webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · 现代言情
分數不夠
388 Chs

Defensive?

Saktong pagbaba ko nasa parking lot na si Mang Kanor at hinihintay ako.

"Good Evening po Ma'am!" Magalang na bati niya sa akin habang pinagbubuksan ako ng kotse sa likurang bahagi nito.

"Sa unahan na lang po ako uupo, wala naman po si Martin." Sagot ko kay Kuya at binuksan ko na yung front seat at tuluyan na kong pumasok doon ayaw ko naman kasi umastang Boss sa harap ni Mang Kanor para di siya mailang sa akin. Isinara na lang ni Mang Kanor yung pintuan sa likod at pumunta na sa driver seat at pinaandar na yung sasakyan at di na nagreklamo.

"Ma'am ano po yung gusto niyong kainin?" Muling tanong ni Mang Kanor sa akin habang nag mamaneho siya.

"Huh?" Takang tanong ko.

"Nagbilin po kasi si Sir na pakainin daw po muna kita bago ka daw po kayo ihatid." Paliwanag sa akin ni Kuya habang patuloy na nagmamaneho.

"Busog pa naman po ako saka isa pa po nagluto si Mama sa bahay kaya doon na lang po ako kakaian." Magalang kong sagot sa kanya.

"Kaya lang po kasi yun ang bilin ni Sir!"

"Ako na bahala text ko na lang siya!" Sabay ngiti sa kawawang driver. Mukang takot na takot suwayin ang utos ng amo niya kaya para makapante siya inilabas ko na yung phone ko para itext si Martin.

"Hon, sa bahay na lang ako kakain ha! Nagluto kasi si Mama ng masarap na ulam." Text ko kay Martin na agad naman niyang nireplyan.

"Matagal pa yung biyahe mo! Baka gutumin ka, mag drive thru nalang muna kayo sa isang fast food chain sa malapit. Kung ayaw mong kumain sa restaurant para lang di ka gutumin habang nasa biyahe ka." Reply ni Matin sa text ko.

"Okey lang ako, nagmeryenda naman ako kanina kaya di pa ko gutom."

"Kumain ka kahit lite snack lang baka ma-traffice kayo." Muling reply niya at dahil mukang di talaga siya papayag na di ako kumain no choice kundi utusan si Mang Kanor na mag drive thru sa isang burger shop na malapit. Ganun naman si Martin sabagay kapag hinahatid niya ko sa bahay nag di-dinner muna kami kaya di ako ginugutom inaalala niya siguro na baka kumalam yung sikmura ko.

"One piece burger sakin Kuya with cheese saka regular french fries and Ice tea. Order ka narin po ng para sayo." Sabi ko kay Mang Kanor sabay abot ng one thousand pero di niya iyon tinanggap kaya nagtaka ako.

"Okey na po Ma'am binigyan po ako ng pera ni Sir para po sa pagkain mo!" Sagot sa akin ni Mang Kanor at tuluyan ng omorder pero nung marinig kong di siya omorder para sa kanya agad ko siyang sinabihan.

"Omorder ka rin po ng para sa inyo!"

"Okey na po ako Ma'am isa pa po mag di-drive po ako." Tanggi ni Mang Kanor.

"Hindi po omorder na kayo!" Medyo tinaasan ko yung boses ko para malaman niyang dapat niya kong sundin. Kaya kakamot-kamot si Mang Kanor na omorder para sa kanya ano namang klase akong tao kung hahayaan ko siyang walang kinakain habang ako ngumunguya.

Pagkakuha namin sa order namin inutusan ko siyang mag park muna sa gilid para maka kain kaming dalawa kasi syempre para maiwasan yung inaalala niya kanina.

Kasalukuyan na kaming kumakain ni Mang Kanor ng tumawag si Martin.

"Hello!" Sagot ko habang ngumunguya. Sinagot ko kasi kagad yung phone ng makita kong siya ang tumatawag.

