedesign ko?" Bulong ko sa sarili.

Saka ko nag design ng smiley face. And one heart shape design. Eto nalang kay kuya. Sabay turo ko sa coffee with smiley. Tyaka akin yung isa.

Inisip ko kung anong design design ang ibibigay ko kay Cody. Saka ko naalala yung mga tulong niya sakin. Yung first aid. Yung kay Arvin. Yung kila Justin. Pati pagjamming samin ni kuya.

Heart shape! Naisip ko.

Saka ako nagdrawing ulit ng heart shape.

What? Heart shape? Bigla akong namula.

Narealize ko palang ngayon na kung maglalagay ako ng heart shape, baka isipin niya crush ko siya. Naalala ko ulit yung isyu samin nung high school. Namutla ako bigla.

Baka maging awkward na naman kami ulit.

Gosh! Ano gagawin ko. Nilagyan ko na ng design ang coffee and I was looking at Cody.

Ah! Bigla kong naisipang lagyan ng Thank You! para di niya mamisunderstand.

"Here's your order sir. Sorry for the wait." Sabi ko sabay abot ng mga coffee.

Hala! Oh my gosh! Kabado ako.

Baka not enough yung design. Baka isipin niya talaga, crush ko siya!

Watda! Kakaloka! Iswitch ko nalang ba coffee ni kuya tyaka ni Cody? I thought.

"Yes!" Sabi ni kuya na ang bilis hinablot ang coffee.

"W-wait!" Sabi ko.

Patay! Tapos na!

Bago ko pa man mapigilan si Kuya, ininom niya agad yung coffee in one go.

"Sarap! Tamang tama sa hang over." Bulalas ni kuya.

Hang over? Di ba isang san mig lang naman ininom natin? I thought.

Buysit eh no! I glared at kuya Henry.

"Hindi yun sayo! Kuya naman eh!" Saka ko pinalo si kuya.

"Ah talaga? Hahaha. Oh asan yun sakin. Akin na!" Sabi ni kuya.

"HOY! Bastardo! Akin na bayad mo! Bisita lang ang free!" Saka ko ulit pinalo si Kuya.

"Ang hindi sayo, wag mo agawin!" Bulalas ko.

Coffe Rule #4: Ang hindi sayo, wag mo agawin.

"Haha. That's okay. That's okay. Akin nalang to." Sabay hablot ni Cody ng coffee sakin.

"We-wait lang." Nashock ako bigla.

Aagawin ko sana yung coffee but he already saw it.

Natulala si Cody sa coffee.

It's a heart shape coffee art. With words Thank you.

My gosh! I need to explain!

"Ah-.. thanks pala. S-sa sa... sa.. lahat. Ehehe." I was so nervous.

Napatingin sakin si Cody saka nagsmile.

"Ahaha. Di mo na kelangan mag adlib. Hahaha. Kay kuya mo naman talaga to eh. Hahaha." Sabi niya sakin.

Ay! Oo nga pala. Ang bobo ko! Ba't naman ako magtha-thank you sa kanya on behalf ng coffee kung ang sabi ko kay kuya yun na coffee!

Namula agad ako. Baka isipin niya tuloy ginawa ko talaga yan para sa kanya tapos nahihya ako ibigay sa kanya!

Watda! Mas lalong ugh!!!

"Ehehehe. Oo nga." Tumalikod ako bigla saka pumunta sa counter.

AWKWARD!!!

Kung nababasa lang sa hangin ang atmosphere, 100% yan ang mababasa ko! Hindi ko alam but nauutal ako makipag-usap sa kanya.

May after-effects pa ata yung isyu nung high school.

"Mmm!"

On the midst of my thinking, bigla kong narinig si Cody.

"This is nice! Mukha mas magaling ka na sakin sa pagbebrew ah. Not totally speaking yung gawa mo sa shop, mas masarap to!"

Napasmile ako sa sinabi niya.

"Ene ne kese! Ahahaha." Pabebe mode muna tayo.

"Oh, ano kuya? Di ba masarap ang kape na gawa ko!" Pagmamalaki ko kay kuya in chin-up.

"Hala. Ba't? Sinabi ko ba na hindi masarap kape mo?" Sumbat niya sakin.

