Isang maaliwas na umaga ang bumangad kay Renza. Agad niyang ginawa ang kaniyang ritwal tuwing pagkagising sa umaga. Kung ang ina niya ay may mga ritwal pagkagising sa umaga, mayroon din naman siya. Tuwing gigising siya sa umaga, camera agad ang inaatupag niya. Kinukunan niya ng larawan ang magandang tanawin mula sa bintana ng attic kung saan siya natutulog. Pinili niya talaga ang silid na ito anupa't tanaw na tanaw niyamula rito ang Taal Volcano at ang nakapaligid na lugar nito. Pinipili niya ang mga magagandang kuha niya mula sa iba't-ibang klima at ginagawang collections sa kaniyang photography scrapbook o ang tinatawag niyang 'My Greatest Hits'. Kahit fashion photography ang focus niya pero magaling din siya sa landscape, portrait, at astro photography. Talagang namana niya ang angking galing sa namapayapa niyang ama.
Ang aga niyang nagising dahil maglilipat na siya. Oo! Lilipat na siya sa shop ng kaniyang ama para simulan ang karerang napili niya. Imbes na umuwi sa bahay nila o sa shop ng ina, mas pilini nitong doon na lang sa shop ng kaniyang ama para matutukan ang magiging trabaho niya. Pagkatapos ng ritwal niya ay dali-dali siyang nag-almusal at nagkarga ng kaniyang mga gamit sa kotse niya.
"Sweetie, sigurado ka bang doon ka magstay sa shop ng daddy?" wika ni Annie na pinagmamasdan siyang nagkakarga ng mga gamit.
"Mom, napag-usapan na po natin 'to, 'di ba? Huwag po kayong mag-alala. Nandoon naman si Tito Randy at si Jenna," tugon ni Renza.
"Paano kung uuwi si Tito Randy mo sa bahay natin every weekend? Delikado mag-isa sa Maynila lalo na at babae ka," Hindi mawala ang pag-aalala ng kaniyang ina. Mula nang naging care taker si Tito Randy niya sa bahay nila, bihira na lang itong pumirme sa shop nila ni Lawrence.
"Ayaw niyo naman pong umuwi sa bahay natin kaya every weekend uuwi na lang ako dito kung sakali. Basta titingnan ko na lang ang sitwasyon kapag nandoon na ako. Don't worry, okay?" niyakap ni Renza ang kaniyang nag-aalalang ina.
"Sige para magkakasama tayo ng weekend. Pero kung si Jenna doon na shop patutulugin ni Randy mas okay 'yon may kasama ka. Tatawagan ko ang Tito Randy mo mamaya."
"Thanks, mom," yamakap ito sa kaniyang pinakamahal na ina at dumako sa kotse.
"I'll better get going baka maabutan pa ako ng traffic, Monday pa naman ngayon. Bye, mom," wika pa ni Renza habang binubuksan ang pinto ng kotse.
"Okay, sweetie. See you this weekend. Ingat ka. Love you," kumaway pa si Annie sa anak niya habang pinaandar nito ang kotse.
"I will," tanging tugon ni Renza at nilasan ang lugar.
Pagkatapos ng mahabang panahon, sa wakas ay makakabalik na rin siya ng Maynila at magpirme doon. Mula kasi nang lumipat sila ng Tagaytay, ilang na beses pa lang siyang nakadalaw at bumalik din kinagabihan. Lalo nung graduating year niya hindi na siya nakadalaw uli. Mula nang nawala ang ama niya, nawalan na rin siya ng ganang magpirme sa Maynila dahil bumabalik sa balintataw niya ang masasakit na alala dulot ng pagkamatay ng kaniyang ama. Pero nang mapagtantong kinakailangan niyang buhayin ang pamana sa kaniya ng kaniyang ama, bagama't mahirap pero determinado siyang gawin. Dahil alam niyang ito din ang tiyak na ibig ng kaniyang ama na gawin niya kung nabubuhay lamang ito.
