webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · 现代言情
分數不夠
388 Chs

OVER PROTECTIVE 1

"Okey lang ako wag ka ng mag-alala!" Paninigurado ko kay Martin habang hinahaplos ko yung kunot sa pagitan ng kilay niya. Niyakap niya ko ng mahigpit pero di siya nagsalita parang dinarama lang niya yung tibok ng puso ko. Hinayaan ko lang siya pero ng pakiramdam ko matagal na kami sa ganun posisyun muli na kong nagsalita.

"Lalamig na yung pagkain!" Binitawan niya ako ng marinig niya yung sinabi ko pero muli niya kong hinalikan sa noo bago hinila papuntang kitchen kung saan naroon yung pagkain namin.

Kumain lang kami ng tahimik nung matapos agad ako nagpresintang ako na maghuhugas ng pinggan pero di niya ako pinayagan ipapakuha nalang daw niya sa tauhan niya sa baba ang gusto niya ay magpahinga nalang daw muna ako kaya dinala niya ako sa kwarto.

Nung papasok ako sa banyo para sana magtooth brush at magpalit narin ng pajama, bigla siyang nagpaalam siya sa akin na pupunta muna daw siya sa opisina niya sa baba may tatapusin daw muna siya. Naisip ko marahil yun yung mga pending work niya kaya agad akong tumango para bigyan siya ng go signal.

Di na namin napag-usapan yung tungol sa sinabi ni Boss Helen sa akin dahil di ko na siya nahintay at naka tulog na ko. Pag-gising ko ng umaga nasa tabi ko pa si Martin ay yakap-yakap parin niya ako samantalang ako ay naka subsob sa dibdib niya.

Nagtaas ako ng tingin para mapagmasdan yung muka niya kahit sa pagtulog napaka guapo parin ng boyfriend ko kaya di ko mapigilang haplusin ang pisngi niya para damahin kung totoo ba talaga siya baka kasi nanaginip lang ako.

Dahil sa ginawa ko nagising si Martin at mabilis akong dinampian ng halik sa labi. Smack lang yun at mabilis niyang dinampot yung cellphone niya sa side table para sipatin ang oras mag seseven ng ng umaga kaya mabilis siyang bumangon.

"Mauna ka ng maligo, order muna ako ng breakfast natin." Utos niya sa akin at tuluyan na siyang lumabas sa kwarto namin. Napa iling na lang ako kasi feeling ko napa busy na ni Martin kasi dati halos ayaw pa niyang bumangon sa kama parang glue kung maka dikit sa akin pero ngayon para siyang balisa na di mo maintindihan kung ano ang iniisip niya.

Saktong paglabas ko ng banyo andun narin si Martin pumupili siya ng damit na isusuot ko. Pinilian niya ko ng maong jeans at isang black long sleave di ko alam kung tatanggapin ko yung inaabot niya or tatangihan kasi feeling ko di appropriate yung damit na yun sa panahon ngayon lalo pa nga at tirik na tirik yung araw.

"Wala na bang t-shirt diyan?" Takang tanong ko kasi di ko talaga maintindihan kung bakit iyon yung pinili niyang damit para sa akin.

"Yaan na yung suot mo!" Matipid niyang sagot at tuluyan ng pumasok sa banyo.

Pagpasok niya agad akong pumunta sa cabinet at pinalitan ko yung damit na pinili niya pero yung pantalon sinuot ko. Pinalitan ko iyon ng plain na yellow t-shirt na sa tingin ko mas comfortable isuot.

Paglabas ni Martin nagblower na ko ng buhok ko sa may tokador. Sinulyapan ko lang siya pero nagpatuloy parin ako sa pagblower ng buhok ko pero laking pagtataka ko na nanatili lang siyang naka tayo doon sa pintuan ng banyo kaya di ko napigilang muli siyang tinganan.

"May problema ba?" Tanong ko kasi para siyang natigilan at napaka gloomy ng muka niya.

"Bakit di mo sinuot yung pinili kong damit?"

"Mainit yun eh!" Reasoning ko.

"Kahit pa mainit isuot mo ito!" Sagot niya sa akin at muling kinuha yung damit na iyon sa cabinet at muling inibaot sa akin. Napa hinto ako sa pagblower ng buhok ko at tiningnan ko siya hinihintay ko sanang ipaliwanag niya kung bakit kailangan ko iyong isuot pero di siya sumagort patuloy na nag bihis.

Pinatay ko na yung blower at tuluyan na kong tumayo at nilapitan ko siya. Inayos ko yung kwelyo ng suot niya polo shirt habang binubutones niya yung mag buttons nun. Kahit tapos kong ayusin ang kwelyo niya nanatili yung kamay ko sa leeg niya hinitay kong tingnan niya ko sa mata at di nga nagtagal tumingin siya sa akin.

"May problema ba?" Tanong ko. Nagbaba siya ng tingin pero muli kong inaangat yung muka niya para magtama uli ang mga mata namin.

"Wala naman!" Mahina niyang sagot.

"Wala naman! Eh bakit gusto mo kong balutin na parang suman?" Naka ngiti kong tanong sa kanya.

"I don't mean that way kaya lang ayoko ko lang kasi mag expose ng more skin sa harap nung hayop nayun lalo pa nga at magkikita kayo dun sa may police station. Ayaw kong isipin niya na inaakit mo siya?" Paliwanag sa akin ni Martin.

"Bakit kapag ba ganito ang suot ko muka bang inaakit ko siya?" Takong tanong ko feeling ko kasi napa desente naman ng suot ko talagang may sakit lang sa utak si Mr. De Jusus para isipin niyang may gusto ako sa kanya.

"Basta yun na ang isuot mo!"

"Pero ang init!" Reklamo ko parin.

"Sige na Michelle pagbigyan mo muna ako di lang talaga ako kumportable na makita ka uli ng Ga**ng yun! Baka mapatay ko siya lalo pa kapag nakikita kong tinitinggnan ka niya na punong puno ng malisya na kulang na lang hubaran ka niya."

Para matapos ang issue wala akong nagawa kundi magpalit ng damit. Mabilis kaming kumain ng almusal at tumulak na papuntang Cavite. Si Mang Kanor yung driver namin kaya sa likod kami naka upo ni Martin. Tahimik lang ako sa biyahe samantalang si Martin ay laging may kausap sa telephono at minsan ay nagbabasa ng documents.

Makalipas ng ilang minuto nakarating kami sa presinto dinatnan namin doon si Bert. Isa siya sa kaibigan ni Martin na ipinakilala niya sa akin nung opening ng isa sa mga hotel nila isa siyang abogado, marahil pinakiusapn siya ni Martin na siya ang maghandle ng kaso ko.

Agad ko siyang binati nung makalapit kami sa kanya. Tanging ngiti lang isinagot niya sa akin bago kami tumuloy sa loob. Dinatnan ko dun si Mr. De Jesus na magang maga ang muka at nguso. Ang masaklap pa meron siyang apat na ngiping nawawala katabi niya yung may edad na babae kundi ako nagkakamali malamang mother niya iyon kasi medyo nagkakahawig yung muka nilang dalawa.