"Eh, sabi mo nun sakin mag-aral nalang ako sa pagiging accountant eh. Wala akong katalent talent sa pagbubrew dagdag mo pa." Kinunot ko ang lips ko sabay finurrow ko eyebrows ko.

"Ahahaha." Tumawa nalang si Cody sa sinabi ko.

"Pasensya ka na Henry if I made your sister a brewer. Ahaha."

"Hala. Ba't ka nagsosorry. Hindi naman ako galit." Sabi ni Kuya.

"Pero...lam mo na... she could actually find a better job than in a coffee shop."

"Nu ka ba? Hindi naman yun totally coffee shop. Bilihan kaya yun ng mga bulaklak." Paliwanag ko saka ko nagsmile.

He just gave a smile saka uminom ng kape. Si kuya naman binilisan ang pag inom. Tinatamaan pa siya sa ininom niya na alak.

Galing mo kuya ah. Max level ang pagka sensitive mo sa alak ah! Sabay tulak ko kay kuya na parang nahihilo.

Pero imbis na sagutin ako ni kuya, tumayo siya.

"Tara! Tulog na! Maaga pa bukas!"

Indeed, maaga pa bukas. Eh kaso magmamadaling araw na.

"Oo nga. Cody. Dito kana matulog." Tinapik ko si Cody na namumula na ang mata sa antok.

"Kuya sa sahig ka na matulog." Sabi ko kay kuya na ikinabigla nilang dalawa.

"Ay, naku! Wag na! Sa sala na lang ako." Biglang tanggi ni Cody na tila nawala ang antok. Tiningnan siya ni kuya saka kumunot ang noo.

"Ano ka ba! Feel at home. Dun ka na sa kama ko mahiga. Meron naman kami ditong futon. Okay na yun sakin. Kesa umuwi ka pa. Madaling araw na. Delikado na sa daan."

Sabi ni kuya na pinipikit ng mariin ang mata dahil din sa antok.

"Pero-"

"Ay! Cody. Dun ka na matulog. Sige sige na. Aayusin ko lang ang kama. Ligpitin niyo na muna yan." Sabi ko sa dalawa bago pa man makatanggi si Cody.

Dali-dali ako bumaba saka inayos ang kama ni kuya.

THE HECK!

Nanlupaypay ako ng makita ko ang kwarto ni kuya.

Ang kalat!

On the second thought, parang mas maganda pang matulog si Cody sa sala kesa sa room ni kuya. Merong mga nakasampay na mga damit kung san san, merong mga wrapper ng mga tsitsirya, saka mga crampled paper, tapos mga disorganized na mga plano. May medyas pa na nakakalat sa baba ng kama saka ung sapatos may putik pa, di man lang nilinisan. And his room stinks with his perfume. Mabango sana kaso nakakasuffocate. Ilang minuto kong nakatitig habang nakanganga sa room ni kuya.

"Ah. Medyo makalat pala ang room ko. Pasensya." Sabi ni kuya na kabababa palang kasama si Cody.

"Medyo." Sabi ko while I stared at him with indifferent eyes.

Kung medyo makalat palang to, ano pa kaya yung talagang makalat para sayo. Sabay turo ng kalat.

Biglang napakamot ng ulo si kuya.

"Ahahaha. Sandali lang linisin ko muna."

"Ah! Wag na wag na. Cody, dun ka nalang sa kwarto ko." Sabay turo ko sa kwarto na nasa taas ng room ni kuya.

Nagulat ang dalawa sa sinabi ko saka sila nagkatinginan.

I know magkaiba sila ng naisip. Si Cody, he looked apologetic while si kuya naman nakasmile.

"Naku! Wag na! Sa sala nalang tala-"

"Ano ka ba Cody! Minsan lang nagpapatulog si Bea sa kwarto niya. Malinis dun! Tara!" Walang alinlangan sabi ni kuya.

I gave kuya an indifferent look. Mukhang nakatyempo ang kupal ah! Kanina lang sabi mo ang dumi dumi ng kwarto ko! Buti nalang nakalinis ako.

"San ka matutulog?" Biglang tanong ni Cody. Tiningnan ko siya and I smiled.

