webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · 现代言情
分數不夠
388 Chs

You're bullying me

"Tara na kain na tayo bago lumamig yung pagkain!"

Hinawakan ni Martin yung kamay ko at para pumasok na kami pero di ako natinag sa pagkakatayo. Di ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko.

"Bakit ka umiiyak?"

"YOU'RE BULLYING ME!"

Matigas kong sabi sa pagitan ng iyak ko.

Mabilis akong niyakap ni Martin at nagsalita ng mahinahon.

"Paano kita binully? Dapat nga ako maiyak dito kasi nag iinvest ako ng pagibig sayo pero mukang di mo naman ako sineseryoso."

"Nag sorry na nga ako diba?"

Naiinis kong sabi with stubbornness.

"Dapat ba ganyan mag sorry galit?"

"Sorry na nga eh! Di na nga ako uulit eh hik...hik!"

Mahina kong sabi habang patuloy na umiiyak.

"Di mo na ko tatangi?"

"Di na!"

"Di mo na ko ikakahiya?"

"Di naman kita ikinahiya ah!"

Naiirita ko uling sabi. Hinawakan ni Martin yung dalawang pisngi ko at tinapat yung muka niya sa akin.

"Michelle!"

Mabilis akong nagbaba ng tingin di ko kayang salubungin yung mata niya.

"Natatako kasi akong sabihing ng ibang tao na kaya kita sinagot kasi mayaman ka at muka akong pera!"

Muling tumulo yung luha ko. Feeling ko kasi di talaga kami bagay. Muli niyang pinunasan ng thumb niya yung luhang pumatak sa pisngi ko.

"Bakit kasi kailangan mo silang isipin ang importante masaya ka! Bakit di ka ba masaya sa akin?"

"Masaya!"

"Yun ang importante as long as youre happy at di nila pinakikielamanan yung relasyon natin wala tayong paki alam sa kanila. Mamatay sila sa inggit di ba?"

Tanging ngiti lang ang isinagot ko kay Martin pero nawala na yung agam agam ko sa pag sasama naming dalawa.

"Kain na tayo!"

Mabilis akong tumango kasi nga nagutom ako bigla sa ka dramahan ko.

Hinila na ko ni Martin papasok sa loob naka hain na dun yung pagkain namin.

"Malamig na tuloy, ikaw kasi nagdrama."

"Ikaw nga yun na ngangaway!"

"Wait lng initin ko saglit!"

Mabilis dinampot ni Martin yung ulam namin at ipinasok na Microwave. Nanatili akong naka upo sa lamesa habang umiinom ng tubig.

"Anong sinabi mo sa mga magulang ko para mapapayag mo silang dito ako matulog?"

"Wala naman! SInabi ko lang na miss na miss kita kaya sana payagan ka nilang makasama kita ngayong gabi."

"Pwedi ba! Magsabi ka ng totoo!"

"Haha...haha... umiinit nanaman yung ulo mo!"

Tawa ni Martin habang nilapag yung ulam na nainit na niya at muling dinampot yung kanin para muling isalang. Di ko na siya pinilit kasi alam ko naman wala akong mapapala.

Nag-umpisa na kong magpapak ng ulam dahil nga gutom na din talaga ako.

"Di na makapag hintay."

"Gutom na ko!"

Pagrereklamo ko habang ngumunguya ako ng beef. Kaldereta kasi yung ulam na pinaluto ni Martin at talagang nakakatakam yun kaya lalo akong nagutom.

"Saglit na lang!"

Paalala ni Martin. Maya-maya tumunog na yung microwave nagpapa alala na tapos na yung cycle.

Agad niya akong nilagyan ng kanin at umupo na sa tabi ko. Nagsimula na kaming kumaing dalawa ng tahimik.

"Ako na magliligpit dito! Ligo ka na, Ang asim mo na!"

"Kung maka asim ka pero kung maka yakap ka, wagas!"

Pagrereklamo ko habang pumunta ako sa kwarto niya. Dahil nga biglaan yung pagpunta ko sa bahay niya wala akong dalang extrang damit kaya wala akong choice kung di pumili sa mga damit na binili niya sa akin. Pero naka ilang pili na ako wala parin akong magustuhan paano ba naman puro nighties ang mga ito at sobrang iiksi ang masaklap pa yung mga underware ganun din.

Kahit anong gawin ko di ko masikmura ang pagsuot ng mga iyon kaya lumipat ako sa closet ni Martin pumuli ako ng plain white t-shirt at pinaresan ko yun ng pajama niyang itim. Agad akong pumasok ng banyo para maligo.

Paglabas ko ng banyo sakto naman pagpasok ni Martin sa kwarto.

"Bakit yan suot mo?"

"Di ba sabi ko sayo di ko type yung mga binili mo saking pantulog."

Malungkot kong sabi habang pinupunasan ko yung buhok ko ng tuwalya.

"Upo ka! Tuyuin ko buhok mo!"

Mabilis naman akong sumunod habang pinaandar na ni Martin yung blower.

Parang sanay na sanay si Martin sa pagtutuyo ng buhok ko parang normal na lang ito sa kanya.

Tinitingnan ko yung refleksyon niya sa salamin habang masususi niya inaalis yung tangle ng buhok ko.

"Diba sabi mo ayaw mo rin ng mga underware na binili ko sayo?"

"Oo ayaw ko rin pero di mo naman pinalitan."

"Di ibig sabihin wala kang suot ngayon!"

Naka ngiti niyang tanong sa akin habang nakatingin din sa reflection ko sa salamin.

"Sorry ka wala akong choice kung suotin, Di nga ako kumportable eh!"

"Ganun, pwedi mo naman hubarin wala naman yung problema sa akin"

Nakangiti parin niyang sabi pero tiningnan ko siya ng masakit kasi parang iba nanaman yung ipinapahiwatig niya.

"Magbehave ka nga!"

"Behave naman ako ah! Nangako nga ako sa parents mo na ibabalik kita ng walang labis at walang kulang pero di ko naman pinangako na di kita titikman haha...haha..!"

Lakas ng tawa niya habang pinatay yung blower. Ako naman mabilis kong pinikot yung tenga niya. "Ikaw talaga kahit kailan ka!"

Mabilis niya kong niyapos at dinala sa kama naka ibabaw siya sa akin samantalang ang mga kanang kamay niya ay nanatili sa baywang ko at ang kaliwa naman ay nasa ilalim ng ulo ko para di ako masaktan sa pagpagsak sa kama.

"Mas bagay pala sayo yung damit ko!"

Sabi niya sa akin sa pagitan ng paghalik sa labi ko.

"Ewan ko sayo! Tigilan mo yang mga masasama mong balak!"

Sagot ko naman sa kanya habang itinulak ko siya papalayo sa akin. Binitawan naman niya ako at umayos kami ng higa. Agad niyang pinatay ang ilaw para tanging lamp shade lang ang pinagana.

Muli niya kong niyaka at tinandayan niya ng binti niya.

"Ang bigat mo!"

Pagrereklamo ko sabay alis sa binti niyang naka patong sa akin. Pinaharap niya ako sakanya at muling siniil ng halik.

"Martin!"

Pero sa halip na maghinay-hinay lalo siyang naging aggressive parang naging key pa yung pagtawag ko sa pangalan niya.