"How long it takes para malaman mo kung saan may error?" tanong ni Martin sakin.
"Bigyan mo ko hanggang two weeks."
"Ang tagal ng two weeks?" reklamo ng Finance head.
"Di naman kasi basta-basta yung gagawin natin, pweo sabi niyo nga mali yung design so I need to check una sa plano kung may error nga if ever wala sa plano I need to check the implem baka may human error if ever waka I need to check the material na ginamit, so madami akong dapat consider para ma conclude natin kung sino yung mali." paliwanag ko.
"Paano naman kami makaka sigurado na magiging acurate yung imbestigasyon mo? Eh ang pagkakatanda ko is dati mong Boss itong si Helen at yung nagdesign nung Casa Milan Subic ay dati mong ka-trabaho at kung di ako nagkakamali ay dati mo ding manliligaw," tanong ng Head Secuirty sakin na punong-puno ng pagduda.
"Mukang nagimbestiga kang mabuti Sir ah tungkol sa personal kong buhay!" naka ngiti kong sabi.
"Syempre kailangan naming malaman kung sino yung sinasabi ni Helen na pinagkakatiwalaan niya na magbibigay samin ng linaw sa tunay na nangyari sa Subic at kung sino ang mali. Maliban sa nagtrabaho sa America bilang Engineering din, I think wala namang special sayo para pagkatiwaalaan ka namin na di ka magiging biased sa imbistigasyon mo." sabi uli nung head ng security.
"Maliban sa sinabi ni Helen na may experienced ka sa pagdedesign nung fiber optic na ikaw lang din naman yung nagkwento wala kaming iba pang dahilan para magtiwala sayo." sagot naman nung head ng Legal.
"Sabagay pwedi nga naman talaga akong maging biased kasi Ex ko nga yung Boss niyo and I think walang Ex na magkaibigan." sagot ko sa kanilang dalawa at dahil dun bigla silang natahimik di ko alam kung dahil yun sa pag-amin ko na magiging biased ako o dahil inamin kong Ex ko yung Boss nila at di kami friends.
"By the way regarding credibility, I worked also as a System Engineer sa loob ng dalawang taon. I have my masteral degree in design, circuits, and hardware design sa University of Regina. Here is my license and certification for fiber optic design." pagkasabi ko nung aya agad kong inilatag sa harap nila yung mga lisensya ko. Maliban kasi sa pagtatrabaho ko sa America pinag-aral din ako ng kumpanyang pinapasukan ko para maging fully equip ako sa trabaho.
Makikita ko sa muka nila yung pagkabigla habang naka tingin sa mga lesensya ko, "So may question pa po kayo?" tanong ko uli habang dinadampot ko yung mga lesensya ko para ibalik sa bag ko.
"Paano namin masisigurado na di ka binayaran ni Helen para maging pabor sa kanya yung desisyun mo?" Tanong ng sa Finance na unang naka recover sa pagkakabigla.
"Actually, di pa namin napag-uusapan yung sahod ko. Sino nga ba magpapasod sakin?"
"Ako!" mabilis na sagot ni Martin habang naka sandal sa upuan niya at seryosong naka tingin sakin.
"So, yun Boss niyo pala magpapasahod sakin so ibig sabihin siya yung Boss ko!" Confident kong sabi pero di ko maiwasang mapatingin kay Boss Helen kasi di niya yun nasabi sakin kasi kung alam ko lang na si Martin yung magpapasahod sakin baka tumanggi ako pero syempre di ko siya matanong kagad kasi nga nasa gitna pa kami ng pagatatalo regarding my credibility.
Di na nakibo yung tatlo kasi nga isa lang ang nagpapasahod samin, hanggang sa mapag-usapan yung gagawing proseso ng imbistigasyon at ang ending dahil nga si Martin ang magpapasahod sakin sa kanya ako reporting.
"Great News!" sabi ko sa utak ko pero parang gusto kong ibungo yung ulo ko sa pader.
Pagkatapos ng meeting agad akong tumayo para sana makausap si Boss Helen na unang lumabas na para bang iniiwasan ako pero bago pa ko makalabas sa pintuan ng opisina ni Martin ay agad niya kong tinawag.
"Michelle!" casual niyang sabi. Balak ko sanang ignore siya kasi nga need ko talagang maka usap si Boss Helen pero muli niya kong tinawag.
"Michelle kailangan nating mag-usap."
"Bwist!" nausal ko bago lumapit sa table niya. Nawala kasi yung confidence ko lalo pa nga pinangalandakan ko kanina sa mga head niya na Ex niya ko.
"Sit down!" utos niya sakin sabay turo sa upuan na nasa harapan ng lamesa niya kaya wala akong nagawa kung sumunod at umupo.
"Paki lista lahat ng mga kakailanganin mo para mapa-ayos ko" sabi niya uli sakin habang inabutan ako ng note pad na agad ko namang tinanggap.
Unang kailangan ko yung blue print and list ng mga materials na ginamit at dahil yun lang naman ang kailangan ko mabilis akong natapos magsulat.
"Ito na po Sir!" sabi ko sa kanya habang inaabot sa kanya yung papel na agad din niyang kinuha at binasa.
"Di mo kailangan ng laptop or desktop, ballpen, notebook, lapis, calculator?" Dirediretso niyang tanong.
"Okay lang Sir meron naman ako nun sa bahay kaya di ko na kailangan" mabilis kong sagot sa kanya. Pinilit kong ngumiti para maitago yung kaba sa dibdib ko. Ewan ko ba parang di ako kumportable sa pakikipag-usap kay Martin kasi grabe yung tingin niya sakin lalo na kapag tinatawag ko siyang Sir. Siya kasi napaka casual lang na parang bang okay lang kaming dalawa.
"So dadalhin mo yun dito?" taas kilay niyang tanong.
"Di na po kailangan sa bahay nalang ako magtatrabaho."
"Sa bahay?"
"Opo!"
"Haha..haha... mukang di napaliwanag sayong mabuti ni Helen yung sitwasyon." sabi ni Martin sakin kaya agad akong napa kunot noo. Ibig ba nun sabihin maliban sa di niya sinabi sakin na si Martin ang magiging Boss ko meron pa siyang tinago saking iba.
"What do you mean?" tanong ko para maliwanagan ako.
"Simula ngayon dito ka magrereport sa office, actually pinapaayos ko na yung magiging table mo," sabay turo niya sa lamesang ipinasok lang kanina ng dalawang lalaki na nakalagay sa may gilid ng lamesa niya. Bala L- shape yung position ng dalawang lamesa, kung uupo ako dun makikita niya yung side profile ko at lahat ng ginagawa ko samantalang ako kung di ko siya sasadyaing linungin di ko makikita kung anong ginagawa niya.
"Seriously?" tanong ko sa kanya na feeling ko kasi may something siya na di ko mapaliwanag. Sa halip na sagutin ako tumango lang siya. Pagkakita ko nun agad akong tumayo at binitbit yung bag ko, wala naman kasi kaming kumtratang pinirmahan kaya pwedi akong magback-out any time.
Di ko sure kung magugustuhan niyo ito!!
Tagal ko itong nirevise pero di ko makuha yung saktong timpla.
Pls comment....