"Tabi nalang kami ni kuya. Malaki naman ang space na kwarto ko, saka may isa pang futon kaming extra."

"Naku! Wag na talaga! Ako nalang sa isang futon."

"Wag na! Ako na." Sabi ko.

"Ako nalang. Promise. Baka daganan ka pa ni manoy." Sabi ni Cody.

Well, it's true. Mahilig kasi si kuyang mangyakap habang tulog, masaklap pa kung ang paa niya ang ipapatong sa dibdib mo. Magigising ka nalang na parang binabangungot ka.

"La! Kala mo manyakis ako! Ahaha." Sabi ni kuya sabay tawa.

"Ewan ko. Di ko alam nasa panaginip mo eh." Tumawa si Cody saka tumingin sakin.

"Ako nalang talaga sa baba." Saka nagsmile hanggang lumbas ang dimple niya.

"Alam mo, kelangan mo ba talagang ilabas yang dimple na yan!" Nairita kong sabi saka itinuro ang dimple niya sa left cheek.

Isa lang kasi dimple niya but nakadagdag pa to sa appeal niya. Hahaha. Ginagamit niya for asking favor to anyone. Hahaha. Just kidding.

"Sige na nga. Ako na sa kama." Dugtong ko.

Mas lumaki ang smile ni Cody saka mas lumalim ang dimple niya.

"Oh siya tara! Ay! Teka!" Biglang pigil sa kanila habang papaakyat sa hagdan.

"Absolutely, walang gagalaw ng mga collections ko!" Sabi sa kanilang dalawa.

Tumango na lang sila since at max height na ang pag ka antok nila.

"Woah!" Napabulalas si Cody ng makita ang room ko. "Hindi ka pa rin nagbabago ah!"

"Ahaha. Ganun talaga pagnakasanayan na, mahirap ng alisin." Sabi ko habang naeembarass.

"Oy! Chanyeol!" Sabi ni Cody ng maaninag ang poster ni Chanyeol na nakadikit sa dingding.

Actually, ang daming mga poster na nakadikit. But si Chanyeol lagi ang natatandaan ni Cody. Maganda daw kasi ang boses niya. Ginagaya niya nga minsan.

"Ang dami ah!"

"Cody, tingan mo." Sabi ni kuya saka turo sa shelf.

"Wow! "

It was actually the shelf of my collections. Chibi figurines ng kpop idols and halyuu stars. But not the BTS figurines. Mas malalaki ang figurines nila. And buti nalang hindi napansin nila Cody na pinagdikit ko na sina Taehyung and Jungkook.

"Albor!" Sabi bigla ni Cody with paawa expression. Nanlalaway siya sa mga collections ko. Ahaha.

Andun pa kasi si Tzuyu ng TWICE. She's so cute though. Kaya no wonder gustung-gusto siya ni Cody.

"Albor ka dyan. Yoko nga!" Nagsmile ako sa kanya sabay taray ng kilay.

Albor kasi yung term samin kapag hihingin niya ang nagustuhan niyang gamit mo. Para bang gamit mu na but like niya kaya hihingin niya parin.

"Sige na please! Oh sige babayaran ko. Magkano?" Alok niya sakin.

"Nyenye. Ayoko pa rin. Ang hirap hirap kaya mabili yan noh! Ahaha. Pumila saka nakipagsisikan pa ako sa fan meeting nila para lang makuha yan. Choltae andwae!" Sabay cross ng arms ko.

"Please." Nagmakulit pa si Cody.

Ahahaha. He's so persistent. Alam ko sa tuwing makikita ko siya, yan ang lagi niyang sasabihin sakin.

"Mmm. Pag-iisipan ko." Sabi ko. Tutal ang dami niyang tulong agad sakin. Syempre tao pa rin ako, nakokonsensya rin, tyaka may utang na loob.

"Talaga?"

"Oo. But I take no assurance na ibibigay ko to sayo. Wag kang umasa ah." Sabi ko.

Hindi agad kaimik si Cody. I don't know kung may mali akong nasabi.

"Okay. At least may hihintayin ako." Sabi niya.

Ibinaling ko agad ang tingin ko sa kama para mawala ang focus nila sa mga figurines baka mas dumagdag pa ang hingin niya sakin. Ahaha. Hindi naman sa pagiging kuripot. Sentimental lang kasi ang mga yun.

