Naging tahimik ang biyahe namin. Walang may gustong magsalita. Para tuloy ang haba haba ng biyahe namin kung tutuusin ten minutes palang ang nakakaraan nung umalis kami sa hotel. Pano naman kasi kaming dalawa lang ang magkasama akala ko magsasama man lang siya ng driver. Para tuloy kaming magdadate, pinagtitinginan nga kami kanina ng mga empleyado niya sa hotel lalo na nung makita nilang sumakay ako sa front sit ng kotse niya.
Nakatanaw ako sa labas ng bintana ng kotse habang pinagmamasdan ko yung mga sasakyan at mga street light na unti unti ng nagliliwanag naguumpisa narin kasi dumilim dahil nga palubog na yung araw.
Ayaw ko siyang tingnan baka kasi lalong maging ackward pag nahuli niya kong tinitingnan siya. Isa pa wala rin akong alam na sasabihin sakanya ayaw ko naman tanungin saan kami pupunta kasi mamaya ako tanungin niya kung saan ko gusto pumunta. Eh wala rin naman akong alam puntahan. Kaya pinili ko nalang manahimik at maghintay. Kasi kung ako lang sa jolibee nalang akong kakain okey na ko sa chicken joy at kung sasamahan pa ng burger sulit na.
Makalipas pa ng ilang minuto huminto kami sa isang floating restaurant sa may ilog.
"Dito na tayo mag dinner!" Narinig kong sabi niya habang pinaparada yung kotse niya at ng patayin niya yung makina agad din niyang tinatanggal yung seat bealt niya. Ganun narin yung ginawa ko kaya halos sabay lang kaming bumaba ng sasakyan.
Ang ganda ng location ng restaurant. Nasa gitna siya ng isang malawak ilog at para makarating sa restaurant kailangan mong tumulay sa isang hanging bridge na nakabit sa main road papunta sa kainan. Kaya habang tumutulay kami ay sumasayaw yung tulay na labis kong ikinatutuwa kaya di ko mapigilang mapangiti.
Meron may malaking kubo sa gitna ng ilog yun yung main restaurant may mga lamesang kawayan at upuan na naka paligid. Alam mo yung hapag kainan ng isang tipikal na nasa probinsya. Samantalang sa paligid meron namang mga maliliit ng kubo para sa gustong kumain ng may privacy. Napaka liwanag ng buong paligid. Pero napaka tahimik, bagay na bagay ito sa mga nature lover.
Agad kaming sinalubong ng waiter sa dulo ng tulay.
"Good evening Sir and Ma'am! Table for two po?" Magalang na tanong sa amin ng waiter.
"Yes, May available pa bang kubo?" sagot ni Sir Martin nasa unahan ko siya, ako parang buntot niya naka sunod lang sa likuran. Ayaw ko naman kasing pagkamalan kaming mag jowa kaya mini-maintain ko yung distance naming dalawa.
"Meron pa po Sir! yun po yung nasa kanan available pa po yun saka yung nasa gitna. Mas maganda po dun sa gitna kitang kita niyo yung buong paligid pati yung Laoag City matatanaw niyo. Maganda po dun mag date!" Mahabang salaysay ng waiter na may halong pang-aasar. Paano pagkamalan ba naman kaming nag de-date?
"Sige dun nalang kami!" Sagot ni Sir Martin sabay lakad papunta dun sa kubo na pinili niya, agad narin akong sumunod.
"Di naman kami nagdadate!" Sabi ko sa Waiter nung matapat ako sa kanya.
"Magkamag anak po kayo?" Magalang na tanong ng Waiter na sumabay na sakin papunta sa kubo.
"Ay di po! Boss ko po siya! Actually katulong niya ko!" Pabiro kong sabi.
Natawa yung Waiter sa sinabi ko.
"Haha...haha...Di naman po kayo mukang maid Madam!" Muli sana akong sasagot ng biglang lumingon si Sir Martin samin at tiningnan niya ko ng masakit kaya di na ko nagsalita. Natatawa parin yung waiter habang inaabot samin yung Menu ng restaurant.
"Ito po yung menu Sir and Ma'am," na agad namang kinuha ni Sir Martin.
Agad akong umupo sa may bandang bintana para makita ko yung view sa labas. Samantalang si Sir Martin naman umupo sa harapan ko at masusing tinitingnan yung Menu.
