webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · 现代言情
分數不夠
388 Chs

Chapter 366

"Pasok ka na?" tanong ko kay Martin ng makita ko siyang naka bihis na ng pang opisina habang nakaharap sa salamin at nag-aayos ng neck tie niya. Samantalang ako ay nanatiling naka dapa sa kama kasi masakit parin yung katawan ko katatatapos lang namin ng walang kapagurang exercise.

"Hmmm," tanging sagot ni Martin bago lumapit sakin ng matapos sa ginagawa.

"Buti naman," sabi ko habang muli kong isinubsob yung sarili ko sa unan kasi nga balak ko pang matulog.

"Anong sabi mo?" tanong ni Martin bago ako hinila sa baywang para makalapit sa kanya. Naka-upo na siya sa gilid ng kama.

"Wala!" iwas ko baka kasi mahumaling nanaman siya sa kagandahan ko at di nanaman lumayas.

"Parang ayaw mo kong papasukin ah!" pang-aasar ni Martin sakin habang hinahaplos niya yung lumabas kong binti. Paano kasi hanggang nayon wala parin akong saplot sa katawan at ang tanging tumatakip sakin ay yung kumot na pinulupot ko kaya lang dahil nga sakakaiwas ko sa isa di ko namalayan na lumabas na pala yung legs ko.

"Umalis ka na at tambak na yung trabaho mo sa opisina," pagtataboy ko sa kanya.

"Mukang ayaw mo talaga akong paalisin eh!" sagot uli ni martin sakin habang inuumpisahan nanamang hilahin yung kumot na nasa akin.

"Hon naman!" di ko na mapigilang magreklamo paano sa loob na tatlong araw at apat na gabi naming magkasama wala na kaming ginawa kundi magmake love parang pagkatapos naming kumain yun kagad ginagawa namin pero ewan ko ba sa taong ito walang kapaguran.

"Bakit?" inosente niyang tanong na para bang takang taka sa reaction ko.

"Di ba nangako ka na , sabi mo kanina isa na lang at aalis ka na tapos nag-uumpisa ka nanaman!"

"Anong bang ginagawa ko?"

"Anong ginagawa mo eh tingnan mo nga yang kamay mo kung saan naka patong!" di ko na mapigilang bulyawan siya paano nasa dibdib ko nanaman yung palad niya.

"Minamasahe lang eh!"

"Masahiin mo yung muka mo!" angil ko kay Martin bago ko hinampas yung palat niya na di parin niya inaalis.

"Hon, parang ayaw ko pa talagang pumasok!" muling lambing ni Martin habang hinahalikan ako sa pisngi.

"Pwedi ba Hon, maawa ka naman kay Yago," panenermon ko pero di ko lang masabi na maawa ka naman sakin pero totoo naman kasi kanina pa tawag ng tawag yung personal assistant niya kung anong oras daw siya papasok kasi nga ang dami niyang naka pending na for signiture.

Dalawang linggo siyang di nagpakita sa opisina kaya halos mabaliw-baliw na si Yago sa mga meeting and othe schedule ni Martin. Samantalang yung magaling kung asawa tuwang-tuwa sa kagugulong sa kama na para bang wala ng paki sa buhay basta makapatong lang.

"Dapat nga siya sayo, kakasal lang natin tapos gusto niya iwan na kita kagad," napangiwi ako ng marinig ko yung sinabing iyon ni Martin at di ko talaga napigilang irapan siya.

"Bakit ganyan ka maka tingin?" natatawang tanong ni Martin sakin at saka ako kinurot sa tagiliran.

"Ewan ko sayo!"

"Ewan mo pala ah!" sigaw ni Martin bago ako pinatihaya at ng akma na niya akong papatungan ay dali-dali ko siyang itinulak.

"Magugusot yung damit mo!"

"Eh di magpapalit ako," mabilis niyang sagot at tinatangka ng luwagan yung suot niyang neck tie.

"Hon naman! Marami pa tayong oras na magkasama baka pweding pahinga naman na tayo ang sakit na talaga ng balakang ko." di ko na talaga mapigilang magreklamo.

"Masakit na?"

"Hmmm, sobra!" pagdadrama ko sabay pakita sa kanya ng nakakaawa kong mukha at kung pwedi lang umiyak ako para tumigil na siya. Feeling ko kasi drain na drain na ko.

"Hays!" buntong hininga ni Martin bago ako hinalikan sa labi.

"Sasabihan ko si Manang Susan wag kang istorbohin, matulog ka pa ha!" sabi niya uli bago niya inayos yung kumot para matakpan ako maayos.

"Ingat ka!" sabi ko ng tumayo na siya.

"Uwi ako kagad, wag kang mag-alala kaya magpahinga ka ng maayos kasi four rounds tayo uli mamaya!" sambit ni Martin bago tuluyang lumabas ng kwarto namin. Di ko tuloy alam kung dapat ko pa bang ituloy yung pagtulog ko o dapat na kong magalsa balutan at umuwi na sa bahay namin.

Di ko talaga akalain na ganun ka powerful si Martin pagdating sa kama na para bang isang bull na ngayon lang nakakita ng babae. Makalipas pa ng ilang minuto ay muli akong naka tulog.

Nagising ako alas dos na ng hapon at dahil nga kumakalam na yung sikmura ko napilitan na kong bumangon. Naligo muna ako bago ako bumaba. Naka suot ako ng jogging pants at saka loose na t-shirt, gusto ko sanang magsuot ng short at sleeve less kasi nga medyo mainit pero di pwedi nakakahiya kasi makita ni Manang Susan yung mga kiss mark ko sa katawan.

"Handa ako ng pagkain Mam?" tanong ni Manang Susan ng makita akong pababa ng hagdan.

"Please po!" mahina kong sagot. Gutom na gutom kasi ako, pasalamat na lang talaga ako at umuwi na kagabi si Manang at may naghahanda na ng pagkain namin kasi wala pa talaga akong lakas para kumilos sa kusina. Nung kaming dalawa lang ni Martin siya lang talaga halos ang kumikilos, paano ba naman kung pangigilan niya ko kulang na lang ubusin niya lahat ng lakas ko, ultimo nga paliligo at paglilinis ng katawan ko siya na yung gumagawa kasi laging nanginginig yung mga tuhod ko kapag tumatayo ako buti nalang nakatulog ako ng mahaba kaya medyo okay-okay na ko.

"Mam, saglit lang po at initin ko lang yung sabaw," sabi ni Mamang Susan ng makita niya kong umupo na ko sa hapag kainan.

"Sige lang po!" sagot ko habang inaabot ko yung ubas na nasa ibabaw ng lamesa pang pawi ng gutom pero akalipas ng ilang minuto ay inilagay narin ni Manang yung pagkain. Nagluto pala siya ng bulalo na tamang tama na pang pawi sa gutom ko.

"Kumain po ba si Martin kanina bago umalis Manang?" tanong ko habang humihigop ako ng sabaw.

"Di po Mam, sabi po niya sa office na daw po siya kakain kasi daw po late na siya!"

"Pasaway talaga!' nasambit ko nalang at nagpatuloy ako sa pagkain.

Paano late na siya nagising kanina at sa halip na kumilos para pumasok sa opisina ang unang ginawa ay pumasok sakin pampabuhay daw ng dugo ang ending tuloy di na kumain sabagay mas importante naman yata sa kanya ang makain ako kaysa kumain ng tunay na pagkain.

Pagpasensyahan niyo na si Author kapag minsan di nakakapag-update medyo busy nanaman.

pumirangcreators' thoughts