"Sure ba kayo, na kayo sa baba?" Tanong ko.

Ulit na naman ba tayo sa topic na yan. Nairitang sabi ni kuya. Ahaha. Halatang nagchange topic ako.

"Andun pala sa cabinet yung futon. Kayo na mag-asikaso." Sabi ko habang bumagsak na ang katawan ko sa kama. Kaantok. Bumigat bigla ang mga eyelids ko.

"Bea. Bea."

"Bea. Hoy!"

Bigla akong nagulantang sa boses sa harapan ko. Napatingin ako bigla sa unahan saka ko nakita ang pamilyar na mukha.

Malakas ang sinag ng araw. Ilang minuto na pala akong nakatulala sa puno ng mangga sa labas katapat ng bintana. Nakaupo kasi ako sa corner last row ng klase katabi ng window.

"Bakit?" Sabi ko habang inaaninag ko pa ang mukha niya. Nasisilaw kasi ako sa liwanag.

"May assignment ka ba?" Sabi niya.

"Bakit? Magchecheck ba si Maam?" Sagot ko.

"Oo raw. Kakasabi niya palang. Di ka ba nakikinig?" Sabi niya saka nagsmile.

I don't know but my heart skip several beats nang magsmile siya. It's almost as if I longed for that smile for a long time. Hindi ko maintindihan but parang naiiyak ako.

Natulala ako ulit, hindi na sa puno but sa kanya na. Kinurap kurap ko mata ko para makita ko kung sino siya.

"Bianca. Bianca." Napansin kong winave niya kamay niya sa face ko.

"Sino ka-"

"Bianca. HOY!"

Bigla ko nalang nakita sa harapan ko si kuya.

"Ayos ka lang?" Tanong niya. Naamoy ko pa ang mabaho niyang hininga.

Inikot ko mga mata ko saka ko nakita ang futon na nasa baba ng kama saka ang window na nakabukas. Malakas na yun sikat ng araw.

"Ayos ka lang?" Inulit ni kuya ang tanong niya habang bumalik siya sa futon saka nagligpit.

Panaginip lang ba yun? Ano nga yung napanaginipan ko?

Nawala bigla sa isip ko kung ano yun.

"Bakit ano ba nangyari?" Tanong ko kay kuya sabay upo at nagbinat ng katawan. Tumingin sakin si kuya.

"Hawakan mo mukha mo."

Nagtaka ako sa sinabi ni kuya. Imbis na magtanog ulit, hinawakan ko nalang mukha ko. And-

Bat ... umiyak ba ko?

"Madrama ba panaginip mo? Pwede ka nang maging artista... pagtulog." Sabay tawa ni kuya.

Ba't ako umiyak? Ba't wala akong matandaan sa panaginip ko.

Katatapos palang ni kuya magligpit nang niyaya niya akong bumaba na.

"Mag-almusal na tayo. Baka tapos na si Cody magluto."

Nagulat ako sa sinabi niya.

Si Cody?

Dun lang ako nagising ng tuluyan.

"Langya ka kuya! Bisita pinagluto mo! Hoy!" Nagmadali akong bumaba.

"Tayo 'tong nakatira rito, tayo pa tong bababa nalang saka kakain." Nakuha ko ata ang ugali ni Mama. Ang galing magsermon.

"Kuya. Imbis na pinagluto mo siya, sana na-"

Napatigil ako ng maamoy ko ang niluluto ni Cody.

Ambango! Nawala bigla ang sasabihin ko saka dineretso ang kusina.

"Ano niluluto mo?" Tanong ko ng makita ko si Cody na may hinahalo sa kawali. Nakaapron siya na pink. Ako kasi ang gumagamit nun.

"Omelet."

Napanganga ako sa sinabi niya.

"Omelet? Ba't ang bango?"

"Bakit mabaho ba ang omelet?" Tanong ni Cody bigla sabay tawa ni kuya.

Nanlisik agad mga mata ko kay kuya.

"Ba't nga?" Pati ako natatawa na rin sa tanong ko. Ambobo noh.

"Secret. Hahaha." Sabi niya sabay tawa.

