Hindi mapakali sa Renza kaparoroo't parito. Inaabangan niya kasi ang pagdating ng kaniyang kababatang si Reynold. Matagal-tagal na rin talaga silang hindi nagkita. Sabik na sabik talaga siyang makita kung ano na ang hitsura nito. Panay silip siya sa bintana tuwing may sasakyang dumarating. Mga ilang sandali pa ay may narinig siyang bosena ng sasakyan ng Tito Randy niya. Siguradong kasama na nito ang kababata niya dahil tumawag itong magpapasundo dahil tumirik umano bigla ang kotse nito.
Halos iluwa ng dibdib ni Renza ang puso niyang kanina pa nagwawala sa sobrang kaba. Kung bakit? Hindi niya rin alam. Basta ang alam niya, excited siyang makita ito. Nag-insayo pa nga siya ng mga sasabihin para sa kababata niya. Tumikhim muna siya para makakuha ng makabuwelo.
"Hi! Long time no see," wika niya habang umaakto pa. Napangiwi siya nang mapagtantong 'di maganda ang kinalabasan.
"Aish! Ang pangit naman!" saway niya sa sarili. Tamang-tama naman may pumihit ng busol ng pinto. Iniluwa nito ang isang balingkinitang pangangatawan, maputi, medyo chinito, sopistikado pumorma at mala - Enchong Dee ang feature ng mukha. Napaawang nang bahagya ang mga labi ni Renza nang 'di sinasadya dahil sa nilalang na papalapit sa kaniya at waring naka-slow motion pa. Hindi niya inaasahang ganito pala talaga ka-guwapo ang kaniyang kababata. Palapit nang palapit ito sa kinaroroonan ni Renza pero blangko ang rehistro ng mukha nito at mukhang hindi yata nakikilala si Renza. Samantalang noon, lagi siyang kinukulit nito. Nakaramdam naman ng kirot ang puso ni Renza sa simpleng katotohanang iyon.
"Oh! Looks like may bago kayong," huminto muna ito sa pagsasalita at tiningnan ang mga hawak ni Renza.
"Photographer, Tito," patuloy nito at bumaling kay Randy na nakasunod sa likuran.
"Seriously, hindi mo ba siya nakikilala?" manghang wika ni Randy kay Reynold. Hindi naman makapagsalita si Renza sa mga sandaling 'yon.
"She really looks familiar. Wait a sec," wika nito at masusing pinag-aralan ang buong kaanyuan ni Renza. Mga ilang sandali pa, waring nanariwa ang mga ala-ala nito.
"Oh my! Stupid me!" manghang wika ni Reynold na unt-unti lumalapit kay Renza hangang sa dalawang dangkal nalang ang pagitan nila.
"H-Hi, Facundo," sa wakas, nahagilap na rin Renza ang kaniyang sasabihin kahit pa nauutal ito.
"Bakit Facundo pa ang sinabi ko? Ang bobo ko talaga!" saway ni Renza sa sarili habang pinipilit niyang ngumiti dito.
Pinagmamasdan pa rin siya nito nang maigi mula ulo hangang paa. Hindi tuloy mapigilang maasiwa si Renza sa tinuran ng kababata. At nakakagulat ang sumunod na ginawa nito! Niyakap siya nito nang buong suyo na para bang iyong tipong makikita sa pelikula, ang pagtatagpo ng dalawang bidang ng nag-iibigan.
Parang tuod si Renza at 'di niya malayang nagpapaubaya na rin siya sa ginawa nito. Sa ginawa ni Reynold, lalong nagwawawala ang puso ni Renza. Marahil naramdaman din ito ni Reynold at lalong napahigpit ito nang yakap. Matagal. Kaya naman, ang kaba ay unti-unting napalitan ng pagkasabik. Hindi na rin nakatiis si Renza at tinugon niya ang yakap nito. Wala silang pakialam kung may iba bang tao sa paligid nila. Kinalimutan nila na nandiyan pala ang Tito Randy nila.
"Eherm!" tumikhim si Randy para awatin sila ngunit parang walang narinig ang dalawa.
"Hello, guys! Awat na. May rush pa tayo, remember?" lumapit talaga si Randy at nagpalagitik ng mga daliri malapit sa tainga ng dalawa, dahilan para manauli sila sa kani-kanilang mga diwa.
"Oh, uh...I'm sorry, tito. 'Di lang ako makapaniwala na nagkita kami uli. At saka, ibang-ibang na talaga siya," nakangiting saad ni Reynold habang dahan-dahan bumibitaw sa pagkakayap kay Renza.
