Nagising ako dahil sa kumakalam na yung sikmura ko kaya agad kong tiningnan yung relo ko sa may braso, twelve na ng tanghali.
"Kaya pala gutom na ko." nasabi ko sa sarili ko bago ako tumayo. Naghilamos muna ako at saka nag toothbrush, sinigurado ko mung ayos yung sarili ko bago ako tuluyang lumabas. Nadatnan ko si Martin may kausap sa telephono kaya tiningnan niya lang ako at nginitian ko lang siya para itago yung guilt na nararamdaman ko.
Paano pinapunta ako dun para magtrabaho pero sa halip na gawin ko iyon eh natulog lang ako ng buong umaga. Lumapit na ko sa lamesang naka laan para sakin, nakita ko na andun na lahat ng materials na gagamitin ko pati computer pero sa halip na 32" yung andun mas maliit na monitor ang ikinabit nila.
"Wala talaga akong panalo pagdating sa Boss, siya parin talaga yung masusunod!" nasabi ko sa sarili ko uli. Paupo na sana ako sa upuan ko ng magsalita si Martin.
"Kumain ka muna bago ka magsimula."
"Okay!" mabilis kong sagot yun lang kasi yung hinihintay ko, yung go signal niya. Muli kong dinampot yung bag ko na kapapatong ko lang sa lamesa.
"May pagkain na sa lamesa." muling sabi ni Martin. Marahil nabasa niya yung naisip ko kaya niya nasabi yun kaya napabaling ako sa mahabang lamesa kung saan kami nagmeeting kanina. May pagkain na ngang naka lagay dun at umuusok pa dahil sa init, mukang kahahanda lang. Take note sinigang na hipon yun at sa sobrang lalaki nila halos kitang kita ko sila sa sabaw. Di ko mapigilang mapa lunok kaya mabilis akong lumapit dun.
Kaya lang wala pang pinggan at mga kutsara kaya balak ko sanang kumuha pero sakto naman na pagpasok ni Yago na may dala na kaya masaya akong umupo na sa upuan.
Maya-maya lumapit na rin si Martin at umupo narin, di pa pala siya kumakain. Bigla akong natigilan at napatingin lang sa kanya bigla kasi akong nakaramdam ng pagkaasiwa. Siya naman parang walang paki basta sumandok lang ng kanin at ulam niya at nagsimulang kumain na para bang wala ako dun.
"Di ka pa nagugutom?"mahina niyang tanong sakin nung mapansin niyang di ako kumikilos.
"Gutom!" diretso kong sagot sabay kuha ng kanin at nilagyan ko yung pinggan ko.
"Akala ko kasi gusto mo pang pagsilbihan kita," sabi niya na para bang nang-aasar.
"Bakit ko naman gugustuhing pagsilbihan ako ng Boss ko, sigurista lang talaga ako. Gusto ko kasing masigurado na malinis yung pagkain kaya hinayaan muna kitang maunang sumubo."
"So, iniisip mo lalasunin kita?" taas kilay niyang tanong.
"Di naman,iniisip ko lang baka kasi may galit ka sakin at naisip pong paghigantihan ako."
"Masyado naman yatang malawak yung imahinasyun mo, sapalagay mo kung may galit ako sayo makaka-upo ka sa harap ko?"
"Di ba nga may kasabihan nga make your friends close and your enemies closer."
"Wala akong galit sayo!" diretso niyang sabi habang naka tingin sa mata ko.
Di ko na alam yung isasagot sa kanya nung sabihin niya yun. "Bakit ko nga ba naisip na galit siya sakin?" tanong ko sa sarili ko. Bigla kong naalala yung una naming pagkikita sa birthday ni Boss Helen, dahil di niya ko binati? O dahil inignore niya lang ako na para bang di kami magkakilala?
Yun yung mga tanong sa utak ko na di ko matanong sa kanya kaya nanahimik nalang ako.
"Siya nga pala yung working hours ng isang empleyado sa opisina ay eight hours at dahil natulog ka ng half day kailangang mong mag-overtime para mabuo yung eight hours mo."
"Huh?" takang sabi ko.
"Dahil one ka na magstart dapat mag overtime ka ng four hours."
"So ibig mong sabihin nine pa ko pweding umuwi?" sabi ko matapos kong magbilang para mabuo ko yung eight hours na sinasabi niya.
"Wait lang, maaga ako dumating ah!" reklamo ko.
"Maaga nga pero natulog ka lang!"
"Ano ka? gumising ako ng nine, umatend ako ng meeting hanggang ten so may one hour akong pinasok sa umaga."
"Okay sige may pinasok kang one hour di hanggang eight ka ng gabi."
"Saglit lang di pa nga tayo nagpipirmahan ng kontrata saka di ko pa nga alam kung magkano ipapasahod mo sakin. Isa pa kasalanan ko ba yun di mo ko ginising kanina tapos ikaw din naman nagsabi sakin na matulog ako ah kaya dapat pasok na yun sa working hours ko."
"So kasalanan ko?" taas kilay uli na tanong ni Martin sakin.
"Oo kasalan mo!" diretso kong sabi kasi kung ginising niya ko kanina eh di pumasok ako saka siya yung nagutos sakin na matulog ako eh, sinunod ko lang naman siya.
"Paano kita gigisingin eh tulo laway ka pa nga kanina habang humihilik?"
"Excuse me, Martin di ako humihilik!" sigaw ko at talagang tinawag ko siya sa pangalan niya dahil sa inis ko.
"Excuse din Michelle sa tagal natin magkatabing matulog naririnig kong humihilik ka." Nanlaki yung mata ko dahil sa sinabi niya. Di ako makapaniwala na sasabihin niya yun sakin at ang masaklap wala akong masagot pero syempre di ako papatalo.
"Basta di ako humihilik!" deklara ko.
"Eh di hindi, basta need mo mag-overtime hanggang eight!"
"Wait lang di mo sinasabi yung sahod ko!"
"Tinatanong mo sahod mo?"
"Oo naman! Alangan naman magtatrabaho ako ng walang sahod?"
"Sa pagkakatanda ko may utang ka pa sakin?" sabi ni Martin habang binibilang bilang yung daliri niya na para bang inaalala lahat ng utang ko sa kanya.
Sarap niyang batuhin ng kutsara, sabi ni Zaida di daw ito mabilang pagdating sa pera tapos ngayon binibilangan ako. "So, ibig sabihin libre lang ang pagpasok ko dito sa loob ng dalawang lingo?"
"Paanong libre, eh babawas ko nga sa utang mo?" mayabang na sagot ni Martin na para bang nakalkula na niya lahat.
"So wala man lang akong pera na gagastusin pamasahe ko, pagkain at pati pambili ng napkin wala din?" masingit kong sabi.
"May free meal ka kasama na breakfast, brunch, lunch, snacks and dinner. Sa pamasahe di mo na kailangan kasi hatid sundo ka at tungkol sa napkin na sinasabi mo kumpleto ka ng neccesities sa banyo may spare drees ka din dun kaya wala ka ng iisipin."
"Hatid sundo ako sa Bulacan?"
"Hindi sa may Manila!"
"Sa Manila?" ulit ko sa sinabi ni Martin.