Pagdating namin sa area bumungad sakin ang mga ibat-ibang botique na nagbebenta ng men's apparel at di ko alam kung saan ako magsismulang tumingin.
"Dito tayo Michelle!" Sabay hila sakin ni Zaida at dahil nga wala akong idea sa area sumunod lang ako sa kanya.
"Bibili ka rin ba ng regalo para kay Jerold?" Tanong ko habang tumitingin kami sa mga naka hilerang mga damit.
"Oo, balak ko sana bilhan siya ng t-shirt. Ano sa palagay mo?" Sabay pakita sakin ng isang kulay blue na t-shirt.
"Maganda yan!" Sabi ko naman at take note maganda rin ang presyo nun para sa isang t-shirt. Napa-iling nalang ako at try din mag-scroll para kay Martin.
Iniisip ko na bilhan siya ng wallet kaya yun yung hinahanap ko kaya lang sa pinasukan namin ni Zia wala akong makita kaya hinintay ko nalang muna matapos siya sa pamimili ng gusto niyang bilhin.
"Wala ka pang napili?" Tanong niya sa akin nung lapitan niya ko, naka upo nalang ako sa upuan at pinagmamasdan mo yung mga namimili.
"Naisip kong wallet nalang sana yung bigay ko sakanya, kaya lang wala kasi dito." Paliwanaga ko kay Zaida.
"Ganun ba? Dun sa kabilang store!" Sabay hila sakin.
"Tapos ka na?" Takang tanong ko kasi wala naman siyang bitbit na pinamili.
"Mamaya na ko, unahin natin sayo!" Dinala niya ko sa isang store na nagbebenta ng mga lether product, may mga bag, belt, wallet at kung ano-ano pang mga gawawng lether.
"Pili ka na!" Sabi ni Zaida kaya agad akong lumapit sa isa sa shelves para tingnan yung mga wallet na naka display dun. Di ko maiwasang mapalunok nung makita kong nasa six digit yung presyo ng mga andun kaya di ko maiwasang lingunin si Zaida.
"Zaida, dito na ba yung puanka mura?" Bulong ko.
"Pili ka lang ako na bahala!"
"Ano ka ba? Paano ko masasabing regalo ko kung ikaw magbabayad!" Malungkot kong sabi.
"Di ko naman sasabihin na lilibre kita, papautangin kita tapos bayaran mo nalang ako kapag nakuha mo na yung atm ni Martin." naka ngiting sabi ni Zaida.
"Ewan ko sayo! Tara na!" Sabay hawak ko sa braso niya at hinila ko siya palabas.
"Michelle!" Protesta niya.
"Dalhin mo ko sa sa atleast five digit lang yung price wag sa sobrang mahal." Paki-usap ko sakanya.
"Sige dito tayo!" Sabay hila sakin papaunta sa second floor kung saan meron din mga nagbebenta ng mga leather at di gaya ng una naming pinasukan mas less glamorous yung tindahan sa second floor pero may class parin.
"Ikot ka na!" Muling sabi ni Ziada sabay bitaw sa braso ko kaya agad naman akong umikot para tumingin tingin ng mga items.
"Miss pwedi ko bang makita!" Sabay turo ko sa isang wallet na nasa display naka on-sale siya.
Agad naman itong inabot nung Sales Lady, "Maganda yan Ma'am, tapos pwedi mo pang palagyan ng pangalan dito oh!" Sabay turo sakin yung corner nung wallet na pweding sulatan.
"Talaga!" Masaya kong sabi.
"Opo!" Naka ngiti iyang sagot na parang tuwang-tuwa siya sakin dahil sa reaction ko.
"Ano yang napili mo?" Tanong ni Zaida na lumapit narin sakin.
"Ano sa tingin mo?" Sabay pakita sa napili kong wallet. 2-in-1 wallet siya na pweding lagyang din ng card. Meron siyang eight credit card slots, One note compartment and four patch pockets na sa tingin ko bagay lang kay Martin.
"Maganda siya!" Sabi ni Zaida.
"Magugustihan kaya ni Martin?" Mahihiya kong tanong, paano kasi alam ko naman na yung ginagamit na wallet ngayon ni Marin ay nagkakahalaga ng six to seven digit pero kahit gusto ko siyang bilhan nun di ko afford.
"Ano kaba, kahit bato bigay mi dun kay Martin magugustuhan niya yun basta galing sayo!" Pag-cheer sakin ni Zaida.
"Kunin niyo po Ma'am?" Muling tanong nung Sales Lady nung di na namin siya pinapansin.
"Oo Miss, Tapos palagyan nalang ng pangalan niya kung pwedi!"
"Sige po Ma'am! Pasulat nalang po yung name na ilalagay!" Sabay abot sakin ng isang maliit na papel na agad ko namang tinggap at maayos kong isinulat doon yung pangala ni Martin.
"Sa cashier nalang po Ma'am!"
"Sige, salamat!" Sabay lakad ko sa tinuro sakin nung Sales Lady.
"Gamitin mo muna itong card ko!" Sabay abot ni Zaida yung card niya sakin.
"Okey lang kaya ng budget ko!" Sabi ko sa kanya. Actually yung binili ko ng regalo ko kay Martin ay yung buong thirteen-month ko pero para sakin okey lang yun kasi nga kung tutuusin kulang pa yun sa naibigay niya sakin.
Makalipas ng ilang minutong paghihintay ipinakita sakin nung Sales Lady yung wallet na may pangalan na ni Martin. Agad akong nagpasalamat sa kanya, dahil nga satisfied ako sa nabili ko.
"Tara na!" yaya ko kay Zaida.
"Okey na?" Tango lang ang itinugon ko sa tanong ni Zaida. Ilang oras pa kami umikot sa mall para nga sa mga pang regalo niya at kung suswertihin ka nga naman pati ako binilhan niya.
"Nakak hiya naman!"
"Ano ka ba? Malapit ka ng pakasalan ng pinsan ko at di magiging magkamag-anak na tayo kaya wag ka ng mahiya!"
"Paano yan, wala pa kong mabibigay sayo?"
"Bakit exchange gift ba ito?" Mataray na tanong niya sakin.
"Kaya lang kasi!"
"Tumigil ka na nga Michelle, sabi ko okey lang kaya wag mo ng isipin. Suot mo yan sa Christmas Party niyo ha!"
"Tinext ka ni Martin?" Tanong ko, paano kasi nagtataka ako kung bakit ako binilhan ni Zaida ng gown, ngayon napagtanto ko na.
"Wag kang magalit kay Martin, nag-aalala lang yun sayo saka isa pa bibilhan din talaga kita ng regalo at nagkataon lang na nagsabi siya sakin kaya naisip ko yan nalang regalo ko sayo." Masayang paliwanag ni Zaida kaya lang parang lalo akong nahiya kasi pati siya dinamay ni Martin. Akala ko pa naman nagkaintindihan na kami sa susuotin ko sa Christmas party namin.
"Hays!" Buntong hininga ko kasi di ko alam yung nararamdaman ko sa ngayon kung dapat ba kong matuwa kasi sa pagiging care niya o dapat ba kong malungkot kasi lahat ng bagay sa buhay ko ay pinag-hihimasukan na niya.
"Ganyan talaga si Martin, He is too inquisitive kaya dapat masanay ka na!" Mukang nabasa ni Zaida yung nasa isip ko.
Guys may bago akong Novel please add sa library niyo "Lets Start All Over Again" isang chapter palang ako pero update ko siya daily .
Please support... Thanks