webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · 现代言情
分數不夠
388 Chs

Mistress

Nagising ako ng may maramdaman akong yumakap sakin, alam ko naman si Martin yun kaya hinayaan ko lang kaya muli akong pumikit para bumalik sa dream land pero muli akong nagmulat ng mata ng marinig kong nagsalita si Martin malapit sa tenga ko. Mahina lang yun pero rinig na rinig ko yung sinabi niya.

"Sa akin ka lang at di ka pweding umalis sa tabi ko." Bigla akong napaisip kung anong ibig sabihin ni Martin sa mga salitang iyon.

Hinintay ko pa siya sana uling magsalita pero di na yun nangyari kasi naging tahimik na ito habang naka siksik yung muka sa leeg ko at dahil nga naka talikod ako sakanya agad akong gumalaw para sana tumihaya para tingnan kung tulog na siya.

Amoy alak yung hininga ni Martin, malamang uminom ito kaya pala di kagad pumasok sa kwarto.

"Hon," mahinang tawag niya sakin habang isinisiksik yung katawan niya sakin. Di ako sumagot at pinagmamasdan ko lang siya.

"Hon," muli niyang tawag at mukang wala siyang balak tumigil hanggat di ako sumasagot kaya nung ikatlong beses na usalin niya ang salitang Hon ay umungol ako.

"Stay beside me please," paki-usap niya habang nanatiling nakapikit. Di ko alam kung nagdidilirio lang siya o talaga gising yung diwa niya.

"Hon, stay beside me," muling usal ni Martin habang lalong hinigpitan yung pagkakawak sa baywang ko.

"Para ano gamin mong mistress!" sabi ko habang bahagya ako lumayo sa kanya kasi sobrang dikit na ng katawan namin sa isat-isa.

"Be my wife," sagot ni Martin sakin.

"Huh," sabi ko na may halong pang-uuyam paano niya ko magiging wife na alam naman namin na engaged siya kay Elena and soon magpapakasal sila at ako ano second wife kung hari siya pero sa status namin ang magiging label ko ay isang malaking mistress o sa tagalog pa ay kabit.

Muling sumibol yung inis ko kay Martin kaya tinalikuran ko siya at muli akong pumikit. Ayaw ko ng pakinggan yung mga non-sense niyang sinasabi. Nagsalita pa siya pero di ko na pinakinggan at pinilit ko nalang makatulog.

Paggising ko ng umaga nasa tabi ko pa si Martin at mahimbing pa yung tulog kaya dahan-dahan akon tumayo. Naghilamos lang ako at nagtooth brush bago lumabas para magluto ng almusal.

Paglabas ko bumungad sakin yung empty bottle ng alak sa may sala. Mukhang napadami ng inom si Martin kaya hanggang ngayon ay tulog pa.

Niligpit ko muna yun bago ako dumiretso sa kusina pero pagbukas ko ng rice cooker ay puno iyon ng kanin at walang bawas saka ko binuksan yung kaldero na nakalagay sa kalan at gaya ng kanin may ulam dun at mukang di rin nagalaw.

Nagluto pala si Martin ng pang hapunan namin pero dahil nga di ako kumain dun kagabi malamang di rin siya kumain. Naisip kong magfried rice nalang para magamit yung kaning lamig. Samantalang sinigang na hipon yung ulam na niluto ni Martin at dahil nga di yun bagay sa fried rice naisip kong kunin nalang yung sahog nung hipon at niluto ko ng buttered shrimp. Di ko tinapon yung sabaw sa halip ininit ko yun kasi tiyak ko magkakaroon ng hang over si Martin.

Saktong patapos na kong magluto ng biglang lumabas ng kwarto si Martin na parang naalimpungatan.

"Bakit?" tanong ko ng makita ko yung anxious niyang mukha.

"Wala naman kala ko umalis ka na."

"Maghilamos ka muna at kakain na tayo." sabi ko bago ko siya tinalikuran. Feeling ko kasi lumabas lang siya na di man lang nagmumumog.

Makalipas ng ilang minuto ay muling lumabas si Martin at di gaya kanina mukang freash na siya sa halip na dumiretso siya sa kusina kung saan ako naroroon at naghahain ng pagkain ay dumiretso siya sa sala at isa-isang pinulot yung mga bote na ininuman niya kagabi at inilabas sa may pintuan.

"Gusto mo kape o yung sabaw ng sinigang?" tanong ko ng makalapit siya sakin.

"Kape na lang!" sagot niya habang naghuhugas ng kamay. Mabilis ko siyang tinimplahan ng kape bago ako umupo sa lamesa pagkatapos kong ilapag yung tasa sa pwesto niya.

"Niluto ko uli yung hipon," sabi ko ng makita kong naka tingin siya sa buttered shrimp na niluto ko.

Di naman na nagsalita si Martin at nagsimulang kumain at ganun din ako pagkatapos namin ay siya na yung nagpresentang maghugas ng pinggan kaya hinayaan ko nalang at naligo na ko.

Paglabas ko ng banyo asa kwarto siya at naka upo sa gilid ng kama. Di ko siya pinansin at kinuha ko lang yung damit ko at muli akong bumalik sa banyo para dun magbihis. Paglabas ko andun parin siya naka upo parin sa gilid ng kama at sinusundan lang ako ng tingin na para bang may gusto siyang sabihin pero di niya alam kung paano.

"Matatapos na ko sa pagkuha ng sample kaya pwedi na kong umuwi mamayang hapon," sabi ko kay Martin habang tinutuyo ko yung buhok ko ng blower.

"So, bukas pwedi ka ng magbigay ng result?"

"Sa tingin ko kaya ko na!"

"Okay," matipid na sagot ni Martin bago tumayo papuntang banyo pero bago pa siya tuluyang makapasok ay muli akong nagsalita.

"Mauna na ko sayo sa Casa Milan, kita nalang tayo mamaya!"

"Hmmm," tanging sagot ni Martin sakin bago siya pumasok kaya pagkatapos kong magblower ay mabilis na kong umalis.

Before twelve dumating si Martin sa hotel at sakto naman paalis narin ako. Dumiretso na ko sa kanya nung makita ko siya.

"Tapos ka na?" tanong niya sakin nung makalapit ako sa kanya.

"Oo," simpleng sagot ko.

"Dala ko na lahat ng gamit natin kaya pwedi na tayong umalis. Sa bayan nalang tayo kumain ng lunch saka natin daanan si Mang Kanor." sabi ni Martin bago paandarin yung kotse niya ng matapos akong magsuot ng seat belt.

Tumingin ako sa likurang bahagi ng kotse niya at doon ko nakita yung bagpack ko, "Siguro naman na pack niya ng maayos lahat ng gamit ko," sabi ko sa sarili ko bago ako muling tumingin sa harapan para makita yung daang binabaybay namin.

Tumigil lang kami saglit sa bayan para kumain ng lunch pagkatapos nun ay bumiyahe na kami pa Zambales para sunduin si Mang Kanor. Gusto ko sanang sabihin kay Martin na umuwi na kami sa Maynila at hayaan nalang si Mang Kanor muna magbakasyon pero wala akong karapatang mag-comment kung yun na talaga ang balak niyang gawin.