webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · 现代言情
分數不夠
388 Chs

Jealous Boyfriend

Pagpasok namin sa Server Room ng hotel agad kaming nagsimulang magtrabaho ni Alvin.

"Ang daming fault naman nito!"

Reklamo ko paano tunog ng tunog yung alarm kaya medyo masakit sa tenga kaya di ko mapigilang mag complain.

"Sa mga hotel rooms ka mag check tapos ako check ko yung mga pinto and parking para mabilis tayo matapos"

"Sige!"

Matipid kong sagot at nagsimula na kong mag trabaho sa harap ng computer.

"May tatlong di maayos, mukang may problema mismo sa device. Puntahan mo nga muna!"

Utos ka kay Alvin.

"Bakit ako? Di pa nga ako tapos dito eh!"

Reklamo naman ng isa paano nakita niya na nasa 15th floor at 27th floor ang may problema.

"Bilisan mo na! Puro ka reklamo!"

"Ikaw naman puro utos! Ayoko... matapos mo kong busteded utos-utos ka!"

"Reklamo ka pa diyan sipain kita!"

"Yoko!"

Mabilis na tanggi ni Alvin.

"Bilisan mo na para matapos na tayo. Ako na tatapos niyang habang pupunta ko dun!"

Di sumagot si Alvin at patuloy parin siyang nag type sa computer niya. Tumayo na ko at kumuha ng tools sa bag ko at lumapit sa mesa niya pero bago ako tuluyang maka lapit agad siyang tumakbo.

"Ikaw na umakyat dun ayoko! Di mo ba alam sabi nila amy multo daw dun sa 27th floor. Kaya ikaw na!"

"Ah ganun!"

Mabilis ko siyang hinabol at nagpa ikot ikot kami sa lamesa dun sa server room na akala mo mga bata. Tuwang tuwa yung mokong habang ako nagpupuyos sa galit.

"Siguraduhin mo lang di kita maabutan sinasabi ko sayo tatamaan ka talaga sa akin!"

"Eh bakit ka ba kasi namimilit ayaw ko ngang umakyat dun Ikaw na kasi!"

Natatawang sagot ni Alvin sa akin. Dahil dun lalo nag init ulo ko kaya di ko napigilang batuhin siya ng sapatos ko. Na nahubad na kanina sa kakatakbo. Nasapul siya nito sa noo at agad na napa upo sa mahabang upuan nung matumba siya agad ko siyang tinukuran ng tuhod sa tiyan para tuluyan siyang mapahiga doon ko siya sinimulang pingutin sa kanang tenga.

"Ikaw ayaw mong makinig sa akin! Ang tigas ng ulo mo! Gusto mo talaga.....!

"Anong ginagawa niyo?"

Narinig naming sigaw mula sa may pintuan. Biglang nan laki yung mata ko ng makita ko si Martin na naka tayo doon na mabilis lumapit sa pwesto namin halos di pa ko naka recover ng maramdaman ko yung paghila niya sa akin papalayo kay Alvin.

Pagkatapos niya kong hilahin agad niyang dinampot sa kwelyo si Alvin at akmang susuntukin. Bago pa dumapo yung suntok niya agad kong iniharang yung katawan ko.

"Mali yung iniisip mo!"

"Tumabi ka!"

"Martin please! Bitawan mo siya!"

Sabi ko habang pumagitna ng tuluyan sa kanilang dalawa mahirap na baka magkagulo lalo pa nga at kitang kita ko yung mga ugat ni Martin sa braso na nagpuputukan parang gustong gusto na talagang manakit. Hinawaka ko yung braso ni Martin para kahit papano kumalma siya. Buti na lang binitawan niya na si Alvin at tumalikod halatang nagpipigil siya ng galit.

"Sige na Alvin punta ka muna sa 27th floor! Check mo muna anong problema dun ako na bahala dito!"