"Kumakain ka na?" Tanong niya sa akin marahil dahil sa boses ko na medyo ngo-ngo dahil nga sa pag nguya.

"Opo!" Matipid kong sagot habang uminom ng iced tea.

"Kaya pala di ka nag-reply ipinagpalit mo na ko sa pagkain." Pag da-drama niya.

"Ayaw ko lang maistorbo yung pambabae mo kaya di na ko nagreply."

"Michelle!" Tawag niya sakin.

"DEFENSIVE?" Mabilis kong sagot sa kanya. Kapag tinawag niya yung pangalan ko alam ko di siya natutuwa sa sinabi ko.

"Wait ka lang tatawagan ko si Mang Kanor at ipapahatid na lang kita sa Pad ko at humanda ka sa akin." Pagbabanta niya sa akin.

"Ikaw naman Honey ko di ka mabiro." Paglalambing ko.

"Biro mo diyan!" Galit parin niyang sabi sa akin.

"Haha... haha... Asan ka bakit parang tahimik sa pwesto mo?" Pagbabago ko ng usapan baka mamaya tawagan niya nga si Mang Kanor at ipahatid ako sa lugar niya malaki ko yung problema kung nagkataon baka kalbuhin na ko ng Mama ko. Even do alam naman niyang na pumupunta na ko bahay ni Martin pero di niya alam na kaming dalawa ni Martin ang nandun at sympre di niya rin alam yung paminsan-minsan kong pagtakas para maka tulog dun at talagang magduda yun kung sakaling di pa ko uuwi ngayong araw kasi nga alam niya galing pa ko sa provincial work ko.

"Lumabas muna ako kasi nga di ka nagreply kaya nag-alala ako na baka di mo sinunod yung utos ko kaya tinawagan kita." Paliwanag niya sa akin.

"Kumain na ko omorder ako ng burger saka fries. Bumabuyahe na kami uli pauwi sa bahay!" Sabi ko kay Martin para alam niya na sinunod ko yung gusto niya. Pinaandar na kasi uli ni Mang Kanor yung sasakyan nung matapos siyang kumain. Senenyasan naman niya ko kung okey lang at tumnago naman ako. Ayaw ko naman i-delay ng matagal si Mang Kanor sa biyahe namin lalo pa nga at susunduin pa niya si Martin kasi iinom yun ng alak kaya di pwedi mag drive.

"Text mo ko kapag naka rating ka na ha!"

"Opo!" Matipid kong sagot.

"I miss you!" Lambing niya sa akin.

"Miss kagad halos seven hours pa nga lang tayo di nagkikita tapos kausap mo naman ako halos oras-oras miss kagad. Baka nga mabilis kang magsawa sa akin." Sarkastikong sagot ko sa kanya.

"MICHELLE DE VERA!" Banggit niya sa buong pangalan ko at na may diin pa.

"Haha... haha...! Di ko mapigilang matawa malamang nanlalaki nanaman yung singkit niyang mata habang sinasabi yung buo kong pangalan at alam ko galit na talaga siya kaya dinaan ko nalang sa tawa.

"Umayos ka nga! Text mo ko kapag nasa bahay ka na!" Kalma niya ng marinig ang tawa ko.

"Opo!" Muli kong sagot sa kanya di ko na siya inasar kasi alam ko naman naiinis parin yun kasi nga di siya naghatid sa akin.

"Ingat ka! I love you!" Malambing niyang sabi sa akin.

"I love you too! Wag masyadong magpaka lasing ha! By the way may dala ka bang condom?" Pa inosente kong tanong uli sa kanya.

"Honey, wag mo na ko i-reverse psychology I assure to you na ikaw lang para sa akin." Pag comfort niya sa akin.

"I'm happy to hear that!" Masaya kong sagot. Siguro yung lang yung gusto kong marinig mula kanya yung assurance na ako lang ang babae para sa kanya at di siya titingin sa iba and dahil dun masaya ako at kuntento na.