webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · 现代言情
分數不夠
388 Chs

Chapter 355

Mabilis ko yung kinuha sa cabinet at saka ko binuksan yung pinto pero laking gulat ko ng bigla akong yakapin ni Martin at halikan.

"Bitawan mo ko!" pagpupumiglas ko.

Pinipilit kong iniiwas yung muka ko para di niya ko mahalikan sa labi. Buti nalang ay nasa pagitan naming dalawa yung karton kaya di niya ko mahawakan ng maayos.

"Mag-usap tayo!"

"Wala na tayong dapat pag-usapan, Ito na yung mga bigay mo sakin, kunin mo at umalis ka na!" sabi ko sa kanya saka ko idinukdok yung karton sa dibdib niya.

"Hon naman!" sambit niya habang hawak-hawak na niya yung karton.

"Umalis ka na, ayaw na kitang makita!"

"Alam ko naman na mali ako kasi bigla akong umalis tapos di pa kita natawagan at natext man lang pero sana hayaan mo naman akong magpaliwanag." sabi ni Martin na lumalakad papalapit sakin na siya namang pag-atras ko para lumayo ang distansya naming dalawa.

"Anong ipapaliwanag mo sakin, na balak mo kong gawing kirida?" mataray kong tanong at kung makakapatay lang yung tingin ko malamang namatay na si Martin pero kung tutuusin kanina ko pa siya gustong-gustong suntukin at kagatin, makaganti man lang ako sa panloloko niya sakin.

"Ano ba yang pinagsasabi mo?" naiiritang tanong ni Martin sakin habang huminto na siya sa pagabante.

"Pinagsasabi ko, bakit akala mo ba di ko malalaman na pinakasalan mo na si Ellena at ako pinapaniwala mo na kasal na tayo para ano para makuha mo ko? Nakuha mo na, ano pa bamng gusto mo?" nangingig kong sabi. Di ko mapigilang itikom yung dalawang palad ko para mapigilan ko yung galit na nabubuo sa dibdib ko.

"Sino nagsabi sayo niyan?" galit na tanong ni Martin sakin.

"Di importante kung sino nagsabi sakin ang importante alam ko na yung totoo kaya umalis ka na sa bahay namin. ALIS!" sigaw ko sa kanya.

"Di yan totoo!" sabi ni Martin na muling lumakad papalapit sakin.

"Sinungaling ka, manloloko! Umalis ka na dito!"

"Michelle di yan totoo!" sigaw din ni Martin.

"Di totoo? Na ako nag-aalala sayo kasi di mo ko tinatawagan tapos malalaman ko kasama ka lang pala ni Ellena. Oo nga pala magkaka-baby na kayo. Congrats ha!" sarcastic kong sabi habang tumutulo ang luha ko na agad kong pinahiran ng dalawa kong palad.

"Michelle di ko maintindihan yung pinagsasabi mo pero ang alam ko lang di yan totoo, maniwala ka sakin." sambit ni Martin na pinipilit akong hawakang sa braso pero mapilis kong hinampas yung kamay niya para di niya yun magawa.

"Umalis ka na at dalhin mo na itong mga basurang bigay mo sakin!" sabi ko kay Martin na sinadya ko pang sipain yung box na nasa sahig na inilapag niya kanina.

"Hays, Listen Michelle. Sasabihin ko sayo uli. Di totoo yung sinsabi mo at kung sino man yung nagsabi sayo wag kang maniwala!" sabi ni Martin na halatang pinipilit niyang pakalmahin yung sarili niya.

"Umalis ka na!"

"Michelle!"

"Tapos na satin ang lahat, aalis na ko bukas kaya wag ka ng mangulo! Palakihin mo nalang yung anak mo ng maayos mas kailangan ka niya." sabi ko kay Martin na sinadya kong wag tingnan sa mukha kasi lalo akong nasasaktan.

"For God sake, ano ba yang pinagsasabi mo? Michelle naman tingnan mo ko!" sigaw ni Martin na sinadyang hinablot ako para tingnan ko siya sa mata.

"BItawan mo ko, Ano ba?" pagpupumiglas ko at dahil nga sa nangyayaring komosyon saming dalawa at sa sigaw ko mabilis na umakyat si Mike at walang pagpipigil na sinuntok si Martin.

"Bitawan mo yung ate ko!"

"Mike!" tili ko bago ko niyapos si Mike, paano kasi tumumba si Martin at balak pa siyang muling suntukin ni Mika kaya pinigilan ko na.

"Nag-uusap lang kami ng ate mo," paliwanag ni Martin habang dahan-dahang tumatayo.

Nakita ko na may sugat yung gilid ng labi niya marahil dun tumama yung kamao ni Mike kanina.

"Nag-uusap, eh kitang kita ko na pinupwersa mo yung ate ko, Umalis ka na!" galit na galit na sabi ni Mike na kahit pinipigil ko na ay gusto pang kumawala para muling suntukin si Martin.

"Tumigil ka na nga!" sambit ko kay Mike. Maya-maya ay umakyat narin si Mama.

"Umalis ka na Martin," sabi ni Mama pagdating niya sa kwarto ko.

"Ma di pa po kami tapos mag-usap ni Michelle,"

"Wala na kayong dapat pang pag-usapan kaya umalis ka na!" galit na sabi ni Mama sabay turo sa may pintuan ng kwarto ko.

"Umalis ka na!" sigunda ni Mike.

"Hon please mag-usap ng maayos," baling ni Martin sakin pero gaya kanina di ko siya tiningnan sa halip ang nagsalita ako.

"Wala na tayong pag-uusapan pa, tapos na yung satin kaya umalis ka na!"

"Lalabas ako ng bahay niyo pero di ako aalis, hihintayin kong maging handa ka para pakinggan yung paliwanag ko." sabi ni Martin bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Di niya binitbit yung kartong binigay ko sa kanya. Pag-alis ni Martin ay sumunod narin si Mike, marahil para siguraduhing aalis talaga yung isa.

"Magpahinga ka na," sabi ni Mama bago siya lumabas at isinara yung pinto ng kwarto ko.

Paglabas ni Mama ay bigla akong napa-upo sa kama ko at doon ako umiyak haban nasa mukha ko yung dalawa kong palad. Di ko mapigilang mapahagulgol kasi ang sakit sakit ng puso ko na para siyang dinudurog.

Kung puso ko lang yung yung masusunod gusto ko siyang yakapin at tanggapin yung sorry niya pero yung utak ko ayaw kasi ang sinasabi niya wag ko daw hayaang maging kirida ako at marami pang lalaki sa mundo kaya di ko kailangang ipagsiksikan yung sarili ko kay Martin. Samantalang ang puso ko ay sumisigaw ng pagmamahal.

Di ko alam kung gaano ako katagal umiyak at ng mapagod ako saka ako humiga para makatulog na ng makalimutan ko yung sakit na nararamdaman ko pero kahit anong gawin kong pikit di ako makatulog kaya muli akong bumangon para kumuha ng maiinom.

Kaya bumaba ako sa baba para kumuha ng tubig ng bigla akong mapatingin sa may bintana namin. Di kasi nakababa yung kurtina kaya kitang-kita ko si Martin dun na naka-upo sa hood ng kotse niya habang nagpapaulan at naka tingin sakin.