webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · 现代言情
分數不夠
388 Chs

Kill This Love

"Hoy Michelle! Tagay mo!" Sigaw ni Anna sakin. Kasalkuyan na kaming nag-iinuman halos katatapos lang namin mag-lunch kaya nga busog pa ko kaya kung ako lang ayaw ko pa sanang uminom, kaya lang itong Anna na ito parang timawa sa alak ayaw pumayad na di kami magsimula kagad kaya wala akong nagawa kundi tunggain yung ipinatong niyang baso sa may lamesa.

Beer ang iniinom namin, request ko sana magkanya-kanya na lang sana kami ng bote kaya lang ayaw pumayag ng magaling na si Anna. Ang pagpapaikot daw ng baso ay sumisimbolo ng pakikipagkaibigan namin kasi nga daw umiinom kami sa iisang baso.

Dahil nga kailangan kong bumawi sa kanila di na ko nagreklamo at tahimik na lang na sumusunod sa mga request nila.

"Hoy Nina, ikaw na!" Muling sigaw ni Anna, talagang pinanindigan yung pagiging bungangera niya.

"Wait lang at hinuhugasan ko pa si Robie! Wag kang mag-alala di kita tatakbuhan!" Sagot ni Nina na nasa banyo. Dahil nga naiinip si Anna siya na yung tumungga nung para kay Nina.

"Oh sayo uli!" Sabay abot uli sakin ng baso.

"Parang broken hearted ka kaya gusto mong malasing kagad!" Pagrereklamo ko dahil nga tatlo lang kami ang bilis ng ikot, yung dalawa kasi si Christopher at Robert ram yung iniinom kasi nga daw nakakabusog lang daw yung beer ihi ka ng ihi.

"Talagang broken hearted ako!" Pag-amin ni Anna.

"Talaga?" Tanong ko pero alam ko naman wala na dung bago kasi si Anna yung tipo ng babae na halos buwan-buwan ay iba yung jowa. Halos lahat yata ng lahi naging boyfriend na niya kaya para sakin wala ng bago sa sinasabi niya.

"Eh bakit parang di ka naniniwala?" Taas kilay na tanong niya sakin.

"Ofcourse naniniwala ako, ikaw pa ba!" Sagot ko sa kanya habang nakatawa.

"Michelle ha sinasabi ko sayo wag mo kong ginaganya!"

"Bakit inaano ka ba?" Inosente kong tanong pero di nawawala yung ngiti sa labi ko.

"Hay naku, Michelle tigilan mo yan mamaya bumaha dito!" Comment ni Christopher habang naka tingin samin.

"Ganun, so ilang araw siyang umiyak?" Curious kong tanong.

"One day!" Mabilis na sagot ni Anna na parang wala lang yun.

"One day lang naman pala kala ko may naka break na sa record ni Andrew na iniyakan mo ng 1 week!"

"Wag mo nga yung mabangit-bangit!" Singhal sakin ni Anna.

"Okey fine, Oh ito baso uminom ka na uli para di ka na malungkot!" sabay lagay ko sa kamay niya ng baso Mabilis naman niya itong nilagyan ng alak, sabay tungga. Wala pang isang minuto nasa akin nanaman yung baso.

"Nak ng tokwa mukang gagapang yata ako nito pag-uwi ah!" Sabi ko habang nilalaro yung baso sa kamay ko.

'Paano ka gagapang eh hahatid ka naman namin, isa pa pwedi ka naman dito matulog kina Nina o kaya pasundo ka nalang sa boyfriend mo!" Sagot ni Anna sakin.

"Napasok nanamn yung boyfriend ko at magsisimula nanaman siya!" Sabi ko sa sarili ko at di nga ako nagkamali.

"Ayaw mo lang talaga siyang pakilala samin kasi natatakot ka na marealize niya na mas maganda ako sayo, kaya tinatago mo!"