"Anong gusto mong kainin?" Narinig kong tanong ni Sir Martin kaya napatingin ako sakanya.
Nang di ako sumagot, Nagtaas siya ng tingin at tiningnan ako parang naghihintay niya akong magsalita kaya napilitan akong mamili.
"Sinigang na hipon nalang sakin Sir saka isang rice!" Pagkarinig niya ng sagot agad niyang binalingan ng yung tingin yung Waiter.
"Sinigang na hipon saka adobong manok at sweet and sour fish and rice for two!" Sabay balik ng menu at ganun narin ginawa ko.
Pag-alis ng waiter muling tumahimik yung paligid. Agad akong tumingin sa may labas ng bintana at pinagmamasdan ko yung buong Laoag City. Dumagdag sa atraksyon ng full moon dun lang ako nakatingin habang nakapangalung baba sa lamesa. Pero nararamdaman ko pinagmamasdan ako ni Sir Martin at pinipigilan kong lingunin siya.
Nakaupo kami sa pang animang lamesa kaya kahit magkaharap kami di naman kami magkatapat. Pero nagulat ako ng marinig kong inusog niya yung upuan sa harapan ko. Kaya di ko na naiwasang tingnan siya. Nakatitigan kaming dalawa pero wala paring nagsalita parang nagpapakiramdaman kaming dalawa kung sino ang unang magsasalita.
"Sir and Ma'am, Ito na po yung pagkain nila!" Agad kaming lumingon sa direksyon ng waiter na dala dala yung mga inorder naming pagkain. Save by the waiter sabi ng isip ko at agad kong pinakawalan ang isang buntong hininga. Di ko na talaga alam gagawin ko kung sakaling di pa dumating yung waiter kasi napaka intense ng tingin ni Martin sa akin.
Pagkalatag ng pagkain, agad din nagpaalam yung Waiter. Agad akong sumandok ng sinigang na hipon sa maliit na mangkok para sa akin. Iniaayos ko yung serving spoon sa gawi ni Sir Martin para makakuha din siya. Akma na kong susubo ng mapansin kong di siya sumasandok ng pagkain. Kaya tiningnan ko siya.
"Kain na Sir!" Pagyaya ko.
Nakatingin lang siya sakin at di kumikibo kaya muli kong tinawag yung atensyon niya.
"Sir?" Medyo gumaralgal yung boses ko kaya uminom ako ng tubig kasi kumakabog yung dibdib ko.
"Di ba sabi mo kanina your my maid, kaya dapat pinagsisilbihan mo ko!" Parang bata niyang sabi.
"Hack… hack...!" Shit nabilaukan ako kaya hinampas ko yung dibdib na parang nanikip.
"Okey ka lang?" Agad niyang tanong ng mapansin niyang namumula na ang muka ko.
"Okey lang Sir, hehe...hehe..!" "Mukang ikaw ang di okey!" Gusto ko sanang idagdag pero pinili ko nalang na ngumiti.
Biruin mo narinig pala niya yung pagbibiro ko sa Waiter kanina at talagang humanap lang siya ng tiyempo para maibalik yung sakin. Pagtingin ko sa kanya seryeso parin yung muka niya, di ko alam kong joke ba yun o gusto talaga niya na pagsilbihan ko siya.
Nang makita kong talagang seryoso siya wala akong nagawa kundi hawakan yung serving spoon ng sinigang na hipon at pagsilbihan siya. Sabagay siya naman magbabayad nito so okey lang! Pakunswelo ko sa sarili ko.
"You're highness!" Tawag ko sa kanya sabay abot sa mangkok na puno ng sinigang na hipon. Kinuha ko narin yung kanin at nilagyan ko narin yung plato niya.
"Lagyan narin po kita nung isda?" Magalang kong tanong sabay ngiting aso na parang nang-aasar.
"No need!"
"Eh yung gulay po?"
"I will tell you later if I like!"
"Okey!" sabay kuha ko ng kutsara niya at pinunasan ko ng tissue sabay patong sa gilid ng pinggan niya. Binuhusan ko narin ng tubig yung baso niya para complete serving na. Maid lang talagan ang peg!
"Kain na po Sir!" Magiliw ko uling sabi pero di parin niya siya kumikilos, nakatingin lang siya sakin.
"May problema Sir?" Muli kong tanong pero di parin niya ako sinagot pero bumaba yung tingin niya mula sa muka ko papunta sa dibdib ko.