webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · 现代言情
分數不夠
388 Chs

Chapter 384

Pagkatapos kong kumain ay muli akong bumalik sa kwarto para pagppatuloy yung pagliligpit ko pero di ko pa naayos yung damitan namin ni Martin ng makaramdan ako ng pagkirot sa puson ko, kaya huminto ako sa ginagawa ko at nagpunta sa banyo.

Tama nga yung hinala ko dumating yung buwanang bisita ko kaya agad akong nagpalit ng damit. Di ko na tinapos yung ginagawa ko kasi nga tumindi na yung menstrual cramps ko kaya naisip ko muna itulog baka sakaling mawala.

"Hon," narinig kong may tumatawag sakin kaya dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Si Martin iyon na naka upo sa gilid ng kama namin habang hinahaplos yung mukha ko.

"Dito ka na?" takang tanong ko, feeling ko halos di pa ko nakatulog ng matagal kaya nagtaka ako kug bakit andito na si Martin. Bumaling ako ng tingin sa may bintana ng kwarto namin at naaninag kong maliwanag pa sa labas kaya muli akong nagsalita.

"Bakit andito ka na?" Usually kasi madilim na kung umuwi si Martin.

"Umuwi ako ng maaga kasi kanina pa kita tinatawagan sa phone mo di ka sumasagot kaya nag-alala ako." sambit niya sakin habang dinampian ako ng halik sa labi.

"Dito lang naman ako sa bahay, ano ba naman yung dapat mong pag-alala saka dapat tinawagan mo si Manang Susan para nalaman mo yung sitwasyon kaysa nagmadali kang umuwi," panenermon ko kay Martin habang inaabot ko yung phone ko na nasa side table.

Nakita ko nga dun na may apat na miscall si Martin sakin pero ewan ko ba di ko yung narinig, marahil dala narin na sakit na nararamdaman ko kaya di ko yun inintindi.

"Ano ba yari sayo?" tanong niya sakin habang inalalayan akong umupo.

"Wala naman naka tulog lang ako," sagot ko sa kanya habang sumandal ako sa head board ng kama namin

"Eh bakit namumutla ka?"

"Dumating na kasi yung buwanang bisita ko kaya ganyan pero mamaya mawawala rin yung sakit na nararamdaman ko," paliwanag ko bago ko hinila yung neck tie niya na nakakabit parin sa leeg niya.

Naka suot parin kasi si niyang pang trabaho niyang damit kaya ako na yung nagluwag nun para matanggal na.

"Sobra bang sakit? Gusto mo dalhin kita sa hospital?" nagpapanic na sabi ni Martin sakin bago niya hinawakan yung dalawa kong kamay.

"Ano ka ba, normal lang ito!" saway ko sa kanya.

"Ang putla mo kasi," protesta niya habang hinahaplos yung mukha ko na parang iniinspeksiyon niya yung mukha kong mabuti kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Okay lang ako, mawawala rin ito mamaya. Nagmeryenda ka na ba?" pagbabago ko ng usappan.

"Di pa, sabay tayo!"

"Sige, bihis ka muna bago tayo bumaba," sabi ko kay Martin.

"Sige!" mabilis niyang sagot bago tumayo at pumunta sa closet namin.

Tumayo narin ako kasi nga feeling ko puno na yung napkin ko kaya naisip kong magpalit nalang muna.

"Shit!" di ko mapigilang mapamura kasi ngayon ko lang naalala na wala na pala akong napkin kasi di pa ko nakabili kasi nga halos one week pa lang ako dito sa bahay namin ni Martin. Tapos yung ginamit ko kanina last pad ko na yun na nasa bag ko na nakatago in case of emergency na kapag umaalis ako.

"Bakit Hon?" tanong ni Martin sakin mula sa labas ng banyo. Marahil narinig niya yung pagmumra ko.

"Hon, wala na kong pad!" sagot ko sa kanya.

"Ay ganun!"

"Oo, utusan mo naman si Manang Susan na ibili muna ako sa malapit na tindahan para may ipalit lang ako then saka mo ko samahan bumili sa grocery mamaya pagkatapos natin magmeryenda," sabi ko kay Martin.

"Ako nalang bibili kasi nagluluto si Manang Susan," sagot sakin ni Martin.

Yun naman ang gusto ko sa asawa ko napaka considerate niyang tao.

"Baka di mo alam?" pag-aalala ko, syempre kahit papano lalaki siya kaya wala siyang alam sa mga ganung bagay na for girls.

"Maliit lang yan na bagay bakit di ko malalaman, Ano bang brand yung bibilhin ko may specific ka ba?" tanong niya sakin.

"Bili mo ko ng Modess yung with wings saka yung for nights!"

"Sige, wala ka ng ibang papabili?"

"Bili mo ko chocolate!" pahabol ko kasi yun yung pang ease ko sa mensural cramps na umaatake nanaman kaya kung ako lang gusto ko talaga naka higa lang sa kama para matulog para di ko maramdaman yung pain na ito.

Pag-alis ni Martin ay lumabas narin ako at pinili kong tumayo nalang sa may bintana habang naka tanaw sa labas. Paano di ako maka upo or makahiga kasi nga wala akong suot na pad, mahirap ng mamantsahan yung upuan at kubre kama namin sa kakapal ba naman ng mga sapin nun," Ewan ko nalang di umiyak si Manang Susan sa kalalaba."

Kaya tiniis kong tumayo, buti nalang mabilis lang si Martin. Makalipas lang ng ilang minuto ay naka balik na siya at may bitbit na dalawang plastic. Isa naglalaman ng pads samantalang yung isa naman ay chocolate na ibat-ibang brand at flavor.

"Dami mo namang binili," reklamo ko habang inabot ko yung binigay niyang isang pack ng pads.

"Para sure na di ka mauubusan," naka ngiti niyang sagot sakin. Di na ko sumagot at dumiretso na ko sa banyo.

Paglabas ko ng banyo, wala si Martin pero hinayaan ko nalang kasi nga iniisip ko baka pumunta sa study room niya kaya humiga na ko sa kama para kahit papano maibsan yung nararamdaman ko, isa pa masakit yung paa ko kasi nga sa pagkakatayo ko kanina.

"Tihaya ka Hon, lagya natin ng heating pad yung puson mo!" utos ni Martin sakin na di ko namalayang nakabalik na pala. Agad naman akong sumunod saka niya ipinatong yung heating pad sa bandang ibaba ng tiyan ko.

"Binili mo?" na-curios kong tanong kung saan nangaling yung heating pad na dala niya.

"Oo, tinanong ko kasi yung kakilala kong doctok at epektibo daw yan pangtanggal ng menstrual cramps pero kapag sobra daw talagang sakit, painumin na daw kita ng pain reliever kaya sabihin mo lang para maka inom ka ng gamot."

"HIndi, okay na ko!" sabi ko naman kay Martin kasi ayaw ko namang sanayin yung sarili ko sa gamot kapag nakakaramdam ako ng sakit.