Baka magresign ka sa flower shop saka magtrabaho ka na sa restaurant kung turuan pa kita magluto." Sabi niya. Kakainsulto ah.

"Hoy! Marunong ako magluto! Wag kang ano. Baka mas masarap pa luto ko sayo." Pero aaminin ko ang bango talaga ng niluluto niya.

Nagpaepek pa ang usok sa niluluto niya kaya mas nag-aapeal ang looks niya. He was wearing his long sleeves saka nakakaluskos yung sleeves abot sa may siko niya.

Nakahawak yung right hand niya sa kawali habang yung isa naman sa flat na panghalo. Hindi ko alam kung ano tawag. Ang cool niya. I hope lahat ng lalaki ganyan. Mabait. Kwela pagminsan. Understanding. Marunong makisama. Matalino. Saka marunong magluto. Hindi ko naman sinasabi na perfect na si Cody. But he is just above the level of ordinary guys in this world. Pinagpala talaga siya and idagdag pa ang very nice na personality niya. O sadya lang talaga hindi ko pa nakikita ang dark side niya.

"Kain na." Dahan dahan niyang inalagay ang omelet sa plato. Saka kinuha ang mayonaisse and he poured it next to the omelet. Saka binudburan ito ng pinino niyang anchovies saka niglayan ng mint leaves.

San niya to kinuha?

~

Nanlalaway pa rin ako sa kinain ko na omelet. Ang sarap kasi. Natutulala ako sa counter habang inaalala ko pa ang naghalong spiciness saka creaminess nun. Matapos kami mag-agahan nagmadali namang umuwi si Cody. Nagkahiyaan pa nga kami kung sino ang pupunta sa bahay ni Jay para kunin yung kotse. In the end, ako pa rin ang pumunta.

"How's the reunion?" Biglang sabi ni Josh habang dinidilig niya yung mga bulaklak next to the counter.

"Mmm." Sabi ko habang sinisink in ko pa tanong niya.

"Ayos lang. Umuwi lang kami agad ni Cody. Sumama kasi pakiramdam ko." Sabi ko.

Actually, scripted na ang sagot ko. Kanina ko pa iniisip kung ano isasagot ko kung magtatanong sina Josh sakin tungkol sa reunion.

"Talaga? Ayos ka na ba?" Bigla siyang nagworry.

"Oo. Ayos na ko. Hahaha. Kunting pahinga lang." Sabi ko.

"What if mag day off ka muna? Baka stress lang yan." Sabi ni Maam habang nakaupo sa may pinto ng opisina niya. Meron na ring mga customers but they just ordered coffees kaya hindi naman kami masyado busy.

"Hindi po. Relax na relax nga po ako eh." Tanggi ko habang nakangiti.

I actually good at pretending okay unless na may magtrigger nito baka mag mental breakdown ako. Mas nagiging madrama ako kung may nagtatanggol sakin.

"Alam ko na. What if magsara muna tayo ngayon." Sabi bigla ni Maam Rose saka nagclasp siya ng kamay.

Bigla kaming nagkatinginan ni Josh.

"But ... Ayos lang po ba yan Maam?" Sabi ni Josh.

"Nu ba kayo. Syempre ayos. Wala naman mawawala satin. Benta lang naman." Sabi ni Maam sabay smile.

"Oh sya. Pakaalis ng mga customer na yan, wag na kayong magpapapasok." Ligpit agad tayo saka jam tayo.

"San po tayo pupunta?" Sabi ko habang inaalis ko na ang black apron.

"Basta. Window shopping tayo." Sabay tawa ni Maam.

Maya-maya pa'y naghintay na kami ng bus saka bumaba sa may west gate ng BGC. Sumakay kami ng jeep. Dun ko lang napansin kung saan kami papunta.

"MOA." Sabi ni Josh.

Nagsmile bigla si Maam.

"Oo. Magpiplay kasi ang pamangkin ko dun."

"Banda?" Tanong ko.

"Hindi rock band ah. Yung may mga trumpet banda nila. Mang-aaliw lang sa mga tao. But I want to see it too." Nagsmile ulit si Maam.

"And pagkatapos libot-libot tayo. Hanap na rin tayo kung meron tayong mabili." Dagdag niya.

