Makalipas ng ilang minuto busog na busog na ko kaya di ko na maiwasang pigilina na siya sa paglalagay ng pagkain sa pingan ko. Kasi kung gaano ako kabilis kumain ganun din siya kabilis maglagay ng pagkain sa pinggan ko.
"Tama na! Busog na ko!"
"Ayaw mo na?"
"Oo.. ayaw ko na! Busog na busog na talaga ako!" Habang hawak hawak ko yung tiyan ko. Ang sarap kasing kumain kaya di ko talaga mapigilan. Panalo talaga ang freash sea foods.
"Dahil busog ka na, Ako naman pagsilbihan mo!"
"Huh… bakit kita pagsisilbihan ano ka?" sabay tayo nung akma niya kong hahawakan sa braso para pigilan agad akong umiwas at dali-daling tumakbo.
"Haha...haha....! Lakas ng tawa ko habang papunta ako sa dagat.
"Bakit ko siya pagsisilbihan ano siya hilo. Isa pa di ko naman siya pinilit pagsilbihan ako kaya wala akong obligasyon sa kanya." Sabi ko sa sarili ng mag-umpisa na kong maglakad kasi di naman siya humabol.
Nung malapit na ko sa dagat naisip ko lingunin siya ko siya. Doon ko lang nakita na kumakain siya bigla ko lang naisip na wala pala siyang nakakain kasi nga inuna niya kong ipagbalat.
Napailing nalang ako kawawa naman naisip ko pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad papunta dun sa may malaking bato di ako nagpadala sa kunsensya ko kasi naisip ko yung ginawa niya sakin kanina kaya patas lang kami.
Ayaw ko narin talagang umasa siya kasi nga ayaw ko talagang makipag relasyon muna at lalong sa kagaya niya. Habang naglalakad di ko mapigilang mamulot ng mga sea shell pumipili ako ng ibat-ibang korte at kulay. Pasalubong ko kay Mama gusto kasi niya ng mga ganun nilalagay niya sa aquarium namin minsan naman ginagawa niyang display. Napaka creative din kasi ng Mama ko.
Habang malapit na ko sa malaking bato, halos marami narin akog napulot na mga sea shell at di ko na sila mahawakan. Kaya naisip kong hubarin yung t-shirt ko para dun ilagay yung mga iyon. Lumilinga-linga muna ako sa paligid baka kasi may mga tao pero malalayo naman sila sa pwesto ko at di nila ako masyadong mapapansin. Nahihiya kasi akong maghubad pag sobrang daming tao. Maganda naman ang katawan ko wala akong bil-bil at flat na flat yung tiyan ko. Katamtaman lang din ang laki ng dibdib ko. Tama lang sa katawan ko bale thirty four twenty six at thirty six yung body statistics ko. Di na lugi ang boys sa akin kaya lang di lang talaga ako sanay na dinidisplay yung katawan ko.
Pagka hubad ko sa t-shirt ko agad kong inilagay doon yung mga sea shells na napulot ko. Bale naka suot lang ako ng low impact bra kaya di naman masyadong mahalay yung suot ko. Pero dahil nga naka cotton short lang ako labas yung vertical na belly button ko at na expose yung mga braso ko. May kaunti akong muscle sa braso kahit bihira akong mag exercise yung lang din ang maganda sa akin di ako tabain kahit gaano ako kadami kumain.
Nung maayos ko yung mga sea shells ko agad ko silang itinabi sa gilid kasama yung tsinelas ko. Yung phone ko di ko na dinala naiwan na sa cottage namin kasi wala naman ng tatawag sakin ng ganitong oras at wala naman kaming pasok. Agad akong lumusong sa tubig para lumangoy.
Naka ilang sisid na ko sa ilalim ng dagat ng pamansin kong nakatayo si Martin sa pinag iwanan ko ng gamit ko sa may pang-pang. Leeg lang ang labas sakin mula sa dagat, kinawayan niya ko pero di ko siya pinansin at muli akong lumubog ang ganda kasi sa ilalim ng dagat. Paminsan-minsan kasi dinidilat ko yung mata ko kahit mahapdi, wala kasi akong dalang goggles para sana makita ako ng maayos.
Nung muli kong pag-ahon nakita kong naghuhubad ng sando niyang suot si Martin at ipinatong sa damit ko na nasa buhanginan. Lumusong siya sa tubig at lumangoy papunta sa direksyon ko at dahil nga ayaw kong malapit siya sa akin kaya mabilis din ang paglangoy ko palayo naman sa kanya. Pinili kong pumunta sa malalim, akala ko titigilan niya ko pero nagpatuloy parin siya sa pagsunod at patuloy parin ako sa pag-iwas.
"Michelle!" Sigaw niya sa akin.
Pero di ko siya pinansin patuloy parin ako sa paglangoy papalayo sa kanya.
"Michelle pinupulikat ako di ako makalangoy!" Muling sigaw niya na parang nahihirapan na siya.
Huminto ako sa paglangoy at tiningnan ko siya. Di ako kagad lumapit baka kasi mamaya ginogoyo niya lang ako dahil di nga siya makahabol sa akin pero nung makita kong lumubog siya at kumakampay-kamay habang sumisigaw.
"SAVE ME!"
Nung makailang beses niyang isinigaw iyon di ko na maalala pero naalarma na ko na mukang di na siya nagbibiro kasi ilang beses na siyang lumubog at lumitaw. Doon ko na realize na di siya nagbibiro kaya mabilis akong lumangoy papunta sa direksyon niya kasi kahit anong galing mong swimmer once na pinulikat ka talagang maari mo iyong ikamatay at ayaw ko naman mangyari yun sa kanya.
Agad akong sumisid nung mapansin kong lumubog siya at agad ko siyang hinawakan sa baywang at inianngat sa tubig.
"Martin!" Tawag ko sakanya habang lumalangoy ako papunta sa may pang-pang. Dahil nga nasa may malalim kaming bahagi medyo hirap ako sa paghila sa kanya lalo pa nga at kanina pa ko lumalangoy kaya medyo pagod na ko plus mabigat din si Martin.
Naka-ilang tawag ako pero di siya sumasagot, marahil marami na siyang nainom na tubig kaya nawalan ng malay kaya lalo kong binilisan yung paglangoy ko para makarating kami kagad sa pang-pang.
Kung nakakapagod yung paglangoy para madala siya sa mababaw na bahagi ng dagat mas mahirap yung alalayan siya para madala sa baybayin. Kaya nung marating ko yung safe place na pwedi na siyang ihiga agad ko siyang nabitawan buti nalang malambot yung buhangin kaya alam ko di naman siya masasaktan.
"Martin!" Muli kong tawag habang tinatapik yung pisngi niya. Hinihingal parin ako, habang nakaluhod sa harapan niya pero wala parin akong sagot na makuha mula sa kanya.
"Martin!" Mas malakas kong tawag pero medyo na nginginig na. Napalingon ako sa paligid para sana humingi ng tulong pero dahil nga nasa lugar kaming medyo tago wala akong makitang tao na pweding sumaklolo.