Pagtataboy ko sa isa buti naman agad itong sumunod at inayos yung damit niya bago dinampot yung tools sa lamesa. Pero bago siya tuluyang lumabas ng pinto muli niya kong tiningnan na parang nagtatanong kung magiging okey lang ba ako pag iniwan niya ko. Agad ko siyang tinanguan para sabihan siyang okey lang. Pasalamat na lang talaga ako kahit papano di pinatulan ni Alvin yung init ng ulo ni Martin.

"Kaya ka pala busy!"

Sarkastikong sabi ni Martin sa akin.

"Di naman yun sa ganun....!"

Di ko na natapos yung pagpapaliwanag ko ng bigla akong barahin ni Martin.

"Di naman yun sa ganun! Eh ano yung nakita ko?"

"Usap tayo mamaya kapag kalmado ka na! Pahinga ka muna, tapusin ko lang ito!"

Di ko maiwasang mapabuntong hininga bago ako pumunta sa lamesa kung nasaan yung laptop ko.

Nagsimula uli akong magtrabaho habang si Martin ay naupo sa upuan pero ang mga mata niya ay nasa akin. Di ko akalaing na darating siya ngayon kanina kasi nag text siya sa akin asking kung asan daw ako sympre dahil honest naman ako sinabi ko kung nasaan ako malay ko ba na andito na pala siya sa Manila. Ang masaklap pa nahuli pa kami sa ganung sitwasyun doon ko lang naisip na napaka ackward pala ng posisyun namin ni Alvin kanina pero para sa akin wala talaga yung malisya pero paano mo nga iyon papaliwanag sa isang JEALOUSE BOYFRIEND. Kung mamalasin ka nga naman totoo namang busy ako kanina di ko naiwasang mapahawak sa noo bigla kasing sumakit lalo pang may matang naka tingin sayo na para bang gusto kang kainin.

Naputol yung pag-iisip ko ng bigalang tumunog yung cellphone.

"Hello!"

"Kamusta ka?"

"Okey lang, nakita mo na yung problema?"

"Paano ko makikita eh basta mo lang ako pinapunta dito ngi wala kang sinabi kung anong pintuan ang titingnan ko. Ano ito isa-isahin ko?"

Pang-aasar sa akin ni Alvin. Malapit narin itong bumingo sa akin dinadagdagan pa yung stress ko. Pag tingin ko sa gawi ni Marin naka titig parin siya sa akin at naka kunot yung noo na parang nagtatanong kung sino kausap ko. Para matapos yung pagduda niya nilagay ko na lang speaker yung cellphone para alam niya na malinis ang kunsensya ko.

"Sa may room 2719 yung may problema."

"Sige check ko!"

"Alin pa yung dapat gawin dito sa boom?"

"Connect mo na lang sa server naayos ko na yan tinanggal ko lang!"

"Sige, Pagkatapos mo diyan sa room 2730 ang isa. Tapos sa may 15th floor sa unang pinto lang 1501."

"Okey!"

Matipid niyang sagot. Maya-maya naramdaman ko si Martin umupo na sa tabi ko hinila niya yung isang stool malapit sa akin. Di ko alam para tingnan yung ginagawa ko o para marinig niya ng malinaw yung pinag-uusapan namin ni Alvin.

Hinayaan ko lang siya at nagpatuloy ako. Matapos ng ilang minuto naging okey na yung lahat nawala na yung beeping.

"Okey na Alvin!"

"Sige, balik pa tayo office?"

Gustuhin ko mang bumalik para maka iwas sana sa isang taong na nasa tabi ko di ko magawa kasi makikita ko sa mata niya ang pagbabanta na parang nag sasabi "subukan mo lang sumama uli diyan sa lalaking yaan lagot ka talaga sa akin!"

"Uwi na tayo! Ako na lang magrereport kay Boss Helen!"

"Okey! Sige Ingat!"

Di na ko nag paalam at agad ko ng ibinabab yung phone mahirap ng may masabi pang di maganda si Alvin. Inayos ko yung mga gamit ko at inilagay sa bag. Nung pagtayo ko doon ko lang napansin na wala pala akong suot na sapatos agad ko itong hinanap sa pamamagitan ng mata ko.

Nang makita ko agad ko itong isinuot at niyaya na si Martin.