Tumango ako saka ibinaling ang tingin sa daan. Hindi na man sa pagiging dedma sadyang naiirita lang kasi ako sa usok ng sasakyan. Nakakasulasok.

Tyaka an dami pang nagkalat na mga basura everywhere. Tapos ang init init pa ng panahon. Ang hirap pa spellingin ang mga mukhang adik na nakasakay sa jeep, panay tingin kay Maam. Nakakabuysit. Kulang nalang ako ang dumukit ng mga mata nila. Kakabastos eh noh.

Even though hindi ako ang tinitingnan, but nakakainis pa rin. Pwede naman kasi isang sulyap lang. Ba't kelangan ulit ulitin, tyaka almost eight seconds pa kung makatitig. Kainis. Hinahigh blood na naman ako.

Habang nag aalburuto pa ang utak ko, biglang tumigil ang jeep. Nasa tapat na pala kami ng MOA. Niyayana ako ng dalawa sa pagbaba.

"Ba't parang wala ka sa mood?" Tanong sakin ni Maam habang naglalakad kami.

"Ayaw mo bang sumama." Dagdag niya.

Bigla akong napalingon kay Maam.

"Naku! Hindi po Maam. May iniisip lang po. Hehe." Saka ako nagbigay ng smile.

"Wag ka munang mamroblema kung ano man ang problema mo. Enjoy muna tayo." Aniya.

"Yes, Maam. Eh kaso tatlong araw na akong nag-eenjoy after work. "

Una nung nagconcert, pangalawa yung jam namin nina kuya at ngayon naman dito sa MOA.

Sa wakas kapasok na rin kami sa mall. Fresh, malinis naman, tyaka mga decent ang mga tao. Pumunta muna kami sa pathway kung saan magpeperform ang pamangkin ni Maam. Kakapagod lang maglakad. Ang laki kasi ng mall. Maya maya pa'y narinig namin na may nagpiplay na palapit.

Bigla naman kumuha si Maam ng cellphone saka nagvideo. Isang saglit pa'y halos lahat na ng taoy may hawak ng cp.

Naks! Ambilis!

Dun ko nakita ang banda na naka gala uniform na kulay blue plus black.

Nagsipalakpakan ang mga tao nang magsimula na ang banda.

"Woah. Ang galing ah!" Unconsciously napa woah nalang ako bigla.

Ang galing kasi. Sumasayaw pa sila habang nagpiplay. Pati ako nakipalakpak narin sinasabayan ang beat.

Alam ko ang tono ng tinutugtog nila but I don't know the lyrics kaya nakikisabay nalang ako sa paghum.

Nana.. I think of you... nana... I .. nananana.. you, baby. Ahahaha. Kakatawa kapag di mo alam ang lyrics ah. (Actually the runningman song siya, tinanong ko sila Ma'am later)

"Wooh!!!!" Nagsigawan kami ng matapos ang unang song nila.

Bago pa man magsimula ang sunod na song, nagring ang phone ko.

"Hello-" Bago ko pa man mailapat sa may tenga ko ang phone ko, biglang nag end call.

"Huh?"

Tiningnan madali kung sino ang tumawag. It was a number.

Napailing ako bigla. Sino kaya to?

Babalik nalang sana ako sa may banda at bigla ulit nagring. Dagli kong sinagot.

"Hello, sino- "

End call again. Well at least sa ngayon nagkasabi na ako ng sino.

Kakairita! Bigla kong kinunot ang mukha ko sabay shove ng cp ko sa mini bag na dala ko. Bumalik na ako sa may banda, and it stopped calling.

Wooohhhh!!

Mas lalo akong nabuysit nang pagdating ko sa harapan ng banda, papaalis na sila at tanging hiyawan nalang ng tao ang narinig ko.

Buysit!

"Oh, san ka pumunta?" Tanong sakin ni Josh na ngiting ngiti pa.

"Wala. May tumawag eh." Sabi in an extremely bad mood.

"Ahaha. Lol. Ba't mas nabad mood ka ata."

"Ang hirap kasi dito sa pinas, ang daming nangtitrip! Kabuysit!" Sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ako iritable ngayon, baka sadyang kulang lang ako sa tulog.

"Ahahaha. Hala. Calm down. Baka sumabog na yang mata mo sa galit."