Makalipas ang 45 minutos ay papasok na siya sa Alabang. Medyo mabilis ang biyahe niya at maaga siya umalis. Hindi pa ganoon ka dami ang mga sasakyang bumabiyahe sa EDSA kaya 20 minutos pa uli ay narating na niya ang shop ng ama. Hindi muna siya bumaba, magiliw niya munang pinagmasdan ang gusali mula sa loob kaniyang kotse. Nagbalik-tanaw siya sa mga masasayang ala-ala kasama ng kaniyang ama. Namiss niya talaga ang lugar na ito, lalo na ang kaniyang ama. Hindi niya namalayang tumulo na pala ang kaniyang mga luha. Pero naudlot ang kaniyang pagbabalik-tanaw nang mapatda siya sa lakas ng bosena ng kotse sa likuran niya. Dali-daling bumaba sa pick-up ang bumosena at tinungo ang kinaroroonan ni Renza.
"Renza, hija! Ikaw na ba 'yan? Dalagang-dalaga ka na!" bulalas ng Tito Randy niya habang sinalubong ng yakap si Renza pagkababa ng kotse. Para na rin itong totoong tito niya dahil ito ang matalik na kaibigan at katrabaho ng ama niya.
"Hello tito. Namiss ko po kayo," wika ni Renza.
"Namiss din kita," wika nito habang kumakalas sa pagkakayakap kay Renza.
"Kopyang-kopya mo talaga si papa mo! Kung lalaki ka nga lang eh, mapagkakamalan kang siya eh,'' patuloy nito.
"Naku tito! Bakit niyo pa ako mapagkakamalan eh kasama ko naman si daddy."
"Ano! Huwag kang ganiyan hija." Nababanaag sa mukha ni Randy ang takot.
"Kayo naman oh. Kasama ko po ang picture ni daddy," tumawa si Renza sa tinuran ng kausap.
"Ikaw talaga. Alam mo? Sa akin mo namana 'yang sense of humor mo eh. Hindi ganiyan si papa mo eh. Oo nga pala, pumasok na tayo nang maisaayos na 'yang mga gamit mo."
Tinulungan siya ng Tito Rudolph niya sa mga gamit. Idiniretso niya agad ang mga ito sa kuwarto ng ama. Maayos at masinop pa rin ito tulad ng dati. Iginala niya ang kaniyang paningin sa paligid at napakamasculine ang design. Wala naman siyang balak na baguhin ang mga iyon dahil para hindi niya makalimutan na naging paboritong lugar ng kaniyang ama ito. Humiga siya sa kama at pakiramdam niya ay at home na at home siya bagama't hindi siya lumaki sa bahay ito. Oo, ang shop ng kaniyang ama ay siya ring bahay nito bago ikasal ito kay Annie.
Maya-maya pa ay kumatok ang Tito Randy niya.
"Hija, okay ka lang ba na dito ka matutulog o gusto mong pasasamahan kita ni Jenna?" Tanong nito sa kaniya habang umupo ito sa sofa. Tumayo din si Renza at sinamahan ito.
"Huwag na po. Okay lang po ako dito. Huwag na po kayong mag-alala," tugon ni Renza na may kasamang ngiti.
"Hindi nga? Kasi pinapalipat ko na rin si Jenna dito nang may makakasama ka. Huwag lang sa kalokohan ah?" pabirong wika ng Tito Randy niya.
"Kahit kailan tito, puro kayo kalokohan," napatawa ng pagak si Renza.
"Hindi ah. Pinagdaanan namin ng daddy mo 'yan. Magkasama kami sa lahat ng bagay maging sa kalokohan. Huwag kayong magdadala ng boys dito ha? Ah! Samahan ko na lang kayo trice a week, okay ba 'yon?"
"Okay po."
"Tama 'yan para makapag over time tayong tatlo at marami akong deadlines na hinahabol. Marami kasing referrals sa akin si Reynold. Masipag talaga ang batang iyon," napangiti pa ito habang ibinibida si Reynold sa kaniya.
Biglang natigilan si Renza nang marinig niya ang pangalang Reynold. Matagal-tagal na ring wala silang komunikasiyon. Naisip tuloy siya kung ano na kaya ang hitsura nito.