"Ikaw din. Ibang-iba ka na rin," pilit na kinalma ni Renza ang sarili. Pero nagngitian uli ang dalawa kaya sumingit agad ang tito nila.
"Okay, enough. Ako na lang ang magsalita para matapos na tayo, okay?" humarap ito kay Renza at nagsalita.
"Itong si Renza mukhang 'di lalaki ang type eh. Baka natatakot lumapit ang mga manliligaw nito at hangang ngayon wala pa ring boyfriend," wika nito sa pabirong tono.
"Si tito talaga oh..." hindi na pinatapos sa pagsasalita ni Randy.
"Shhh! Ako muna," kapagdaka'y bumaling si Randy kay Reynold.
"At ito ring si Reynold, medyo mahinhin. Huwag naman sana itong matuluyang maging bading. So, okay na tayo? Puwede na tayong magtrabo?" patuloy nito.
Natawa na lang si Reynold sa tinuran ng Tito Randy nila.
''Opo,'' tugon ni Reynold.
"Good! Tara na. Saka na lang kayo mag-usap nang matagal pagkatapos ng deadline."
Tango lang ang naging tugon ni Renza. Bigla kasing nag-iba ang mood niya nang mapansing 'di man lang pumalag ang kababata niya noong sinabihang parang 'bading'. Nakaramdam siya bigla ng panghihinayang bagama't hindi malinaw sa kaniya ang dahilan.
Naging abala sila buong araw. Palipat-lipat sila ng lugar sa kanilang pre-nuptial photo shoot. Paminsan-minsan natutula si Renza dahil nadadala siya eksena ng dalawang magkatipan. Palibhasa kasi unang beses niya itong ginawa sa buong buhay niya. Napapangiti siya sa sweetness ng subject niya. Bigla tuloy sumagi sa isip niya kung ano kaya ang pakiramdam ng nagmamahal at minamahal. Gayunpaman, napagtanto niyang dapat niyang tuparin ang ipinangako niya sa kaniyang balong ina. Kaya iwinaksi niya agad ang mga katanungang naglalaro sa isipan niya at nagpukos na lang sa trabaho.
Takip-silim na nang matapos silang magphoto shoot. Abalang-abala din si Reynold sa paglilipit ng mga damit na ginamit sa photo shoot. Designs niya mismo ang mga ito kaya ingat na ingat siya dito yamang ito din ang gagamitin sa kasal.
Hindi naman sinadyang magawi ang tingin ni Renza sa kababatang ingat na ingat sa pagliligpit ng damit. Bigla siyang napailing nang 'di namamalayan sa kaniyang nakikita.
"Hay, mukha nga talagang beki siya. Sayang," halos pabulong na wika niya. Hindi niya napansing nasa likod niya pala ang Tito Randy niya at nagmamasid din sa kaniya.
"Sayang, ano?" wika nito.
"Oo nga eh," wala sa loob na sagot ni Renza.
"Gotcha!" Natawa pa ito nang mahuli si Renza sa ganoong akto.
Nagulat si Renza sa sinabing iyon ng nasa likuran niya. Agad-agad niya itong nilingon at napagalamang ang Tito Randy niya pala ito.
"Nakakagulat naman po kayo. Kanina pa po kayo diyan?" mamumula ang pisngi ni Renza sa kahihiyang mahuli sa ganoong akto.
"Medyo. Huwag ka nang malungkot. Ang mahalaga masaya siya. Ikaw din dapat ganoon. Magpakatotoo kayo sa sarili niyo," seryosong wika ng tito niya. Tinapik pa ang balikat niya na para bang pinalalakas ang kaniyang loob na magladlad ng totoong naramdaman.
Kay laking tuwa ni Renza na iba pala ang nasaisip ng tito niya. Kaya kahit papaano'y nakahinga siya nang maluwag.
"Yeah, right!" tanging tugon ni Renza at pinagpatuloy niya ang kaniyang ginagawang pagliligpit ng gamit. Ayaw niyang magsuspetsa pa ang Tito Randy niya sa kaniyang ikinikilos.
################
Author's Note :
Hi lovely readers. I needed to delete remaining chapters because this book is signed already. please head over to my Facebook page AZKHA-Author. I posted links there where you can read the complete book. Free pa po siya. Please don't forget to like. Tenchu.. 😘😘😘😘