Tumawa ng malakas si Josh nang sabihin niya yun.

Hindi ko alam kong magagalit ako lalo o matatawa sa sinabi niya.

"Ehhh!" Wala akong nagawa kundi paluin siya nang paluin sa balikat habang tumatawa siya.

"Hoy, tama na yan. Hali na kayo." Yaya ni Maam na nakasmile pa habang katingin siya sa cp niya.

"Okay po." Umalis na kami sa may pathway tyaka pumasok kami sa section ng mga damit nang biglang nagvibrate ang phone ko. It was a text from Cody.

"Uy. Andito pala kayo sa MOA? Nakita ko kaya nila Josh sa may plaza sa harap ng banda. Meet ko kayo maya pakatapos ng business ko rito." Text niya sakin.

Naalala ko bigla yung nagcacall saka ko naisip na baka si Cody kaya't chineck ko agad number niya. Magkaiba ang number nila.

Napabuntong hininga ako. Hinangad talaga na si Cody ang tumawag para magkarun ako ng dahilan para di mabadmood. But hindi eh.

Kasimangot ako habang nagkasunod kila Maam at Josh na aliw na aliw sa pagpili ng mga damit.

"Bea! Halika rito. Bagay to sayo." Sabi sakin ni Josh.

I suddenly smiled when I heard him say that. Pagdating kasi sa mga damit, si Josh lagi ang may taste. Ang gaganda ng mga damit niya.

"Alin?" Smile na smile ako nang tiningnan ko ang damit na hawak niya.

It was indeed really beautiful. But...

Parang hindi yan bagay sakin. Wala talaga akong taste sa mga damit. Kahit idescribe ang kanilang design hindi ko magawa.

It was a jacket. Tapos closed neck. Para siyang knitted jacket na hindi. Kulay pula saka merong part na may black. Hahaha. Ang hirap. Wag na nga lang.

"Ano ka ba. Bagay to sayo." Sabi ni Maam.

Imbis na tanggihan pa sila, kinuha ko nalang ang damit saka tiningnan sa may salamin.

In fairness, maganda nga siya, yung damit lang. Hindi nadala ng damit ang mukha ko.

Tiningnan ko bigla ang price.

"Ahahaha." Biglang tumawa si Josh.

Hindi ko pa nahahanap ang tag price alam ko na na mahal ang damit.

"Mahal to noh? Wag na." Tanggi ko bigla.

"Ahaha." Tumawa na rin si Maam.

Ang dami naming dinaanan na mga brands and marami kaming natripan na mga damit. Trip lang, walang bili bili. Ang mamahal kasi. Di pa afford sa ngayon.

"Uy! Fries!" Bulalas namin ni Josh ng makalabas sa Clothes Store. Nag unahan kami na makabili ng fries.

"Fries po. Cheese flavor." Biglang sabi ni Maam.

Bago pa man kami nakabili, naunahan na kami ni Maam Rose. Bigla namin nilingon ang likod namin kung saan nakatayo si Maam. Nagkatinginan kami ni Josh.

Da heck! The flash si Maam!

"Sorry. Una ako ngayon. Ahahaha!" Tumawa si Maam na kala mo nanalo sa lotto.

Natawa na rin ako sa reaksiyon ni Maam pati nga yung tindero natawa na rin.

"Dun tayo sa sea side." Yaya ni Maam.

Nakasmile naman kaming tumango.

As usual barbecue flavor binili ko, ubos na raw kasi yung sour cream.

Dinaanan namin yung mala evergarden na mga vines saka yung mini-ferrys wheel para sa mga bata. Pakalabas namin nasulyapan ko yung higantang ferrys wheel saka yung bunjee jumper.

Parang circus ang likod ng MOA. Ang daming pwedeng paglipasan ng time. Merong park. Merong ring mga rentahan nang bubbles tyaka bikes. Tyaka marami pa. Umupo kami sa sea wall sa may sea side nang magtext si Cody.

[Cody:] Tapos na appointment ko, asan kayo? Di ka man lang nagreply. 😢

Ay! Bobo!

Biglang kong tinapik noo. Nakalimutan ko pala siyang replyan kanina. Nu ba yan. Ulyanin na. Napasmile ako habang nagtatype ng reply.