"Ay tito, ano po pala ang trabaho ni Reynold at bakit po marami siyang referrals?" usyosong tanong ni Renza.
"Naku, hindi ka maniniwala. Wedding planner at designer siya gaya ng mom mo. Siya na ang katandem ng mom mo at mas magaling siya kaysa sa Tita Carina mo. Bakit, hindi mo ba alam?" Kuwento nito kay Renza.
"Hindi po nabanggit ni mom, at saka matagal na pong wala akong contact sa kaniya dahil naging busy ako sa school."
"Naku, sayang! Tisoy pa man din sana pero mukhang tagilid eh. Sa ganoong trabahong pinili niya at kahinhinan niya, sana hindi siya matuluyang maging bakla."
Parang biglang nalungkot si Renza sa mga narinig niya. Nakakapanghihinayang kung ganoon. Sa bagay, nawalan kasi sila ng komunikasyon. Pero bakit? Mukhang babae naman ang gusto niyon noong mga bata pa sila ah.
"Teka nga. Sa hitsura mong 'yan, hindi ka naman siguro tibo, ano?" pinutol nito ang gumagalang isipan ni Renza. Hindi na si Renza nagtaka kung bakit ganoon ang sinabi ng Tito Randy niya, dahil sadyang kumportable sa ganoong ayos. Maging ang ina niya, iyon din ang duda.
"Tito naman, kumportable kasi..." naputol ang mga sasabihin pa ni Renza ng may nagdoorbell.
"Si Jenna na 'yon, tara na sa baba." wika ng tito niya at lumabas ng kuwarto.
Sumunod din agad si Renza at sabik na sabik din siyang malaman kung ano ang hitstura ng kaniyang kinakapatid na si Jenna. Kahit matanda siya ng dalawang taon dito pero para sa kanilang dalawa ay magkasing-edad lang sila. Hindi nga ito nakakasama niya noong bata pa siya at hindi ito dinadala ng Tito Randy niya sa trabaho. Naging matalik silang magkaibigan noong lumipat ang mga ito sa bahay nila at naging care taker.
Nang matanaw nila ang isa't-isa ay naghiyawan ang mga ito na para bagang nakita ng kung sinong artista. Dali-dali nilang sinalubong ng yakap ang isa't isa.
"Ateng, kumusta ka na!" bulalas ng bibung-bibo na si Jenna.
"Heto, nakamove na rin sa wakas. Ikaw, kumusta ka ading?"
"Heto, hinahagupit ni papa dahil sa aking masugid na manliligaw," sabay ismid nito.
"Hoy, babae! Kung gusto mong tumagal sa mundong 'to, sumunod ka sa akin," sabad ng ama nito habang dinuro-duro ito.
"Opo,"matabang wika ni Jenna.
"Oh siya, dito muna ako sa kabila at aayos ko lang 'yong coverage kahapon. Dahil bukas, may meeting tayo kasama ng kliyente ni Reynold. Pagkatapos niyo diyan, magtrabaho na tayo, okay?" paalam nito sa kanila dalawa.
"Opo," sabay nilang tugon.
"Oh ano na ading? Kailan ka gagraduate?" simula ni Renza.
"2 years pa pero kahit MASCOM ang kinuha ko, sinasanay din ako ni tatay ng photography. Okay na rin 'yon para may iba pa akong alam. Wala kasing katulong si tatay, pero dahil nandito ka na. Ikaw na ang partner niya. Tutulong na lang ako kapag marami kayong rush," masayang wika ni Jenna.
"Well, this is my choice. Kailangan maituloy ko ang naudlot na pangarap ni dad. Gusto ko rin maging sikat na international photographer."
At maging habang nagsisimula na sila sa kanilang trabaho, nagkukuwentuhan pa rin sila tungkol sa mga naging buhay nila. Palibhasa'y isang taong din silang hindi nagkita dahil masyado siyang busy ang graduating year niya. Kaya talagang sobrang namiss nila ang isa't-isa.