"Ninang!" Sigaw ni Robie, buti na lang. Kasi ang hirap kausap ni Anna.

"Tapos ka na maghilamos?" Tanong ko sa kanya.

"Opo, bango na ko!" Sagot ng bata sakin sabay kandong sa akin.

"Oo nga bango ka na!" Sabi ko habang hinalikan yung kilikili niya. Agad naman tumawa yung bata dahil sa ginawa ko.

"Kaninong tagay ito?" Tanong ni Nina na umupo na rin sa tabi ko.

"Sayo!" Mabilis kong sagot maka ligtas man ang ng isang tagay feeling ko kasi bloated na talaga ako.

"Sabi mo sasaksak mo yung videoke Nina!" Malungkot na sabi ni Anna.

"Videoke ka pa eh sa bunganga mo palang sulit na sulit na kami sa ingay!" Pambabara ni Christopher.

"Kunyari ka pa gusto mo naman talaga mag videoke tayo para marinig mo uli kumanta si Michelle!"

"Para ka bang hinehele Pre, kapag narinig mong kumanta si Michelle?" Tanong ni Robert kay Christopher sabay akbay sa balikat niya.

"Dati nung kinakantahan siya ni Michelle para siyang hinehele ngayong binabangungut na siya kasi ang kanta ni Michelle ngayon sa kanya is yung, ! Haha...haha...!" Tuwang-tuwang sabi ni Anna.

Napailing na lang ako samantalang si Christopher di natuwa kaya binato niya ng tansan si Anna para tumigil sa pagtawa.

"Bakit namamato ka?" Tanong nito.

"Manahimik ka, ingay mo!"

"Ingay ko, ikaw naman talaga yun!"

"Isa pa!" Pagbabanta ni Christopher mukang napikon na sa kapatid.

"Tumigil na kayo!" Awat ko. Ganun naman sila laging magkapatid parang aso at pusa pero di naman sila dumadating sa pagsasakitan more on salita lang at sanay na kami dun pero mas tumindi yun dahil sa ginawa ni Christopher sakin buti nga ngayon nagsasama na sila kasi dati di talaga kahit magkasalubong di sila nagpapansinan parang di magkapatid at naka tira sa iisang bubong pero paglipas ng panahon naging okey naman na sila kasi nga sabi ko kay Anna dapat di siya apektado sa problema namin ni Christopher kasi baliktarin man yung mundo magkapatid parin sila.

"Sige na nga saksak ko na yung videoke para di na kayo mag-away!" Sabi ni NIna sabay tayo.

"Michelle kantahin mo yung salawahan ha!" Lambing ni Anna sakin. Gusto pa sanang sumagot ni Christopher pero inilapit na ni Robert yung alak niya sa bibig niya para pigilan siyang magsalita kaya umiling na lang ito.

"Baby Robie anong gusto mong kanta?" Tanong ko sa bata na nakaupo na sa tabi ko at busying busy sa panonod sa Ipod niya.

"Yung Kill this love!" Sagot naman niya sakin.

"Ano yun?" Takang tanong ko.

"Hay naku day! Wag na alam ko maganda boses mo pero di mo yun kaya!" Sabi ni Nina habang umupo na uli sa tabi namin dala-dala yung song book at mic.

"Ano nga yun?" Curious kong tanong, kasi basta may lyrics satingin ko naman kaya kong kuntahin.

"Mapapahiya ka lang kaya pumili ka nalang ng iba!" Sabay abot sakin ng music book.

"Type mo yung favorite ni Robie, kaya ko yun!" Mayabang kong sabi.

"Ito yung video!" Sabay play niya nung kanta.

"Puta! Oopsss Sorry!: Sabay cover ko sa bibig ko. Di ko mapigilang mapamura kasi naman Korean song yun at kahit anong galing kong kumanta malamang mahirapan akong kantahin yun. Di mapigilan ng lahat matawa dahil sa reaction ko.