"Daan tayo sa grocery," sabi ko kay Mike nung maka-upo na ko sa may likurang upuan ng kotse.
"Sa malapit o sa may banda na satin?" tanong ni Mike habang tinitingnan ako sa may front mirror.
Tiningnan ko muna yung relo sa may braso ko bago ako sumagot, "Sa malapit na lang tayo para kain na muna tayo ng dinner."
Five thirty na kasi ng hapon at idadaan pa namin si Xandra kung bibilangin ko baka mga eight na ng gabi kami makarating sa Bulacan, pasara na yung mga grocery store at di ako makakapamili ng maayos at tinatamad na rin akong magluto kaya mabuti pang kumain nalang kami sa labas.
Napagkasunduan namin ni Mike na sa isang makaking shopping mall sa may Ortigas. Kumain kami sa isang pizza restaurant at dahil di naman ako ganun ka gutom kasi nga nagmeryenda ako nauna akong at nagpaalam sa dalawa.
Iniwan ko na sila para kahit papano ay magkarun sila ng pagkakataon magkausap at saka ang hirap kayang maging third wheel.
Bumaba ako sa ground floor kung saan naroroon yung grocery. Namili ako ng mga kailangan namin sa bahay at syempre yung para sa adobong request ni Martin. Pinili ko yung puro wings kasi yun yung part na favorite niya.
Nang matapos ako tinawagan ko si Mike at nagkita nalang kami sa parking lot at gaya dati tahimik lang ako sa likod habang yung dalawa ay nagbubulungan sa harapan. Ipinikit ko nalang yung mata ko para di ako maasar pero maya-maya naramdaman ko na nagvibrate yung phone ko sa bag kaya agad ko yung kinuha.
May nagtext sakin, si staker "Bakit di ka pa umuuwi?"
"Pano mo naman nalaman na di pa ko umuuwi?" tanong ko din.
"Basta alam ko lang!"
"Ganun, alam mo nakakatakot ka na!"
"Bakit ka naman matatakot sakin?"
"Para kasing alam mo lagi kung nasaan ako, baka mamaya kidnapin mo nalang ako ng wala ako kamalay-malay!"
"Don't worry di yun mangyayari!"
"Talaga lang ah!"
"Oo naman!"
"Eh di okay," tanging nasabi ko pero di parin mawala sa isip ko kung sino siya.
"By the way di mo pa sinasagot yung tanong ko bakit di ka pa umuuwi? Wag mo saking sabihin nakipag-date ka nanaman."
"Nag-groccery ako, nagpaluto kasi yung asungot kong Boss!"
"Bakit naman naging asungot yung Boss mo?"
"Basta lang asungot siya!" reply ko, wala naman talaga akong maisip na dahilan gusto ko lang siyang tawagin ng ganun.
"Haha...haha... sa pagkakaalam ko guapo yung Boss mo?"
"Joke yan, napaka pangit kaya nun!"
"Talaga? Di ko alam kung malabo na yung mata mo at di mo makita yung ka guapuhan niya."
"Haha...haha... mukang may gusto ka sa Boss ko ah?" pagbibiro ko.
"Haha... haha... sorry to disappoint you pero babae parin ang type ko."
"Ah talaga, so ako type mo?" lakas loob kong tanong.
"Oo!" lakas loob din niyang sagot.
"Date tayo?" paghahamon ko.
"Next time!"
"Duwag ka!"
"Siguro nga duwag ako pero soon magdate din tayo," reply niya sakin na para bang sigurado siyang makikipagdate ako sa kanya at para basagin yung pag-asa niya mabilis ko siyang nireplayan.
"Pasensya ka na pero wala ng next time."
"Sigurado kong meron!"
"Umasa ka sa wala!"
"Tingnan natin!" huling reply niya sakin kasi di na ko sumagot sa kanya.
Malapit na kasi kami sa bahay kaya di ko na siya sinagot. Iniayos ko kagad yung mga pinamili ko, minarinate ko na yung manok para siguradong malasa pagkatapos nun ay agad na kong natulog kasi nga need kong gumising ng maaga para magluto.
Ang malas ko nga lang nakalimutan kong adjust yung alarm ko kaya nagising ako ng five. Nagluto ako kagad at para makatipd ng oras di na ko nag-almusat at diretso ligo na. Binaon ko na lang yung breakfast ko.
Quarter to eight kami dumating sa office sakto lang, habang magkasabay kaming naglalakad ni Mike sa hallway ng may biglang humablot sa insulated bag na hawak ko. Si Martin iyon na dirediretso lang ang lakad na para bang snatcher lang ng bag.
"Siraulo talaga!" bulong ko.
"Mamaya marinig ka, lagot ka!" sabi ni Mike sakin na narinig pala yung sinabi ko. Umiling na lang ako at di na nagsalita kasi kahit anong asar ko kay Martin di parin pwedi basta bastang magsabi ng masama sa kanya kasi nga siya parin yung Boss sa lugar na ito.
"Mukang hinihintay ka niya!" sabi uli ni Mike, kaya napatingin ako sa direksiyon ng private elevator ni Martin. Bukas parin yung pinto nun at may paang nakaharang para di yun tuluyang magsara kaya naglakad ako papunta dun.
"Tagal mo!" reklamo niya pagkatapos ay pinindot na yung 25th floor kung saan naroroon yung opisina niya.
"Malay ko bang hinihintay mo ko!" sabi ko sa isip ko. Tahimik lang siya at ganun din ako pero alam kong tinitingnan niya ko. Naka long sleeve ako ngayon blouse na tinupi ko yung manggas hanggang kalahati ng braso ko, habang sa pangbaba ay naka pencil cut akong palda na hanggang binti ko ang haba pero may slit yun hanngang tuhod kaya makikita mo parin yung white legs ko.
Una akong lumabas ng bumukas yung elevator pero dahil nga naka takong ako mabagal lang yung paghakbang ko kaya naunahan ako ni Martin maka pasok sa office niya.
"Timpla mo ko ng kape!" sabi niya pagpasok ko sa office. Nasa may long table na siya at binibuksan na yung insulator bag na kinuha niya sakin. Mukang kagaya ko di pa siya nag-aalmusal.
"Bakit?" taas kilay kong tanong.
"Syempre kasama yun sa order ko, saan ka ba nakakita ng almusal na walang kape?" at dahil nga malaki naman yung binayad niya sumunod nalang ako pagkatapos kong ilagay yung bag ko sa table ko. Isa pa gusto ko ring uminom ng kaper kasi nga di ako naka inom kanina.
Pagbalik ko ay bitbit ko na yung dalawang tasang kape. Iniwan ko yung isa sa table ko bago ako pumunta kay Martin at ipinatong sa may harap niya yung kape.
"Saan ka pupunta?" tanong niya ng makita niyang nililigpit ko yung pagkain ko na binuksan narin niya at nakalatag na sa lamesa.
"Dun na ko sa table ko kakain!"
"Bakit dun ka pa eh andito na yung lamesa? Isa pa baka mamaya matapunan mo pa ng kape yung computer mo dun."
"Ma-ingat naman ako kaya don't worry!" pero di niya ko hinayaang umalis kasi hinawakan niya yung braso ko.