"Bakit?" Tanong ni Josh nang mahalata niya ako.

[Me:] Sensya. 🙇🙇 Haha. Preoccupied kanina eh. Andito kami sa sea side tapat ng anong tawag neto. Yung parang rocket tower.

[Cody:] Ah. Okay. OTW. 😊😊

Buti nalang nagets niya.

Magrereply na sana ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Bea."

Napalingon kami nila Maam.

It was Alicia. I was really shocked nang makita ko siya.

Dati nung high school kami pagnagkikita kami bigla kaming tatakbo sabay mag ha hi sa bawat isa kahit ang lapit lapit ng mga wave namin sa mukha namin. But now, it was really awkward. I don't know what and how to react.

Hindi ako nagkapagsalita kaya inunahan na ako ni Josh na nakatingin sakin.

"Ano po ba kelangan nila?" Josh said in a very sincere way.

"I wanna ask if Bea has a minute to talk with me?" Sabi ni Alicia.

Bigla akong tiningnan ni Josh, tumingin din ako sa kanya. I don't want to say yes but ayaw ko naman malaman nila Josh kung ano ang problem ko with her.

"Ali-alicia. A-ano kasi. Eh. May.. Ano.." Halatang nanerbyos ako sa pagsasalita.

And I think nahalata ito nila Maam. Nakatitig sakin si Josh.

"Youre Alicia, right?" Bigla akong napatingin kay Josh nang magsalita siya.

"Actually, Bea's not feeling right now. At kung problema man ang itotopic mo sa kanya. We would like to ask na pwede bang ipagpaliban mo muna."

Sabi Josh while gesturing his hands to Maam Rose.

"Yes. Kaya kami nandito and nag day-off muna because we want her to give her some fresh air muna. Kaya sana wag muna ngayon." Dagdag ni Maam.

Tears circled on the corner of my eyes.

Wag kang iiyak. Wag kang iiyak. I thought.

Kakasabi ko palang na iyakin ako kapag may nagtatanggol sakin eh. Nu ba tong coincidence na to. Nananadya. Biglang humapdi ang mata ko. Baka dahil kulang ako sa tulog.

"Ganun ba. Kahit sandali lang. I don't want to see her suffering na kasi. Baka makatulong ako." Sabi ni Alicia.

"Still not fine. Para kasing ayaw niyang makipag-usap sayo."

Napatingin ako bigla kay Josh. Sinasabi ko na nga ba. Kaya ayoko kong si Josh ang spokeperson. Ang harsh magsalita.

Hindi kinaya ni Alicia na kausapin si Josh kaya ibinaling niya nalang tingin niya sakin.

"Bea. You do know my intentions di ba? I just want to help." Bigla siyang lumapit sakin.

Nabigla ako sa pangyayari kaya bigla akong napaatras. This made Alicia shocked.

Napanganga siya na I act like I'm scared with her. Sa totoo, oo. Natatakot na ako. I don't want to be involved anymore.

"Bea. Ganyan ka na ba ngayon? Sabi niya sakin. You've changed Bea. And I'm really disappointed with you." Dagdag niya.

"Ahem!" Biglang nagclear ng throat si Maam Rose.

"You just want to help?" Sabi ni Maam. Iniba na ni Maam ang tono kumpara kanina.

"I think, we made ourselves clear na ayaw muna ni Bea ng problems ngayon."

Napatawa bigla si Alicia.

"You've really changed Bea. Ang sosyal sosyal muna ah. Pati pagsasalita binibigay muna sa mga kasama mo."

"You- "

"Wag Josh! Please. Wag niyo na siyang patulan. Ayaw ko ng gulo."

Actually, hindi sa ayaw ko ng gulo. Ayaw ko lang ng tsismis. Baka dito pa magsimula ang bagong gossips.

"Wow. So ako ngayon ang masama dito." Sabi ni Alicia.

"Eh, ikaw naman talaga ang may kasalanan eh! "

Napatingin kami lahat sa direksyon ng boses. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi dahil sa nakita kami ni Cody at sa sinabi niya, but dahil sa nakasunod sa kanya.

"S-steve?" Sabi ko as my head went blank.

+++