"Dito na tayo!" Narinig kong sabi ni Marting nung pumasok kami sa isang malaking bakal na gate. Hindi ako sumagot sa halip ay pinagmamasdan ko lang yung buong paligid hanggang tuluyang huminto yung sasakyan namin.
Bumungad sa akin ang isang napaka laking bahay na tipikal na makikita sa mga hacienda na halatang luma na pero alam mo na well maintained dahil wala ka man lang makitang agiw or any sign na di nalilinis kahit yung bakuran na puno ng mga puno at halaman ay maayos na trim kahit nga mga tuyong dahon ay wala.
"Kanina ka pa walang kibo, Ano nanaman iniisip mo?" Muli niyang tanong sa akin habang tinatanggal yung seat belt niya.
"NOTHING!"
Sagot ko at tuluyan na kong lumabas ng kotse.
"Wala eh kanina mo pa ko di pinapansin."
"Bakit papansin ka ba?"
"Oo lalo na sayo!" Sagot naman niya sa akin sabay lagay ng braso niya sa leeg ko at kinabig ako papalapit sa kanya.
"Manahimik ka nga!" Sabay alis ko sa braso niya pero inilagay niya lang uli yun sa baywang ko. Naglalakad na kami papasok sa mansion nila.
"Almost one hundred years na itong bahay na ito."
"Talaga buti walang multo dito!"
"Paano naman magkakamulto dito eh lagi naman may tao saka halos lahat ng occasion ng pamilya dito ginaganap ultimo kasal dito ginaganap."
"Talaga?"
"Oo kaya malamang dito rin tayo ikakasal!" Sabi niya sa akin sabay halik sa pisngi ko.
"Sino naman nagsabi sayong papakasal ako sayo?"
"Wala ka naman choice kasi sakin ka lang pwedi ikasal."
"Siguradong sigurado ka talaga ah!"
"Naman!"
"Iniisip ko nga yung sinabi ni Nika eh!"
"Alin dun?" Tanong niya sa akin habang naka tingin sa muka ko.
"Na yan din sinabi mo kay Elena pero ang ending di mo naman pinakasalan." Dahil sa sinabi ko tuluyan nang humarap sa akin si Martin at huminto na kami sa paglalakad.
"Wala silang alam kung anong nangyari kaya wag kang naniniwala sa sinasabi nila." Hinawakan pa niya yung dalawang pisngi ko para magtapat yung dalawa naming mata. Sasagot pa sana ako ng mag salita yung Lola ni Martin mula sa pintuan ng mansion.
"Baka balak niyo munang pumasok sa bahay bago kayo maglampungan diyan sa labas ng makakain na tayo at kanina pa namin kayo hinihintay."
"Hi Lola!" Bati ni Martin sa matanda sabay bitaw sa akin at humalik sa pingi ng Lola niya.
"Hi po!" Bati ko rin sabay ngiti sa Lola niya.
"Sabi mo ipagluluto mo ako? Anong oras na twelve noon, Anong oras mo ko balak pakainin?"
"Lola wala namang sinabi sayo si Michelle na lunch yung lulutuin niya. Tara pasok na po tayo!" Yaya sa akin ni Martin habang akbay-akbay yung Lola niya at ako naman hinawahan sa palad at sabay kaming tatlong pumasok ng kwarto.
"Eh kailan siya magluluto?" Masungit paring tanong ng Lola niya.
"Meryenda po lulutuin niya."
"Anong meryenda naman yung aber?"
"Kung ano pong gusto niyo meryendahin yun po lulutuin ko!" Sumingit na ko sa usapan nilang mag Lola.
"Oh ano bang gusto mong meryenda Lola kaya yang lutuin ni Michelle." Pagbubuhat ni Martin sa akin. Kaya kinurot ko siya mamaya international cuisine yung piliin ng Lola niya ano nalang gagawin ko kaya mabilis din uli akong sumingit.
"Basta po local food wala po problema."
"Hay naku ako pa pagiisipin niyo ikaw magisip ikaw magluluto eh!" Irap sa akin ng matanda.
Kaya tiningnan ko si Martin na parang nagpapasoklolo ako. Pinisil lang niya yung kamay ko para sabihin okey lang yan wag kong pansinin. Hanggang makarating kami sa living room kung nasaan yung Mommy ni Martin pero di siya nag iisa andun din si Elena.
Ang pinagtataka ko lang nakapang casual dress lang ito na akala mo ay nasa bahay niya lang. Tiningnan ko si Martin at kagaya ko parang nagulat din siyang makita si Elena na andun.
"Di ko ba nasabi sayo anak na dito muna tumutuloy si Elena habang di pa naayos yung condo na lilipatan niya."
"Bakit kailangan mong ipaalam sa kanya eh di naman niya ito bahay kaya wala siyang dahilan para magalit or magtanong kung sino ang gusto kong patuluyin dito." Sagot naman ng Lola niya habang umupo na sa tabi ni Elena samantalang kami ni Martin ay nanatiling naka tayo.
"Manang Esing pahanda na po yung lamesa ng makakain na tayo at andito na sila Martin." Tawag ng Mommy ni Martin isa sa mga kasambahay nila.
"Tawagin ko na lang po muna si Lolo at Daddy." Narinig kong sabi ni Elena at tuluyan ng umalis.
Ang di ko lang matanggap is yung tawag niya sa Daddy at Lolo ni Martin na parang sanay na sanay na siya sa tawag na iyon. Biglang napa higpit yung hawak ko sa kamay ni Martin dahil dun kasi kahit di ako selosang tao parang ang sagwa sa part ko. Kahit pa nga nag-offer siyang maging magkaibigan kami di ko parin maintindihan yung feelings ko.
Tiningnan ako ni Martin at sinuklian ko iyon ng ngiti. Nakaka hiya naman kung magpapakita ako ng pagka disgusto sa sitwasyon at ayaw ko rin pagmulan pa iyon ng away.
"Bakit naka tayo lang kayo diyan at ayaw niyong umupo." Sita samin ng Lola ni Martin dahil nga di na kami naka kilos ng makita namin si Elena. Dahil dun sa sinabi ng Lola niya wala kaming nagawa kundi lumapit narin.
"Kuha muna kitang maiinom." Sabi sa akin ni Martin habang pinaupo ako sa single na upuan at iniwan ako kasama yung Mommy at Lola niya.
Pag-alis ni Martin nginitian lang ako ng Mommy at ginantihan ko din iyon ng ngiti.
"Bakit nga pala tanghali na kayo?" Muling tanong ng Lola niya sa akin.
"Medyo tinanghali po kasi ng gising." Paliwanag ko.
"Pano di kayo tatanghaliin ng gising baka kung ano-ano pang kabalbalan yung pinaggagawa niyo. Lalo ka na babae ka pa naman sa sitwasyon ni Martin ikaw ang pinakugi sa kanya walang mawawala sayo malaki at higit sa lahat di kami tumatanggap ng illigitimate child tandaan mo yan."
"Di pa naman po kami dumarating sa point na iyon."
"Abay dapat lang mahiya ka kapag ganun ang ginawa mo."
Pinili ko na lang na di sumagot sa pahayag ng Lola ni Martin para di na humaba ang usapan. Isa pa nakita kong pabalik na din siya.