webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · 现代言情
分數不夠
388 Chs

Chapter 204

"Baba ka na!" Muli kong remind sa kanya paano naka tingin lang siya sa akin.

Di ko tuloy kung may dumi ako sa muka or ano pero bako ko pa siya matanong kung bakit agad na siyang nagsalita.

"Napaka Hot mo Hon kapag ganyan yung ayos mo."

"Huh?" Tanging nasagot ko.

Paano ba naman naka loose t-shirt lang ako tapos naka short ng maiksi tapos yung hair ko is naka messy bun yung tipikal na ayos ng babae kapag naglalaba so di ko maisip asan ang "HOT" dun.

Napatingin ako sa leg na halos expose kasi nga sobang iksi ng short ko baka yun ang tinutukoy niya muli ko siyang tiningnan para sana sabihan na asan ang "Hot" pero di ko na yun nagawa ng bigla niyang hawakan yung dalawa kong pisngi at siilin ako ng halik.

"Shit.. kasasabi lang ni Papa eh na dahan dahan sa paghalik kasi namamaga na yung labi ko tapos ito nanaman siya sinisibasib nanaman ang mga iyon." Nasabi ko sa sarili ko.

"Maglinis ka na nga dun... lagyan mo ng kurtina yung bintana ko ha, tapos punda yung mga unan at kubre kama." Iretabling sabi ko sakanya nung bitiwan niya yung labi ko pero hawak parin niya yung dalawang pisngi ko.

Sa halip na sumagot muli niya kong hinalikan kaya wala akong nagawa kundi itulak na siya sa dibdib para lumayo siya sa akin baka kasi biglang umakyat si Mama makita kaming dalawa.

"Ikaw ba pumunta dito para tumulong o para lang magnakaw ng halik!"

"Pareho! Pero mas gusto kong magnakaw ng halik!" At muli akong dinampian ng halik sa labi.

Nung uulitin pa sana niya uli ang paghalik agad ko na siyang hinampas sa braso.

"Istorbo ka... Umuwi ka na nga!" Naiinis ko ng sabi.

"Haha... haha... Sige na maglilinis na po ako kamahalan!" Sagot niya sa akin pero bago pa tumayo nagnakaw pa ng isang halik.

Pababa na siya ng tawagin ko siya.

"Hon!" Nilingon niya ako habang naka ngiti halatang satisfy siya sa pinaggagawa niyang kalokohan.

"Pagkatapos mong maglinis matulog ka ha!" Sabi ko sa kanya paano napansin ko yung eyebag niya mukang kunti lang yung tinulog niya kagabi. Tigas kasi ng ulo.

"Opo!" Magalang niyang sagot na sinuklian ko ng ngiti at muli akong nagpatuloy sa paglalaba samantalang siya ay bumaba na.

________________________________

"Ate kain daw muna!" Tawag sa akin ni Mike.

Di ko napansin taghalian na pala kaya pala medyo gutom na ko.

"Sige sunod ako!" Sagot ko habang naghuhugas ng kamay at paa para mawala yung sabon na kumapit sa akin.

"Si Kuya Martin?"

"Nasa kwarto ko ako nalang tatawag."

"Sige!" Sagot niya sabay talikod.

Agad din naman ako sumunod pero dinaanan ko muna si Martin para tawagin.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

"Nagbabasa!" Matipid niyang sagot sa akin pero di inaalis yung tingin sa binabasa niya.

"Alam ko nagbabasa ang tanong ko bakit mo yan binabasa!" Akma ko na sanang hahablutin yung binabasa niya nung iniwas niya iyon para di ko maabot.

"Bakit tinatago mo pa yung mga sulat ng mga manililigaw mo pati nung sa Ex mo?"

"Souvenir!" Maiksi kong sagot habang dinampot ko yung ibang mga sulat na nagkalat sa kama na sa tingin ko ay binasa niya isa-isa.

"Wag mo muna silang ihalo di ko pa tapos basahin yung nasa karton!" Sabay iwas yung karton sa akin nung akma kong ilagay yung naipon ko sa kama.

"Wag mo saking sabihin balak mong basahin yan lahat?"

"Oo babasahin ko lahat."

"Huh ang dami niya baka abutin ka ng umaga." Ipinatong ko muna sa lamesa yung naipon ko sabay upo sa tabi niya.

"Kapag di ko natapos uuwi ko sa bahay."

"Haha... Ayos ka!"

"Bakit?" Takang tanong niya.

"Hello... love letter yan ng mga manliligaw ko at personal ko yang gamit kaya bawal mo yang dalhin baka mamaya itapon mo."

"Actually yun nga sana talaga ang balak ko."

"Ano ka!" Mabilis kong sagot.

"Bakit?"

"Anong bakit akin yan. Akin na nga!" Sabay hablot ng karton sa kanya.

Inilagay ko na rin yung iba pang mga sulat pero di ko na natapos yung ginawa ko ng hablutin ako i Martin para paupuin sa lap niya.

"Bakit importante ba yan sayo? Saka bakit wala akong nakikitang galing sa akin diyan?" Seryoso niyang tanong sakin.

"Sabi ko nga sayo souvenir ko ito....!" Di pa ako natatapos magsalita ng magsalita si Martin.

"Souvenir mo sa EX mo!" Galit niyang sabi.

"Di lang kanya yung andiyan noh!"

"Pati nga yung sa ka-officemate mong si Alvin andito din pati yung rose na bigay niya sayo preserve mo pa samantalang kanina ko pa ito kinakalkal wala man lang akong makitang galing sa akin ano kanila lang gusto mong itago tapos yung akin binabalewala mo?" Galit niyang sabi.

"Andun yung sayo sa isang box!" Sagot ko sa kanya sabay pisil sa ilong niya.

"Talaga?" Duda niyang tanong.

"Opo, andun sa isang box. Bitaw kukunin ko!" Sabay tayo ko bitbit yung box.

Ibinalik ko muna yung box sa dati niyang lagayan saka ko kinuha yung susi para buksan yung isang pinto ng cabinet at doon ko kinuha yung isang floral blue box kung saan naglalaman ng mga bagay ni Martin sa akin.

Inabot ko yun sa kanya na agad naman niyang kinuha at binuksan.

Doon bumungad sa kanya yung mga bagay na bigay niya sa akin.

"Itong card lang ang sulat ko sayo?" Takang tanong niya.

"Oo yan lang, nakuha ko yan diyan sa rose na naka clip sa kanya."

"Ganun ba?"

"Opo, more on metrials kasi yung bingay mo sa akin."

"Bakit tinanggal mo yung sing-sing mo?" Tanong niya nung makita niyo doon yung engagement ring na bigay niya sa akin pati yung promise ring niya.

"Tinanggal ko lang saglit kasi nga diba naglalaba ako baka mamaya matanggal yung diamont bumara sa washing." Naka ngiti kong paliwanag.

Di siya kumbinsido sa sagot ko at nanatiling naka kunot ang noo.

"Mamaya na yan kain muna tayo!" Naalala ko yung purpose ko sa pagpunta.

"Sige!" Pag-sang ayon niya.

Muli kong kinuha yung box sa kanya at ibinalik kung saan ko iyon kinuha kanina.

"Anong iniisip mo?" Tanong ko paano kasi para siyang tulala.

"Iniisip ko lang simula bukas dapat bigyan na kita ng letter dapat mas sweet dun sa mga pinagsusulat ng mga manliligaw mo at lalo na dun sa Ex mo."

"Bahala ka! Tara kain na tayo." Muli kong yaya gustom na kasi talaga ako.